Confused

"Oh, bakit nagkukumpulan 'yung mga 'yun?" usisa ni Olive nang matanaw ang nangyayaring komosyon sa may lobby.

"Na-post na 'yata 'yung employee of the quarter," sagot ni Gianna na noo'y abala sa paghahalo ng kapeng hawak. "Tara, tingnan natin."

Kusang nahawi ang kumpulan nang dumating ang dalawa.

"Girl! Ikaw ang employee of the quarter. Congrats!" Magkabilang beso ang natanggap ni Olive mula sa kaibigan. Nagsipagsunuran naman sa pagbati ang mga empleyadong nandoon.

"Paanong— Bakit—?" takang tanong ni Olive. Isa-isa niyang tiningnan ang mga empleyadong nakatingin sa kaniya.

Kumawit si Gianna sa braso ng kaibigan. "Nagtaka ka pa. E ikaw ang may pinakamataas na sales nitong nakaraan." Sinundot ni Gianna ang tagiliran ng kaibigan kaya nakiliti si Olive. "Deserve mo 'yan!" Napapalakpak pa si Gianna sa katuwaan.

"Miss Barcelo, may I have a word with you?" Napalingon ang magkaibigan sa nagsalita. Si Mrs. Camingao.

Tinanguan ni Olive ang kaibigan saka tinungo ang direksiyon ng kaniyang boss. Iginiya siya nito sa sariling opisina.

"The directors have decided to offer a promotion to you, Olive."

"Promotion?" Ilang beses na imimulat-pikit ni Olive ang mga mata para manigurado.

"Yup!"Malaki ang impact ng latest sale mo sa revenue ng kompanya so the management want to give this opportunity to you." Hinawakan ni Patriciah ang dalawang kamay ni Olive. "You'll handle a team just like me."

Napahugot ng paghinga si Olive at mataman lang na nakatitig sa boss niya. Her dream is right in front of her. The dream that she'd been wanting to get the first time she stepped her foot on this building.

Being a team leader will open doors for her to a lot of privileges. Bukod sa titriple ang sahod niya kumpara sa kasalukuyang sinasahod, puwede siyang makapag-travel around the world to attend seminars na sagot ng kompanya ang gastos.

Itinutop ni Olive ang mga kamay sa bibig at nagsisimula nang magkabutil-butil ng luha ang gilid ng kaniyang mga mata sa labis na kasiyahan.

"Salamat, boss."

"It's about time." Patriciah gave her a pat on her left shoulder. "You'll be under probation for three months. Kaya do your best to show the bosses what you got."

No words can express how happy Olive is that time.

♡♡♡

"Oops!" Hinarangan ni Nicky si Olive pagkalabas ng huli sa Dunkin Donut shop. Hindi naman 'yun inalintana ng dalaga. Inisip na para lang hangin si Nicky. Itinuon ang atensiyon sa paper bag na hawak.

Ngunit malakas ang lalaki. Ayaw talagang paraanin si Olive.

"Ano ba?" may pagkayamot nang sabi ni Olive.

Napatawa si Nicky na panay pa rin ang harang sa daraanan ng dalaga.

"Iniiwasan mo ba ako?" Pinamaywangan siya ni Nicky.

"Hindi." Mas iniyuko ni Olive ang ulo para itago ang pamumula ng mukha. "Tabi na kasi."

Nicky held her pulse, seryoso na ang mukha nito. "Iniiwasan mo ako eh."

Olive looked around and found an empty table outside the donut shop. "Let's sit there."

♡♡♡

"I think we should stop seeing each other."

Kumunot ang noo ni Nicky sa pagtataka.

"What do you mean?"

Humugot ng malalim na paghinga si Olive na agad din niyang pinakawalan.

Olive looked at Nicky. "You're making me confused more, Nicky. At natatakot ako sa maaaring kalabasan habang tumatagal."

"Is that because I told you that I like you?"

Iniiwas ni Olive ang tingin sa binata. "Y-You were drunk that time." Olive bit her lower lip. "Hindi mo alam ang sinasabi mo noo—"

"I really do, Olive." Nicky reached for her hands and cover those with his own hands.

Redness went all over Olive's face which did not escape Nicky's eyes. Tiningnan niya ang binata nang may pagtatanong sa mga mata.

"Do you like me too?"

Umalingawngaw ang tanong na iyon ni Nicky sa tainga ni Olive.

"A-Ako? Hindi 'no!" Tumayo na si Olive. "Tapusin na natin 'tong namamagitan sa atin habang maaga pa."

Hinawakan ni Nicky ang kamay ni Olive. Minasahe ang palad nito gamit ang hinlalaki.

Nicky stood up. He leaned towards Olive and whispered. "Kaya mong tapusin?"

Napapikit si Olive na noo'y sunod-sunod ang paghinga. "N-Nicky. S-Stop."

Pasimpleng nilingon ni Nicky ang paligid. Nang sa tingin niya ay wala namang nagmamasid sa kanila ay mas pinag-igi pa niya ang pagmasahe sa palad ng dalaga na noo'y nagsisimula nang mamawis.

"Nicky...." she pleaded to him with begging eyes. "Babalik na ako sa work."

"No. You'll come with me." He smirked. "I'm you're client at marami pa tayong unfinished business tungkol sa bahay na binili ko." He seductively laughed while whispering to Olive.

Wala nang nagawa ang dalaga kundi sumama sa lalaki. She couldn't resist his charm!

♡♡♡

"I am glad that Ayume is recovering faster than we expected," Nicky told Olive as they walk on the hallway of the hospital. Kabibisita lang nila sa pamangkin ng dalaga.

Olive beamed a smile. "She's a fighter. Mana sa tita."

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. "Salamat nga pala, Nicky ha? You're a life-saver. Without you, we may have lost my niece." She held Nicky's right elbow. "How can I repay you?"

Nicky put his thumb and forefinger under his chin. "Hmm?" In a second, a wide grin formed on his lips.

"H-Hoy. I know what you're thinking!" Pinakawalan ni Olive ang siko ng kasama at pinagkrus ang mga kamay.

"Psssh." Nicky smirked. "Hindi ako tulad ng ex mo who'll take advantage of you. If we'll do it, I want to ask your consent. Na dapat parehas nating gusto mangyari 'yun." He hold Olive's right hand. "Come."

Nagpatianod na lang si Olive sa binata na noo'y iniisip pa rin ang mga huling sinabi nito.

♡♡♡

Nasa Mang Inasal sila ngayon. Dito kasi pinili ni Olive na kumain sila kaysa sa mamahaling restaurant.

"Rice pa, Sir," tawag ni Nicky sa isa sa server ng restaurant.

Agad na lumapit ang server at sinalinan ng mainit-init na kanin ang pinggan ni Nicky.

Hinintay ni Olive na makalayo ito saka siya dumukwang at kumuha ng kaunti sa bagong salin na kanin sa pinggan ng binata.

"Yown!"

Masiglang itinuloy ni Olive ang pagkain. Hindi niya alam pero aliw na aliw siyang pinanonood ni Nicky.

"I told you, dalawang unli rice na dapat ang in-order natin. Ako naman ang magbabayad eh," natatawang sabi ni Nicky.

Nginuya muna ni Olive ang nasa bibig bago nagsalita. "You know I can afford unli rice too, right? 'Yung thrill kasi 'yung habol ko rito." Napahagikhik ang dalaga.

"Sabagay..." Nicky poured chicken oil to the rice on his plate. "I like thrill too." Makahulugan niyang tinitigan ang dalaga.

Napaubo si Olive na noo'y kasusubo lang ng bagong kanin na may halong manok.

Inabot ni Nicky ang isang baso ng tubig sa dalaga. "Dahan-dahan lang kasi ang pagsubo, baby." Kumuha siya ng tissue at ipinunas iyon sa gilid ng bibig ng dalaga. "Slowly and gently." Nanatili siyang nakatitig kay Olive habang dahang-dahang inilalapit sa bibig ang kanin na may halong manok.

"Alam mo, Nicky. Gagi ka talaga." Olive rolled her eyes and continued eating. She looked away from Nicky dahil baka hindi siya makapagpigil na gawin itong appetizer.

♡♡♡

"What are we doing here?" Olive said as they entered a fashion boutique in Alabang Town Center.

Pinisil lang ni Nicky ang palad ng dalaga na noo'y hawak niya.

A retail associate approached them. "Hi, Sir and Ma'am. Welcome to our boutique. Ano po'ng hanap ninyo?"

"A formal gown..." Nicky looked at Olive. "... for her. Preferrably, wine red."

Marahang tumango ang kausap at tiningnan si Olive mula ulo hanggang paa. "Perfect!" Tumalikod na ito upang kuhanin ang isang damit na naka-display. It is a straight neckline gown in elegant wine red satin. The dress has thin straps & a low back with ruffled detail and a fifty centimeter mermaid train.

"Ma'am. Bagay po sa 'yo ito. Bagong labas lang." The employee lead her to the fitting room.

Matapos ang sampung minuto ay iniluwa siya ng pinto ng fitting room.

"B-Bagay ba?" nahihiyang tanong ng dalaga kay Nicky na noo'y matamang nakatitig sa kanya.

Hindi sumagot si Nicky. Para bang napatda lang ito sa kinatatayuan.

"Nicky."

"Ohh.." Saka lang ito natauhan nang muli siyang tawagin ni Olive. "Okay lang ba? I mean, hindi ba masyadong malaswa? Para kasing masyadong revealing."

Nicky looked at her from head to toe. "Baby, it's perfect. Bagay na bagay sa 'yo."

Napailing-iling si Nicky na 'di makapaniwala. He averted his gaze to the retail associate. "We'll take it, miss."

♡♡♡

"Para saan ba 'to, Nicky?" takang tanong ni Olive habang sinisilip ang naka-staple na paper bag na hawak.

They stopped for a while. Nicky faced her. "Dad and Mom planned a birthday celebration for me tomorrow." He winked at her. "I'll pick you up quarter to seven in the evening, okay?"

"H-hoy. Nicky. T-Teka."

Nicky pouted. "Kawawa naman ang birthday boy bukas. Walang partner kung 'di ka papayag."

"Sige na." Inilaylay ni Olive ang balikat. She sighed in defeat. "May magagawa pa ba ako?"

"Really?" Nicky joyfully asked her for affirmation.

Tumango-tango lang ang dalaga.

"Yes!" Binuhat siya ni Nicky at pinaikot-ikot.

"Uy, Nicky! Ibaba mo ako!"

Imbes na ibaba siya ng binata ay tuluyan na siya nitong binuhat palabas ng mall.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top