Billboard Girl

"Nand'yan na pala ang ating billboard girl!"

Naghiwa-hiwalay ang mga katrabaho ni Olive nang makapasok siya sa lobby ng kanilang opisina.

Tipid na napangiti ang dalaga habang bahagyang nakayuko ang ulo.

"Naku, Olive! Hindi ka nagsasabi na bigatin ka na!" untag ni Grei na kapwa niya broker.

"Shookt din ako marz! Napabili tuloy ako ng sandosenang Alluring White Soap bago pumunta sa office. Ipapa-autograph ko!" ani Zsazsa, ang beki nilang accountant. Dali-dali itong kumuha ng pentel pen at iniabot ang mga sabong nakalagay sa eco bag. "Pirmahan mo na, marz!"

Natatawang-naiiling si Olive na noong una'y nag-aalangan kung pipirmahan ba ang kahon ng sabon. Pero sa huli ay ginawa rin niya 'yun.

"Here," anang dalaga pagkatapos pumirma. "Mga mare cakes, salamat sa support ninyo ha? Sobrang na-appreciate ko."

Siniko nang mahina ni Grei ang dalaga. "Sus, ikaw pa ba? Basta walang limutan kapag nakaangat na sa laylayan ha?"

Napatawa na lang si Olive bilang kasagutan.

Abala sa pamimigay si Zsazsa ng autographed soaps sa mga katrabaho nang mapansin ni Olive ang boss na si Patriciah. Umalis siya sa umpukan para lapitan ito.

"Boss."

Isang totoong ngiti ang isinalubong ni Mrs. Camingao sa kaniya.

"I heard about the huge success of the billboard. I saw it too while heading to work." Iniabot niya ang isang kamay sa dalaga. "Congratulations."

Inilagay ni Olive sa tainga ang nakaharang na buhok sa mukha. Pinukulan niya ng ngiti ang kausap.
"Salamat, boss."

Inilagay ni Patriciah ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang coat. "I have nothing against it as long as hindi napapabayaan 'yung responsibility dito sa work ha?" Inilagay nito ang kanang kamay sa balikat ni Olive. "Malapit nang matapos ang quarter. We're still too far from the actual target."

Napasinghap si Patriciah. "I hate to say this pero kung hindi natin mami-meet ang quota, baka may manganib sa inyong matanggal." Tiningnan siya nang makahulugan ng kaniyang boss.

"Y-Yess, boss."

Sinundan ni Olive ng tanaw si Patriciah hanggang sa makasakay ito sa elevator.

Lupaypay na tinungo ni Olive ang kaniyang office.

"Olive!" Madaling pinaglalabas ni Gianna ang mga sabong nakalagay sa handbag at ipinatong iyon sa lamesa ng dalaga. Siya ang nabungaran ni Olive pagpasok ng huli sa sarili nitong opisina.

Sinalubong nito ang dalaga at sabik na bineso-beso. "Congrats, girl!" Napapalakpak pa ito sa katuwaan.

"Salamat." Pilit na nginitian ni Olive ang kaibigan. Tinungo agad ang desk at walang ganang ipinatong doon ang bag.

"Oh? Parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa? We should be celebrating!" May kinuhang champagne si Gianna sa bukod na eco bag na ipinatong niya sa upuan. Inalis ang cork at sumirit doon ang alak. "Congrats again on your first ever exposure to the madlang people!"

Kinuha nito ang dalawang wine glass at nilamnan. Iniabot ang isa kay Olive.

"Cheers!"

♡♡♡

"Bakit hindi ka humingi ng tulong kay Nicky? I am sure marami 'yang connections na puwede mong maging potential buyers."

Umiling-iling si Olive. "Huwag na. Baka isipin noon e kaya ako nakikipag-sex sa kaniya e para sa gano'n."

Sinimsim ni Gianna ang alak sa hawak na wine glass. "Do you think gano'n mag-isip si Nicky?"

Olive sighed. She shook her head.

"Did you ever think the same na kaya ka niya niyayaya ng sex e para kuhanin kang model ng Allu—"

"No!" Napasandal si Olive sa upuan. "Hindi gano'n si Nicky."

"That's the point." Pumunta si Gianna sa may bintana upang tanawin ang labas. "Lapitan mo na si Nicky. Hindi ka naman manghihingi ng pera eh."

"Fine." Lumapit si Olive sa kinaroroonan ng kaibigan para tanawin ang labas.

♡♡♡

Naghahanda na para mag-lunch break ang dalaga nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Kuya Jerico niya ang tumatawag.

Akma niyang sasagutin ang cellphone nang mamatay ang tawag. Sa puntong iyon ay nakita niyang nakakadalawampu mahigit na tawag na pala ito sa kaniya, bagay na ikinataka niya.

Iniisip pa niya ang maaaring dahilan ay tumawag muli ang kuya niya.

"Kuy—"

"Olive! Si Ayume!"

Matamang nakinig si Olive sa kapatid. Nang matapos ang tawag ay nanginginig niyang ibinaba ang cellphone at sinukbit ang bag. Tumakbo siya palabas ng building nang walang lingon-likod.

♡♡♡

"Kailangan na ni Ayume ng immediate kidney transplant, Olive." Napasabunot si Jerico sa buhok. Kita sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "Hindi na niya kinakaya ang dialysis."

Umupo ang lalaki sa tabi ni Olive sa labas ng room kung saan naroon si Ayume. Yumuko ito habang sapo pa rin ang ulo. "Hindi ko alam kung saan huhugot ng pang-transplant. May donor na. Pera na lang ang kulang."

Hinawakan ni Olive ang balikat ng kaniyang kuya.

"Gagawa ako ng paraan, kuya. Huwag kang mag-alala."

Walang salitang namutawi sa bibig ni Jerico. Gumanti lang siya ng yakap sa kapatid at doon niya ibinuhos ang lahat.

♡♡♡

Kanina pa pilit na kinokontak ni Olive si Nicky ngunit hindi sumasagot ang binata. Binigyan sila ng taning ng doktor na kailangang maisagawa na ang transplant sa loob ng 24 to 48 hours, kung hindi ay manganganib ang buhay ni Ayume.

Napakagat sa pang-ibabang labi si Olive. She swiped her finger to her contact list and looked at one person's name.

Gino Revadulla

♡♡♡

"Son, here's Georgina, daughter of Bertie Ahern," pagpapakilala ni Mr. Byrne sa dalawa.

Abot-tainga ang ngiti ng dalagang si Georgina nang magtama ang mga palad nila ni Nicky. Ayaw pa sana niyang humiwalay ngunit nagkusa na si Nicky na bawiin ang sariling kamay.

"Oh, ano pa ang hinihintay natin? Huwag nating paghintayin ang pagkain," saad ni Mr. Byrne. Bumaling siya sa katabi na si Mr. Bertie Ahern. "Kumpare, mabuti pa at pangunahan na natin ang pagpunta sa lamesa."

Nagsipagsunuran na rin ang mga asawa nito sa pag-upo. Akmang hahakbang si Nicky nang biglang kumawit si Georgina sa braso niya.

Labag man sa loob ay hinayaan na lang niya ang dalaga.

♡♡♡

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang tumunog ang cellphone ni Nicky. Inilibot ang paningin para humingi ng permiso sa mga kasalo upang sagutin ang tawag.

"I should take this call. Baka may nangyari sa kumpanya."

Tumango-tango ang pamilya Ahern bilang pagsang-ayon. Ngunit nang dumako ang tingin niya sa ama ay iba ang ibig ipakahulugan ng mga mata nito.

Hindi na niya tiningnan ang nasa caller screen at agad nang pinatay ang cellphone. Pagkatapos ay itinuloy na ang pagkain.

♡♡♡

"Gianna, have you seen Olive?" bungad ni Nicky sa dalaga nang makita itong papalabas ng building. Doon siya agad dumiretso pagkatapos ng family lunch kasama ang pamilya Ahern. Napagtanto niya kasing si Olive ang sumusubok tumawag sa kaniya kanina. Kinutuban siya nang hindi maganda kaya napahangos siya sa opisina ng dalaga.

"Nicky, may kailangan kang malaman."

Napatuwid sa pagtayo ang binata. Inihanda ang mga tainga sa sasabihin ng dalaga.

"Nasa panganib ang buhay ng pamangkin ni Olive at kailangan niya ng malaking halaga para sa kidney transplant as soon as possible. She was trying to contact you earlier to ask help kung baka may kakilala kang puwedeng bumili agad ng ibinebenta niyang property kaso hindi ka niya ma-contact."

"Where is she, Gianna?"

Humugot muna ng paghinga ang dalaga at tiningan nang mataman si Nicky.

♡♡♡

"I know that this day will come." Isang tusong tawa ang pinakawalan ni Gino. Nakatingin ang lalaki sa aquarium na nasa loob ng master's bedroom na kinaroroonan nila ni Olive.

"Andami mo pang satsat. You just want sex, right? Then go ahead. But before that, I want the cheque of the payment for this house first."

Nilapitan ni Gino ang dalaga at hinaplos ang pisngi nito.

"Ganyan ka na ba kadaling makuha ngayon? Remember the days? Halos lumuha ako ng dugo makaisa lang sa 'yo pero ayaw mo talagang pumayag. And now?"

Nakipagsalubungan ng matalim na titig si Olive. "Enough of the questioning! My goodness! May sakit ang pamangkin ko, Gino! Gagawin ko ang lahat para sa mga mahal ko sa buhay kahit.. kahit ibigay ko... ang... ang sarili ko..."

Sunod-sunod na paghinga ang pinakawalan ni Olive.

"Paano na ang marriage before sex principle mo? All gone with the wind for the sake of money?" Gino smirked and reached for his cheque booklet. He signed one and throw it to Olive.

"P110,000,000.00. You're all mine."

Itinulak ni Gino ang dalaga papunta sa kama at pumaimbabaw siya. Mararahas na halik ang iginawad niya sa dalaga na noo'y pinangingilidan na ng luha.

"You're all mine, Olive. You're all mine!"

"G-Gino, hindi ako makahinga!"

Ngunit hindi natinag ang lalaki na tuloy lang sa paglantak sa mga labi ng dalaga.

"Shit. I can now taste a virgin body! Hindi tulad ni Roxanne na nalaspag na ng ibang lalaki bago ko mabuntis!"

Tumayo ang lalaki at sabik na pinagtatanggal ang butones ng polo. Akma niyang tatanggalin ang sinturon nang mapatumba siya sa sahig.

"What do you think you're doing, douchebag?"

"N-Nicky?"

"Who the hell are you?!" ani Gino na pinilit tumayo habang nagdurugo ang mga labi dahil sa suntok ni Nicky.

Ngunit imbes na sumagot ay pinaulanan ni Nicky ng suntok ang lalaki.

"N-Nicky!"

Kung hindi pumagitna si Olive ay baka natuluyan na si Gino.

"Don't. You. Ever. Touch. My. Girl!"

Nanlisik ang mga mata ni Gino dahil sa narinig mula kay Nicky.

"My girl?" Hirap man ay tumayo ulit si Gino sa tulong ng suporta ng lamesa sa likod niya. Napatawa ang lalaki. Nilapitan si Nicky at kwinelyuhan. "Huwag kang makialam, p're. Buhay ng pamangkin ni Olive ang nakasalalay rito." Tumingin si Gino kay Olive na noo'y nakaupo na sa kama. "At ang career niya!"

Itinulak ni Nicky ang lalaki patungo sa pinto. Pinulot ang tseke na kanina'y ibinato nito sa dalaga.

"That's why I'm here. I already bought this entire house."

Gino's fists clenched while giving Nicky a dagger look.

"I'm giving you ten seconds to go out before I call the police and file trespassing charges against you."

"Fuck!" Paika-ikang umalis si Gino. Ngunit bago siya mawala sa paningin ng dalawa ay pinukulan muna nito si Olive ng tingin.

Isinara ni Nicky ang pinto ng kuwarto at nilapitan si Olive na noo'y nagsisimula nang humikbi. Umupo siya sa tabi nito.

"Are you hurt?" Hinaplos ng lalaki ang likod ng dalaga para pagaanin ang loob nito.

Ngunit imbes na sumagot ay sumuksok lang siya sa dibdib ng lalaki at doon pumalahaw ng iyak.

"Hush baby. Everything is fine." Sa puntong iyon ay ikinulong na niya sa mga bisig ang dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top