Chapter 8
*beep beep*
Tiningnan ko yung cellphone ko.
-Yeshua L. Torribio sent you a friend request-
I was about to click confirm but then I got a notification
Fjord Manalastas: Claire.
I arched my brow. What now?
Yes?
I replied. He gave me a message asking how my day went.
Okay... 'Heart wag kang umasa, remember last time na umasa ka?!'
Bumuntong hininga ako at napatingin sa bintana, nag-aaway ang tatlong kulay sa kalangitan hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa ganyang oras ng araw sa sitwasyong di ko inasahan.
Nalate ako ng uwi dahil may tinapos ako sa library, nakasalubong ko si Fjord at nang malalampasan ko na sya ay pinigil nya ang balikat ko.
Umangat ang tingin ko sakanya.
"Bakit?" Nagkatinginan kami, his hazelbrown eyes made me admire his face. It reminded me of chocolate, I must be hungry.
I stared back with my pitch black eyes until I noticed the envelope he was holding.
Napansin nya yata yon kaya nagkamot sya ng batok at namula ang kanyang mga pisngi.
Awee shy Fjord is so adorable.
"Oh." Sabay abot nya sakin ng sobre.
"Sakin ba'to?" Kinuha ko iyon. Tiningnan ko ito. It looks like a love letter with hearts as a pattern.
"Ahm ipapabigay ko sana, para kay Yumi?"
Naramdaman kong kumirot yung dibdib ko. Nice one.
"Ah ganon ba? O sige." Lalakad na sana ko paalis ng may sinabi pa ulit sya.
"Huwag mong sabihin na galing sa akin ha?" Pahabol nya. Tiningnan ko nalang sya ng malalamlam na mata saka ngumiti.
"Sige hindi ko nalang sasabihin." Nginitian ko ulit sya tsaka umalis na.
Akala ko naman...
Bakit ang sakit? Pakiramdam ko kasi ako yon, na yung mga tingin na ibinibigay nya ay para sakin.
Ha! Katabi mo palagi si Yumi wag kang assumera. I flashed a sour smile.
I got back to my senses when I recieved another message.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top