Chapter 7

Makalipas ang ilang araw, may nangyaring nakapagpaguho sa buhay ni Cristine.

Papaakyat nako ng room nang makita kong umiiyak si Cristine kasabay si Daisy na bestfriend nya.

Flashback

'Ayos naman na yung ate ko kaso si papa parang nag-iiba na ng salita eh.'

End of Flashback

Biglang bumalik sa utak ko yung usapan namin dati.

Nag flag ceremony kami at pagkaraan ay sumunod kay Cristine ang mga kabarkada nya para pagaanin ang kanyang loob.

Napatunghay ako. Naalala ko pa dati yung sinabi nya sakin

'Magdodoctor talaga ako tapos pagagalingin ko si papa!'

Masaya sya non habang kinikwento iyon. Napabuntong hininga nalang ako at inipon ang hangin sa aking pisngi. Ang hirap siguro nito para sa kanya.

"Uy Claire!" Tinabihan ako ni Fjord. Tinignan ko lang sya habang may hangin pa rin sa pisngi.

"Cute mo naman mukha kang chipmunk." Nginitian nya ako.

Saglit lang heart wag kang kumabog dyan, inasar ka na nga oh?!

"Compliment ba yon o insulto?"

"Eto naman. Pinapasaya lang kita mukha kasing ang lungkot mo."

Tiningnan ko lang sya saka muling iniwas ang tinginng magtamaang aming mga mata.

Pumasok si ma'am at sinabi ang nangyari sa aming kaklase. Nagkaroon ng contribution para sa alay na ibibigay ng aming klase.

Pagkaraan non ay nagturo na si ma'am.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #random