Chapter 3
Tinusok-tusok ko yung biniling fried chicken habang masama ang tingin doon.
"Huy, kawawa naman yung manok" sita sakin ni Yumi
At dahil ayokong nasasayang ang pagkain, inubos ko. Nang makita kong tapos na rin si Yumi inaya ko na syang umakyat.
Habang papaakyat kami nakasalubong namin si Fjord na kasama si A-
"Huy san ka na naman nakatingin."
"Aish masama bang igala ang paningin?"
"Eh kasi naman napatigil ka na dito oh!" Sabay turo nya sa pwesto ko. I made a face and then stomp right back to the hallway leaving Yumi behind. She ran hurriedly at me and slapped my arm.
"Aray! Gaga ka!" Singhal ko
"Mang-iiwan pa eh, tse!" Sabay irap nya sakin.
Pagkapasok namin sa classroom nakita namin yung mga kaklase naming naglalaro ng charge.
At dahil isip bata si Yumi tumakbo sya do'n.
Puro palakpakan, tawanan at asaran ang naririnig ko.
"Psst, Claire sali ka!" Aya ni Cristine, ang class president namin.
"Pass muna,inaantok ako eh." Sabay pekeng hikab.
"You're so KAKA."
"Huh?"
"KAKAINIS, tsk sige naaaaaa!" Nagdalawang-isip ako pero maya-maya'y sumang ayon na rin ako.
"Arte neto gusto pa pinipilit." Bulong nya. Tinignan ko lang sya ng masama.
"Oh oh oh, si Fjord nalang tsaka si Claire o!"
"Yieeeeeee!" Napuno nang kantyawan sa room. Nakita kong namumula ang tenga ni Fjord.
Napangiti ako. Tinapos ko ang laro gamit ang ipo-ipo.
Taas noo akong tumayo.
"Oh sige pila!" Sabi ko.
Ang punishment kasi ng larong iyon ay hahampasin ng dalawang daliri ang braso ng mga natalo.
At dahil ako ng nanalo linakasan ko ang pag hampas.
Napaihip ng papaloob ang mga nakalaro ko.
"Bakit? Maanghang ba?" Pang aalaska ko.
At mukhang kinarma ako dahil ako agad ang unang natanggal at si Fjord ang nanalo.
"Ow shyiet!" Sabi ni Cristine pagka hampas sakanya.
Nang ako na ang hahampasin biglang nagbell. Papabalik na dapat ako sa pag-aakalang hindi nya na ko hahampasin ng maramdaman ko ang bigat ng dalawang daliri sa braso ko.
Nanlaki ang mata ko at napaihip papaloob. "Whooo!" Napapikit ako at napahawak sa braso. Nakita kong pulang-pula ang naiwang marka.
Nakita ko'ng nagbago agad ang ekspresyon nya.
"I'm sorry." Wika nya sabay tingin sakin ng madiin. Hinawakan nya rin ang braso ko.
"Oy child abuse!" Sabi ko sakanya.
"Hahahahahahahahaha magkaedad lang naman tayo."
"Aba't talaga namang.."
"Ano,ano" hamon nya sakin.
I glared at him.
He smiled wildly at me and then winked.
Kinilig ako pero naka fierce pa ren.
Tinalikuran ko sya at bumalik sa upuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top