The future

****PLEASE DO NOT REMEMBER****
Isinulat ni Mystshade

Unedited. Expect grammatical errors.

Masamang titig ang ipinupukol ko sa kaniya habang inaayos niya  sa adjustable table ang mga pagkaing dala. Nakahalukipkip ako at hindi ko maiwasang mapasimangot at kilabutan.

Of all people, why Feliz?
Nangatog ang katawan ko sa sobrang pagkailang.

“Bakit ikaw?”

Nahinto siya sa paglalagay ng pagkain galing sa plastic bag. Marahan siyang lumingon sa akin at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

“Ano’ng bakit ako? Siyempre ako ang asawa mo.”

“Aish, cut it!” Nagmuwestra ako ng gunting gamit ang kamay ko saka inilapit sa bibig niya. Napaatras siya nang kaunti. “What I'm saying is, bakit ikaw ang naging asawa ko?”

“Kumain ka na lang,” sabi niya at tumalikod. Nakita ko siyang lumapit sa lamesa sa gilid. “Magpagaling ka na para makaalis ka na sa ospital.”

Pinagpapadyak ko ang aking mga paa dahilan para matapon ang mga pagkain . Hindi ko talaga akalain na siya ang mapapangasawa ko sa hinaharap.

My best friend told me that I can see my future if I will volunteer to use the machine that he invented.

And here I am, a 16 year-old high school student stuck in my future self; the 25 year-old guy who is married with the ugliest schoolmate that I had.

I have never talk or even be friend with her, so how come I marry her?

What on earth happened to me after nine years?
“Bakit ikaw ang napangasawa ko? Nasaan si Kim? Si Kim ang gusto ko!” Wala na akong pakialam kung magalit siya nang matapon lahat ng pagkaing hinain niya.
Naramdaman ko ang matalim niyang titig nang lumingon siya matapos mabasag ng plato sa sahig.
Nanigas ako sa kinahihigaan ko at napaatras hanggang wala nang akong maatrasan. Sumandal na lang ako sa head rest.

“S-sorry,” bigla ko na lang nasabi.

“Ano’ng sabi mo?” Tuluyan na siyang humarap sa akin.

“S-sorry?”

IDINAMPI ko ang daliri sa aking pasa na nasa gilid ng mata ko. Napangiwi ako habang tinitingnan ang mga pasa ko sa maliit na salaming hawak ko.

Ipinatunog niya ang daliri maging ang leeg at walang takot na tumingin sa akin.
“Sa susunod na banggitin mo pa ang pangalan na iyon, hindi lang iyan ang matitikman mo, naiintindihan mo ba!”
Napayakap ako sa aking mga tuhod nang sumigaw siya. Binabantayan ko ang kilos niya nang kinuha niya ang kutsilyo at nagsimulang balatan ang mansanas habang nakatingin sa akin.

“We promised each other not to mention our ex-girlfriend/boyfriend's name. At kapag oo, bubugbugin natin. Masyado bang nabagok ulo mo at ang dami mong nakalimutan?” Mabilis akong nagtago sa kumot nang itusok niya ang kutsilyo sa lamesa.

“Baka gusto mong saksakin na lang kita para tuluyan kang mamatay? Napapagod na rin naman ako unawain ka.”

Napagdesisyunan kong manatili sa loob ng kumot pero hindi siya tumigil at hinawi niya iyon. Halos ayaw kong idilat ang mga mata ko para tingnan siya.
“Kainin mo itong apple, kung ayaw mong ikaw ang sunod na balatan ko!”
Hindi tumitinging inabot ko ang mansanas at nagsimulang kainin ito.

Hindi pa rin siya nagbabago. Siga pa rin siya tulad ng dati.

Sa panahon kung saan ako galing, kilala si Feliz sa pagiging matapang. Matapang to the point na kahit ang estudyanteng may pinakamalaking bulto sa school ay tumitiklop ang tuhod sa kaniya. Hindi siya bully, pero suplada siya.

One time, may binugbog siyang lalaki sa harapan ko at isinumpa kong maghalo na ang balat sa tinalupan pero hinding-hindi ako magkakagusto sa ganoong klaseng babae.
Ni hindi nga siya mukhang babae noon, e. But I must say, nag-iba ang itsura niya ngayon. Kung dati halos masuka ako sa hitsura niya, ngayon naman hindi na. Pero naiinis pa rin ako.

NAG-DILAT ako ng mga mata nang makarinig ako ng mga boses na nag-uusap. Marahan kong idinilat ang mga mata ko ngunit ipinikit ko uli nang lingunin ako ni Feliz.

“Doc, malala ba ang pagkakaumpog ng asawa ko sa lamesa?” Narinig kong tanong niya.

“I didn't see any signs in his brain. Sa tingin ko ay may trauma lang siya sa nangyari.”

“These past few days, he doesn't remember why he's here and why he we're together.”

“Did he mention any person or things from the past?”

I felt a sudden pain in my chest so I put my hand on top of it. Bakit para akong nasasaktan nang marinig ko ang malungkot na boses ni Feliz?

“He mentioned his ex girlfriend. Hinahanap niya at parang bumalik siya sa pagiging teenager.”

“Marahil ang naaalala lang ng iyong asawa ay 'yong buhay niya bago ka makilala. Do not worry, everything is going to be fine. His memory will come back.”

Marahan akong dumilat nang marinig kong bumukas ang pinto. Likod na lang nila ang naabutan kong palabas ng kuwarto.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Gusto ko na lang bumalik sa kasalukuyan pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko rin naman maikwento ang totoo kay Feliz.

Nahagip ng mata ko ang cellphone sa maliit na drawer malapit sa higaan ko.
Mabilis kong inabot iyon.

“Woah! Ang laki na ng phone! Ano kayang version ito?”

Sa mangha ko ay nag-selfie ako nang nag-selfie. Sobrang linaw ng camera parang pang-professional camera na.

I snapped when I remember someone. Oo nga pala, kailangan kong makausap ang nag-iisang tao na alam kong makakatulong sa akin.

“Gising ka na pala,”
The phone slipped on my hands when I heard her.
“Ay, anak ng batingaw!” Mabuti na lang sa bed lang din nalaglag. Kung hindi patay ako sa bragudang ito. “Nakakagulat ka naman!”

“Tsk. Tao ka pala marunong magulat. Bawal sa 'yo ang magbabad sa cellphone. Bukas, uuwi na tayo.”
Nang mapansin kong wala naman siyang pakialam ay ipinagpatuloy ko ang pag-check ng phone. Sobrang namamangha ako sa features ng phone na ito.
Nakakunot-noong lumingon ako sa babaeng nakahalukipkip at nakapikit.
“Bakit wala kang number ni Jeki?”
Nakita ko kung paanong mabilis siyang dumilat at parang naging interesado sa kuwento ko. Ang kaniyang mga mata na namilog.
“Nino?”
“Ni Jeki Sandizal, 'yong best friend ko. ‘Yong lagi kong kasama noong high school. Ano, nakalimot ka rin?” masungit kong tanong. Napakaimposibleng hindi niya alam dahil si Jeki ang lagi kong kasama sa high school.

“Hindi mo ba maalala?”
Hindi ko nagustuhan ang pagbago ng ekspresyon niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may nakakabigla akong malalaman.

“Maalala ang ano?”

Bumuntong-hininga siya at lumapit sa bed ko. “Jeki died a month ago,” malungkot ang kaniyang boses nang sabihin iyon.

Sa pangalawang pagkakataon ay nabitiwan ko ang phone at tuluyan itong bumagsak sa sahig. Tila nawalan ako ng pandinig at ang lagi lang pumapasok sa isip ko ay ang mga katagang sinabi niya.

“A-ano?”

Hindi puwede! Paano ako makakabalik sa kasalukuyan kung ang nag-iisang pag-asa ko ay wala na? Paano siya namatay?

“He took his own life right after you dumped his invention.”
Nagbadya ang mga luha sa aking mga mata. I can't stop myself from crying when I realized I lose someone I love.
This is not true, right?
Maybe this is just a dream.

“Back in high school, ang sabi mo sa akin, may usapan kayo ni Jeki na tutulungan mo siya sa kaniyang mga imbensyon. You succeeded on your career as a CEO of your own company. Jeki approached you to show his inventions but you declined and said it was purely nonsense.”

Umiling-iling ako habang nakatingin sa kaniya. Hinablot ko ang kaniyang kamay at inalog-alog iyon.
“Hindi ko magagawa iyan! Jeki's invention was real. Ako ang patunay n'on!”

Humikbi siya at nakita ko ang sunud-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha. Ang mga matang iyon. Bakit parang nasasaktan ako kapag malungkot siya?

“So, why on that day, you dumped and hurt his feelings?”
Hinablot niya pabalik ang kamay sa akin na parang ako ang may kasalanan ng lahat.

“Do you know how much Jeki cherished you? He's been with you ever since we were in High School. He's been with you when you start to build your own company. Kaya nga puro technologies ang ino-offer ng company mo ay dahil inspired ka sa kaniya.

“But something happened and you're the only person who knows what happened that day. You know how strong Jeki is. Ano ba ang sinabi mo at bakit ganoon na lang ang pagtatampo niya?”
Sa aking pagpikit ay nakarinig ako ng matinis na tunog na ako lang ang nakaririnig. Nakaririndi. Nakakairita. Masakit sa ulo. Ngunit wala nang mas  sasakit pa sa nalaman ko. Ano ang ginawa ko sa panahong ito at bakit nawala sa akin ang matalik kong kaibigan?

Napahawak ako sa aking ulo nang magsimula kong marinig ang mabilis na pintig galing sa aking sentido.
“Hindi ko maalala. Ang sakit ng ulo ko, puwedeng umalis ka muna.”

“I'm sorry, dapat yata hindi ko sinabi sa 'yo.”

“No, what you did was right. Can you please give me some space?”

Pinahid niya ang mga luha, kinuha niya ang kaniyang purse at tila walang emosyong tumitig sa akin.

“Okay, babalik ako bukas.”
Nang maipinid niya ang pinto, doon na bumuhos ang aking emosyon.

Ano ang gagawin ko ngayon, Jeki? Paano ko maitatama ang lahat?

“Sorry, Jeki. Sana makabalik pa ako para maitama ko ang lahat. You don't deserved to die.”

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: