Kabanata XIII
Kabanata XIII: Forbidden Maze (Part 4)
◆◇◆
NAGPATULOY nga kami ni Madeline sa paglalakbay. Sa totoo nga lang, kanina pa kami lumiliko sa mga daanan rito sa Forbidden Maze. Mabuti na nga lang at hindi pa kami nahahagilap ng mga Experiments.
Habang tumatagal, para namang mas nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ng bata. Kaya naman, hindi ko na naiwasan pang itanong ang nasa isip ko,
"Madeline, may pamilya ka pa ba?"
Oo, ayan nga ang tanong na bumabagabag kanina pa sa utak ko. Naalala ko lang kasi bigla si papa at dahil na din sa curiosity ko sa katawan, ay nais kong malaman ang kwento ni Madeline. Nais kong malaman kung katulad ko rin ba siya na naulila. Bumagal sa paglakad si Madeline, pero hindi siya huminto. Ni hindi rin niya ako dinapuan ng tingin nang sagutin niya ako ng di inaasahang sagot..
"Parang meron, pero parang wala."
Natulala ako sa narinig ko. Ano kaya ang ibig niyang sabihin doon? Ang labo naman ng sagot niya..
Hindi kami muli pang nag-imikan pagkatapos noon. Ayaw ko na rin kasing imbestigahan pa masyado ang kanyang personal na buhay. Maya-maya pa, ay nakakita ako ng mga uwak sa di kalayuan. Nakadapo sila sa isang puno at...
"Teka, bakit parang nanggaling na tayo dito?"
Pero wala akong narinig kay Madeline kung kaya't nagpatuloy lang din ako sa pagsunod sa kanya habang inililibot ang aking mga mata sa paligid. Nagbabaka-sakaling mahanap ang hiyas na iyon. Ang kaso, nang kumanan na si Madeline sa isang madilim na bahagi ng Maze,
Nanlamig ako bigla.
Agad rin akong napatigil sa paglakad at para bang naitaboy na ang aking kaluluwa sa katawan sa aking nasilayan..
Nakita kong ngumisi si Madeline at saka hinimas ang ulo ng teddy bear niya.
"Ang dali mong paikutin."
At kasunod noon, ay ang walang humpay na pagatingal ng mga Experiments na nakatayo lamang sa kanyang likuran. Napakarami nila. Sa tansya ko ay may libo silang naririto.
Nalinlang na naman ako..
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko, lalo't tumawa pa yung batang babae. Ang akala ko, biktima lang rin siya dito?! Paanong...
"Balat-kayo."
Nang sabihin niya iyon sa'kin, nagbago na nga ang anyo ni Madeline. Nasaksihan ko ang tila unti-unting pagtapyas ng balat-tao niya at paglitaw ng tunay niyang anyo. Lumuwa ang mga mata niya at lumaki ang bibig niya. Nagkapangil siya't tila tumubo ang isang pares ng mga sungay sa ulo niya. Humaba rin ang kanyang mga kuko at nagkulay itim ang kanyang ngayo'y mga nakausling buto sa kanyang likod.
Tama...
Isang halimaw itong nilalang nakaharap ko ngayon.
Ang tanga ko lang dahil pinagkatiwalaan ko siya agad. Ngayon, ano na kayang mangyayari sakin? Ito na kaya ang katapusan ko?
Nang nahugot ko na ang aking hininga, lumingon ako sa aking likuran pero tulad ng aking inaasahan, nagsara bigla ang daanang tinahak namin kanina. Isa itong patibong..
At nahulog ako rito.
"Uunahin naming hugutin ang bituka mo't lalamunin ang iyong puso.. Wala kaming ititirang parte ng katawan mo, Zyra!"
Matapos sabihin iyon ng halimaw, ay dahan-dahan na silang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan. Yung mga zombie aka Experiments, nakasilip lamang sa kanyang likuran at tila ba nag-aantay lamang ng hudyat para atakihin ako.
Ang bilis na ng tibok ng puso ko at namamawis na ang aking mga palad.
Alam kong wala na akong takas!
Nakakapanghinayang nga lang at maaga pang matatapos itong larong kinasangkutan ko..
Tak..
Tak...
Papalapit na ng papalapit sa akin yung halimaw. Tumatagos sa aking pagkatao ang gutom niyang mga mata. At nang hahawakan na sana ako ng mabalahibo niyang mga kamay--
"AAAAAHHHHHHHHHHH!!!!"
Bumagsak ito. Lumagapak sa lupa yung malaking halimaw at kasabay noon ay ang pagsugod sa akin ng mga lumang laruan ni Ryder. Ngunit nanatili lamang akong nakatulala rito, at gulat na gulat sa mga pangyayari.
"A-Anong--?!"
"Tara na!"
May bigla na lamang humatak sa akin mula sa aking likuran at namalayan ko na lamang na hinihila na ako ng isang di-kilalang lalaki patungo sa kung saan. Paglingon ko sa likod, ay nakita kong tumatakbo papalapit sa amin yung mga Experiments! Mas binilisan pa namin tuloy anc pag-takbo.
Sino ba itong lalaking ito?
~×~×~×~
HINGAL na hingal ako nang huminto kami sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung saan ako dinala nitong lalaking ito dahil sa pasikot-sikot na daanang nilakbay namin, pero ang mahalaga ay malayo na kami mula sa mga Experiments.
Tiningnan ko yung taong nagligtas sa akin, ngunit seryoso lamang niya akong binalingan.
"Ayos ka lang ba?"
Naasiwa ako bigla sa tono ng kanyang pananalita. Kung kanina ay nais ko na siyang pasalamatan, ngayon ay masasabi kong hindi na! Sa uri ng kanyang pakikitungo ay delikado pa yatang sumama ako sa kanya.
"Maayos na ako. Kaya't umalis ka na." Malamig na sabi ko pagkatapos ay tumalikod na ako para sana maglakad papalayo, pero pinigilan lang niya ako nang nagsabi siyang,
"Mali iyang dadaanan mo. Sige, kung gusto mo talagang mamatay ng maaga, ituloy mo lang 'yang kadramahan mo, babae."
At dahil doon ay napahinto na lang ako sa paglakad at nagngangalit na humarap sa kanya. Kung sino man itong taong ito--o kung tao nga ba siya-- ang lakas ng kanyang loob na pagsalitaan ako! Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala akong tiwala sa'yo." Diretsahan ko nang pahayag sa kanya. Nakita ko siyang napabuntong-hininga bago inayos ang kanyang asul na damit at nagwika,
"Kung hindi pa sapat na iniligats kita kanina sa mga Experiments, sige. Bahala ka. Ngunit tatandaan mo, sa oras na kailanganin mo ng tulong ko ulit, ay hindi na kita tutulungan. Sige."
Pagkatapos noon ay kumaway muna siya sa akin bago naglakad papalayo sa kabilang direksyon.
Napamaang ako sa aking narinig. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Mali ang magtiwala ako agad tulad ng ginawa ko kay Madeline, pero hindi ko alam kung bakit parang may pwersang naguudyok sa akin na maniwala sa lalaking iyon. Pero paano kung isa na naman itong patibong? Teka, pero kung ganoon ay bakit niya ako niligtas kanina kung nais din niya akong mamatay dito sa maze?
Hay, bahala na nga!
◇◆◇
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top