Kabanata XII
Kabanata XII: Forbidden Maze (Part 3)
◆◇◆
Natigilan ako sa kanyang sinabi at medyo napaatras nang kaunti sa mga insektong iyon. 'Small but terrible' ika nga.. mula sa gilid ng aking mga mata, ay nakita kong ngumiti si Madeline na tila ba sinasabing 'ayos lang, wag kang matakot' sa akin. Maya-maya pa, ay may pinulot na tuyong-dahon ang batang babae at saka ito hinipan.
At ganoon na lamang ang gulat ko nang magliyab ito! Nagkaroon ito ng kulay asul na apoy!
Matapos noon, ay agad na humakbang papalapit sa lawa ang aking kasama at saka inihagis doon ang dahong may kulay asul na apoy. Napakunot tuloy ako ng aking noo. "Anong---" pero bago ko pa man matapos ang aking sasabihin, ay kumalat na ang apoy sa may ibabaw ng tubig sa lawa na naging sanhi upang lumaki ang kulay asul na apoy. Nagkaroon na rin ng usok dahil doon. Nanlalaki ang mga mata ko sa aking nakita. Kung pagbabasehan sa mundong pinanggalingan ko, ay napaka-imposible noon. Biruin mo, kumalat ang apoy sa ibabaw ng tubig! At dahil sa labis na pagkamangha, ay di ko na namalayan ang pagtabi sa akin ni Madeline.
"Tingnan mo na ngayon ang mga Cristae, Ate."
Nang marinig ko ang sinabi niya, ay agad ko ngang pinagmasdan ang mga insekto na kanina lamang ay lumilipad malapit sa may lawa. Ngunit ngayon, ay nagsisibagsakan na sila sa lupa! Napamaang na lang ako! Paano nangyari 'yun? At tila ba nabasa ni Madeline ang iniisip ko dahil muli siyang nagsalita.
"Ang usok na naggaling sa dahon ng Mecaffi ang nakapagpatulog sa mga Cristae. Kung mapapansin niyo po, ay nang kumalat ang apoy nito sa ibabaw ng lawa at nagkaroon ng usok, ay nahilo ang mga insektong iyan at bumagsak sa lupa." Pagpapaliwanag niya. Tumango naman ako bilang tugon. "Teka, ibig sabihin, ay hindi sila patay?" Tanong ko.
Ngumiti si Madeline at saka umiling.
"Tulog lang po sila. Magtatagal ang bisa niyan ng tatlong araw."
Ang galing! Pero, teka... dahon ng Mecaffi ba ang kanyang sinabi kanina? Para kasing pamilyar ang salitang iyon sa akin eh. Ngunit di ko maalala kung saan ko ito narinig!
"Mecaffi?" Pag-uulit ko.
Sumagot naman siya na hawak pa rin ang kanyang teddy bear. "Opo. Galing po iyon sa punong Mecaffi." Pagkatapos ay tinuro ni Madeline ang mga itim na punong walang dahon sa may di-kalayuan. "Punong Mecaffi po ang mga punong iyon. At ang kaninang pinulot ko ay ang kanyang dahon. Mahiwaga po ang punong iyan, ngunit mas kilala siyang gamit bilang droga na nakakapagpatulog sa kung sinuman ang makalanghap o makatikim nito."
Matapos ng kanyang sinabi, ay para bang nanumbalik muli ang mga ala-ala ko...
Yung gabing hinalikan ako ni Ryder sa may rooftop, bago ako napadpad dito sa Vercalease.. ang sabi niya dagta ng Mecaffi ang nalasahan ko sa kanyang mga labi na naging sanhi nga kung bakit ako nawalan ng malay noon.
Ito pala iyon.
Naglakad na kami papalapit sa lawa. Iniwasan kong tapakan ang mga insekto. Wala rin naman kasi akong mapapala sa kanila. Pinagmasdan ko ang lawa. Nawala na nga ang kulay asul na apoy nito. Napahinto kami ni Madeline sa may gilid nito at doon ko lang napansin na napakalinaw pala ng tubig nito. Pinagmasdan ko pa repleksyon ko sa tubig at napasimangot nang makita ang hitsura ko.
"Napakalinaw naman ng lawa na ito, Madeline. Kung siguro, ganito kalinaw ang mga lawa doon sa mundo natin, hindi na maiimbento ang salamin."
Pero nang wala akong narinig na sagot sa kanya, ay napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatulala lang siya.
"Madeline?"
At doon, ay parang natauhan na siya. "Pasensya na. May naalala lang ako.." gusto ko pa sana siyang tanungin, ngunit ayoko rin naman makialam masyado sa buhay niya. May sari-sarili rin naman kasi tayong mga problema, hindi ba? Kung kaya't ibinalik ko na lang ang mga mata ko sa lawa at saka ako umupo para sana sumalok ng tubig upang ibsan ang uhaw ko, nang magbabala si Madeline.
"Dahan-dahan lang."
Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kayang milagro mayroon sa lawang ito?
"Bakit, may lalabas bang buwayang may tatlong ulo rito?" Pagtatanong ko. Pero natawa na lang siya't nagsalita muli.
"Hindi po. Sa totoo lang, maaari naman talagang inumin ang tubig mula sa lawang iyan... ang Lawa ng Buhay. Ngunit kahit na ganoon, tulad na lang ng nakita mo kanina, ay may natatago ring hiwaga ang lawang ito." Natahimik na lang ako at hinintay siyang ituloy uli ang kanyang sasabihin..
"Ate Zyra, ang Lawa ng Buhay, ay pinaniniwalaang nakakabuhay ng mga patay. Lumiliyab rin ang ibabaw nito kapag nahahagisan ang apoy ng dahon ng Mecaffi. Ngunit, ganoon pa man, napakalalim nito. Parang isang bangin ang ilalim nito, na walang tiyak na katapusan. Napakalalim, at kapag nahulog ka riyan, wala ka nang magagawa pa."
Nanlaki ang aking mga mata at sabay napalunok ako ng laway.
Agad akong tumayo at naglakad papalayo sa lawa.
"Ah, teka, Ate Zyra! Akala ko ba ay iinom ka?"
Napailing na lang ako bilang sagot. "Hindi na pala. Di bale na lang." Tipid kong sabi at saka napaupo sa may lupa. Tinabihan naman ako agad ni Madeline at saka ako kinausap. "Ate, sa tingin niyo po ba makakalabas pa tayo rito?" Nginitian ko siya't hinawakan ang kwintas ko.
"Naniniwala akong makakalabas tayo, Madeline. Kailangan lang nating magtiwala."
Tumango naman siya, at pagkatpos noon, ay natihimik ang paligid. At dahil doon, saka ko lang napansin ang benda sa may kanang pulso ni Madeline. Nagtaka tuloy ako. "Madeline, anong nangyari diyan?" Tanong ko at akmang hahawakan na sana ang parteng iyon, ngunit biglang tinabig ni Madeline ang kamay ko't nagsalita,
"Ate, wag mong hawakan! Sugat ito na nakuha ko dahil sa pakikipaghabulan ko noon sa mga Experiments."
Mas lalo tuloy akong nag-alala. "Teka, masakit ba? Gusto mo bang gamutin ko?" Lalapitan ko na sana siya uli nang bigla na lamang siyang tumayo at umiwas sa akin.
"Wala po ito. Ang mabuti pa siguro ay magpatuloy na lang tayo sa paglalakbay."
Nagulat at nagtaka ako sa naging reaksyon niya pero wala na rin naman akong pag-angal sa kanyang sinabi. Mas maganda pa nga siguro ay hanapin na namin ang hiyas na iyon..
◇◆◇
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top