Kabanata XI
Kabanata XI: Forbidden Maze (Part 2)
◆◇◆
MGA.. naglalakad na tao-- hindi! Mga bangkay na naglalakad papalapit sa akin! Mga zombies!
Sa mga oras na iyon, para pa yatang ayaw gumalaw ng aking mga paa. Hindi ko kaagad naikilos ang aking katawan dahil nanigas na ako sa sobrang takot na aking nadama! Nasa may di kalayuan pa lang, ay kitang-kita ko na ang mala-lupa nilang katawan. Kababakasan mo sila ng pang-aalipin base sa mga marka ng latigong bakat sa kanilang balat. Halos luwa na ang kanilang mga mata at paika-ika kung maglakad; may nakikita rin akong mga hiwa at tulo ng dugo sa may bandang pulso nila at buto't balat na lamang ang kanilang mga pangangatawan..
Nakakaawa.
Nakakatakot!
Para silang mga ordinaryong taong pinatay sa mundong ito! May bata pa na sa tansya ko ay nasa sampung taong gulang pa lamang! Pakiramdam ko, anumang-oras ay tutulo na ang aking mga luha sa halo-halong emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ngunit sa likod ng aking isip, alam kong wala na akong ibang magagawa pa kundi ang...
...tumakbo papalayo.
Oo, at nang nakaya ko nang ikilos ang aking katawan, ay kaagaran akong napatakbo sa daanan sa aking kaliwa; pilit kong di pinapakinggan ang mga hiyaw at unggol na nanggagaling sa mga buhay na bangkay. Para nila akong tinatawag pabalik! Hindi ko na lang sila nilingon at nakaramdam ako ng adrenaline sa aking mga ugat nang madama kong may iba pang mga nilalang na papalapit sa akin.
Tumakbo lang ako nang tumakbo.
Di ko na inalintana kung saang daanan ako dapat lumiko dahil hindi ko man lang alam kung saan talaga ako patutungo. Ang alam ko lang ay kailangan kong hanapin ang isa sa mga nawawalang hiyas ng buhay ko sa napalawak na lugar na ito.. ngunit hindi ko man lang alam kung saan ako magsisimula!
Nang masigurado kong malayo na ako sa mga humahabol sa akin kanina, ay napahinto ako at hingal na hingal na naupo sa lupa.
Kailangan ko munang mag-ipon ng lakas! Para yata akong naubusan nito sa katatakbo..
Nilinga-linga at pinakiramdaman ko muna ang aking paligid. Bukod sa mga nakaasar na uwak na nakabantay sa akin mula sa itaas ng isang itim na punong wala man lang kadahon-dahon, ay wala namang ibang naririto sa lugar na aking pinagpapahingaan ngayon. Napansin ko muli ang mga patusok na halamang damo na tumutubo sa gilid ng mga pader at saka ko ito nilapitan. Akmang hahawakan ko na sana ang mga ito nang bigla na lang akong nakaramdam ng pagkirot mula sa maliit na hiwa ko sa aking kanang paa.
"Tsk! Nakakainis naman.."
Yumuko ako at sinuri itong maigi. Hindi ko alam, ngunit tila ba nagkukulay lila na ang mga ugat ko't nagiging mas kita na sa bahaging iyon ng aking paa. Para pa yatang namamaga na ito! Ano nang gagawin ko?!
"Ugh.."
Mahinang pagdaing ko at saka muling tumingala sa itaas.
Wala pa rin akong makita.
Wala na talaga akong kawala..
"A-Ate..."
Nagulat ako at bahagyang napatalon paatras nang may marinig akong maliit na tinig. Tumingin ako sa aking harapan at doon sa may mga anino, may napansin akong gumalaw kasabay noon ay ang malakas na ihip ng hangin sa aking harapan. Kinabahan ako bigla, ngunit nang magpakita sa akin ang kinatatakutan ko, ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ang isang batang sa tingin ko ay nasa 13 hanggang 14 na taong gulang pa lamang.
Nakasuot siya ng kulay pulang bestida, yung parang sa manika? Pagkatapos ay may hawak-hawak rin siyang malaking teddy bear sa kanyang kamay. Mahaba ang kanyang kulay itim na buhok, at napakaamo ng kanyang mukha. Wala man sa oras, ay napangiti ako sa kanya.. isang pilit na ngiti, alam ko. Ngunit inosente pa ang batang ito.
Nilapitan ko siya at dahan-dahang tinitigang maigi at saka ako nagtanong..
"Anong pangalan mo?"
Para pa yata siyang nahiya noong una at umiwas ng tingin. Pero gayon pa man, ay sinagot niya ang aking katanungan.. "Ako po si Madeline Macalintal." At dahil doon, tila ako nabuhayan ng pag-asa. Maaaring hindi lang pala ako ang biktimang naririto para makipaglaro!
Humakbang pa akong papalapit sa kanya, at hindi ko na man lang ininda ang sakit sa aking paa.
Tumingin siyang muli sa akin.
"Madeline, bakit ka naririto?" Kailangan ko ng kumpirmasyon sa aking mga hinala, at bukod doon, ay curious rin ako sa kung bakit siya naririto sa isang napakamapanganib na lupain. Nakita ko siyang napangiti. Isang walang-muwang na ngiting pumukaw sa aking damdamin.
"Biktima rin po ako ni Ryder.. Mag-iisang buwan na po ako rito sa Maze ngunit hindi pa rin po ako makaalis."
Malumanay na sabi ng bata. At dahil doon, nagkaroon ako ng ideya.
Tumingin akong muli sa kanya at saka ko siyang tinanong muli. "Gusto mo bang sabay tayong tumakas sa lupaing ito, Madeline? Halika at sumama ka sa akin." Pag-aaya ko sa kanya. Naisip ko kasi na mas may tiyansa pa kaming makaalis rito ng buhay kung magtutulungan kami rito. At saka hindi ko rin masisikmura kung maiiwan ko itong batang ito ng mag-isa sa ganito kapanganib na lugar. At ng sinabi ko iyon, parang nagliwanag ang kanyang mukha at saka yumakap sa akin ng mahigpit.
"S-Salamat Ate! Salamat.."
At wala na akong nagawa kundi ang hagurin ang kanyang likod at umasang makakalabas kami rito ng ligtas.
~×~×~×~
"ATE Zyra, kamusta naman na po ang mundo sa ibabaw?"
Agad akong napalingon kay Madeline na nakalukuyang nalalakad sa aking tabi. Hinahanap namin ngayon ang isa sa pitong itim na hiyas sa aking kwintas at maingat rin kaming lumiliko sa mga daanan upang di kami mahagilap ng mga Experiments. Oo, sa tagal na ni Madeline rito sa Forbidden Maze, ay naikwento na rin niya sa akin kung ano ang mga 'zombie' na umatake sa akin kanina.
Sila raw ay ang mga dating laruan ni Ryder. Sa pinaikling paliwanag, sila ay yung mga naunang mortal na kanyang pinaglaruan at pinatapon dito sa Forbidden Maze. Sa paglipas ng panahon, ay ineksperimentuhan ng demonyo ang mga lumang laruan niyang ito at ganoon na ang kanilang kinahinatnan. Ang sabi ni Madeline, di malayong matulad kami sa kanila oras na mahuli kami ng mga Experiments. Mabuti na lang talaga at alam na ng batang ito ang mga pasikot-sikot sa lugar na ito. Ngunit nagtataka pa rin kung kung bakit natagal si Madeline ng isang buwan dito nang di pa nahuhuli ng mga Experiments?
Nilingon ko siya. "Ang mundo sa ibabaw? Um... wala namang gaanong nagbago roon. Gulo at di-pagkakaunawaan pa rin ang nananaig sa mga tao. May giyera pa rin sa pagitan ng ilang bansa, tumataas pa rin ang presyo ng mga bilihin, marami pa ring mahihirap.."
Napapatango na lang si Madeline sa aking ikinukwento. Maya-maya pa, ay napansin kong huminto siya sa paglalakad at saka umiwas ng tingin sa akin. Nagpahid siya ng luha sa kanyang mata.. sinubukan ko siyang aluhin, ngunit di nga ba't mabilis lang siyang tumingin muli sa akin at ngumiti ng peke.
"Ate, magpahinga na muna tayo rito. Pagod na rin kasi ako eh.."
Napalibot naman ang aking mga mata sa paligid at nakita muli ang mga tusok-tusok na halamang tumutubo sa pader at ilang maliliit na itim na puno sa paligid. May maliit ring lawa sa may di-kalayuan at mga alitaptap na...teka, bakit kulay pula sila?
Narinig kong napatawa si Madeline at saka muling nagsalita.
"Ang mga maliliit na insektong may pulang ilaw na iyan, ay hindi mga alitaptap. Mga Cristae ang tawag sa kanila. Kaya naman po pula ang ilaw na kanilang inilababas, ay dahil sa dugo at laman ng tao ang kanilang kinakain." Huminga siya ng malalim, "Kaya't kung mapapansin niyo po kanina sa mga Experiments ang maliliit na hiwa at sugat sa kanilang katawan...."
"Sila ang may gawa noon." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ni Madeline.
Para akong namutla sa aking narinig. Dapat pala ay hindi ko lapitan ang mga nilalang na iyon! Maliliit man sila, ngunit may dala rin pala ang mga iyon na panganib.
At sa kaloob-looban ko, ay alam kong marami pa akong matutuklasang kakaiba dito sa Vercalease.
Itutuloy sa susunod na Kabanata...
◇◆◇
A/N: Pasensya na kung di po ako nakapag-update last week. Busy eh. Hahaha :)
-misty
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top