Kabanata VIII
Kabanata VIII: Maligayang Pagdating
◆◇◆
Dedicated naman po kay mekaedamian11 salamat sa pag-add sa reading list! :)
◆◇◆
MADILIM. Wala akong ibang makita kundi ang kadilimang bumabalot sa aking pagkatao. Nakatayo ako ngayon sa kung saanmang lugar ito, at hirap sa paghinga. Kumunot ang aking noo, kung kaya't nang maigalaw ko na ang aking mga paang tila namanhid kanina, ay naglakad-lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"H-Hello?"
Basag ang boses kong tumawag. Nagbabaka-sakali akong may makarinig sa akin at tilungan niya akong makaalis sa lugar na ito. Ngunit lumipas pa ang ilang sandali, ay nakaramdam ako ng biglaang panghihina, kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng aking dibdib, malapit sa may puso.
Ano itong nararamdaman ko?
"Zyra..."
Napasinghap ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong lumingon sa aking likuran, at hinanap ang pinagmulan ng boses. Hindi ako pwedeng magkamali! Kahit kailan, ay makikilala ko ang boses na iyon!
Ngunit wala akong nakita sa aking likuran.
"Zyra, anak."
"P-Papa?"
Mahinang tawag ko, at saka ako muling tumingin sa aking harapan. At doon, para bang namuo ang luha ko sa mata nang makita ko uli ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nakatayo lamang siya sa aking harapan, suot pa rin niya ang kanyang damit nang mangyari ang aksidente. Nakangiti siya sa akin.
At dahil doon, ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't, hinayaan ko na lang na tumulo ang aking mga luha.
Nanginginig na rin akong tumakbo papalapit sa kanya.
"P-Papa! Papa!"
Masiglang pagtawag ko sa kanya, ngunit kahit ano yatang pagpilit ko, ay lumalayo lamang siya lalo. Nakatitig lamang siya sa sakin, napakaamo ng mukha ng aking ama. Kahit medyo sumasakit na ang aking mga paa sa pagtakbo, ay ipinagpatuloy ko lamang ito kahit pa parang wala ring kinahihinatnan ang ginagawa ko.
Hindi ko na natiis, ang sakit at pighating naramdaman ko, kaya ko ito inilabas..
"Papa! 'Wag kang umalis! Bakit ka lumalayo?!"
Bakit nga ba?
Ngunit imbes na sagutin ang aking tanong, ay inilahad niya lang ang kanyang kamay sa aking harapan. "Huminto ka, anak." Walang kabuhay-buhay niyang sabi sa akin, kung kaya namam sinunod ko ito.
Lumawak ang kanyang ngiti.
Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng aking mga luha.
Hindi ko tuloy maiwasang muling alalahanin ang nakaraan. Ang mga masasayang sandaling magkasama kami't walang problema sa buhay. Ang mga ala-alang kanyang iniwan sa akin, bago siya pumanaw. Bago niya ako iniwan sa malupit na mundo..
"P-Papa..."
Hagulgol ko. Hindi ko rin maintindihan, ngunit tila ba parang kahit anong gawin ko, ay hindi na talaga kami muli pang magkakasama. Napayuko tuloy ako, at hinayaang matakpan ng mahaba kong buhok ang aking mukha. Bakit ba napakalupit ng mundo? Kailangan ba talaga Niyang iparamdam sa akin na akoy mag-is na lang talaga sa buhay? Nakakainis.
"Ganyan nga, anak."
Nagsalita uli si Papa, ngunit di kagaya nang nauna, ay medyo lumalim yata ng bahagya ang boses niya ngayon? Teka, kailan pa---
"Wala ring saysay ang pagtakbo."
Isang malakas na hangin ang sumampal sa akin, kung kaya't agad kong iniangat ang aking ulo at tiningnan ang taong nakatayo sa aking harapan. Ngunit sa aking gulat, ay ang nakita ko....
..wala.
Wala na akong nadatnan pa!
Naglaho na ng tuluyan ang aking ama, at bukod pa roon, ay bigla ring humapdi ang balat ko sa dalawa kong balikat. Parang sinusunog ito!
"A-Aray!"
Pagdaing ko sabay hawak sa parte. Ang hapdi talaga! Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang ganitong sakit! Para ba akong maiiyak sa sakit, ngunit bago pa matuloy ito, ay nahagip ng aking mga mata ang bagay sa aking harapan. Binalingin ko uli ito ng tingin, at sak labis kong pagtataka, ay isang malaking salamin ang naroroon.
Hindi ko alam kung paano ito napunta doon, ngunit masasabi ko talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.
Ayaw ko man, ngunit di ko na napigilan ang sarili kong tingnan ang aking repleksyon sa salamin. Wala namang nagbago sa akin. Normal pa naman ang lahat.
Ngunit maya-maya pa, ay may nakita akong maliit na mantsang kulay pula sa salamin.
Kumunot ang noo ko, at saka ko ito kinutkot. Iniinda ko pa rin ang hapdi sa mga balat ko, ngunit curious talaga ako kung ano ang mantsang iyon.
Hahawakan ko na sana ito, ngunit bago pa man dumampi ang aking daliri sa salamin, ay nabasag ito!
Napaatras ako sa nangyari, lalo't nakarinig ako muli ng isang malalim na tawa!
Nanlamig ako bigla, at sinilip muli ang salamin. At doon, sa basag na repleksyon, nakita ko ang mukha ni Ryder..
At agad na ring bumalik sa isip ko ang ala-ala ng mga nangyari bago pa man ako mawalan ng malay kanina.
Nagtungo ako sa eskwelahan.
Para sana tulungan si Moirra...ngunit nilinlang lang ako ni Ryder...
At saka niya ako hinalikan.
....para bang may droga siyang inilagay sa kanyang labi at...
Nahilo ako bigla at...
Nahulog ako mula sa gusali!
"H-Hindi.."
Patay na ba ako?! Susko..
Sa lalim ng aking pag-iisip, ay hindi ko na namalayan pa ang pag-agos ng aking dugo mula sa isang maliit na sugat sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko nang mapansin ko iyon! Ngunit, paano...?!
Naramdaman ko na lamang ang presensya niya.
Unti-unti, ay lumingon ako sa aking likuran at doon ko nakita ang nakangising si Ryder. Nakasuot ito ng pormal at purong itim. Kahit kailan, sophisticated ang dating nito, ngunit ang nakakasira lamang sa imahe nito ngayon, ay ang hawak nitong patalim na may bahid ng dugo. Napaawang ang aking bibig..
Hindi na ako, muli pang nakapagsalita, at napaluhod na lamang ako sa kanyang harapan. Nanghihina na ang buong katawan ko at maski ang aking mga kamay ay di ko na rin maigalaw.
Ang kanyang mapaglarong ngisi lamang ang huli kong nakita bago ako binalot ng kadiliman…
~×~×~×~
IMINULAT ko ang aking mga mata.
Pilit akong umupo mula sa aking pagkakahiga habang patuloy ko pa ring hinahabol ang aking paghinga. Nang mahimasmasan na ako, ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Panaginip lang ba talaga ang nangyaring iyon? Para kasing totoo..
Teka, nasaan ako?
Para akong nasa isang malaking hallway. Wala itong kalaman-laman, at tanging mga torch lamang ang nagbibigay ng liwanag rito. Nang makaipon ako ng lakas, ay tumayo ako't tiningnan ang aking sarili.
Nakasuot ako ngayon ng isang kulay puting bestida, na umaabot hanggang sa aking talampakan. Nakatali rin ang aking buhok at may kulay itim ring kwintas sa aking leeg. Nakapaa lamang ako.
Bakit ganito ang suot ko?
Ngunit ang mas mahalagang tanong siguro sa mga sandaling ito ay, nasaan na ako?
Sa dulo ng hallway, ay may natanaw akong malaking pinto.
Wala na akong inaksaya pang panahon at saka ako naglakad patungo roon. Pilit ko itong itinulak pabukas, at saka wakas ay nabuksan ko na rin ito.
Ngunit nang tingnan ko ang loob, ay isang di pangkaraniwang tanawin ang aking nakita...
Si Ryder...
Nakaupo sa tila trono ng isang hari. Malawak ang kwarto, na pinaliligiran ang mga paintings at kulay itim na bulaklak. May malaking chandelier rin na nakasabit sa itaas, na nagbibigay liwanag rito. Inilaglag ko ang aking paningin sa sahig, at nakitang may pagkakahalintulad ito sa isang chess board. Kulay itim at puti lamang ang namamayani.
Kung nasa ibang sitwasyon sana ako, ay mamamangha sana ako sa ganda at pagka-elegante ng paligid. Para itong isang kastilyo sa pagkakagawa.
Ngunit imbes na pagkamangha, ay takot ang nanaig sa akin.
Lalo pa't tumayo si Ryder mula sa kanyang kinauupuan kanina at lumapit sa akin para lamang huminto sa aking harapan at hawakan ang aking baba. Iniangat niya ng bahagya ang aking ulo upang magtagpo ang aming mga mata.
Kulay pula ito.
Parang dugo..
At hanggang sa mga sandaling ito, ay hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti sa labi.
At saka lamang siya nagsalita..
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa iyo kanina, Zyra? Iyon ay patikim lamang.. At kung nais mong malaman,
Narito ka ngayon sa aking kaharian. Sa aking palasyo.. Maligayang pagdating sa aking mundo..
Maligayang pagdating sa palaruan ng isang demonyo. Ito ang tinatawag kong devil's playground, mortal.. ngunit maari mo rin itong tawaging, Vercalease."
◇◆◇
A/N:
Ngayong nasa Vercalease na si Zyra, ano kayang mga nakapangingilabot na manipulasyon ang naghihintay sa kanya?
Until next update! :)
-Misty
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top