Kabanata VII
Kabanata VII: Pag-ikot
◆◇◆
Dedicated kay ParkHyoJin_12 :)
◆◇◆
DAHIL sa nangyari kanina sa eskwelahan, ay agad na rin kaming pinauwi ng mga guro at mga pulis. Suspended na raw ang klase kung kaya't marami sa mga kaklase namin ay natuwa. Ngunit ganoon pa man, di pa rin matigil ang pag-aalalang nananaig sa aking puso. Si Moirra kasi, hindi pa rin makausap ng matino.
Malapit kasi siya kay Princess. Maski naman ako, gulat at di pa rin matanggap ang mga nangyari. Itinuturing kasi namin siyang nakababatang kapatid.
At si Philip naman?
Hindi pa rin naman ma-kontak.
Kaya't mas lalo lamang akong kinakabahan..
Ang banggit sa akin ni Moirra, nang makita raw ni Philip ang bangkay ng kanyang kapatid, ay umiyak raw ito at tila nagwala. Pagkatapos, ay tumakbo na lamang raw ito sa kung saan at wala man lang pasabi kung saan ito nagtungo.
Nang maglakad kami sa may lobby, ay di sinasadyang nasagi ng aking mga mata ang bulletin board na aming tiningnan kaninang umaga. Wala ni isa sa amin ni Moirra ang nagsalita't napahinto na lamang kami pareho sa tapat noon. Huminga muna ako nang malalim, at saka lakas-loob na ibinaling ang aking paningin sa larawan ni Princess.
Nakangiti siya roon.
Ngunit tila ba nag-flashback sa aking isip ang kanyang hitsura kanina. Malayong-malayo ito sa nasa larawan. Nakapangingilabot na tanawin ang aking nasilayan kanina. Walang sabi-sabi, ay naahon muli sa aking mga ala-ala ang nauna kong engkwentro kay Ryder.
"S-Sana masaya na si Princess.. kung saan man siya naroroon ngayon."
Mahina, ngunit may diing sabi ni Moirra matapos ang mahaba-habang katahimikan. Hindi ko alam ang aking gagawin, kung kaya't napatango na lang ako. Malakas talaga ang hinala kong may kinalaman rito si Ryder. Unang pasok pa nga lang niya kanina, ay kunutuban na akong may masama siyang intensyon. Bukod diyan, ay mararamdaman mo rin sa bigat ng aura niya. Ibang-iba talaga..
"May nakita na naman?!"
"Diyos ko po, anong nangyayari sa eskwelahang ito?!"
Napatigil muli ang aking pag-iisip nang may marinig akong mga boses sa di kalayuan. Maya-maya pa, ay nakita kong tumatakbo papalabas ng building ang ilang pulis at guro na tila ba nagmamadali sa kung ano.
Agad na napakunot ang aking noo.
Ano na naman bang nangyari?!
"Moirra, halika." Hinigit ko sa kanyang braso ang babae at saka tumakbo papalabas upang makita ang pinagkakaguluhan ng mga taong naroroon. Hindi na rin siya nagsalita pa at nagpahila na lamang.
Nang malapit na kami, ay bigla ko na naman naramdaman ang presensya niya.
Ni Ryder..
Luminga-linga tuloy ako sa paligid, ngunit hindi ko siya nahanap. Ni anino niyang di ko nasilayan..
Nag-unahan na naman ang mga daga sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko na wari mo bang nakikipakarera. Bigla na ring nanlamig ang aking mga kamay, kung kaya't iniwan ko muna si Moirra at saka nakipag-gitgitan sa kumpol ng mga tao.
May kung anong nagtutulak sa akin na gawin iyon..
"Excuse me!" Naisigaw ko nang madali akong makaraan.
Walang sabi-sabi, ay tumabi ang ilang estudyante, ngunit tiningnan nila ako ng may makahulugang mensahe sa kanilang mga mata. Hindi ko mabasa kung ano iyon, kaya't napatakbo ako sa unahan para makita na kung anumang pinagkaguluhan nila.
Ngunit nang sandaling makita ko iyon, ay agad akong napasinghap.
O, hindi...
Si Philip.
Walang-buhay na nakahandusay sa lupa, at may dugong umaagos mula sa kanyang ulo.
Patay na siya.
Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong nag-uunahan sa pagpatak. Maski si Moirra, ay humahagulgol na muli sa aking likuran habang tinatawag ang pangalan ng aming kababata. Philip... anong nangyari? May kaugnayan kaya ito sa nakitang bangkay ng kanyang kapatid? Isa na itong kahibangan! Ngunit imbes na siyasatin pa ang mga walang kakwenta-kwentang detalye, ay pumasok agad sa aking isipan ang nakangising mukha ni Ryder.
Di ko na namalayan pa, at naikuyom ko ang aking mga kamay.
Isa siyang demonyo.
~×~×~×~
GABI na naman, at nangangamba na ako.
Ito ang gabi ng kabilugan ng buwan.
Kaya't inaasahan kong may magpapakita o magpaparamdam na naman sa akin.. Ngunit hindi pa ba sapat ang mga kababalaghang nangyari sa akin kanina? Hanggang sa mga oras na ito nga, ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Princess at Philip. Bakit nila kailangang mamatay? Kung tutuusin nga, ay dalawa sila sa mga napakabuting taong nakilala ko. Ano bang nagawa nila?
Tsk..
At saka ko naalala ang sinabi sa amin kanina ng mga pulis. Suicide raw ang nangyari sa kaso ni Philip. Ang paliwanag ng nag-imbestiga kanina, ay na-depress raw ito nang nakita ang bangkay ng kanyang kapatid kung kaya't di niya ito nakayanan at saka nagtungo sa rooftop at tumalon mula roon upang tapusin ang sariling buhay nito.
Maniniwala na sana ako roon, ngunit hindi ko talaga maialis sa isip kong maaaring si Ryder ang may kagaawan noon. Ni wala rin kasi silang ideya kung ano ang nangyari kay Princess, at sinisisi sa mga sindikato ang lahat.
Ngunit alam ko ang katotohanan.
Si Ryder ang pumatay kay Princess.
Hindi ko alam kung bakit at kailan pa, ngunit ramdam kong puso niya ang hawak nito kanina nang magtagpo kami sa classroom. Napabuntong-hininga ako.. Ano ba talaga ang kinahihinatnan ng buhay ko?
Sinilip ko ang orasan.
11:30 pm.
Malapit nang naghating-gabi. Napaupo na lamang ako sa kama, at saka naihilamos ang aking kamay sa mukha. Walang sa sariling napabaling ako sa may nightstand malapit sa aking kinaroroonan at tinitigan ang larawan namin ng aking ama.
Papa..
Kung naririto sana kayo.
"No, please don't cry
I've never done this before, drove a million miles
Back, when you were mine
I was too young to know you were the one to find."
Natigilan na lamam ng ako nang narinig kong tumunog ang aking cellphone. Hinanap ko ito sa ilalim ng mga unan.
"But if I was to say I regret it
Would it mean a thing?
Cause every time I think (I think) think about it
Memories take me back to all of the wildest times…
[Chorus:]
If I could change your mind
I would hit the ground running
It took time to realize
And I never saw it coming
Forgive my lying eyes
Gonna give you all or nothing
If I could change your mind
I could make you mine, make you mine-----"
"Hello?"
Nang makita ko na ito at napag-alamang si Moirra pala ang tumatawag, ay agad ko na ring sinagot. Bakit naman kaya siya tatawag ng ganitong oras? May problema na naman kaya siya sa magulang niya?
"Zyra..."
Nanlaki ang aking mga mata nan by marinig ko ang nanginginig niyang boses sa kabilang linya.
"Moirra, okay ka lang ba? Anong nangyari?"
"Zyra! Tulungan mo ako! Nandito ako ngayon sa may rooftop ng eskwelahan!"
Napatayo ako nang wala sa oras at nagmadaling kunin ang kulay pula kong jacket sa cabinet. Nasa rooftop siya?
"Ano bang ginagawa mo diyan?! At saka, hindi kita maintindihan... teka, pupuntahan kita Moirra!"
"Bilisan mo.. papatayin niya ako! Papatayin niya ako Zyra!"
Napalunok ako. Kanina lamang ay nakita ang bangkay ni Princess. Kasunod noon, ay ang hinihinalang pagpapakamatay raw ni Philip dahil sa depression. Ngayon naman, si Moirra?
"Sino? Papatayin ka nino?!"
Hindi ko mapigilang itanong, kahit na may nararamdaman na akong hindi maganda sa susunod niyang sasabihin.
"Si Ryder! Z-Zyra, papatayin ako ni Ry---- AAAAAAAAAHHHHHHH!!!!"
toot.toot.toot....
Sa sobrang takot, ay naibalibag ko ang bagong cellphone sa sahig. At saka ako tumakbo papalabas ng bahay para mapuntahan si Moirra. Wala na akong dapat sayangin pang oras. Hindi ko hahayaang may mamatay pang muli.
~×~×~×~
NARITO na ako ngayon sa may loob ng eskwelahan. Tumatakbo ako sa may main hallway patungo sa mga hagdan. Umakyat pa nga ako ng bakod kanina, dahil ayaw maniwala noong guard na nasa panganib ang buhay ng matalik kong kaibigan. Kung kaya't wala na akong nagawa at palihim na pumuslit rito sa paaralan.
Determinado ako.
Kailangan kong makita kung nasa maayos lang ba si Moirra, at kung..
Hindi. O, Diyos ko.. sana'y ligtas lang si Moirra.
Nang malapit na ako sa tuktok ng mga hagdan, ay para bang bumigat muli ang pakiramdam ko. At alam kong... narito lamang siya sa malapit. Ang taong--o kung matatawag niyo pa ba siyang tao--pumatay sa dalawang taong pinahahalagahan ko. Si Princess, at Philip..
Marahas ko nang binuksan ang pintuan ng rooftop at saka ko nilinga ang paligid. Di ko na inalintana ang malamig na simoy ng hanging sumampal sa aking mukha. Bilog na naman ang buwan..
Ngunit wala si Moirra dito.
Wala akong nakita.
Bumilis muli ang kabog ng dibdib ko. At saka ako marahang naglakad para siyasatin ang lugar. Nang nasa edge na ako ng building, ay napahinto ako. Nagtataka.
Ngunit...tumawag siya sa akin---
"Zyra."
Napalingon ako sa malalim, ngunit pamilyar na boses na tumawag sa akin. At gayon na lamang ang gulat ko nang makita kong nakatayo roon ang transferee. Si Ryder.
Nakapangingilabot ang ngiting ibinigay niya sa akin.
Papatayin niya ba ako?!
Humakbang siya papalapit, at saka huminto, isang metro mula sa aking kinatatayuan. Naging kulay pula, at nanlilisik ang mga mata niya nang magsalita, "Napakadali mong linlangin, alam mo ba?" Napa-urong ang aking dila sa kanyang sinabi. Naloko niya ako..
Wala talaga rito si Moirra.
Pinapunta niya lang ako rito ng halimaw na ito!
Niloko niya ako..
"A-Anong...."
Ngunit hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin, nang bigla na lamang niya akong sakmalin ng halik. Nabigla ako sa kanyang ginawa, kung kaya't para lang akong statwa nang marahas niya akong hinalikan at hinawakan pa ang gilid ng aking mukha...
Maya-maya pa, ay may natikman akong iba sa kanyang mga labi.
Ngunit bago ko pa man maisip ko ano iyon, ay tila na ayaw nang gumana ang aking utak. Nahihilo na ako..
Makalipas ang ilang segundo, ay humiwalay na siya sa halik.
Diretso niya akong tiningnan gamit ang pula niyang mga mata, samantalang ako naman ay unti-unting napipikit.
Inaantok ako.
Kitang-kita ko, ang paglawak ng ngisi niya at saka nagsalita..
"Dagta ng Mecaffi.. nagsisilbing droga sa sinumang makakatikim nito."
Tumingin siya sa langit.
"Oras na pala, para simulan ang totoong laro."
Bumaling uli siya sa akin, at saka ako iniangat sa lupa, at hinulog mula sa rooftop ng school building!
Ngunit wala na akong nagawa't, naipikit ko na ng tuluyan ang aking mga mata...
◇◆◇
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top