Kabanata V

Kabanata V: Hindi Siya Tao

◆◇◆

Dedicated naman sa ating bida na si Zychi15, o Zyra :)

◆◇◆

PAKIRAMDAM ko ay nahugot ang aking kaluluwa sa kanyang sinabi..

Naninigas pa rin ako at kahit anong pagpupumilit ko ay hindi ko pa rin magawang kumilos. Nakapako lamang ang aking mga mata sa kanya. Sadya yata talagang napakalalim ng pares ng itim niyang perlas. Para akong nalulunod na hindi mawari..

Maya-maya pa, ay narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa na puno ng kasamaang bakas sa tono nito..

Nahihirapan na akong huminga..

Sino ba siya?

"ZYRA GEL!"

Hindi ko alam kung paano, ngunit napamulat na lamang ako ng aking mga mata.. ni hindi ko nga namalayang naipikit ko ang mga iyon. Anong nangyari?

Napakurap-kurap ako.

Nang malinaw na ang aking piningin, ay nakita kong muli si Ms. Castro na galit na nakatingin sa aking direksyon. Naka-krus pa ang kanyang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib at kapansin-pansin rin ang pagkunot ng kanyang noo.

Hindi ko maintindihan..

Nagpalinga-linga muna ako sa aking paligid.

Nagbalik sa normal ang lahat.

Nga lang, ang aking mga kaklase ay nakatuon ngayon ang kanilang atensyon sa akin. Si Moirra naman, ay nakita kong nasapo na lamang ang kanyang noo nang nagtama ang aming paningin. Teka, panaginip lang ba ang lahat? At saka--

"Kung matutulog ka lamang sa klase ko, ay maaari ka nang lumabas."

Naibaling ko muli ang aking atensyon sa masungit kong guro, kung kaya't kaagaran akong tumayo mula sa aking kinauupuan at saka humingi ng paumanhin. "Pasensya na po, Ma'am. Hindi na po ito mauulit." Sabi ko sa mahinang boses. Sunod naman sa aking sinabi, ay ang marahan niyang pagbuntong-hininga.

"Dapat lang. Maupo ka na, at magpapakilala pa ang ating transferee."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig kong sabi ni Ms. Castro. Ano raw? Magpapakilala?

T-Transferee?

Bumilis muli ang tibok ng aking puso sa kaba. Ang akala ko ba ay panaginip ang lahat? Humugot ako ng malalim na hininga at saka marahang ibinaling ang aking paningin sa may bandang harapan.

Hindi ako makapaniwala.

Siya uli..

Kumportable siyang nakatayo sa harapan ng buong klase. Nakangisi habang tinititigan ako. Pakiramdam ko tuloy ay pinapatay ako ng tingin niyang iyon. Tumatagos sa aking pagkatao ang kanyang mga mata. Pareho pa rin ang suot niya. Walang nagbago.. ibig bang sabihin nito, ay nakatulog ako nang dumating siya? Ngunit paano ko naman siya nakita sa aking panaginip kanina? Naguguluhan na talaga ako sa mga pangyayari.

Kaya naman, bago pa ako matunaw sa kanyang tingin, ay agad kong ibinaba ang aking mata sa desk ko.

Hindi na talaga maganda ang kutob ko rito.

Maya-maya pa, makalipas ng ilang sandali, ay narinig ko siyang magpakilala. Kahit namamawis na ang aking mga kamay, ay pinilit ko pa ring balewalain ang malalim niyang boses.

"Ryder. Ryder, ang nais kong itawag niyo sa akin. Huwag niyo nang alamin ang aking pinanggalingan, kung alam niyo ang para sa ikabubuti ninyo."

Nanlalaki ang aking mga mata.

Ryder..

Hindi ko alam, ngunit parang pamilyar sa akin ang kanyang pangalan! Ngunit nakasisiguro rin naman akong, ito ang unang beses na marinig ko ang pangalang iyon sa tanambuhay ko.

Kasunod ng kanyang pagpapakilala ay ang nakaririnding tilian ng mga kababaihan sa aming klase. Tsk. Hindi ba sila nahihiwagaan sa kanyang sinabi? Ang tao talaga. Makakita lamang ng nilalang na maganda ang hitsura, ay hindi na nila maisip ang mga simpleng bagay na kahina-hinala. Kahit itong si Moirra ay kinikilig na rin.

"Kyaaah!! Ryder, pwede ba kitang mahalikan?!"

"Dito ka na lang maupo sa tabi ko!"

"Libre ka ba mamaya?! Sama ka sa'min, Ryder!!"

Ugh.

Ayaw ko mang gawin, ngunit tila nagkaroon ng sariling pagpapasiya ang aking kulay kapeng mga mata nang iangat ko ang aking ulo para tingnan siyang maigi. Ngunit napasinghap ako nang makita kong nakatingin lamang din siya sa akin. Nagtama tuloy ang aming mga paningin.

Imbes na kiligin tulad ng iba, ay nanginig ako bigla.

May iba talaga sa mga tingin niya.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Ms. Castro, na nakapagpabaling ng aking atensyon sa kanya. Natatawa pa siya ng lagay na ito? Ano na bang nangyayari sa mundo? Nang mahimas-masan ang guro, ay hinarap niya muli si Ryder at saka nagsalita.

"Maraming salamat sa iyong pagpapakilala, Ryder. Maaari ka nang umupo sa kung saan mang pwesto mo nais."

Natahimik ang lahat.

Kasunod noon, ay ang mabibigat na pagyabag ng mga paa ng bagong estudyante. Iyon na nga lang ang maririnig mo sa buong silid. At saka ko lamang unti-unting napansin.. Papalapit siya sa aking kinauupuan. Muli, ay tila natigil ang oras, at paggalaw ng mga tao sa aking paligid. Napakunot ang aking noo...

Tila ba nauulit ang nangyari kanina sa aking panaginip.

Paano?

Ngunit di tulad ng kanina, ay hindi tumigil sa aking harapan si Ryder, bagkus ay huminto sa bakanteng upuang nasa aking likuran. Namalayan ko na lamang, na naupo na siya roon na wala man lang dala-dalang mga gamit. Wala siyang dalang bag o kung ano. Ni hindi nga siya nakauniporme eh..

Kaya't hindi ko na napigilan pagdaloy ng sari-saring mga tanong sa aking isipan.

Paano siya nakapasok sa eskwelahang ito?

Bakit tila napaka-misteryoso niya?

Ano ang meron sa kanyang pagkatao?

At higit sa lahat...

Luminga ako sa aking likuran.

Nakita ko siyang nakatitig pa rin sa akin nang may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Napalunok tuloy ako at agad na bumaling sa harapan. Hindi pa rin bumabagal ang tibok ng aking puso. Natatakot na ako..

Bakit nga ba siya narito?

~×~×~×~

"ZYRA, halika, ililibre raw tayo ni Philip ng lunch ngayon!"

Pilit akong ngumiti sa direksyon ni Moirra at saka marahang tumango bago ako sumagot. "Ah, sige. Mauna na kayo sa canteen. May aasikasuhin lamang ako." Tiningnan ako ni Moirra nang maigi, na tila ba kinukwestiyon ang aking sinabi, ngunit di rin nagtagal, ay narinig ko ang kanyang pagbuntong-hinga. "Sige. Sumunod ka na lang kaagad, ha?"

Nginitian ko siyang muli. "Oo naman."

Nakita ko muna ang pagtaas ng gilid ng labi ni Moirra bago siya tuluyang naglakad papalayo.

Lunch break na kasi, kaya kakaunti na lang ang mga estudyanteng natira rito sa loob ng room.

Nang makaalis na si Moirra, ay agad na napalitan ng blangkong ekspresyon ang aking mukha. Nawala na rin ang pekeng ngiting ipinakita ko sa kanya kani-kanina lang.

Ang hirap talagang magkunwaring ayos lamang ang lahat.

Pakiramdam ko kasi ay itinatago ko sa kanila ang katotohanan. Ang katotohanang, hindi ako ayos. Higit pa doon, ay para bang hindi ako makahinga sa bawat segundong lumilipas. Ang pakiramdam nang para kang nasa loob ng isang haula at pinaliligiran ng mga tigre. Iyon ang aking nadarama ngayon. Bukod pa doon, ay ang labis na kalungkutang bumabalot sa aking pagkatao.

Ano nga ba ang nagawa ko para maging ganito ka-miserable ang buhay ko?

Hindi ko alam.

At sa tingin ko, ay kailanma'y hindi ko malalaman ang sagot sa katanungan kong iyon.

Napahinga ako nang malalim.

At saka ako tumayo mula sa aking pagkakaupo.

Ngunit, maglalakad na sana ako papaalis, ay naramdaman ko na lamang ang pagpatong ng isang kamay sa aking balikat. Hindi ko iyon inaasahan, kung kaya't napatalon ako sa gulat at nanlalaki ang aking mga matang tiningnan kung sino iyon.

"Zyra."

Nang marinig ko ang boses na iyon, ay agad akong nag-sigh. Kahit kailan ay nakakapagpakalma ang kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, ngunit matagal nang ganyan ang epekto ng boses niya sa akin. Nang mahimasmasan ako, ay saka lamang ako nakapagsalita.

"Philip.. teka, akala ko ba ay nasa canteen ka? Si Moirra.." Kunot-noo kong tanong sa kanya.

Maya-maya pa, ay nasilayan ko ang paglabas ng kanyang dimples, na senyales ng kanyang pag-ngiti.

"Hahaha.. nauna kasi siya eh. Hinintay talaga kita. Halika na?"

Sa kanyang sinabi, ay natawa na lamang ako. Si Moirra talaga.. Bahagyang itinabi ko muna ang hawak kong libro sa aking bag at saka muling humarap sa kanya. "Sige." Ngunit bago pa man kami makaalis ng silid, ay napahinto ako at saka tiningnan muna ang upuang nakapwesto sa likod ng akin.

Nakapagtataka.

Ni hindi ko man siyang nakita na umalis...

"Sino ang hinahanap mo?"

Napatingin tuloy ako uli kay Philip na nasa aking kaliwa at saka mabilis na umiling. "A-Ah, wala.." sagot ko, ngunit imbes na isantabi ang topic, ay nakita kong napangisi pa si Philip. Bigla tuloy akong kinabahan. Bakit parang....

Click.

Namatay ang ilaw...

Nabalot ng kadiliman ang buong paligid. Wala na akong makita.

"P-Philip---"

Isang malalim na pagtawa muli ang aking narinig. Isang buo, at nakapangingilabot na tawang nakapagpatindig sa aking balahibo. Nanginginig na ang buo kong katawan. Ano bang nangyayari?!

Click.

May narinig muli akong tunog. At kasabay noon, ay ang paghupa ng mala-demonyong tawang nakapagpabilis ng pagtibok ng aking puso.

Bumukas muli ang ilaw.

Ngunit bumigat muli ang aking pakiramdam..

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Nagulat ako sa boses na aking narinig, kung kaya't napabaling ako sa aking kaliwa kung saan nakatayo si Philip kanina. Ngunit para bang nananadya ang aking mga mata nang makita kong si Ryder ang nakatayo roon nang may ngisi sa kanyang mga labi. Tila ba nawalan ako ng hangin sa aking nakita.

P-Pero.. si Philip...

Hindi ko alam, ngunit tila ba nabasa niya ang aking isip at saka siya muling nagsalita.

"Nagbalat-kayo ako. Nagustuhan mo ba?"

Hindi na mahinto ang aking panginginig...

Nanlalamig na rin ang aking mga kamay.

Maya-maya pa, ay nakita ko siyang humakbang papalapit sa akin. May itinatago siya sa kanyang likuran! Ngayon ko lamang ito napansin, siguro ay dahil na rin sa labi kong takot sa mga sandaling ito.

"A-A-Ano ang....." naputol ang aking katanungan nang inunahan niya akong magsalita.

"Itinatago ko? ...Gusto mo bang makita?"

Lumaki ang kanyang ngiti.

At saka tila dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang kanang kamay mula sa kanyang likuran para ipakita ang bagay na kanyang itinatago.

Nang mailabas niya iyon.....

Muntikan na akong mahimatay.

Isang ....

Isang sariwang puso.

Punung-puno pa ito ng dugo! Sa katunayan, ay tumutulo pa ang dugo nito sa sahig. Minamanstahan ng pula ang puting tiles nito. Ipinikit ko kaagad ang aking mga mata.... parang gusto kong masuka! Sana nga lang ay isa rin itong panaginip!

Isa lamang talaga ang malinaw.

Si Ryder,

Hindi siya tao.

Ngunit bago pa ako makasigaw, ay may narinig akong makabasag-taingang tili.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!"

◇◆◇

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top