Kabanata IX
Kabanata IX: Ang Laro ni Ryder
◆◇◆
NAPASINGHAP ako sa aking narinig, at unti-unti akong napahakbang papaatras dala ng labis na takot na naramdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala. Tama ba ang narinig ko? Nasa mundo niya ako? Susko. Masama ito!
Kung kaya't nilingon ko ang pintong pinasukan ko kani-kanina lamang at di na nagdalawang-isip at tumakbo roon papalabas ng silid. Gulong-gulo na ngayon ang utak ko! Hindi ko na alam kung anong nangyayari dito!
Hingal ako kumaliwa sa isang daanan, kahit pa wala akong ideya kung saan ito patutungo. Lumalayo na ako, ngunit naririnig ko pa rin ang malalim na paghalakhak ni Ryder. Tumaas tuloy ang aking mga balahibo sa nakapangingilabot na tunog habang pilit kong iwinawaksil sa aking isip ang imahe ng aking yumaong ama. Isa lang iyong ilusyon, ngunit hindi ko man lang napigilan ang aking sarili na madala! At higit pa doon, hindi ko man lang namalayang hindi ito totoo..
Hanggang sa mga sandaling ito kasi, nakaukit pa rin sa aking puso ang sugat ng nakaraan. Nang mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Madilim ang hallway na tinatahak ko ngayon, at kakaunting liwanag lamang ang narito. Ngunit ko na ito inalintana dahil habang papalayo ako nang papalayo sa aking pinanggalingan, at tila ba mas lumalakas ang naririnig kong tawa ni Ryder. Teka, di ba dapat baliktad?!
Napatigil na lang ako.
Ayun!
May naaninag akong kulay pulang pinto sa di-kalayuan! Para akong nabuhayan ng pag-asa at tumakbo na papalapit doon. Sa mga oras na ito, iisa lang ang nasa isip ko.
Ang makatakas sa lugar na ito.
Hindi ko na rin muli narinig ang tawa ng halimaw na iyon kung kaya't mas lumawak ang ngiting nakabakas sa aking mukha. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon! Makakalabas na talaga ako rito.. konti na lang!
Nang mahawakan ko ang pihitan, walang-pasabing itinulak ko ito pabukas at dali-daling dumiretso roon.
Ngunit nang marating ko na ang kabilang bahagi ng pinto, ang ngiting may galak at pag-asa kanina sa aking mukha ay unti-unting naglaho sa aking nasilayan. Para bang nadurog ang maliit na liwanag sa aking puso..
Nakangisi siya.. si Ryder.
Para bang gustong kumawala ng puso ko sa tindi ng sakit nito. Nanginig ako bigla at maya-maya pa, ay tila nagkaroon ng sariling pag-iisip ang mga paa ko nang namalayan ko na lang na humahakbang akong papalapit sa kanya. Nakatayo lang siya roon. Nakangiti ng masama. Yung ngiting alam mong babangungutin ka, oras na ipikit mo ang iyong mga mata. Hindi na talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Alam kong nakalayo ako kanina! Ang layo ng tinakbo ko.. ngunit bumalik lamang ako sa aking pinanggalingan.
Bumalik lamang ako..
Ngunit, paano? Siguro, 'yun ang tanong na kailan ma'y hindi ko mahahanap ang kasagutan.
Humagaktak ang aking pawis mula sa noo, nang tumigil ako sa kanyang harapan. At sa labing-pitong taong kong pamamalagi sa mundong ito, ngayon ko nga masasabing.. natatakot ako. Hindi tao, ang kaharap ko ngayon, kundi isang halimaw.
Tinitigan niya ako, gamit muli ang kulay dugo niyang mga mata.
"Sana naman, ay may ideya ka na sa mga patakaran ng laro nating ito, Zyra."
Nangingilid na yung luha ko sa mata. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko! Sana panaginip na lang din ito, tulad nang kanina. Sana, magigising na lamang ako sa aking kama at mapag-aalamang isang masamang panaginip lang ang lahat..
Ngunit hindi.
Totoo ito.
Nanigas ang buo kong katawan nang humakbang pang papalapit si Ryder. Bakas ang kapilyuhan sa kanyang mga mata. Isang hindi magandang senyales.. Ngunit kahit na gulong-gulo na ako sa mga nangyayari sa aking ngayon, ay pinilit ko ang aking sariling maging matapang. Para na rin mabigyan ako ng kaliwanagan.
"A-Anong laro b-bang tinutukoy mo..?"
Huminto siya.
Isang hakbang mula sa aking kinatatayuan.
At saka niyang pinitik ang kanyang mga daliri.
Kumunot ang aking noo sa kanyang ginawa... para saan naman kaya iyon? Pero...
"A-Aray......A-Ang sakit! AAAHH!"
Tuluyan na ako napaluhod sa sahig habang namimilipit sa sakit ng ulo. Parang sinusunog ang utak ko sa sobrang sakit! Ngayon ko lang ito naranasan sa tanambuhay ko! Muli, narinig ko ang malagim niyang tawa habang ako namam ay maluha-luha na sa sakit na nararamdaman ko..
"Ito ang laro..."
Pinilit kong idilat ang aking mga mata at saka ako bumaling sa kanya. Pero imbes na ituloy na ang kanyang sasabihin, ay may itinuro muna siya. Ako? Teka, mali.. sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya.
Ang kwintas sa leeg ko.
Napahawak tuloy ako rito at saka niya muling ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"Ang walang-kwentang buhay mo sa lupa, ay kinuha ko mula sa iyo. Ipinaloob ko ito sa walong itim na hiyas." Lumawak lalo ang kanyang ngiti nang sabihin iyon. "Ngayon, simple lang naman ang laro nating ito. Sa loob ng pitong araw at anim na gabi, ay mananatili ka rito sa palaruan ko. Ang kailangan mo lang naman gawin, ay hanapin ang bawat isang hiyas na itinago ko sa iba't ibang sulok ng Verclease. Kailangan mong mahanap ito bago ang ika-pitong gabi kung kailan ganap na magiging dugo ang bilog na buwan."
Napalunok ako at nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang kwintas sa aking leeg.
Oo nga. Kulang iyon ng pitong hiyas na palamuti...
"I-Iyon lang?"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob kong itanong iyon. Pati na tuloy ang di-maipaliwanag na sakit sa ulo ko ay binale-wala ko na..
Nakita ko siyang napailing sa aking sinabi.
"But of course, hindi ko padadaliin ang laro para sa iyo, mortal. Dahil pitong araw kang mananatili rito sa teritoryo ko, ay napagdesisyunan kong ipadala ka sa pitong pinakakasuklam-suklam na lupain rito. Doon ay makikita mo ang iyong hahanapin... ngunit,"
"...ngunit?"
"Kailangan mo lang namang mabuhay sa bawat lupaing kalalagyan mo, upang makapagpatuloy. Dahil sinisigurado ko sa iyong, nagkalat ang mga 'luma' kong laruan."
Tumayo na lahat ng balahibo ko sa aking mga narinig. Kung siguro ay nasa normal akong sitwasyon ngayon, ay tatawanan ko lamang ito. Ngunit gaya nga ng sinabi ko kanina, ito ay totoo.
At buhay ko ang nakasalalay rito.
Ngunit, ano naman ang tungkol sa nabanggit niyang mga patakaran?
Ayaw ko mang isipin, ngunit tila ba nabasa ako ni Ryder. Unti-unti, ay bumaba siya sa aking lebel, at hinawakan ang aking baba upang itaas ito nang kaunti nang sa gayon ay mapatingin ako nang direkta sa kanyang mga mata.
"Tulad ng ibang laro, ay simple lang naman ang mga patakaran ko, mortal.. Maaari kang tumakbo... maaari kang manlaban at,
Maaari ka ring umiyak.. ngunit walang tutulong sa iyo. Tumakbo ka hangga't gusto mo. Tumayo ka hangga't kaya mo, ngunit HINDI MO AKO MATATAGUAN. Hangga't humihinga ka pa, ay hindi ka maaaring matulog nang mahimbing..
Ako ang prinsipe ng kadiliman. Wala kang kawala sa akin, kung kaya't wag ka nang magtangka pang tumakas! Gaya nang nakita mo, ay BABALIK ka lang sa pinanggalinagan mo. Nauunawaan mo ba?!"
Umiiyak na akong napatango sa kanya. Ang sakit ng kanyang pagkakahawak sa mukha ko! At sa ilang saglit pa'y mas dumilim ang itim na aura na nakapalibot sa kanya.
Akala ko, hindi na siya muling magsasalita.
"Ngunit...."
Hinintay ko siyang ituloy ito. Mabuti pa nga sigurong alamin kong maigi ang mga patakaran nang madali kong mahanap ang mga hiyas at makaalis na rito sa mundo ni Ryder.
"...Sa oras na tumibok ang iyong puso..
..Kamatayan ang kakaharapin mo."
At sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ay hindi ko na namalayan pang sinaksak na ako ni Ryder sa dibdib gamit ang isang pilak na patalim na nakatago pala sa kanyang likuran. Wala na akong nagawa pa, ay naramdaman ko na lamang ang dahan-dahang pagbagsak ng aking katawan sa sahig kasabay ng paglamon sa akin ng kadiliman.
Ngayon..
Magsisimula na ang laro.
◇◆◇
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top