Kabanata IV

Kabanata IV: Ang Prinsipe

◆◇◆

Dedicated kay HottestAuthor Maraming salamat sa suporta! :)

◆◇◆

KINABUKASAN, ay nagising ako nang eksaktong ala-sais ng umaga. Hindi ko alam, ngunit parang naninibago ako ngayon. Para bang may-iba sa araw na ito, ngunit ang bigat sa pakiramdam.. Para akong hindi makahinga.

Bumangon ako sa aking kama, at saka tumayo para lamang tumungo sa bintana at di inaasahang makita roon ang isang kumpol ng mga uwak na nakadapo sa may sanga ng punong katapat lamang ng bahay na aking tinitirhan. Napalunok tuloy ako nang di oras nang makita silang nakatitig sa akin.

Na para bang binabantayan nila ako..

Ang mga mata nila, ay tila tinatansya ang bawat galaw na aking gagawin. At alam kong.. imposibleng nagkataon lamang kung bakit sila narito. Kung anuman ang pakay nila, ay wala na akong balak pang alamin..

Kaya naman, ay umiwas na ako ng tingin at saka marahas na isinara ang aking bintana bago nagtungo sa banyo para makapaligo na't makapaghanda sa aking pagpasok..

Nang makakain na ako ng agahan, ay agad akong nakarinig ng pagkatok sa aking pintuan.

Tok.tok.tok.

"Sandali lang."

Sabi ko at saka nagmamadaling tumakbo upang buksan ang pinto. At gaya nga ng inaasahan ko, ay sina Moirra at Philip ang tumambad sa akin. Si Philip ay may charming na ngiti sa kanyang gwapong mukha habang si Moirra naman ay tila may pinagdadaanan. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito? Maya-maya pa ay nakita ko siyang napabuntong-hininga bago humakbang papasok sa aking bahay.

"Yung mga ibon.. alaga mo ba sila?"

Mas nagtaka ako at medyo natawa sa kanyang tinanong. Tinutukoy ba niya yung mga uwak sa labas?

"Hahaha.. hindi. Bakit naman ako mag-aalaga ng isang batalyong mga uwak?" Pabalik kong tanong sa kanya at saka kinuha ang aking bag. Si Philip Santos naman, ay naupo muna sa aking sofa at hinintay akong matapos sa aking pag-aayos sa pagpasok. Nagkibit-balikat si Moirra at saka nanalamin.

"Wala lang. Eh kasi, parang ang weird na may ganyan karaming uwak sa labas ng bahay mo. Akala ko ay nag-eemo ka na talaga kaya naisipan mong mag-alaga na lang ng uwak.."

Napangiti tuloy ako at saka marahang umiling.

Sana nga ay alam ko kung bakit sila narito.

Kahit na medyo na babahala na ako, ay kinuha ko na lamang ang mga gamit ko at hinarap sila.

"Tara na. Baka mamaya ay ma-late na naman tayo."

~×~×~×~

TAHIMIK ang paglalakbay namin patungong paaralan at nakapagtatakang nawala bigla ang mga uwak nang lumabas kami kanina mula sa aking bahay. Tila ba naglaho na lang silang bigla, ngunit ang pakiramdam kong may nagmamasid sa akin ay hindi pa rin nawawala..

Meron talaga.

Kahit anong tanggi ng isip ko na guni-guni ko lang itong mga nararamdaman ko ngayon, ay hindi pa rin ako mapalagay.

Nang oras na makarating kami sa Zeus' Academy, ay agad na bumungad sa amin sa bulletin board ang larawan ng ilang estudyante kalakip ang salitang MISSING at ilang impormasyon tungkol sa pagkawala ng mga ito.

Agad kaming napatigil tatlo sa tapat noon.

Naramdaman ko na lang ang pagkalabit sa akin ni Philip kung kaya naman ay tiningnan ko siya nang may pagtatanong sa aking mga mata. "Bakit?" Nakita ko naman ang biglaan niyang pagbabago ng ekspresyon at tila ba nahiya, ngunit makalipas lamang ng ilang segundo ay muli na siyang nagsalita, "Mag-iingat ka.."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon at medyo naguluminhaga pa ako sa kanyang sinabi. Magsasalita pa sana ako ngunit nauna na siya sa paglalakad. Si Moirra naman ay napansin siguro ang nangyari sa amin kung kaya't narinig ko siyang huminga ng malalim bago may itinurong larawan sa may bulletin board.

"Tatlong araw na at hindi pa rin siya nakikita.."

Pagkasabi niya noon, ay agad ring naglakad papalayo si Moirra. Ako naman ay nanatiling nakatayo rito sa aking pwesto at tiningnan muli ang larawang tinuro ni Moirra kani-kanina lamang.

Princess Santos
Age: 15 y/o
Missing since June 24
For those who have information on where she is, pls contact: 09332815252

~×~×~×~

WALANG ni isa sa amin ang nagsalita pa tungkol sa pagkawala ng kapatid ni Philip. Maski ang madaldal na si Moirra, at ay hindi na nagawang makipagbiruan rito.

Ako nga, ay ngayon ko lang nalaman.

Habang naglalakad kami rito sa pasilyo ng eskwelahan, ay napatingin ako sa aking paligid. Normal naman ang lahat. Ang ibang estudyante ay nakikipag-kwentuhan pa nang makita ko at tila ba walang iniindang sakit sa mundo.

Di katulad ko..

"Zyra, pasok na tayo."

Narinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Moirra at kasunod noon ay ang pagbukas ni Philip ng pinto ng classroom namin. Tumango na lamang ako at saka pumasok sa loob, ngunit tila ba nagmamalik-mata na naman ako nang mahagip ng aking mga mata ang isang kulay pulang taong nakatitig sa akin mula sa sulok..

Hinigpitan ko tuloy ang paghawak ko sa aking bag. Ang bilis na naman ng tibok ng aking puso....

"Uy, nakikinig ka ba?"

Bahagya pa akong nagulat nang magsalita si Philip. Nakatayo siya ngayon sa aking harapan at nakakunot pa ang kanyang noo. Base sa ekspresyon niya, ay kanina niya pa ako kinakausap. Sandali akong napatingin sa kanyang mga mata bago ko sinilip ang nilalang sa kanyang likuran..

Ngunit naglaho ito na parang bula.

Namalayan ko na lamang maya-maya, na napatingin na rin si Philip sa kanyang likod, ngunit mabilis rin siyang napabaling sa akin. "Ano ang tinitingnan mo?" Napalunok tuloy ako. Sasabihin ko ba?

"W-Wala.."

Bigkas ko bago nagmadaling umupo sa aking silya katabi ni Moirra.

Kitang-kita ko naman kung paano napakamot ng noo si Philip at nagtungo na rin sa kanyang upuan.

Napahinga na lamang tuloy ako nang malalim. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Ano ba itong nangyayari sa'kin?

Kung kaya naman, ay naglabas na lamang ako ng libro mula sa dala kong bag at saka ibinuklat ito sa pahinang binabasa ko. Sana naman ay walang mangyaring masama.. napakarami na ring estudyanteng nawawala sa paaralang ito. Sadya kayang nagkataon lamang ang lahat?

Nagdaan ang mga minuto..

Ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng tama.

Inuulit-ulit ko ang mga misteryong naganap sa akin nitong mga nakaraang buwan. Tila ba, may koneksyon sila sa isa't isa. Ngunit kahit yata dumungo ang aking utak rito kaiisip, ay hindi ko pa rin magawang pagtagpiin ang mga pangyayari. Para bang may nawawalang piraso sa pala-isipang ito..

Ngunit, ano?

"Zyra, tama na yan.. nandiyan na si Ma'am!"

Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Moirra, ay agad kong itinago ang aking libro at saka pasimpleng tiningnan ang aming gurong nakatayo sa harap. Mukhang masaya yata si Ms. Castro ngayon..

"Good morning, class.. anyway, tulad nga ng sinabi ko sa inyo kahapon, ay mayroon tayong makakasamang bagong kamag-aral."

Kumunot ang noo ko kasabay ng mahinang pagtili ni Moirra at saka niya nga ako kinalabit.

"Ano ba?" Pagrereklamo ko sa kanya, ngunit ginantihan lamang niya ako ng isang nakakalokong ngiti. "Anong 'ano ba'? Zyra! Nandito na yung transferee!" Nagdaan muna ang ilang segundo bago ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Oo nga pala.. lalaki ang transferee. Kaya pala kinikilig na itong katabi ko. Huminga na lang tuloy ako nang malalim at saka wala ka ekspre-ekspresyong ibinaling ang aking mata sa harapan.

"Pumasok ka na, hijo.. nakasisigurado akong excited na silang makilala ka." Narinig kong tawag ni Ms. Castro at saka sinenyasan ang isang lalaking nakatayo sa labas ng pintuan.

Pagkasabi noon ng aming adviser, ay marahan nang naglakad papasok ang isang estranghero.

Nguniy kabasay ng nakakarinding tilian ng mga babae kong kaklase, ang panlalaki ng mga mata ko..

Pumasok ang isang lalaking, hamak na mas matangkad sa akin. Bakat sa kanyang itim na T-shirt ang matipuno niyang pangangatawan habang ang pares ng purong itim niyang mga mata ay lumibot sa loob ng silid. Mayroon rin siyang kulay dark brown na buhok na bahagyang nagulo at isang mukhang tila nililok ng mga anghel.

Bumilis bigla ang pintig ng puso ko..

Parang may iba..

Nang tumayo siya sa may harapan, ay agad na natahimik ang klase. Nakita ko kasunod, ang pagdako ng mata ng misteryosong lalaki sa kung saan-saang bahagi ng silid..

..Na para bang may hinahanap?

Ngunit nang maghagilap niya ang aking mga mata, ay unti-unting tumaas ang gilid ng kanyang labi.. isang smirk? At hindi ko alam kung ano ang meron ngunit nakaramdam na lamang ako ng agarang panghihilo. Bumigat na rin ang pakiramdam ko..

"Nahanap na rin kita."

Nabingi ang tainga ko sa narinig kong sambit ng lalaki.. Malalim, at buo ang kanyang boses. Hindi normal. Namalayan ko na lamang, ang unti-unti niyang paglakad papalapit sa aking kinaroroonan. Tila ba tumigil ang oras nang mangyari iyon, dahil nahinto sa pagkilos ang mga taong nasa paligid namin.

Ang tanging gumagalaw na lamang ay ang nakapangingilabot na nilalang na ito..

Maski ako, ay hindi na nagawang ikilos ang sarili kong katawan nang lapitan niya ako at haplusin sa may pisngi.

Para bang naparalisa ako sa titig niya..

"Ang tagal na kitang hinahanap, alam mo ba, Zyra?"

P-Paano niya nalaman ang aking---

Natigil muli ang aking pag-iisip nang maramdaman ko na lang ang pagdila niya sa aking kaliwang pisngi. Marahan, at tila ba tinitikman ako.. nanigas lalo ang aking katawan at para bang may kuryenteng dumaloy sa akin nang ginawa niya iyon.

Nang matapos siya, ay agad niyang itinapat ang mukha niya sa akin at binigyan ako ng isang mapaglarong ngiti.

"Perpekto....isang birhen."

◇◆◇

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top