Kabanata III

Kabanata III: Pagdating

◆◇◆

Dedicated kay kuya geobadje salamat sa pag-support kuya! :)

◆◇◆

NANG makapasok na ako sa aming classroom, ay ang siyang saktong pagtunog ng bell na hudyat ng dismissal naming mga seniors. At sa huling minutong iyon, ay napalingon ang lahat sa akin habang ako naman ay hingal na hingal pa dahil sa aking pagtakbo.

Huminga muna ako ng malalim, bago ko tiningnan ang aming gurong nakataas ang kilay sa akin. Ang mga kaklase ko naman, ay parang wala nang pakialam dahil ang iba ay nag-aayos na ng gamit para makauwi. Mabuti naman. "Ms. Gel, at bakit ba parang ilang kilometro ang tinakbo mo? Ang akala ko ba ay nagpahinga ka sa clinic dahil masama ang pakiramdam mo?" Pahabol na tanong ng aking guro habang ako naman ay naglalakad na papunta sa aking upuan para kunin ang mga naiwan kong gamit. Hindi ko na lang nilingon si Ms. Juani, at baka mamaya ay di rin siya maniwala sa mga sasabihin ko. Well, sino ba naman ang niloko ko? Walang kahit isang maniniwala sa mga sasabihin ko sa kanila.

Noon pa man, ako ang babaeng 'invisible' sa mga mata nila. Kung kaya't wala ring saysay kung sasagutin ko ang mga katanungan nila. Kumbaga, isa akong nobody sa mundong ito.

Nang aalis na sana ako dala ang aking mga gamit, ay bigla na lamang may humawak sa aking braso. At dahil doon, ay napatigil ako at saka iniangat ang aking ulo parang tingnan ang taong nangahas.

Si Philip.

Sinamaan ko siya ng tingin, dahil parang alam ko na ang kanyang sasabihin. Nakita ko siyang huminga muna nang malalim bago nagsalita, "Zyra, anong meron? At saka, ano itong naikwento sa'kin ni Moirra na pagtatalo niyo?" Sinasabi ko na nga ba.. Kahit kailan ay hindi talaga ako patatahimikin ni Philip lalo't nakita niya ang mga ikinilos ko kaninang umaga. Alam rin niya kasing tungkol ito sa emosyonal na problemang kinakaharap ko. Ang sakit na aking dinarama. Ang sakit at pighati ng isang nawalan.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa kanya. Bakas sa maamong mukha ni Philip ang pag-aalala. Pero, tulad nang isinagot ko kanina kay Moirra,

"Wala ka nang pakialam."

At saka ko marahas hinigit ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak. Para pa nga yata siyang nabigla sa aking ginawa, pero tumalikod na ako sa kanya at akmang aalis nang di pa ako nakaka-dalawang hakbang, ay may taong humarang sa aking daraanan..

Si Moirra.

Nagtama ang aming mga paningin, bago siya napabuntong-hininga. At ano na naman kaya ang ipangangaral niya sa'kin? Susmeyo, hindi pa ba sapat ang mga kababalaghang naranasan ko kanina sa school clinic, at kailangan pa nilang dumagdag sa aking iisipin?

"Zyra.."

Mahinang tawag niya sa'kin at saka humakbang palapit. Ako naman, ay nanatili sa aking kinatatayuan. Nakatingin lang kami sa isa't isa, at wari bang nag-uusap ang aming mga mata. Pero kahit ganoon, ay hindi ko pa rin mabasa ang mga nilalaman ng kanya.

"Sorry."

Bahagya akong napaatras nang marinig ko ang kanyang sinabi. Ano raw? Sorry? Tama ba talaga ang narinig ko? Pero bago pa ako makapag-isip ng iba pang bagay, ay namalayan ko na lang na hinawakan ni Moirra ang aking dalawang kamay at saka ngumiti. Isang 'apologetic smile' kung tawagin nila. "Zyra, sorry talaga kung na-offend kita sa muntikan kong pag-ungkat ng....nangyari. Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya at saka nabigla lang ako na---"

Napatigil siya sa kanyang pagsasalita nang umiling ako't ngumiti na rin sa kanya. "Okay na. Tama na 'yang drama." Natutuwang sabi ko, bago ko naramdaman ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. "Naku, thank you, Zyra! Basta, kapag kailangan mo ng kausap, alam mong narito lang ako."

Rinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Philip sa aming likod bago siya nakapag-react sa sinabi ni Moirra. "Aba! Hoy, Moirra! 'Wag mo namang solohin. Para namang walang tayong pinagsamahan ah!" At dahil sa pa-bata niyang pagrereklamo, ay agad kaming natawa ni Moirra bago kumalas sa yakap. Ngumiti na ako sa kanila.. kahit kailan talaga...ang dalawang ito ang nagpapagaan ng pakiramdam ko. Pero, kahit na ganoon, ay aaminin ko pa ring may kulang. Tila ba, may puwang sa aking puso na kahit sina Philip at Moirra ay di magawang punan.. hindi ko man alam kung ano iyon, ngunit alam kong nawala iyon noong...

"Zyra, halika! Sabay-sabay na tayong umuwi." Masayang paglalahad ni Moirra bago kumapit sa aking braso at iginiya na niya ako palabas ng classroom, kasama si Philip na tahimik na nakasunod sa amin.

"P-Pero---" natigil ang pag-angal ko nang magsalita si Philip.

"Oo nga! Haha! Ang tagal na pala nating hindi nagsasabay." Masiglang pagputol ni Philip ng aking sasabihin at saka ako kinindatan at kinuha ang bag ko mula sa aking balikat. Wala na tuloy ako ibang nagawa kundi pumayag na sumabay sa kanila..

Ngunit nang naglalakad na kami papalabas ng campus, habang sila ay abalang nagkukwentuhan, ako naman ay hindi mapalagay. Naaalala ko na naman kasi ang nangyari kanina sa may clinic. Yung.. nakapangingilabot na boses na bumulong sa aking tainga.

Guni-guni ko lang ba iyon? O totoong..

Naku, namamaligno na yata ako.

Wala ka nang kawala. Ano kaya ang ibig niyang sabihin.. para saan? Kung ipinapahiwatig niyang wala akong kawala sa walang saysay kong pamumuhay, ay sasang-ayunan ko pa. Wala naman na talaga akong kawala sa buhay ko. Kahit pa, gustung-gusto ko nang sumama..sa taong pinakamamahal ko.

Nang lumiko kami sa may corridor, ay di sinasadyang may nabunggo akong estudyante.

"Aray!"

Rinig kong pagreklamo niya nang maupo siya sa may sahig. Tiningnan kong maigi kung sino ang nakabunggo ko. Kilala ko siya. Siya si Sherry Rose Umali. Ang isa sa mga badmenton players ng eskwelahan. Kilala siya sa pagiging maliksi at sa taglay niyang determinasyon bilang isang manlalaro. Ngunit, bakit nandito pa siya ng ganitong oras? "Pasensya na." Paghingin paumanhin ko bago ko siya tinulungan tumayo. Sina Moirra at Philip naman ay tahimik na nanood sa amin.

Nang makatayo na si Sherry, ay agad niyang pinagpag ang kanyang damit at saka ako nginitian.

"Hindi, okay lang. Kasalanan ko naman at tumatakbo ako dito sa may hallway eh." Nahihiyang sabi pa niya at saka inayos ang dala-dalang mga libro. Nagtaka tuloy ako at di ko na naiwasan pang magtanong. "Bakit nandito ka pa pala? Ang akala ko ba ay maagang ipinauwi ang mga athletes ng mga guro?" Bukas kasi ay alam kong may laban sila, kung kaya naman ay maaga silang pinapauwi sa ganitong mga pagkakataon.

Tiningnan naman niya ako na para bang nagtataka.

"Anong ibig mong sabihin, Zyra?"

At sa ibinalik niyang iyon, ay labis na akong naguluhan. May mali ba sa aking sinabi? Tiningnan ko siya ng nakakunot ang aking noo.

"Di ba, badmenton player ka? At saka, akala ko ba ay may laban pa kayo bukas sa intrams?"

Ngunit imbes na tumango, ay medyo napaatras pa siya sa akin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." pagkasabi niya noon, ay para bang nanlaki ang aking mga mata. Agad na rin akong lumingon kay Moirra at nakitang nakasimangot siya sa akin. Si Philip naman ay walang emosyong tinitigan ako. Ano bang meron?

"Moirra, sabihin mo nga sa kanya! Hindi ba madalas pa nga natin silang nakikitang nagpa-practice!"

Pero kahit yata ang sarili kong kaibigan, ay nakakalimot.

"Ano? Hindi kaya. Okay ka lang ba, Zyra? Wala naman tayong badmenton players sa school ah. Tara na nga at baka gutom lang yan." Pagsasawalang-bahalang sambit ni Moirra at saka ako hinawakan sa aking kamay.

Naguguluhan na ako. Bakit ba parang wala silang maalala? Ibinaling ko uli kay Sherry ang aking mga mata at saka pasimpleng nginitian siya. "Alam mo, Sherry. Tama na ang biro. Haha.. hindi na ito nakakatuwa." Ngunit gaya ng reaksyon niya kanina, ay bumakas uli ang pagtataka na ngayon ay may kasamang iritasyon sa kanyang mukha. "Ano ba kasi ang pinagsasasabi mo, Zyra? Hindi nga ako badmenton player! Tsk." Nang sinabi niya iyon, ay tumingin siya sa aking likuran at wari bang may nakitang kung ano..

Kitang-kita ko ang pag-atras niya ng kaunti at saka nanlaki ang kanyang mga mata.

Nanginginig ang kanya katawan nang muli siyang nagsalita..

"Dumating na siya."

At automatiko, nang bitawan niya ang mga katagang iyon, ay bumilis ang tibok ng puso ko.. Dumating na siya? Sinong...siya? Mula sa aking likuran, ay naramdaman ko ang malakas na hanging umihip. Bumigat lalo ang aking pakiramdam. Di ko na nga namalayan ang pagtakbo paalis ni Sherry..

Huminga ako nang malalim.

Heto na naman ang pakiramdam na para bang may nakamasid sa iyo. Na para bang, kinakalkula ang bawat galaw mo.

Marahan akong lumingon sa aking likuran, at sandaling nakagip ng tingin ang malaking aninong nakatayo katabi nina Moirra at Philip.

Napasinghap ako, ngunit sa isang kisap-mata lamang, ay nawala na siya. Bumalik na rin sa normal ang bilis ng tibok ng puso ko at tila ba nawala ang tinik sa dibdib ko. Ano na naman kaya iyon..? Pakiramdam ko, ay may kinalaman ang aninong iyon sa nilalang na gumulo sa akin kanina sa may clinic..

Iisa lang kaya sila?

"Zyra, halika na."

Ang boses ni Moirra ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Tiningnan ko siya, at nakita ang kanyang pag-ngiti. Tila ba, hindi nila naramdaman ang aninong tumabi sa kanila kani-kanila lamang. Si Philip naman, ay inakbayan na ako at saka nagsalita. "Umuwi na tayo. Delikado rito sa eskwelahan nang ganitong oras lalo't pagabi na rin." Sabi nito sa malumanay na boses. Ang bestfriend ko naman, ay nagkwento na rin habang nagsimula na nga kaming magpatuloy sa paglakad.

"Haha.. uy, pero alam niyo ba kanina..."

Hindi na ako nakinig sa kanyang sinasabi. Lumulutang na naman ang isip ko. Napupuno na talaga ng misteryo ang buhay ko.

May mga bagay talagang, ang hirap paniwalaan..ngunit kung mararanasan mo lang itong mga nararanasan ko?

Nanaisin mo na ngang maniwala..

~×~×~×~

GABI na at nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Iniisip ko ang mga nangyari sa akin ngayong araw..Yung mga kaganapan kanina sa may clinic. Yung kaso ng batang dinukot raw ang sarili nitong puso; yung pagkalimot kanina ni Sherry at saka yung mala-higanteng aninong nakatayo sa aking likuran..

Ano na ba ang nangyayari sa akin? Oo, napakaraming kababalaghan ang nasilayan ko kani-kanina lamang, ngunit aaminin kong hindi ito ang unang beses.

Sa nakalipas na anim na buwan, ay nakakaramdam na ako ng kakaibang mga bagay. Nakakakita na rin ako ng mga di pangkaraniwang mga senaryo, ngunit sa hating-gabi ay nagigising na lamang ako at napagtatantong isang bangungot lamang ang lahat. Well, iyon ang gustong paniwalaan ng isip ko. Ngunit iba naman ang dikta ng puso ko..

Parang totoo ang lahat.

Ang mga sigaw.. ang mga umaaligid sa aking anino.. at ang pulang mukhang may nanlalasik na mga matang nagpapakita sa akin tuwing kabilugan ng buwan.

Oo, alam kong nakakabahala na, ngunit wala rin naman akong magagawa. Ni hindi ko nga alam kung bakit buhay pa ako ngayon eh. Nawalan na kasi ako ng rasong mabuhay..

Nawala iyon, anim na buwan nang nakararaan.

Beep!

Nagulat na lamang ako nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Agad rin naman akong napabuntong-hininga at saka ako umupo sa kama bago ko iyon iniabot. Tiningnan ko ang oras..

9:30 pm

At sino naman kaya ang magtetext sa'kin nang ganitong oras? Ngunit nang ibaling ko ang aking mga mata sa screen, ay agad na nagbuhol ang aking mga kilay nang makitang walang pagkakakilanlan ang sender.

At dahil sa hindi rin ako pamilyar sa numero, ay minabuti ko na ring buksan ang mensahe..

Napasinghap ako.

Wala ka nang kawala.

Iyon ang nakasulat sa text message.

Bigla tuloy akong kinabahan at naibato ang aking cellphone sa sahig. Wala na akong makialam kung masira ito, basta ang mahalaga ay maiwaksil ko sa aking isip ang mga salitang iyon. Rinig na rinig ko rin ang malakas na pagpintig ng aking puso, kung kaya naman ay naibaling ko ang aking paningin sa may bukas bintana.

Bukas na pala ang kabilugan ng buwan..

Ano na naman kayang surpresa ang naghihintay sa'kin?

~×~×~×~

Itutuloy sa susunod na kabanata...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top