Playful Destiny
Nanunuod ako sa mga kaklase ko na busy sa pakikipag chat sa Omegle. At dahil bored ako, nag try ako. Medyo naiintriga din kasi ako because some of my friends met their boyfriends thru omegle pero hindi naman ako ganon ka desperate para maghanap ng love dun wala lang, I just need someone to talk to, medyo stress kasi sa acads, so there.
"Oh Mich, ikaw na muna gumamit nito at may klase pa pala ako sa Science. Geh bye" - Anika, at lumabas na ng Computer Lab.
Kaya naman nag open ako at nagkalkal.
I used UST as my interest. Para maiba naman.
Nang biglang may lumabas na
"You both like UST"
Stranger: Hi
Medyo kinabahan naman si ako, I don't usually talk to strangers din naman kasi. Isa pa, this is my first time.
Me: Hello!
Stranger: M21
Ako: F20
Stranger: Hi! Your name?
Me: Hello ulit! I'm Mich.
Pinaglalaruan ba ako nito? Bakit pati pangalan konektado sa past ko? Blake huh? Pfft seryoso? Impossible naman. Madaming Blake sa mundo.
At nagkatanungan ng mga personal info's and stuffs.
Stranger: Do you have a boyfriend?
Me: None, bakit mag a-apply ka? Hihi.
Ay harot gorl.
Stranger: Really? Me too, soulmate?
Me: Pfft seryoso? Naniniwala ka doon?
Stranger: You know what? I like you! It seems like I know you.
Me: Pfft seryoso ulit?
Stranger: Yeah, I don't know pero it is really nice talking to you, nakakagaan sa loob.
Sus, mga galawan mo dong. If I know, marami ka nang napagsabihan ng ganyan.
Me: Ang bilis naman. Kakachat lang natin a few minutes ago.
Stranger: Alam kong kakakilala lang natin but can I see you? I really want to see you. Kita tayo please.
Me: How?
Stranger: Bigay mo sa'kin Facebook mo.
Me: Ayoko nga noh?
Stranger: Is it okay also if I court you?
Napalaki naman mata ko. Jusko! Speed langs koya? Agad-agad?
Ayokong ibigay ang facebook kasi, ayokong maging physical appearance ang batayan niya sa panliligaw.
Stranger: Then, your number na lang.
Me: Owkie *bigay ng number*
Stranger: Sige salamat, but as much as I wanted to talk to you, may klase pa ako. Text you later!
Me: Sige.
Dinisconnect ko na at maya maya nag-aya na akong umuwi kasama si Ella. Nakakapagod ang araw na ito.
"Ella may nanligaw sa akin, nakilala ko sa site na Omegle. Alam mo, tama pa ba 'tong ginagawa ko?!"
Napahalakhak sa akin si Ella.
"Friend, I feel you, been there, done that. Um-oo ka, malay mo, siya na talaga,"
Minsan talaga walang klaro kausap itong si Ella, imbis na bigyan ka ng advice, ipinupush ka pa lalo sa patibong. Psh.
Nang makadating naman ako sa bahay ay naligo na ako. Ang lagkit ko kasi. Naghahanda na akong matulog ng may na recieved akong text.
"Good night Mich. I am so glad na nakilala kita. Alam kong in the end mapapasagot kita. Thank you for trusting me anyway. Sweet dreams Mich"
Hindi na ako nag reply at natulog na.
Kinabukasan...
Nagising ako sa ingay ng ring sa phone ko. Tumatawag siya alas syete ng umaga. Nyeta lang. Panira ng tulog.
"Hello?"
[Good Morning Mich! Have you eaten your breakfast?]
"Uhm, hindi pa, kakagising ko lang."
Wait his voice seems familiar. Parang narinig ko na ito dati pa.
[Really? Ow, sorry. I should've texted you instead of calling you.]
"It's okay. Good thing tumawag ka, baka kasi mamaya pa ako magising." I chuckled.
[Hmmm. Anyways, eat your breakfast na. Masama yung hindi nag uumagahan.]
"Ah sige tatayo na. Thank you Blake!" I ended the call at nag-ayos.
Kada oras nag tetext siya, kada gabi tumatawag siya. Never naging boring ang topic because we the same interests, hobbies, favorites. Three weeks or almost one month siyang matyagang ganoon. I admit, medyo nafa-fall na kami sa isa't isa. Madalas nga nagkakaroon pa kami ng mga sweet convos and more. Nakakalambot nga ng puso kapag makita mo yung lalaking masyadong nag e-effort para mapasaya ka.
Until one day, napag-isipan naming magkita. Medyo negative ang pag-iisip ko.
//The day of our meet up//
"Good morning Angel! Eto na, magkikita na talaga tayo. I am really excited. Sa wakas, makikita na talaga kita. Uy sana wag ka ma dissapoint ha? Panget kasi ako. Baka kasi mag-expect ka. Basta see you later! Pasok na ako sa school. Ingat ka Angel!"
Dumating na yung oras na pinag-usapan.
Kinakabahan ako, gusto kong mag back out.
What if this will fail? Ano? Anong gagawin ko?
What if hindi niya pala ako magustuhan once he saw me?
Madaming what if's ang pumapasok sa isipan ko. Pero bahala na, go with the flow na lang!
"Hi Angel, nandito na ako sa Starbucks. Naka gray bag, naka white uniform ako Angel. See you :)"
Malayo pa lang nakakita ako ng lalaking nakaupo sa gitna ng Starbucks. Bakit pati likuran ay pamilyar? Nag dahan dahan ako, pumunta sa alikuran niya para i-surprise at gulatin siya.
"Hi Blakey!" sabay hawak sa magkabilang balikat niya.
Pero ako yata ang nagulat ng humarap siya sa akin.
"Blake Ezekiel Madrid?!" i shouted and everyone inside starbucks are looking at us.
"Michelle Grace Montes?!"
Si Blake nga. Ang first love ko. My higschool ex boyfriend na sobrang minahal ko kaya ang tagal bago ako maka move on. Nandito siya ngayon sa harapan ko.
We broke up dahil nagmigrate sila ng America at doon na nag stay for good. I never heard anything from him pero standing in front of him, I don't know what to do! It's been fucking five years!
Paano?
"God, I miss you so much," biglang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit
Tears were falling form his eyes with a big smile on his face.
Hindi ko na rin kinaya kaya naiyak na din ako.
"Thank God, thank you you so much for making my one and only love back!"
And that was the day we met, again.
Ngayon, palagi na kaming magkasama. At nangako kami sa isa't isa na hindi na kami maghihiwalay pa.
"Mahal kita Angel, sobra sobra," bulong niya sa akin habang yakap yakap niya ako
Niyakap ko siya pabalik at pumikit.
"Hindi mo na ako iiwan diba? Dito ka na diba?"
He nodded his head as he kissed my forehead.
"Hindi na, pangako ko sa iyo,"
I smiled at what he said. How playful destiny is.
"Ako rin, mahal din kita Blake"
What is meant to be always finds a way
-fin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top