CHAPTER TWO | www.pleaseyourself.com
TRIGGER WARNING
This chapter contains vivid description of s*x toys, foul language and dirty thoughts that might be offending to others.
As I said... for this story... I went to the dark side.
Readers discretion is advised.
-------------------------
Be who you are and say what you feel. It's not being rude, it's just being real.
PLAY WITH ME
CHAPTER TWO | PLEASEYOURSELF.COM
JAS
This monster will surely bring you to the edge and will give you the most satisfying orgasm that you can experience in your life.
"Jas, you think okay 'tong reply ko sa client?"
Inalis ko ang tingin sa kaharap kong monitor at tinapunan ng tingin ang assistant kong si Angie. Kita kong talagang nag-iisip siya at nakahawak pa sa buhok niya.
"Ano ba 'yan?" tumayo na ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Nakita kong ang daming inquiries sa website namin. Napangiti ako at binabasa ang mga iyon. Karamihan ay ini-inquire ang James dildo at ang Big Monster Daddy na laging sold out sa website.
"She is inquiring about the Big Monster Daddy?" Paniniguro ko at nag-browse pa sa mga messages na naroon.
Nangingiting tiningnan ko ang best seller na sex toy na iyon mula sa catalogue sa website. Ang daming views at napakarami ngang inquiries.
"I think sure buy na ang client kapag ipinadala mo ang reply mo." Natatawang sagot ko at ako na ang pumindot ng enter button sa laptop niya para ma-send ang message.
Tiningnan ako ng masama ni Angie pero napapangiti rin. Maya-maya ay nag-reply ang client.
I want to order one.
"See. Success sale," komento ko pa at bumalik na ako sa puwesto ko.
"This is wow, Jas. I never imagined that this kind of business will boom here in the Philippines. Knowing that this country has lots of you know... conservative and righteous people that might judge this kind of business. This is a taboo for some people." Napangiwi pa si Angie tapos ay ibinalik na nito ang pansin sa mga sinasagot na inquiries.
Napakibit na lang ako ng balikat at sumandal sa kinauupuan ko. She has a point there. It was so hard to introduce this kind of business here. When I started this business in the US, wala halos pumapansin kasi nga naman kabi-kabilaan ang mga sex toy shops doon na puwedeng-puwede pang puntahan. 'Yong iba nga may free testing pa. I had been in those places. Checked how they managed to sell those kinds of things. In my mind, I knew that anything about sex will always sell. People might not be very vocal to speak about sex, but I knew in their mind, deep down in there was the dirty little voice that wanted to be heard. That it was okay to have sex if they wanted too. It was okay to do it to any one they want. As long as it was consensual, as long as they were practicing safe sex it, I think was okay. Sex was a natural part of life. It brings intimacy. Scientifically, researchers found that intimacy lowers cortisol, the stress hormone both in men and women. Sex can also be an essential part of being alive. You feel alive especially when they reached your peak.
But in a country that was so religious and people were stuck living backwards, this was so hard to explain. I lost count how many hate messages I received in a day when I launched my website. Well, still receiving hate mails up to this day. The comments every time I was doing live on Tiktok, wow. If they can kill me, they would do it. But I am used to it. I am used to be told that I was a whore. I was a bad influence to kids. I didn't care. I knew what I am. I knew what was the truth about me, and whatever narrow-minded person would tell bad things about me behind my back, they should stay there. Behind my back.
And now, months after launching my sex toy website here, in a country that was so traditional, it was so overwhelming. The orders were on top of the roof. Madalas nga na-a-out of stock ang mga fan favorites. And it was James and Big Monster Daddy. James. Thanks to my best friend Lucy of giving me an idea how his husband dick looked like. Ini-enhance ko nga lang para mas bumenta.
Binuksan ko ang website ko at tiningnan ang mga naroong mga litrato ng sex toys. Normal na lang sa akin ito. Kapag ipina-describe nga sa akin, kayang-kaya kong ibenta sa mga customers. Of course, these were my products and I should be educated about it. The size, the girth, what was the feel, the satisfaction that they can get. We studied it first, test it to our product testing group and we gather information about their experience and after testing the products, they were the happiest ladies in the world. Patong-patong nga ang mga request forms na nare-receive namin para lang sa free testing ng mga sex toys. And they were being paid too. Imagine that. You were getting an orgasm and being paid.
That can only be given by PleaseYourself.com.
"Jas, nasa schedule mo na ba ang interview mo two days from now? You are going to be live on Maria Tonight." Tonong nagpapaalala si Angie.
Napakunot ang noo ko at tiningnan ang schedule ko. For real? I had an interview in that high-rating late night show?
"Angie, is this for real?" Nanlalaki ang mata ko sa kanya.
"Oo, ano ka ba? Hindi ka ba nagbabasa ng email mo? May invite ka and you are scheduled two days from now." Ngumiti ng nakakaloko si Angie. "Are we going to show this to national television?" Dinampot niya ang isang purple dildo at ipinakita sa akin. "Mai-eskandalo ang mga feeling santo."
"Of course, we cannot show that. Hindi pa handa ang sambayanang Pilipino na makakita ng mga makukulay na fake dicks. Baka mademanda at MTRCB 'yang si Maria pati na tayo. Maybe we can describe our business, I am sure it will be a talk about sexuality. The openness of people about having sex. Usually, ganoon lang naman. Akala yata ng mga 'to si Doctora Margarita Holmes ako. I am not a licensed sex therapist. I am just a wide reader and an open-minded person that understands the need of our body. And sex is a vital part of our life." Kumindat pa ako sa kanya.
"At dahil diyan, iboboto kita as Party-List. Iboto, Jasmine Riverte para sa PleaseYourself.com Party List. I-shade sa balota para makatikim ng plastic na nota," ang lakas pa ng tawa ni Angie at ganoon din ako.
"Kaya tayo naba-bash. Baka isang araw habang naglalakad ako sa kalsada may sumaboy na lang ng holy water sa akin," tumatawang sagot ko. Napatingin ako sa telepono ko at nakita kong nag-message sa akin si Ranie. Napakagat-labi ako nang mabasa ko ang message niya na papunta na siya sa restaurant na pagkikitaan namin. Nag-reply ako na papunta na rin ako. Isinara ko na ang laptop ko at nag-ayos na.
"You have a date?" Nanunuksong tanong ni Angie.
"Dinner," malanding sagot ko at nag-retouch ng make-up ko at nang tingnan ko siya ay halatang hind siya kumbinsido sa sagot ko. "Dinner lang talaga 'to. Ranie is a fitness enthusiast and alam mo na, influencer. They can help us, our website for net traffic." Isinukbit ko na ang bag sa balikat ko at lumapit kay Angie tapos ay humalik sa pisngi niya. "I'll go ahead. Ikaw na ang bahala sa mga sabik na nag-i-inquire sa ating mga big daddies."
"Go. Ako na ang bahala dito." Sinenyasan pa niya akong umalis na.
Tatawa-tawa akong lumabas ng office at tinungo ang kotse ko. Sumakay ako doon at nag-drive na papunta sa resto na pupuntahan ko. Dinner lang naman talaga 'to. I am done with the casual fling and casual sex to guys. Nakakasawa din pala. I haven't had sex for a year now that's the truth. Magmula noong na-ghost ako ng foreigner kong fiancé. Hayop na iyon. Ikakasal na lang kami biglang nawala. Mabuti na nga lang at hindi pa ako nakakagastos sa kanya at nabawi ko pa ang ibang mga nai-down ko sa mga wedding suppliers. Awa ng Diyos, hanggang ngayon wala akong balita kung ano ang nangyari sa Amerikanong iyon. Handa pa naman na akong lumagay sa tahimik. After so many casual sex, failed relationships, akala ko happy ever after ko na ang lalaking iyon. Magiging sumpa lang pala. Sana masarap ang hapunan niya gabi-gabi at nabubulunan siya kung naaalala man niya ako.
But, for what it's worth, may naging magandang effect naman ang pag-iwan niya sa akin. Naisip kong gawin ang business na 'to. Kahit na-brokenhearted, hindi ko naman masyadong ininda kasi na-focus na ako dito sa business and it made me like this. Better than my old self.
Better than the young girl who was afraid and used before.
Napatiim-bagang ako habang nakatingin sa kalsada. Memories were coming again. Memories that I buried a long time ago. I got out from that life. I had a new life and I won't let that bad past to consume me again. I won't let that nightmare to take the life I was having right now.
Napatingin ako sa telepono ko at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag doon. Si Lucy.
"How's the extended honeymoon?" Iyon agad ang bungad ko sa kanya nang sagutin ang tawag niya.
"Superb," at tumawa pa nang nakakaloko ang kaibigan ko.
"Wow, mukhang superb nga. Ramdam ko ang kilig. Mukhang nadiligan ng bonggang-bongga. Girl, alalahanin mo buntis ka. Baka mapaano naman ang susunod na inaanak ko." Iniliko ko sa isang kanto ang kotseng minamaneho ko at nakita ko sa monitor sa kotse ko na ilang kanto na lang at malapit na ako sa pupuntahang resto.
"Ano ka ba? Siyempre nag-iingat naman kami. Masaya lang kami ni JD kasi nga we are newly-weds kahit pangalawang kasal na namin 'to. Hindi ko naman na inaasahan na mararanasan ko ang ganoong klase ng kasal." Sagot ni Lucy.
Napangiti ako. "Girl, deserve mo 'yon. Sa nakita kong paghahabol mo diyan kay Papa James, dapat lang talagang bigyan ka niya ng bonggang kasal at happy ever after." Natatawang sabi ko. "But kidding aside, I am so happy for you. I am happy that finally you found your happiness with him kahit madalas pasaway 'yang asawa mo pagdating sa trabaho niya. Deserve mo 'yan."
Narinig kong napahinga ng malalim si Lucy at kung kaharap ko siguradong ang hitsura ay parang nagdi-daydream. Ibang klase talaga ang tama ng babaeng ito kay JD. Mula pa noon hanggang ngayon. Aba, magpasalamat siya sa akin. Ako kaya ang talagang nag-push sa kanya sa lalaking iyon. Alam ko naman kasi. Ramdam ko na may pagsintang-pururot na noon pa man si Lucy sa lalaking iyon. Ayaw lang aminin.
"I am glad that you're back, Jas. Kita tayo tomorrow?" Sabi niya.
"Sure. Basta ba kasama ko sa breakfast ang thick butt ni Papa James." Pang-aasar ko pa.
"Jas!" Tumitili si Lucy. "Ano ba?" Natatawa pa siya. Ang lakas din ng tawa ko at ipinarada ko na sa harap ng restaurant ang kotse ko. "Kaya talagang kapag nandito ka allergic si JD paano alam niya haharassin mo na naman."
"Arte niyang, JD na 'yan. If I know, bet na bet naman niyang hinaharass siya. At kung hindi ko pa siya hinarass noon, hindi mo mare-realize na bet na bet mo siya. Tigilan n'yo ako ng mga pabebe moves n'yong dalawa. What did he say about his replica?" Nanunuksong tanong ko pa. Ang ibinigay kong James sex toy ang tinutukoy ko.
Napahagikgik si Lucy. "He got mad." Ang hagikgik niya ay naging malakas na pagtawa. "Sabi niya mas magaling pa rin daw ang original kaysa sa wannabe niya."
"Kabahan kamo siya. Dahil kapag hindi niya ginalingan, 'yong Big Monster Daddy kamo ang ipapalit mo sa kanya."
"Oh my God!" ang lakas ng tawa ni Lucy. I knew that she was enjoying this conversation. She knew that I was a loud-mouth and opinionated but still, Lucy was the best friend that I value in my life. Sobrang magkaiba man kaming dalawa pero kahit kailan hindi niya ako na-judge. Hindi niya ako tinanong kung bakit sandamakmak ang naging flings ko. Kung bakit lagi akong nagpapalit ng boyfriends. Kung bakit okay lang sa akin ang casual sex noon. At alam ko na siya ang unang-unang natuwa nang malaman niyang ikakasal ako noon but sad to say, hindi natuloy. At ngayon na may kakaiba akong business, support pa rin niya ako. Tanggap niya ako kung ano ako.
Sobrang opposite man naming dalawa dahil napaka-bulgar kong babae at si Lucy ay sobrang reserve, deep in our hearts we knew that we connect. We found anchor to each other. Nakaramdam nga ako ng guilt dahil sa ginawa sa kanya ni Eula. Ang walanghiyang babaeng iyon. Dahil sa lalaki, muntik pang sirain ang reputasyon at pagsasama ni Lucy at JD. Mabuti nga sa kanya na mabulok siya sa kulungan. Malalanta for life ang kimchi niyang hindi na madidiligan. Kung nag-bait sana siya, puwede ko pa siyang bigyan ng complimentary sex toy na tinda ko para hindi naman siya lonely habang naghihimas ng rehas. But according to Lucy, the last time that they had seen each other in jail, the witch still acted a bitch. Kaya sorry na lang. Walang complimentary toy from PleaseYourself.com. Magtiis siya sa mga daliri ng mga kapwa niya babaeng preso doon.
"You are corrupting my mind again," natatawa pang komento ni Lucy.
"Girl, matagal nang corrupted 'yang utak mo mula nang mapangasawa mo si Papa James. And that is very okay. At least vocal ka na, wala na kayong arte sa isa't-isa. And having a good sex life and open communication about it with each other is one of the foundations of a happy marriage."
"Wow. From being a bad bitch to being the best sex guru real quick. Baka sa susunod malaman kong nag-p-PhD ka na as sex therapist. Katulad ka na ng asawa ni Shane," natatawang sagot niya.
"No. Okay na ako sa ganito. Motivational speaker for everyone that sex is a normal thing in life." Napahalakhak ako at napatingin sa restaurant. "I'll call you tomorrow. I am going to meet someone tonight."
"A date?" Paniniguro niya.
"No. Business."
"Business date." Pagtatama pa niya.
"Basta meron akong kasama na magwa-wine tonight 'yon na 'yon." Natatawang sagot ko. "I'll call you tomorrow, okay?"
"Enjoy. Love 'yah."
"Love yah too."
Natatawang ini-end ko ang usapan namin at inilagay ang telepono ko sa bag. Inayos-ayos ko pa ang buhok ko at tiningnan kung okay ang make-up ko bago bumaba ng kotse. Nag-message pa ako kay Ranie na nandito na ako.
Lumakad ako papasok sa restaurant at tinanong ang waiter sa reservation namin. Itinuro naman ako sa isang mesa at dumeretso ako doon. Nag-text uli ako sa kanya pero wala akong reply na nare-receive.
Strange. Bakit biglang hindi na siya nagre-reply? Ano 'to? Another case of ghosting na naman?
Sinubukan kong tawagan ang number niya at nagri-ring naman pero hindi sinasagot. Nang tawagan ko ulit, ay napahinga ako ng malalim.
Blocked na ako.
Napailing na lang ako at sumenyas sa waiter at umorder ng wine. Nang dumating iyon ay inubos ko na lang at nagbayad at umalis sa lugar na iyon. Napapahinga ako ng malalim nang makasakay sa kotse ko.
Another case of ghosting. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking gumagawa sa akin nang ganito. Sa una, sobrang eager kausap. Sobrang okay. After ilang araw at lalo na kung magkikita na, bigla na lang mawawala ang mga animal na lalaking ito.
Tiningnan ko ang sarili ko mula sa rearview mirror. Maganda pa rin naman ako. Sexy pa rin. Seductive pa rin pero bakit itong mga lalaking 'to...
Napaikot na lang ako ng mata at nag-drive paalis doon. Dumeretso ako sa condo ko at tila pagod na pagod ang katawan na ibinagsak ko iyon sa kama. Puwede pa sana akong dumaan sa opisina at tulungan si Angie sa mga inventories at pagsagot sa mga inquiries pero naisip kong bukas na lang. It had been a long day.
Bumangon din ako at binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang website at napangiti nang makita ang maraming inquiries pa rin doon. Well, kung lagi man akong sablay sa pagkakaroon ng lalaki sa buhay, at least my business was doing well. All those plastic sex toys were someone's favorite and the feedbacks were good. But of course, there will be some people who won't see the good side of this kind of business. Like these hate messages that my website receives.
Kung sino man ang may-ari ng website na 'to, bakit hindi ka pa mamatay?
Demonyo ka! Kung ano-anong klaseng kasamaan ang itinuturo mo sa mga kabataan.
Immoral ang may-ari nito! Mamatay ka na!
Sana pagtulog mo bangungutin ka at hindi ka na magising.
Natatawang isa-isa ko na lang na dini-delete ang mga hate messages na 'yon. Nang masiguro kong maayos na naman ang website at ma-check ang traffic ng orders pati na ang mga for deliveries bukas ay tumungo na ako sa banyo at nag-shower. Matapos makapaglinis ay dumeretso na ako sa kama at nahiga para magpahinga.
Hindi rin naman ako dalawin ng antok. Nakatingin lang ako sa kisame tapos ay napako ang tingin ko sa mga kahon ng sex toys na nasa gilid ng kuwarto ko. I looked at the Big Monster Daddy that has been the customers favorite for now. Tumayo ako at kinuha ang kahon at tiningnan ko ang laman noon. The real life looking plastic dick was big in my hands. I tried to stroke it and damn, the girth was too big. The feel of those real-like veins. I read the description of this monster and I smiled.
The length size was 12.5 inches and can penetrate deep up to nine inches. The girth was three inches. Holy cow. This was like the dick of that black porn star Shane Diesel. He was one of porn actresses' favorite because of his big dick and good performance. How did I know it? Of course, I was watching porn. It was part of my business. I was advertising my business in different porn sites because that world was my niche. I can find clients there. Alangan naman magbenta ako ng paninda ko sa simbahan. Malamang ako ang ipako sa krus doon.
Nanatili akong nakatingin sa sex toy na nasa kamay ko at natatawang ibinalik iyon sa kahon.
If there was one truth that I was not telling everyone, it was the truth that I haven't had use any of my product. Ever. I am loud-mouth, I say what I wanted to say, I can sell my toys and will make any client to buy it. But at the end of day, I was going to sleep alone on my bed. Lonely on my bed. After my almost-wedding, I haven't had any men in my life. I was abstaining from sex for more than a year. Haven't tried to please myself too. I don't know if this was just a phase. I just felt that I lost the appetite for sex. I haven't feeling horny. It was like... there was a switch in my brain that was flipped and told my whole body to stop thinking about sex. I wasn't feeling the need anymore. Ngayong gabi nga sana. Kung magiging okay ang usapan namin ni Ranie, susubukan ko sana ulit at baka bumalik na ang libido ko. Pero magaling lang palang mang-ghosting ang isang iyon.
Pahagis kong ibinalik sa bunton ng mga kahon ang kahon ng Big Monster Daddy na hawak ko at bumalik sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na makatulog. Pero alam ko naman na malabong mangyari iyon.
Nakapikit lang ako pero gising na gising ang diwa ko. Kung ano-ano lang ang papasok sa isip ko.
And for sure, tonight will just be another long night.
-----------
There will be a slow update for this story. Advance chapters are posted on Patreon and FB VIP. You can message HELENE MENDOZA'S STORIES FB PAGE to know how to subscribe and read the advance chapters and exclusive stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top