Simula
"Lena! Takbo! Bilis!"
Kahit na namimilipit sa sakit ng tiyan si Lena ay hindi ito naging dahilan upang siya ay huminto. Hingal na hingal na sa sobrang pagod at unti unti ng nararamdaman ang panghihina ng katawan.
"H-hindi ko na k-kaya.." hingal na hingal nitong sambit habang naglalakad sa malawak na kagubatan. Dahil na rin sa malakas at patuloy na pag-ulan ay nagdulot na ito ng pagputik sa kanyang dinaraanan.
"Hinto! Huminto kang put* kang babae ka!"
Napaigtad sa gulat si Lena ng makarinig ng magkasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kagubatan.
Ngunit patuloy parin ito sa pagtakbo habang sapo sapo ang tiyan.
"Lena, 'wag kang sumuko.. m-malapit n-na.." ani sa sarili
Tila ba nagkaron ito ng lakas at pag-asa ng makita ang liwanang na nagmumula sa poste ng ilaw sa tabi ng kalsada. Labis ang kanyang tuwa ng nakatapak ang kanyang paa sa gilid ng kalsada.
Palinga-linga ito sa paligid. Nanginginig sa takot na baka maabutan ito ni Madam V at ng mga tauhan nito.
"T-tulong.. t-tulong.." hinang hina niyang sambit. Ang duster nitong sira sira ay naging dahilan para lalo pa siyang lamigin.
Nagsimula itong maglakad sa kahabaan ng kalsada habang palinga linga. Nagpapasalamat na hindi na ito nakakarinig ng boses na humahabol sa kanya. Siguro nga ay sumuko na ang mga ito.
Patuloy itong naglalakad habang nagdarasal na hindi ito mahuli ng humahabol sa kanya ngunit unti unting nanghihina ang mga binti ni Lena at parang naupos na kandilang napaupo sa gilid ng kalsada.
Pilit man nitong tumayo ay hindi na nito magawa. Unti-unti ng umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Ang kaninang matapang na si Lena ay tuluyang ng nanghina.
Lalo pa itong kinabahan ng makarining ng papalapit na sasakyan.
Alam ni Lena na imposible na makaalis sa sindikatong napuntahan niya pero nagbakasakali parin siya na makalaya. Hindi niya na nais pang manatili duon.
Huminto sa tapat nito ang sasakyan at sunod-sunod na mga yabag ang narining ni Lena habang ito ay nakayukyok lang sa isang tabi habang umiiyak.
"Walang hiya kang babae ka! Pinahirapan mo pa kami! 'Diba sinabi ko sayong hindi mo kami matatakasan! Gusto mo talagang masaktan?!.."
Napapikit lalo si Lena ng hatakin ni Madam V ang buhok nito. Dalawang tauhan pa nito ay hinawakan si Lena sa magkabilang braso para itayo.
"Hala! Ipasok na yang p*ta na yan sa sasakyan! Ibalik yan sa Casa!"
At simula noon ay tanggap na nito na..
hindi na ito makaalis pa sa impyernong napuntahan nito.
This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top