Chapter 6
SAMANTHA
Nagaayos ako ng gamit ko, ng mabaling kay Namichiko ang atensyon ko. Nakaramdam naman ako ng awa para sakanya.
Nakatulala lamang siya, at mugtong mugto ang mata niya na tila ba'y umiyak ng umiyak buong gabi.
Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko patungo sa gawi niya. Ang kailangan niya ngayon ay masasandalan, katulad ng binigay niya sakin kahapon.
"Hi" bati ko sakanya habang nakangiti. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatulala. Inaasahan ko na ito. "Mind if i sit here?"
Katulad kanina ay hindi parin siya sumasagot. Umupo nalang ako doon sa bakanteng upuan, upuan ni Athena, habang nakangiti pa din.
"Ahm... Nami, kapag kailangan mo ng kaibigan, nandito lang ako."
Tiningnan niya ko ng seryoso. "May kinalaman ka ba sa nangyari sa kanilang dalawa?" dirediretso niyang tanong dahilan para magulat ako. Hindi ko inaasahang pinapaniwalaan niya yung sinasabi ng iba.
Ngumiti ako ng mapait. "Pati ba naman ikaw?"
NAMICHIKO
"Pati ba naman ikaw?" mapait niyang sagot dahilan para makaramdam ako ng guilt.
Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. "Akala ko pa naman, iba ka sakanila." pinunasan niya yung luha niya at tsaka tumayo at nagsimulang maglakad papalabas.
Gusto ko siyang pigilan at magsorry. Ngunit inunahan ako ng pride ko kaya naman umayos na lang ako ng maayos at yumuko. Nice, magpakatanga ka pa, Namichiko.
DRAKE
Narito ako ngayon sa rooftop. Dito kami unang nagkita ni Janeah, dito rin ang tagpuan namin, at hindi ko inaasahang dito ko rin siya huling mayayakap.
Napabuntong hininga nalang ako. In fact, wala naman akong magagawa pa.
Napatingin ako doon sa wall. Napangiti ako ng may naalala ako.
"Tarantado!" pikon na sigaw ni Janeah, natawa naman ako. Ang cute niya talaga pag napipikon.
Narito kami ni Janeah sa rooftop. Dinrawing ko kasi kako siya. Naexcite naman siya kaya sumama siya, pero pikon na pikon siya nung makita niya yung drawing ko.
Gumamit ako ng chalk kaya ang pangit talaga ng kinalabasan.
Tawa lang ako ng tawa kaya inis siyang tumayo. "Babe? San ka na pupunta?" akala ko ay aalis siya ngunit nagulat ako ng kinuha niya yung chalk na nasa sahig at may dinrawing.
Natawa ako dun sa drawing niya kasi ang pangit talaga. Mas pangit pa nga sa drawing ko eh. "Sino yan? Mukhang monggol" sabi ko na natatawa.
Tumawa naman siya ng malakas. "Tanga, ikaw yan"
Napakunot ako ng noo, ako yan? Ang gwapo gwapo ko kaya!
"Teka may kulang pa pala" sabi niya tapos nilagyan ng malaking nunal yung kaliwang pisngi tsaka tumawa ng malakas. Yung tipong nakahawak pa sa tiyan at maiiyak na.
Mas lalong napakunot yung noo ko. Hindi niya ba alam na ang nunal na ito ang nagpaattractive sakin? Tsaka pota, ang laki niyan!
Napatingin ako kay Janeah na kanina pa tawa ng tawa. Ang ganda niya talaga. Napatigil siya sa pagtatawa ng malamang nakatitig ako sakanya. Ngumiti naman siya at umupo sa tabi ko.
Niyakap ko naman siya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Nakatingin kami pareho sa mga pangit na drawing, tsk, oo pangit talaga! Pangit na pangit!
"I love you." narinig kong wika niya dahilan para mapangiti ako.
"I love you."
Naramdaman kong may tumulong luha kaya naman dali dali ko iyon pinunasan. Kapag nakita ako neto ni Janeah tatawagin niya kong bakla.
SAMANTHA
Tumungo ako sa rooftop. Gusto kong mapagisa ngayon. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at gusto kong ilabas lahat ng iyon.
Napatigil naman ako ng makitang nandon si Drake. Nakatulala lang siya doon sa wall habang nakangiti.
Napangiti naman ako ng mapait. Tanggap ko na, tanggap ko na, na kahit kailan, hinding hindi mo ako makakayang mahalin.
Saglit ko pa siyang tinitigan doon at umalis na din. Malaya ka na, Drake.
Habang naglalakad patungong classroom ay nakita ko si kuyang janitor na papunta din ata sa rooftop. Binati niya ako at nginitian ko lang siya, no, scratch that, nginitian ko lang siya ng peke.
KILLER
Nakatanaw ako ngayon kay Drake mula sa malayo. Nakita ko ding umalis si Samantha kaya ngayon na ang tamang tyempo.
Ngumisi ako ng matapos ko ng ilagay yung silencer sa baril. Game over, Drake.
Umayos ako ng posisyon. Handa na ako.
Kinasa ko yung baril ngunit may biglang bumaril sa baril ko. Buti na lang ay nakalabit ko ang gatilyo dahilan para mabaril ko ang braso niya. Shit.
Inis kong nilingon kung saan nanggaling yung putok ng baril. Walang tao. Tangina, naisahan ako doon ah!
Dali dali akong bumaba dito sa tinataguan ko, mahirap na, baka may makakita pa sakin dito.
May oras din kayo sakin.
SAMANTHA
Nakaupo ako ngayon sa upuan ko at nakikinig kay prof. Yung pakikinig na pasok sa tenga tapos labas sa kabilang tenga.
"Ma'am!" may sumigaw sa pinto dahilan para mapalingon kaming lahat doon. Si kuyang janitor, natataranta.
Lumabas pa si prof at may pinagusapan sila ni kuya at kitang kita naman sa mukha ni prof ang gulat. Parehas silang tumakbo patungo sa... rooftop.
Tumakbo ako papalabas ng classroom. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog na ito. Abot langit din ang kaba ko.
Si Drake...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top