Chapter 4
NAMICHIKO
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay napagdesyinunan kong pumunta sa bahay nila Janeah. Narinig ko kasi doon sa dalawang babae kanina na pupunta raw sila doon upang mameet up ang parents ni Janeah. Nacucurious daw kasi sila kung sino ang kamukha ni Janeah.
Pumara nako ng jeep ng may nakita akong isa. Kailangan kong magmadali dahil medyo malayo ang bahay nila sa amin, at isa pa, hindi ako nakapagpaalam kila mommy at low bat na yung phone ko.
Hindi kami close ni Janeah, sa totoo lang, pero alam kong mabuti siyang tao. Hindi ako isa dun sa mga taong ang tingin sakanya ay isang spoiled brat. Dahil alam ko, alam kong lahat ng iyon ay nagawa lamang niya dahil sa galit.
"Athena! Saan ka ba nagpunta?" inis kong tanong kay Athena, bestfriend ko, ng sagutin niya ang tawag ko. Sumabay lang ako sakanya papunta dito sa school dahil naflat yung gulong ng motor ko at usapan namin na sasabay narin ako sakanya pauwi ngunit hindi ako sinipot ng tarantado.
"Sorry, Nami, m-may emergency k-kasi sa bahay." maiiyak na ang tinig niya kaya napasinghap nalang ako ng hangin. Tsk, hayaan na nga, magjijeep nalang ako.
"Alright, I understand, kita nalang tayo bukas."
"S-sige, salamat talaga Nami ah?" sabi niya saka pinatay ang tawag. Ibinulsa ko yung phone ko at tsaka nagantay ng jeep, ngunit ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring dumadaan. Badtrip naman oh!
"Hi miss" may sumulpot na tatlong lalaki sa harap ko. Hindi ko nalang sila pinansin, pero nagsisimula na akong kabahan.
"Masungit, tol." nakangising sabi nung nasa gilid dahilan para ngumisi din yung nasa harap, yung nag'hi' kanina.
Hinawakan niya ang balikat ko ngunit inalis ko iyon. Napaatras ako, kinakabahan na talaga ako. Hinawakan naman nung dalawang lalaki sa gilid yung mga kamay ko para wala akong takas. Tiningnan ko ng masama yung nasa gitna. Parang nagliliyab yung mga mata niya. Lumapit naman ng lumapit yung lalaki sakin. Sinubukan kong kumawala sa pagkahawak nung dalawang lalaki ngunit malakas sila.
Itinulak naman ako nung dalawang lalaki doon sa pader at isinandal doon. "Anong gagawin mo sakin?" sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas para magsalita. Hindi ito sumagot at sa halip ay ngumisi, dahilan para mabuhay nanaman ang takot at kaba sa dibdib ko.
Akma sana niyang gagalawin ang uniporme ko ngunit... "Oh it's good to see you three here."
Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling iyong boses ng babae. Nagulat na lamang ako ng makilala ko siya.
"Janeah..." bulong ko. Napatingin ako doon sa tatlo at kita sa mukha nila ang takot. Binitawan nung dalawa yung kamay ko dahilan para mapaupo ako. Kumaripas naman ng takbo yung tatlo.
Nanginginig parin ang mga kamay ko at hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako. Malapit nako dun.
"You alright?" walang emosyong tanong ni Janeah na ngayon pala ay nasa harap ko na.
Tiningnan ko siya. "S-salamat..."
Napaiwas naman siya ng tingin. "They just happened to be someone i know."
"K-kilala mo s-sila?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya. "Hop on." sinenyasan niya pa kong sumakay sa kotse niya. 'What the hell, man? Ikaw ba talaga yan, Janeah?' gusto ko sana yan itanong pero hindi ako nasisiraan ng bait, noh. "Jeez, sumakay ka na. Do you think I'll just leave you here alone when that just happened? Come on, it's a rare opportunity."
Tumango na lang ako. Tama siya, baka kung ano nanaman mangyari sakin.
"Baby! Bakit ngayon ka lang? Alalang alala kami sayo ng daddy mo" pagsalubong sa amin ni mommy. Nung nakita niya si Janeah ay malugod niya itong binati at pinatuloy.
Inexplain naman lahat ni Janeah ang nangyari kila mommy kaya labis nalang ang pagaalala nila sakin. Nalaman ko din na dati palang nagtratrabaho sa kanila iyong tatlong lalaki kanina kaso natanggal sila dahil may nakuhang droga sa mga gamit nila.
Hindi ko maiwasang mapatitig kay Janeah habang kinakausap niya sila mommy. Talagang naninibago ako. Ang queen bee na kahit sino walang sinasanto at ginagalang, masama ang ugali at mataray ay ngayo'y nakikipagusap sa mga magulang ni Namichiko ng may respeto at nakangiti.
Ng matapos nilang magusap ay napagdesyunan na niyang umuwi, sabi ko ay ihahatid ko siya hanggang sa labas at hindi naman siya tumanggi. Kailangan kong magpasalamat ng personal.
"Salamat, Janeah. Hindi ko alam ang gagawin kung hindi ka dumating." sinserong sabi ko habang nakangiti, napatawa naman siya.
"You already thanked me, you idiot." natatawang sabi niya dahilan para magulat ako. Nagpasalamat na ba ako? Marahil nakita niya ang expression ko dahilan para matawa nanaman siya. Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti sa akin. "You're one lucky dog"
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Meron kang pamilya na nagaalala sayo at sasabihan mo ng problema. Lagi silang nandyan para sayo." nakangiti niyang sinabi iyon ngunit kita ko ang lungkot sa mata niya. For some reason, nakaramdam ako ng awa para sa kaniya, at the same time, masaya akong nakita ang side nato ni Janeah. Lagi kong iniisip na malas ako, ngunit hindi pala. She showed me something i can't believe she'll be the one to show me. She showed me that i'm special. "Anyways, i'll head na. I'm looking forward on seeing tita and tito again. Say goodbye to them for me."
Naglalakad ako ngayon papalapit sa bahay nila Janeah ng may nakita akong babaeng nakatayo at nakatanaw lamang sa bahay nila Janeah. Si Samantha...
Seryoso lamang siyang nakatingin sa bahay nila Janeah ngunit puno ng lungkot ang mata niya. Namumugto rin ito na tila ba'y umiyak siya ng umiyak. Lumapit ako sakanya.
"Why won't you come in?" tanong ko sakanya at gulat siyang napalingon sakin. Nakarecover naman siya agad at napabuntong hininga. Bahagya pa siyang tumawa.
"Why would i? In fact, ako nga ang pumatay sa kanya, diba?" natatawa niyang sabi ngunit halata naman na malungkot siya. Napabuntong hininga nalang ako at gumaya sakanya na nakasandig sa kotse niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Punong puno ng kalungkutan ang lugar na ito ngayon. Nahagip naman ng paningin ko ang mga magulang ni Janeah na malapit lamang sa altar kung nasaan ang katawan, no, scratch that, ulo ni Janeah. Si Mrs. Alvares ay iyak ng iyak habang si Mr. Alvares ay nakatulala at nakaakbay sa asawa.
"Andaya ni Janeah" nagulat ako ng nagsalita si Samantha. Napalingon ako sakanya. Ang kaninang seryosong seryosong si Samantha ay ngayo'y umiiyak na. "Ang sabi niya...ang sabi niya hindi niya ko tatantanan. Na p-papahirapan niya pa a-ako."
"P-pero bakit niya ako..." halos hindi na niya matapos ang sinasabi niya dahil humahagulgol na siya. "Bakit niya ko i-iniwan?"
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maluha. Ganito din ako... ganito din ako nung mga panahong nagpakamatay si Sabina, kambal ni Athena at bestfriend ko din. Nung magpakamatay siya ng dahil sakin, ng dahil sa katarantaduhan ng klase namin.
And for some reason, i pulled her into a hug. Hindi narin siya nagpumiglas. Humagulgol lang siya ng humagulgol, habang ako naman ay pinapat lang yung likod niya, trying my very best to comfort her.
"Kasalanan ko to, kung sana may ginawa ako, edi sana napigilan ko siya at hindi ito mangyayari." bulong nito dahilan para mapakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? At sinong 'siya'? Weird.
Maya maya lang ay tumigil na sa pagiyak si Samantha. Nagpaalam na din siya na aalis na siya kasi may gagawin pa raw siya. Tinanaw ko pa ang kotse niya na papaalis. Pagtalikod ko ay nakita ko si Nicole dahilan para magulat ako. "Nami? Sino yung babaeng kausap mo kanina?"
"Ha? Ah eh, wala." ang tanging naisagot ko na lamang. Pag sinabi ko kasing si Samantha iyon ay hindi lamang ako ang mapapahamak, kundi si Samantha rin.
"Anong wala? Eh, kitang kita ko kaya." sabi niya na titingnan sana yung kotse ni Samantha ngunit hinarangan ko siya.
"Wala nga sabi eh!" natataranta kong sigaw ko na ikinagulat naman niya, pati rin naman ako, nagulat sa inasal ko. "S-sorry"
"O-ok lang, eto, juice" sabi niya sabay alok ng pineapple juice na dala niya. Hindi ko na iyon tinanggihan pa at kinuha na. "Ano palang ginagawa mo dito... magisa?" parang nagaalinlangan pa siyang sabihin yung salitang 'magisa'. Inubos ko naman yung juice para kahit papaano, mawala ang kaba ko.
"W-wala naman, ikaw ba? Anong ginagawa mo rito?"
"Ah, hinahanap ko kasi si Vivien, tas nakita kita."
"A-ah" yun na lang ang nasabi ko. I told you already, i'm a awkward person.
"Sige. Hanapin ko lang si Viv ah?" sabi niya at tumango na lang ako. Sa totoo lang, binabagabag parin ako ng sinabi kanina ni Samantha.
"Kasalanan ko to, kung sana may ginawa ako, edi sana napigilan ko siya at hindi ito mangyayari."
Napabuntong hininga nalang ako. Sana ay hindi tama ang iniisip ko, na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Janeah at tama ang mga binibintang sakanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top