Chapter 28
NAMICHIKO
"A-anong ibig mong s-sabihin? W-walang kinalaman si mommy dito!" sigaw ko at napangisi naman siya.
"Why don't you ask her, yourself?" nakangisi niya sabi at bahagya pang inilapit ang mga mukha niya sa mukha ko. "That is... kung makalabas ka ng buhay dito."
"H-hayop ka..." bulong ko at pinukulan siya ng masamang tingin. "Kung n-nagsasabi ka ng totoo, bakit kailangang madamay ang b-buong klase? B-bakit kailangang marami ang m-mamatay? Ha, Athena? Bakit?!" giit ko. Ang kaninang takot at kabang nararamdaman ko ay napalitan ng galit.
Sumeryoso ang mukha nito. "Pinahirapan nila ang kapatid ko, Nami! Because of them, because of ya'll, her life had been a living hell!" walang pagaalinlangan niyang sinapak iyong baril sa mukha ko dahilan para mapaupo ako. Bumulwak naman ang dugo mula sa palad ko na binaril niya kanina, at masakit rin ang panga ko dahil sa pagsasapak noong baril.
"At lahat ng iyon ay mababayaran, once na napatay na kita, Namichiko. Ipaparamdam ko sa mommy mo kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Ulit." sabi niya at itinutok ang baril sakin. "Game over, Namichiko."
She was about to pull the trigger ng may bumukas ng pinto. Inis namang napalingon si Athena doon, ganon din ako. Iniluwa noon si Luca, walang malay, at nakabulagta sa sahig. Sa likod niya ay may tatlong pulis. Tinext ko nga pala kanina iyong pulis!
"Don't shoot." pagbabala ng isang pulis kay Athena, pero hindi man lang ito natinag. Bagkus ay hinila pa ako papunta sakanya, at itinutok ang baril niya sa ulo ko.
"Go near us and ill shoot this thing's head off." pagbabanta ni Athena sa mga pulis. Bahagya pa sanang lalapit iyong isa ng higpitan ni Athena ang hawak niya sakin, dahilan para hindi ako makahinga ng maayos.
Nakarinig naman kami ng putok ng baril mula sa may kaliwa. Sabay sabay kaming napalingon doon at bumungad samin ang isang batang lalaking pulis. Nakaupo siya sa may bintana doon.
"Sorry, late. What did I miss?" nakangiti niyang sabi na parang ok lang ang lahat ng nangyayari.
Lumuwag din ang pagkakahawak ni Athena sakin dahilan para lingunin ko ito. Nakahawak ito sa kanyang kaliwa niyang braso. Dumadaloy ang dugo doon, batid kong dahil iyon sa pagbaril noong pulis.
May umakbay sa likod ko at bahagya pa akong nilayo mula kay Athena. Nagtaas ako ng tingin at iyon yung binatang pulis, kung hindi ako nagkakamali ay mga dalawang taon ang tanda sakin.
Marahil ay naramdaman niyang nakatingin ako sakanya dahil tiningnan niya din ako at bahagya pang ngumiti ng matamis. Nagiwas nalang ako ng tingin.
"Bitawan niyo ako!" rinig kong sigaw ni Athena dahilan para lingunin ko ito. Pilit na nagpupumiglas si Athena sa mga pulis.
Iginaya naman ako nung pulis palabas, habang nakaakbay parin sakin. Bumungad naman agad sakin si mommy at daddy at agad akong niyakap.
"Princess, ayos kalang... Shit!" rinig ang panic sa boses ni daddy ng makita ang kamay ko. Agad naman niyang tinawag iyong nurse na dumaan at binigyan ako ng first aid.
Habang ginagamot ang mga kamay ko ay hindi ko maiwasan tumingin kay mommy, na ngayo'y hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. "Hindi siya nagpakamatay, Namichiko. Pinatay siya ng mommy mo!" muli ko nanamang naalala iyon sinabi ni Athena sakin kanina.
"Ikulong niyo ako, sige! Pero sinasabi ko sainyo, hindi lang ako ang mamatay tao dito!" rinig kong sigaw ni Athena dahilan para mapalingon ako sa gawi nito. "Ang mommy ni Namichiko! Pinatay niya ang kambal ko, mamatay tao siya!"
Nilingon ko si mommy na ngayo'y nakayuko at narinig ko ang mahinang paghihikbi nito. "Mommy..."
"I'm sorry, miss. Baka napakasakit noong pagbaril ko sakanya kanina, kung ano ano na sinasabi. Nadamay pa kayo." sabi noong lalaking pulis kanina at lumapit kay mommy. Nagangat naman ng tingin si mommy.
"Totoo ang sinasabi niya." sabi ni mommy dahilan para magulat ang lahat, lalong lalo na kami ni daddy. Para naman akong binuhusan ng malaming na tubig sa narinig. Nilapitan niya ako at hinawakan ako sa pisngi. "I'm sorry..."
"W-why?" iiling iling habang umiiyak kong sabi. May kinuha naman siyang kung ano sa bulsa at binigay yun sakin. Isa itong papel.
"That'll explain everything." pagkasabi na pagkasabi niya noon ay hinila na siya ng mga pulis, hindi naman siya nagpumiglas. Napatulala lang ako doon sa papel na binigay niya.
Why did you have to lie, mommy?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top