Chapter 27

NAMICHIKO

"You're going nowhere, Nami." narinig kong wika ng isang boses mula sa likod ko, batid kong kay Athena iyon. Dahan dahan ko siyang nilingon habang tinatakpan ang kamay ko na ngayo'y walang humpay sa paglabas ng dugo dahil sa pagbaril dito kanina.

Ang kaninang takot at kabang nararamdaman ko ay napatungan pa. Nakita ko kung pano pumorma ang malaking ngisi sa mga labi ni Athena.

"Oh it's so nice to see you again, my dear bestfriend." nakangisi pa niyang sabi dahilan para mapalunok ako. "Why? Aren't you happy to see me?" sabi niya pa na kunwari ay lungkot na lungkot.

Itinaas niya iyong baril na hawak niya dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko. "Well, that doesn't matter anymore, mamatay ka rin Namichiko, mamatay ka rin katulad nila." malaki ang mga matang sabi niya at hindi mapaliwanag ang sayang makikita sa mukha niya.

"B-bakit mo ginagawa a-ang l-lahat ng to?" sa wakas ay nakakuha din ako ng lakas ng loob para magsalita. Bahagya pa itong lumapit papalapit sakin.

"Isn't it obvious, sweetheart? I did those for Sabina. Si Sabina na inagaw niyo samin, sakin." ang kaninang saya na makikita sa mga mata niya ay ngayo'y napalitan na ng lungkot at galit. "Pero malapit ko ng makuha ang gusto ko. Malapit ko ng mabigay kay Sabina ang hustisya."

"W-wala kaming ginawa k-kay Sabina, Athena. S-she killed herself. That's n-nothing to do w-with us." mabigat sa loob kong sagot. Kahit iyon ang totoo ay hindi ko maiwasan ang malungkot. It does have to do with us. Dahil kung hindi tarantado ang klase namin, hindi magpapakamatay si Sabina.

"Yeah, it has nothing to do with them. But it has something to do with you." sabi niya dahilan para mapakunot ang noo ko. What? "Hindi siya nagpakamatay, Namichiko. Pinatay siya ng mommy mo!"

"Pinatay siya ng mommy mo!"

"Pinatay siya ng mommy mo!"

"Pinatay siya ng mommy mo!"

Nagpaulit ulit sa isip ko ang huling apat na kataga na sinabi ni Athena. What does she mean by that?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top