Chapter 23
NAMICHIKO
"Baby, saan ka nanggaling?" bungad sakin ni mommy ngunit nagdirederetso lang ako patungong sala at pabagsak na naupo sa sofa. Umupo naman si mommy sa may tabi ko at nagaalalang tumingin sakin. "Nabalitaan namin na pinatay daw yung kakl..."
"I don't wanna talk about it." pagpuputol ko sa sasabihin ni mommy. Hangga't makakaya ay ayaw ko munang maglabas ng masyadong emosyon, lalong lalo na at bumalik ang sakit ko.
Umakyat na lang ako ng kwarto, nakasalubong ko pa nga si daddy pero hindi ko na siya pinansin pa. Gusto ko munang magpahinga ngayon, ill deal with them tomorrow.
Ilang beses nakong nagpaikot ikot sa kama at ilang beses ko na ding sinuubukan ang iba't ibang posisyon ngunit hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Dahil sa inis ay naitapon ko iyong unan at napatingala sa kisame.
Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakaraan mula noong kaarawan ni Sabina at dalawang linggo narin kaming walang balita tungkol sakanya. Ilang beses ko na siyang tinext at tinawagan ngunit hindi niya ito sinasagot o nirereplyan man lang.
"Good morning everybody" rinig kong bati ng isang guro dahilan para mapalingon ako sa harap. "Someone will be joining you in this class in exchange for Sabin..."
"Excuse me, miss, but what about Sabina?" tanong ni Nicole, ang student council vice president. "I mean, anong nangyari sakanya?"
Napabuntong hininga iyong guro. "Her twin sister told us she committed suicide at the night of her birthday." sabi nito dahilan para matigilan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mata at ang badyang pagtulo ng mga luha mula dito. Binaling naman noong guro ang kung sino man sa pinto. "Come in now, Ms. Dela Cruz."
Dela Cruz? That's Sabina's last name! Iniluwa naman noong pinto ang isang babae, kamukhang kamukha siya ni Sabina. Ang pagkakaiba lang ay may suot laging salamin si Sabina at laging nakapuyos ang buhok habang ito naman ay hindi.
"I'm Athena Dela Cruz, twin sister of Sabina. Hope we all get along 'well'."
NICOLE
"Shit" pabulong kong mura ng magising ako sa sakit ng ulo at pagkahilo. Nahihilo man ay pinilit kong nilibot ang paningin sa paligid.
Nabaliktad naman ang sikmura ko sa nakita. Ang sahig ay punong puno ng patay na hayop at nagkalat ang iba't ibang parte ng katawan ng mga ito. Umaalingasaw ang amoy nito at sadyang nakaka... nakakaputangina.
"Asan siya?" narinig kong sabi ng isang boses ng babae at kung hindi ako nagkakamali ay mula ito sa labas ng kwartong kinaroroonan ko ngayon. Boses iyon ni... Athena.
"Nasa loob." wika ng isang lalaki, si Luca.
"You did a great job." rinig ko pang sabi ni Athena pero hindi na siya sinagot pa ni Luca. Kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto at bumungad sakin sina Athena at Luca.
"What a shame. Akala ko pa naman mapapaglaruan kita habang tulog." nangiinis na sabi ni Athena ng makita akong gising. Tiningnan ko lang siya ng masama. Sinenyasan niyang umalis si Luca and that's what he did "Oh well. Pwede naman kitang paglaruan ng gising."
"As if, i'll let you." nakangisi kong bulong ngunit sapat na iyon para marinig niya. Marahan pa siyang tumawa, yung tawang nakakademonyo. Dahan dahan siyang lumapit sakin, hinawakan ang baba ko at pwersahang hinarap sakanya ang mukha ko.
"Hindi tatagal ang tapang mong yan, Nicole. Dahil mamaya... mamaya ay iiyak ka rin at magmamakaawa saking buhayin ka." sabi nito at malakas na binitawan ang baba ko. Tumalikod siya sakin. "Dahil ako!"
Nilingon niya ulit ako. "Ako ang papatay sayo, sainyo at kay Namichiko."
Napangisi ako. We'll see about that, Athena. May tiwala ako kay Namichiko, alam kong maliligtas niya ang buong klase.
"Game over, Nicole."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top