Chapter 22
NAMICHIKO
"Iyak siya ng iyak pagkatapos non" sabi ni Sabina at sabay kaming natawa. Mabait siya at masarap kasama, madadal din, naging magkaibigan nga agad kami eh.
"Pero Sab, bakit tayong dalawa lang ang nakaupo dito? Siksikan na sila sa unahan oh, bawal ba silang lumipat dito sa likod?" nacucurious kong tanong. Nagbago naman ang timpla ng mukha ni Sabina. Nakangiti siya pero puno ng lungkot ang mata niya. May nasabi ba kong mali?
Matagal siyang hindi nagsalita habang ako naman ay naghihintay ng sagot niya. "Ayaw nila akong makatabi." paninimula niya at nakita ko kung pano umagos ang luha sa mga mata niya. Agad niya iyong pinunasan at pilit na ngumiti.
Kinwento niya sakin ang lahat. Sabi niya ay pinagkalat nila Janeah, ang queen bee kuno ng school nato, na may sakit na nakakahawa si Sabina kaya simula noon ay nilalayuan na siya ng mga tao dito sa school. Ginawa daw iyon ni Janeah sa kadahilanang naagaw ni Sab ang pagiging top 1 nito.
Napagalaman ko din na sa simula palang daw ay siya na ang laging nabubully dito sa school. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagtratransfer kung ganon, sabi niya, pangarap niya kasi ang makapasok sa school nato.
"I-im sorry..." usal ko dahilan para matawa siya. Pinunasan niya yung mga luha niya at ngumiti na para bang ang saya saya niya.
"Ano ka ba? Ok lang yun noh!" masigla niyang sabi dahilan para mapangiti ako. "Namichiko, salamat ah?"
"For what?" nagtataka kong tanong.
"For befriending me." nakangiti ngunit sinserong sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo, matagal ko ng hindi naramdaman ang magkaroon ng kaibigan. Thank you..."
8 months has passed and today is Sabina's birthday. Tiningnan ko yung cake na ibibigay ko sakanya at napangiti. Malapit nako sa classroom ng makaamoy ako ng napakalansang amoy dahilan para mapatakip ako ng ilong ko.
Pagdating ko sa classroom ay hindi nga ako nagkakamali. Dito nanggagaling ang lansa. Ngunit natigilan ako sa nakita.
Ang grupo nila Janeah ay nakapalibot kay Sabina, si Sabina naman ay nakaluhod at basang basa. Nagkalat din ang sa paligid ang mga walang laman na lalagyan ng... fish oil.
"Happy birthday, Sabina!" sabi ni Janeah at nagtawanan ang mga alagad niya kasama na si Samantha. Nagtama naman ang paningin namin ni Sabina. Gustuhin ko man siyang tulungan at awayin sila Janeah ay hindi ko magawa. Parang nakapako ang mga paa ko dito sa sahig at hindi ako makagalaw.
Nakita ko kung pano tumulo ang mga luha niya. Pinutol niya ang pagtitinginan namin at bumaling kila Janeah. Tumayo siya at tumakbo papalayo habang umiiyak. Nabunggo niya pa ako dahilan para mabitawan ko iyong box ng cake.
"Namichiko, salamat ah? For befriending me... Alam mo, matagal ko ng hindi naramdaman ang magkaroon ng kaibigan. Thank you..." naalala ko naman iyong sinabi niya sakin dahilan para makaramdam ako ng guilt at parang kumirot yung puso ko. Naramdaman ko ding may tumulong luha sa mga mata ko.
Sorry, Sabina. Hindi ako naging mabuting kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top