Chapter 18

NAMICHIKO

'Samantha Montero, 108'

Naramdaman ko ang hangin dala ng paglampas sakin nong jeep ngunit nakatulala lamang ako doon sa message. Nagsimula na ding manginig ang mga kamay ko at kumalabog ng malakas ang dibdib ko.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Dali dali akong tumakbo papunta sa mental.

"Miss..." hindi ko na pinansin yung guard at nagdirediretso nalang. "Miss!"

Patuloy parin akong tinatawag at hinahabol noong guard ngunit hindi ko siya binigyan pa ng pansin. Natataranta kong tinitingnan bawat number sa pinto. Tagaktak na ako ng pawis, sobrang lakas na din ng tibok ng puso ko at grabe na ang panginginig ko. Maari akong atakihin dito ngunit wala na akong pakealam. Kailangan kong mailigtas si Samantha sa kahit anong paraan.

'108' hindi na ako nagaksaya ng panahon at dali daling binuksan iyong pinto.

Napasapo ako sa aking bibig at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Ang kaninang puting kwarto ay ngayo'y punong puno na ng dugo. Napako naman ang tingin ko doon sa lamesa kung saan kami nagusap ni Samantha kanina. Sunod sunod namang tumulo ang mga luha ko.

Nasa ibabaw noong lamesa ang katawan ni Samantha... hubo't hubad, nakabukas ang katawan at nagkalat sa paligid ang kaniyang lamang loob. Naalis din ang mga mata niya.

"Mi--- ay tangina!" narinig kong usal noong guard mula sa likod ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Isa lang ang pwedeng may gawa nito, ng lahat ng ito, iyon ay iyong nurse kanina, si Athena...

ATHENA (KILLER)

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas nako ng cr at nilagay ang mask ko. Matagumpay ang ginawa kong pagpatay kay Samantha.

"Miss!" napatigil naman ako at bahagyang yumuko ng biglang may babaeng natatarantang tumatakbo at hinahabol siya noong guard. Bagaman nakayuko ay nakilala ko kung sino siya... si Namichiko.

Tila bang sumasangayon ang lahat sa mga plano ko dahil hindi nila ako napansin dahilan para mapangisi ako. Hindi na ako mahihirapan pang makalabas dito dahil wala ng bantay sa labas. Bahagya ko pa silang nilingon at aligaga parin si Namichiko. Nakita ko namang binuksan niya iyong kwarto na ginamit ko sa pagpatay ki Samantha. Napasapo siya sa bibig at nagsimulang umiyak.

"Mi--- ay tangina!" mura pa noong guard. Gustuhin ko mang tumawa sa mga reaksyon nila ay hindi ko magawa dahil baka mahuli nila ako. Kinuha ko iyong plastic sa bulsa ko na ang laman ay ang mga mata ni Samantha at kinain ito na para bang bubble gum. Ibinalik ko ang mask ko at tsaka umalis na doon.

Naamoy ko na ang tagumpay. Malapit na, Sabina. Malapit na malapit na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top