Chapter 17
NAMICHIKO
"Sige po, salamat." sabi ko sa guard at bahagyang yumuko. Tumango naman siya.
Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan kong puntahan si Samantha. Napagalaman ko din na dinala dito sa mental hospital si Samantha kanina doon sa school.
'108'
Binasa ko muna iyong card na ibinigay noong guard sa akin at tsaka ko tiningala iyong pinto sa tapat ko.
Bumuntong hininga muna ako bago ko buksan ang pinto. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko... pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.
Bumungad sakin ang kwartong puro puti, parang yung sa panaginip ko? Walang ibang gamit kundi ang isang lamesa sa gitna at may dalawang upuan. Nakaupo sa isang upuan si Samantha, nakagapos siya sa kadena, nakatulala at may mga pasa sa katawan at mukha.
Nagmamadali akong lumapit sa kanya at pinaharap yung mukha niya sakin. Sinuri ko naman ang buong mukha niya. Pasa... maraming pasa...
Nakaagaw naman sa atensyon ko ang isang sugat na parang bago lang. Tumutulo ang dugo dito at kutsilyo lamang ang makakagawa nito.
"Kamusta? Maayos ba ang trato nila sayo dito? Nakakakain ka ba ng maayos? Eh itong mga sugat at pasa mo? Sino ang may gawa niyan? Sila ba?" sunod sunod at natataranta kong tanong.
"Maayos ang trato namin sa mga pasyente dito, miss." masungit at diin na sabi ng nurse na nagbabantay dito samin sa kwarto dahilan para lingunin ko siya.
Nakamask ito kaya hindi masyadong makikita ang mukha niya, pero yung mga mata niya at boses... pamilyar.
"Is there any problem, miss?" mataray na sabi nitong nurse. Umiling iling nalang ako at nilingon ulit si Samantha.
Kung kanina ay nakatulala siya at parang patay na nakamulat ay ngayo'y nakatingin ng masama at puno ng galit doon sa nurse.
"B-bakit Sam..."
"DEMONYO KA! PAPATAYIN KITA, PAPATAYIN KITA!" sigaw ni Samantha at bahagya pang lumapit pero nabigo siya dahil nakakadena siya sa upuan. Hinawakan ko naman ang kamay niya dahilan para kumalma at umayos ng upo ngunit nakatingin parin siya ng masama sa nurse.
"S-samantha..."
"Namichiko, N-nami makinig ka s-sakin..." sabi niya at hinawakan pabalik ang kamay ko. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha niya. "I-iligtas mo s-sila... iligtas m-mo ang klase n-natin..."
"H-hindi ko alam... hindi k-ko alam kung m-mabubuhay pa ako ng m-matagal... pero Nami... iligtas mo sila... iligtas mo s-sila para sakin" pagpapatuloy niya habang humihikbi. Nakaramdam naman ako ng awa sakanya. Kahit napakasama ng klase namin sakanya ay kahit papaano ay may pakialam parin siya rito. "N-namichiko... iligtas mo sila... iligtas m-mo sila kay A-athena..."
"I'm sorry, miss but you need to go." sabat noong masunget na nurse at lumapit samin. Tumango na lang ako at tumayo. Binigyan ko muna si Samantha ng isang ngiti bago ako nagsimulang naglakad.
"NAMICHIKO! ILIGTAS MO SILA, NAKASALALAY SAYO ANG BUHAY NILA, LALONG LALO NA ANG SA MOMMY MO" pahabol na sigaw ni Samantha dahilan para lingunin ko siya. What does these had to do with mommy?
Tatanungin ko pa sana siya ng pigilan ako ng nurse. Inis ko siyang nilingon. "You need to go... "
Tiningnan ko si Samantha na ngayo'y iyak ng iyak at tsaka ko tiningnan ng masama yung nurse. Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya naman kahit labag sa loob ko ay lumabas nalang ako ng kwarto.
Sa totoo lang ay ayoko talagang umalis. Hindi ko masyadong pinagkakatiwalaan iyong nurse na iyon. Iyong mga kilos niya... kahinahinala...
Napailing iling na lang ako at binigay doon sa guard iyong card. Naglakad na ako palabas ng hospital at naghintay ng jeep.
"Tsk." inis kong singhal. Ikaw kaya maghintay ng jeep at matagal na nakatayo, kung hindi ka mainis.
Ipapara ko na sana iyong jeep na paparating ng biglang magvibrate iyong phone ko. Inis ko tong kinuha sa bulsa at binuksan iyong message.
'Samantha Montero, 108'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top