Chapter 16

NAMICHIKO

"Ugh." marahan akong napaungol ng maramdaman ang kakaibang hilo at sakit ng katawan. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Maliwanag...

Puro puti...

Walang gamit...

Nasaan ako?

Kung iisipin mo ay parang kwarto ng isang mental hospital itong lugar.

Napatingin ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng puro puti at nakakadena ang kamay at paa ko sa isang metal na upuan. Agad agad na dumaloy ang panic at kaba sa sistema ko.

Muli akong kong inilbot ang paningin ko. Kung kanina ay walang kagamit gamit ay ngayo'y may salamin na sa harap ko. Teka... paanong...

Maya maya lang ay nakita ko sa repleksyon ko galing sa salamin ang mga dugong dumadaloy mula sa bandang dibdib ko. Naramdaman ko din ang pagkamanhid nito na sinundan ng matinding kirot.

Nanginginig na hinawakan ko iyon at tumingin sa kamay ko. May dugo... totoo nga. "Game over, Namichiko."

"TULONG!" sigaw ko at napaupo. Hihingal hingal ako at nanginginig. Umaagos din ang mga luha ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Baby! Bakit? Ok ka lang ba? May nangyari ba? Baby, bakit?" sunod sunod na tanong ni mommy na nandito pala. Nanginginig parin ako at agos agos parin ang mga luha ko. Bigla namang bumukas ang pinto at tumambad samin si daddy at puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Namichiko? Anong nangyari?" nagaalala niyang tanong at lumapit saamin. Hindi ko siya sinagot kaya naman binaling niya ang tingin niya kay mommy. "Hubby?"

"Baka nagkanightmare lang si Nami, hubby. Hindi ko alam... teka, kukuha lang ako ng tubig, baby ah?" sabi ni mommy at bumaba. Naiwan naman kami ni daddy dito sa kwarto. Umupo naman si daddy sa dulo ng kama.

"Anong nangyari? May tumawag sa aking babae gamit ang cellpone mo, inatake ka daw ng asthma." sabi niya dahilan para gulat ko siyang tingnan. Napabuntong hininga naman siya. "Namichiko, alam nating mahina ang katawan mo, kung kaya't kung pupwede, alagaan mo ang sarili mo at wag kang masyadong maglabas ng emosyon. Nakakataka kasi... apat na taon na ang nakalipas ng huli kang inatake ng asthma... Anong nangyari?"

"S-sinabi po ba kung sino yung tumawag?"

"Nicole daw"

Gulat naman akong napayuko. Bumukas naman yung pinto. "Oh baby, tubig"

Hindi ko na ito tinanggihan. Agad ko itong ininom dahilan para mabawasan ang pagsikip ng puso ko at medyo tumigil na rin ang panginginig ko. Nagstay muna sila mommy at daddy at nakipagkuwentuhan muna saakin. Kahit papaano ay nakatulong iyon para gumaan ang pakiramdam ko.

Maya maya lang ay umalis na si daddy at nagpaiwan naman si mommy dahil babantayan niya pa raw ako. Sandaling nabalot ng katahimikan ang kwarto ko. Nakahiga lang ako ngayon sa kama at nakatingala sa kisame, hindi alam ang sasabihin.

Napalingon naman ako kay mommy ng bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis ngunit bumalik siya ng may dalang photo album.

"Baby? Inaantok ka na ba?" nakangiti niyang tanong sakin dahilan para magtaka ako.

"Hindi pa naman po, bakit?"

"Gusto ko sanang makipagkuwentuhan sayo, pwede ba iyon?" sabi niya at umupo sa tabi ko. Umayos din ako at umupo.

Pinagpag niya muna iyong photo album, buti na lang at natakip ko agad ang ilong ko, baka masinghot ko iyong alikabok, atakehin nanaman ako ng asthma. Nagaalala akong nilingon ni mommy. "Sorry, baby. Nakalimutan ko, ok ka lang ba? Kukunin ko muna yung inhaler mo" dali dali siyang tumayo pero pinigilan ko siya.

"Ok lang po ako, mommy. Kwentuhan na po tayo." nakangiti kong sabi dahilan para kumalma siya at nginitian niya ako. Umupo naman siya ulit at binuksan niya iyong photo album.

"Naalala mo pa ba yung mga kwento ko sayo noong bata ka pa tungkol sa lolo't lola mo?" nakangiti niya paring tanong dahilan para mapangiti ulit ako ng may maalala ako.

"Mommy, bakit po may lolo't lola ako kay daddy pero sayo po wala?" nagtataka kong tanong dahilan para magkatinginan silang dalawa. Nakita ko namang tumango ng bahagya si daddy kaya naman nilingon muli ako ni mommy at nakangiting lumuhod sa harap ko para magkalebel na ang mukha namin.

"Gusto mong malaman, baby?" nakangiting sabi ni mommy sabay bahagyang kinurot ang ilong ko.

"Nasa cloud land na sila, baby. Kasama na nila si Papa God." natatawa kong panggagaya sa sagot niya sakin lagi kapag nagtatanong ako kung nasaan sila lolo't lola. Natawa naman siya at bahagya pang kinurot ang ilong ko, bata pa lamang ako ay madalas na niya iyong gawin sakin. Binuksan naman niya iyong photo album.

Kinwento naman niya saakin ang mga tungkol kila lola. Natatawa pa nga kami kapag kinekwento niya saakin kung gaano kapilyo at kaloko si lolo. Nalaman ko din na ang pangalan ko ay galing sa pangalan nilang dalawa. Iyong 'Michiko' sa pangalan ko ay galing sa 'Mich' ni lola. Iyon lang sana ang pangalan ko kaso gusto daw ni mommy na masali rin ang pangalan ni lolo. Kaya naman iyong 'Na' ay galing sa 'Nayr' ni lolo.

"Pero mommy... paano sila namatay?" nagtataka kong tanong. Alam kong maling oras ito para itanong kay mommy ang tungkol doon pero nacucurious talaga ako.

Ngumiti naman siya ng mapait. "Buntis ako sayo noon, baby, ng magkasakit ang lola mo. Nasa abroad ang daddy mo noon at hindi pa nagsasahod. Gipit tayo ng mga panahong iyon at kailangang maoperahan na ang lola mo sa mas lalong madaling panahon."

"Bakit po hindi kayo humingi ng tulong, kung ganon?"

"Sinubukan namin yun, baby. Pero tinanggihan nila kami." kita ko ang galit sa mga mata niya. Nakatingin siya sa kawalan at hindi niya namamalayang grabe na ang pagkakuyom ng kamay niya at unting unti na lang ay masisira niya iyong photo album dahil may kalumaan na din ito.

Hinawakan ko ang kamay ni mommy dahilan para lumingon ito sakin at nginitian ko siya. Kumalma naman siya at ngumiti din pabalik, ngunit kitang kita parin ang lungkot at galit sa mga mata niya. "Namatay noong araw na iyon ang lola mo, at inatake naman sa puso ang lolo mo." hinawakan pa niya ng bahagya iyong larawan nila lola s photo album.

Biglang tumulo ang mga luha ni mommy. Niyakap ko naman siya. Feeling ko ay tutulo rin ang mga luha ko. Hindi ko man sila nakasama't nakita ay kahit papaano ay naging parte na sila ng buhay ko. Kung wala sila, wala si mommy, at wala ding ako.

"Matulog kana, baby. Gabing gabi na." sabi ni mommy at pinunasan ang mga luha niya. Tinulungan niya akong magayos ng higa at hinalikan niya ako sa noo. "Good night."

Napangiti ako. "I love you, mommy." nakangiti kong sabi. Ito ang unang beses na sinabi ko iyon sakanya, ang tatlong simpleng salita ngunit malaki ang ibig sabihin at ang tatlo ring salita na hindi ko magawang sabihin sa kanila ni daddy noon, ay masasabi ko sakanya ngayon.

Bagaman nagulat ay ngumiti din siya pabalik. "I love you too, baby"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top