Chapter 12
NAMICHIKO
Pinaghahanap na ng mga pulis si Nicole. Hindi na rin siya pumapasok, batid kong nagtatago siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Maraming nangyari simula ng magpakamatay si Sabina.
Ang pagtransfer ng kaniyang kambal na si Athena.
Ang pagkamatay ni Janeah, na ki Samantha binibintang.
Ang pagkamatay ng buong pamilya ni Sabina kasama na si Athena.
Ang pagkabaril kay Drake.
Ang mga texts na natatanggap ko.
Ang pagtangkang pagpatay kay Nikko.
Ang pagkalason ni Drake, na ikinamatay niya.
Ang pagtatago ni Nicole.
At ngayon naman, ang pagkamatay ni Nikko.
Akala ko ay napigilan ko na ang pagkamatay ni Nikko, ngunit hindi pa pala. Kung sino man ang may kagagawan ng lahat ng ito, sigurado akong may malaking galit siya sa klase namin. Pero sino naman siya?
Ayokong mangbintang. Ayokong mangbintang ng walang matibay na ebidensya.
Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa classroom, pero iba ang bumungad sakin. Si Vivien at ang mga alagad niya, nakapalibot kay... Samantha.
Nakaluhod lang si Samantha sa gitna nila, nanginginig at humihikbi. Ang lagkit ng tingnan katawan niya, batid kong dahil sa itlog iyon, at napapalibutan nila Vivien.
Hindi na ako nagaksaya ng panahon. Inagaw ko ang tray ng mga itlog sa kamay noong alagad ni Vivien at itinapon iyon. Pinandilatan naman nila ako.
"What the hell?" maarteng sabi ni Vivien habang gulat na nakatingin sakin. Nakipagtitigan naman ako sakanya. "You, bitch!"
Sasampalin niya sana ako ngunit sinalo ko ang kamay niya. Gulat naman siyang tumingin ulit sakin with matching nganga pa.
Pabagsak kong binitawan ang kamay niya at lumapit kay Samantha. Lumuhod rin ako para magkalebel na ang mga mukha namin.
"Ok ka lang?" sabi ko. Tiningnan naman niya ako.
"T-thank you" usal niya at ngumiti naman ako. Inalalayan ko siyang tumayo at dinala ko siya sa cr. Buti na lang at may extra akong uniform sa bag kaya napahiram ko muna siya.
"What happened?" tanong ko sakanya ng makalabas siya sa cubicle. Buti na lang at kasya sakanya iyong uniform ko kahit medyo malaki yung blouse sakanya.
"Akala nila ako yung pumatay kay Nikko." usal niya na nakayuko. Lumabas naman kaming dalawa sa cr. Hindi naman ako nakasagot.
Mag-ex sina Vivien at Nikko, if that's what you call them since Nikko faked being her boyfriend for a bet. Pero kahit ganon, minahal siya ni Vivien. Kaya siguro ganoon nalang ang galit niya kay Samantha.
"Thank you, ulit." sabi niya at tumango na lang ako at ngumiti. Medyo awkward parin kasi kakabati pa lang namin.
Pinauna na ako ni Samantha sa classroom kasi may kailangan daw siyang hanapin sa library. Samahan ko na kako siya ngunit tinanggihan niya. Kaya na daw niya magisa.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng may biglang humila sakin. "A-anak ng..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.
"Wag kang maingay..." sabi ng isang pamilyar na boses... Nicole. Nakaramdam naman ako ng kaba. "Don't be afraid... i'm not going to kill you." sabi niya na tila ba'y nababasa ang isip ko.
Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko. "I'm here to clear things out, i'm here to explain"
Nasa rooftop kami ngayon kasi dito daw niya ako gustong makausap. Nagtataka man ay sumama na lang ako. Gusto ko ng kasagutan.
"I was framed up." paninimula niya. Tumingin naman ako sakanya. Sinenyasan niya akong maupo kaya ganun ang ginawa ko. Ganoon din siya. "I was thinking of visiting Drake and take fruits with me. Pero ang hindi ko alam... pinalitan niya iyon ng mga prutas na may lason."
"May natatanggap kang texts ng pangalan ng mga kaklase mo, diba?" sabi niya at tumango ako. "You somehow managed to find the logic between it, but failed to save Nikko and Drake."
"I'm telling these to you because i trusted you and i know... i know you will be able to save our class."
"Bakit... bakit a-ako?" nagtataka kong tanong dahilan para ngumiti siya.
"I just know." natatawa niyang sabi dahilan para ngumiwi ako. Bigla naman akong may naalala.
"Y-yung kay Janeah at Athena..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagiba ang timpla ng mukha niya ng marinig ang salitang 'Athena'. Nagtataka man ay tumahimik nalang ako. Tila ba ayaw niyang pagusapan ang tungkol dito.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. "I have to go. I have important things to deal with." sabi niya at nagsimulang maglakad papalayo.
"T-teka! Ahm, k-kilala mo ba k-kung sino ang nasa l-likod ng lahat ng i-ito? Sino siya at b-bakit niya ito g-ginagawa?" sunod sunod kong tanong kaya naman tumigil siya sa paglalakad. Kinabahan naman ako ng seryoso siyang lumingon sakin.
"Some things..." pagbitin niya sa sasabihin niya. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa awra ng mukha niya. "...are better left unknown" and by that, she left me dumbfounded.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top