Chapter 11
LUCA
"Akala ko, tumakas ka na." bungad niya sakin. Napaiwas na lang ako ng tingin. Ramdam kong tutulo nanaman ang mga luha ko. Inilapag ko iyong katawan ni Nikko sa harap niya dahilan para lumiwanag ang mukha niya. Ngumisi naman siya sakin. "You did great."
Tumango na lang ako bilang sagot. Wala ako sa mood makipaglokohan sakanya. It doesn't sound like a compliment at all, it's more like an insult.
Napatingin naman ako sa katawan ni Nikko. Duguan ito at may saksak sa leeg.
"Dre, bat tayo nandito?" takang tanong ni Nikko ng dalhin ko siya dito sa lumang gusaling nahanap ko kanina. Nagtanong tanong din ako kung may mayari pa ba ito, buti na lang at wala na. "Tsk, dre, kinakabahan na ako sayo. Ganyan ka na ba kadespiradong tao? Umamin ka na kasi, dre... tanggap naman kita kahit bakla ka."
Nilingon ko siya. "Tatanggapin mo parin ba ako kahit pagtangkaan kitang patayin ngayon?"
Pinandilatan muna niya ako saka tumawa ng malakas. "Putangina, dre, anong klaseng tanong yan? Malamang hindi!" natigilan siya at gulat na tumingin sakin. "Dre, p-payag nakong magpatanan, wag mo na akong patayin." kunwaring takot na takot na sagot niya.
Napayuko naman ako at tumulo na ang mga luha ko. Tsk, bakit ba kasi kailangan niyang patayin si Nikko?
Oo, hindi ko parin tanggap na mawawala na si Nikko. Mawawala si Nikko, ng dahil sakin.
"Oh dre? Bakit ka umiiyak? Tsk, payag na nga akong magpatanan eh, ayaw mo nun?"
"Putangina mo, dre. Isa pang tanan tanan diyan, humanda ka talaga sakin." sabi ko kahit patuloy padin sa pagtulo ang mga luha ko. Tumawa naman siya ng malakas. "Nikko, sorry..." usal ko na ikinataka niya.
Ginamit ko na iyong oportunidad na iyon para atakehin siya. Tinulak ko siya dahilan para matumba siya. Pumaibabaw naman ako sa kanya at kinuha yung kutsilyo sa bulsa ko at tinutok sakanya iyon.
Nanginginig ako at patuloy parin sa pagiiyak na tila ba'y batang inagawan ng candy. "Dre, sorry... Kailangan kong iligtas ang kapatid ko... Kailangan kong iligtas si Savannah..." sunod sunod na usal ko.
"Gago, dre. A-anong ginagawa m-mo? Pumayag na n-nga ako eh..." pabiro niyang usal pero halata sa mukha niya ang kaba.
Umalis naman ako sa ibabaw niya at umupo sa sahig habang nanginginig parin at umiiyak. Umupo naman siya.
"Dre... Alam kong may rason ka kung bakit mo ito n-nagawa. And I want to hear it from you." seryoso niyang usal.
"Papatayin niya si Savannah, Nikko. Papatayin niya si Savannah." wala sa sarili kong usal habang umiiyak padin. Gusto ko mang pigilan ang mga luhang to ay hindi ko magawa dahil sa labis na nararamdaman ko.
Kumunot noo naman siya. "Sino?"
Sinabi ko naman sakanya at pinaliwanang. Hindi ko na nga medyo naayos ang pagsalita ko dahil buhos parin ng buhos ang luha ko. Call me gay, but these are too much for my heart to handle.
Nagulat na lang ako ng agawin niya ang kutsilyo sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nakangiti siya sakin pero puno ng lungkot ang mata niya. Andon rin ang bilib. Bigla niyang itinutok sa leeg niya iyong kutsilyo. "Nikko..."
Tumawa naman siya ng mahina ngunit bakas parin sa mata niya ang lungkot. "Alam kong nanghihinayang ka dahil hindi mo na malalasahan ang napakaganda kong katawan."
Pero hindi ko magawang tumawa. Sa halip ay tumakas ang maraming luha sa mata ko. "Tsk, wag mo nga akong titingnan ng ganyan, nakakadiri. Don't worry, hindi ikaw ang pumatay sakin, ako ang pumatay sa sarili ko."
"Peace out, betlog." nakangiti niyang sabi sabay saksak ng kutsilyo sa kaniyang leeg. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. Humagulgol naman ako sa iyak.
Hindi ko naman nahalatang nakatulala na pala ako sa katawan ni Nikko. May tumulong luha sa mata ko ngunit mabilis ko iyong pinunasan.
Naging mabuting kaibigan si Nikko sakin. Kahit tarantado ito ay siya lang ang naging tunay sakin. Kahit kailan ay hindi niya ako ginawan ng masama, mapangasar lang minsan. Ang hindi ko matanggap ay pinagtangkaan ko siyang patayin ngayon.
Kahit sa huling ganap ng buhay mo ay naging mabuti ka sakin at nagawa mo pang ngumiti. Salamat, Nikko. Hinding hindi kita makakalimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top