Chapter 10

NAMICHIKO

'Drake Everett, Room 14'

Pagkabasa na pagkabasa ko noong message na iyon ay sumakay agad ako ng tricycle at tumungo sa hospital. Pagkababa ko ay agad agad akong tumakbo papunta sa room 14. May dalawang pulis at parang ineenterview ang isang babae at kung tatansyahin ay parang mga nasa 50 or 60 na ang edad nito. Nakauniform din itong pangyaya kaya batid kong katulong ito ni Drake.

Nakita ko naman si Samantha na nakaupo hindi kalayuan sa kanila, nakayuko at batid kong umiiyak ito. Nilapitan ko naman siya kahit alam kong galit parin siya sakin dahil sa naging paguusap namin kahapon pero kung uunahan nanaman ako ng pride ko, hinding hindi kami magkakabati.

Tumabi ako sakanya. "What happened?"

Tiningnan niya ako ngunit yumuko rin ulit siya. "M-may naglagay ng lason sa p-pagkain ni Drake." malamig niyang sagot habang pinupunasan yung mga luha niya. Nagulat naman ako. Sino naman ang maglalagay ng lason sa pagkain ni Drake? "Don't worry, it wasn't me."

Nakaramdam naman ako ng guilt. "I know. I-im sorry."

Magsasalita pa sana siya kaso lumapit samin yung dalawang pulis. "Kilala niyo ba kung sino ito?" sabi niya sabay abot ng isang sketchbook, kinuha ko iyon at tiningnan ang nasa drawing. "Ganyan raw ang itsura noong nagbigay ng mga prutas na may lason ayon kay Aling Rosa. Uulitin ko, kilala niyo ba kung sino yan?"

Napahawak naman ako sa bibig ko dahil sa gulat. Nagkatinginan naman kami ni Samantha. Iyong nasa drawing...

Si Nicole

KILLER

Malapit ng lumubog ang araw ngunit wala parin si Luca. Nagsisimula na akong mainip at unting unti na lang talaga ay mapipindot ko na tong remote na nakakabit sa bombang nilagay ko sa bahay nila Luca.

Paano ko nagawa iyon? Isang salita. Savannah.

"Hello po, ahm... sino po kayo?" ang papatay sayo.

Ngumiti naman ako ng matamis. "Kaibigan ako ng kuya Luca mo. Savannah, right?" panguuto ko dito.

"Ah opo, ate! Hehe wala pa po dito si kuya eh, nasa school pa po. Alam mo ba ate, nadapa si kuya kahapon, ang laki po ng sugat niya. Madaming dugo."

Ngumiti na lang ako. Ang sarap sabunutan, ang daldal. "Ah... Savannah? Saan ang kwarto ng kuya mo? May pinapakuha kasi siya sakin eh."

"Ah sige po, ate! Doon po tayo!" masigla niyang sagot at hinawakan ang kamay ko.

Naglalakad kami patungo sa kwarto ni Luca. Hindi ko maiwasang mamangha sa paligid, ang linis linis ng lahat. Napakamoderno kung tingnan ang bahay nila.

May mga kasambahay din sa bahay nila kaya nginitian ko sila. Ngumiti rin sila ngunit kita sa mukha nila ang pagtataka. Can't blame them tho, ito ang unang beses na pumunta ako dito.

"Ate nandito na po tayo." sabi niya dahilan para mapalingon ako sakanya. Nginitian ko naman siya.

"Ah, Savannah? Pwede bang iwan mo muna ako dito?" tanong ko at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. "Kasi, magbibihis ako, amoy pawis nako eh"

"Ah, ganon po ba, ate? Sige po!" masigla niya pa ding sagot at tsaka umalis. Pasikreto naman akong napangisi.

Binuksan ko naman yung pinto ng kwarto ni Luca at pumasok. Isinara ko yung pinto at nilock ito.

Inilibot ko ang paningin ko. Modernong moderno din ito, blue and black ang motif niya at may mga halaman.

Hindi nako nagaksaya ng oras. Kinuha ko yung bomba at sinet ko ito. Naghanap pako ng pwedeng paglagyan nito at hindi naman ako nahirapan.

Kung hindi niya nagawang patayin at dalhin sakin si Nikko ay magiging madali lang saking patayin ang minamahal niyang kapatid at hindi ko na kailangang pumuslit pa dito.

I smiled in satisfaction. Malapit nakong makahiganti.

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto. Napangiti naman ako. "Akala ko, tumakas ka na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top