Chapter 47: The Last Straw

A/N: And we're down to the FINAL FOUR CHAPTERS of PTQ's Act One!

FABIENNE

TRAUMAS WERE like wounds. Kahit na maghilom ang sugat, may maiiiwang peklat. At kapag nagawi ang tingin mo sa peklat na 'yon, babalik ang lahat ng masasakit na alaalang pinagdaanan mo. That's what happened to me when I learned the truth about the fake rumor that almost ruined me. I thought I had already moved on, but no. I hadn't. Sariwa pa rin ang sugat at may hapdi pa rin kahit natuyo na 'to.

I kept asking myself kung ano ba'ng nagawa ko kay Castiel para ma-deserve ang ganito. Sinunod ko ang lahat ng gusto niya para maging successful ang Oplan First Lady. Nag-sacrifice ako ng time at effort para makasama si Priam at ang student council. 'Tapos ganito ang isusukli niya sa 'kin? He treated me like a pawn that he could sacrifice anytime.

Baka naintindihan ko pa sana siya kung sinabi niya sa 'kin bago pumutok ang tsismis na may gagawin siyang gano'n. Pero hindi, eh! Talagang hinayaan niyang danasin ko ang sakit at kalungkutan. Malamang hindi niya sinabi sa 'kin para natural ang reaction ko at hindi mahahalatang acting ang lahat. Natural nga ang reaction ko, pero natural din ang sakit kaya hindi basta-basta maghihilom ang sugat nang gano'n kadali.

"Are you okay, Fab?"

Iniangat ko ang aking tingin kay Belle. Magkasama kaming kumakain ng lunch sa food hub. I ordered my favorite Caesar salad, pero kanina ko pa nilalaro ang lettuce sa tinidor ko. Magmula pa kahapon ako walang ganang kumain. Good news 'yon para sa diet ko, pero hindi para sa well-being ko.

I sniffed. "I'm not feeling well, pero kailangan kong pumasok. May rehearsal din kasi tayo mamaya."

"Naku, sinisipon ka pa yata!" sabi ni Belle sabay turo sa ilong ko. Mabilis kong inilabas ang aking panyo at pinunasan kung anuman ang tumulo ro'n. "Uminom ka na ba ng gamot? Gusto mo bang pumunta sa clinic?"

"Mawawala rin agad 'to." Maging sa gamot, tinatamad na rin akong uminom. Dala 'to nang naulanan ako kahapon sa rooftop. I was so shocked to confirm the truth, hindi ko nagawang tumayo o kumilos agad. Parang huminto ang mundo ko no'n. "Don't worry. Malakas ang resistansya ko."

Naningkit ang mga mata ng kaibigan ko sa 'kin. "Tell me, Fab. May problema ka ba? Gusto mo bang pag-usapan natin? Baka mabawasan ang bigat na nararamdaman mo."

Napatitig ako sa lettuce na tinusok ko sa tinidor. "Sorry, Belle, pero wala talaga akong gana sa kahit ano ngayon. Palilipasan ko lang 'to 'tapos bubuti na naman ang pakiramdam ko."

She might be my bestfriend, pero may mga bagay na ayaw o hindi ko pwedeng i-share sa kanya. Besides, may sarili na siyang problemang inaasikaso. Bakit ko pa daragdagan ang stress niya sa buhay kung pwede ko namang sarilihin?

"Tungkol ba 'to kay Mr. President?" tanong niya sabay nanliit ang mga mata. "May nangyari ba sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo kahapon kaya wala ka sa mood?"

"Ah, si Priam?" tamad kong sabi. "Hindi naman."

As far as I was concerned, wala namang ginawang masama sa 'kin si Priam. Nanggaling mismo kay Castiel na walang siyang alam at ang ibang student council officers sa fake rumor plan niya. Why did I believe him? Kasi kita ko sa mukha at dinig ko sa tono niya na hindi siya nagsisinungaling. At baka tama rin siguro siya. Kung alam ng ibang officers ang binabalak niya, malamang tumutol ang mga 'yon, lalo na si Priam.

Dahil sa nangyari kahapon, I asked Priam kung pwedeng huwag muna kaming magkita sa mga susunod na araw. Gusto ko munang mapag-isa at lumayo sa isang bagay na nagpapaalala sa 'kin ng matinding stress. Oplan First Lady was the brain child of Castiel. Mahirap siyang ihiwalay ro'n tuwing nababanggit o naiisip ko 'yon.

Understanding naman si Priam kaya pumayag siya sa request ko. He apologized on behalf of the USC and promised me na what Castiel did would not go unpunished. Natuwa naman ako sa sinabi niya, pero wala, eh. Parang hindi sapat ang mga salita niya o kung anuman ang balak niyang gawin sa kanyang chief-of-staff. The damage had been already done to me.

"Talaga ba, Fab?" intriga ni Belle. Inilabas niya ang kanyang phone at iniharap sa 'kin ang screen. "Eh ano'ng ibig sabihin nito?"

Nagawi ang tingin ko sa phone niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang picture namin ni Priam. Inaalalayan niya akong bumaba ng hagdanan at halatang basa ang mga buhok at damit namin.

"S-Saan galing 'to?" tanong ko. "Bakit may ganitong picture?"

"Alam mo namang maraming Marites dito sa ElyU." Z-in-oom niya ang mukha ko sa picture. "Tingnan mo, para kang lutang at wala sa sarili rito. Ano ba'ng nangyari, ha?"

Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ano'ng mga sumunod na nangyari matapos ang confrontation ko kay Castiel sa rooftop. Ni hindi ko nga napansin na may kumuha ng pictures namin habang bumababa kami. Basta ang tangi kong natatandaan ay nasa student council office ako matapos maligo at magpalit ng damit.

"Fab, sinaktan ka ba niya?" Lalong nanliit ang mga mata ni Belle. "Kaya ba basang-basa ka at tulala ka rito sa picture? Kaya rin ba wala ka sa mood ngayong araw? Siya ba ang dahilan?"

"Belle, medyo complicated—"

"Anak ng tokwa! Akala ko pa naman matino ang lalaking 'yon!" She rolled up her sleeves and clenched both of her fists. "Gusto mo bang upakan ko siya ngayon sa USC office? Walang president-president sa 'kin! Kung sinaktan ka niya, masasaktan din siya! Puntahan ko na, ha?"

Tumayo siya at nakaadyang umalis ng table namin. Mabuti't agad ko siyang nahawakan sa kamay at nahila pabalik sa pagkakaupo.

"Chill ka lang, Belle, okay?" mahinahon kong sabi sa kanya. Napasinghot na naman ako. "Walang ginawang masama sa 'kin si Priam. Marami lang talaga akong iniisip kahapon 'tapos may dumagdag pa kaya ganyan ang itsura ko. Siya pa nga ang umalalay sa aking bumaba."

"Ay, gano'n?" Tuluyan na siyang napaupo. "Akala ko pa naman, may ginawa siyang kalokohan sa 'yo. Ah, basta! Kapag sinaktan ka niya, higit pa sa sakit sa puso ang ipadaranas ko sa kanya."

Na-appreciate ko ang pagiging protective niya sa 'kin. Kaso masyado naman yata kung idaraan niya sa pisikalan. Ayaw ko ring ma-misplace ang galit niya kay Priam lalo na't wala naman siyang ginawang masama sa 'kin.

Priam was there for me during my lowest moments. Priam defended me when half of the campus turned their backs on me. Priam always looked after me. A man like that would not deserve any beating from my best friend.

"Pwede ba akong maki-share ng table?"

Sabay na umangat ang tingin namin ni Belle sa gilid ng mesa. Colin stood there with a tray held by both of his hands. Tumango kami sa kanya at tumabi siya sa best friend ko.

"Okay ka na ba, Fab?" pambungad na tanong niya. "You missed the rehearsal yesterday."

Sinagot ko siya ng isang pilit na ngiti. "To be honest, hindi pa ako totally okay, but I will try to. Nasa rehearsals mamaya si Direk. Hindi pwedeng um-absent ulit ako o kaya low energy ang performance ko. Siguradong tatamaan ako ng pamaypay mamaya kapag gano'n."

"If you're not well, maybe we can talk to him and ask him if you can skip today's rehearsal," Colin said. "Mukhang matamlay ka pa at parang sinisipon ka. Baka kapag pinilit mo, lalong lumala 'yang nararamdaman mo at mapa-absent ka sa susunod na rehearsals natin."

"I think I'll be fine." I sniffed. "Baka mas makatulong pa sa 'kin kung mag-a-attend ako ng rehearsal mamaya para hindi ko na muna maisip 'yong mga pinoproblema ko. Maybe it's the kind of distraction that I need."

Na-appreciate ko rin ang concern ni Colin, pero hindi niya rin kailangang mag-alala sa 'kin. I was a grown-up already. I could handle myself very well.

"Kung ipa-practice n'yo na 'yong kissing scene mamaya, mas mabuti kung huwag n'yo munang ituloy," biglang hirit ni Belle, dahilan para mapalingon kami sa kanya ni Colin. "May sipon 'tong si Fab, baka mahawa pa si Colin 'tapos pati siya, hindi maka-attend sa mga rehearsal natin. No offense, Fab."

Ngumiti ako sa kanya. "None taken."

Sandaling natahimik sa mesa namin. Inuubos na ni Belle ang in-order niyang burger. Sinimulan nang kainin ni Colin ang carbonara spaghetti habang nag-i-scroll sa CampuSite sa phone niya. Ako naman, pinipilit kong ubusin ang Caesar salad, pero hanggang titig lang ako.

Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Priam. Naalala ko 'yong unang kain namin dito sa food hub. Pinilit ko siyang um-order ng Caesar salad para matched kami ng meal at para healthy ang kainin niya no'ng lunchtime. Since then, napadadalas na ang order niya ng gano'n kapag magkasama kami.

"May briefing pala ngayon ang USC," biglang sambit ni Colin habang pinupunasan ang bibig.

"Ano ba'ng meron?" Napasilip sa phone niya si Belle, kinukuskos ang mga daliri sa tissue.

Ayaw ko muna sanang maging involved o updated sa kahit anong bagay na related sa student council. Pero dala na rin ng curiosity ko, napa-lean ako sa mesa at napatingin sa phone screen ni Colin.

". . . and that is for this week's press briefing. I will now entertain your questions. Isa-isa lang, ha? Mahina ang kalaban."

The USC public relations officer, Rowan, was on screen. Kita ang mga kamay na nagsitaasan sa bandang harapan. Agad kong iniwas ang tingin ko. Imbes na panoorin ang livestream, ginawa ko na lang radio 'yon habang tinatapos ang salad.

"Let's start with our friend from GOTCHA! I hope na related sa upcoming event ang tanong n'yo."

"Sadly, hindi—"

"Sabi ko na nga ba, eh! But go on. I'll try to answer your presumably intriguing question."

"Nakita mo na ba ang nagba-viral na photo sa CampuSite?"

Nagkatinginan kami ni Belle. Unang pumasok sa isip ko ang picture na ipinakita niya sa 'kin kanina.

"Sorry, pero hindi kasi ako updated sa mga ganap sa CampuSite. Alam n'yo namang busy ako at ang USC sa duties namin. Do you mind showing that photo to me?"

"This is the photo in question. Kitang-kita riyan na magkasama ang USC president at ang First Lady. Pareho silang basa pero mukhang wala sa sarili si Fabby. Do you know the story behind it?"

"Unfortunately, Kier, I don't know the context behind that photo. I wasn't there and they didn't tell me kung ano'ng nangyari. In addition, that photo has completely nothing to do with our plans and policies. Whatever the USC president and the First Lady do in their time together, the USC is out of the picture. Next question?"

"There are rumors na nag-break na raw ang first couple natin. Can you confirm that?"

"Break?! As far as I know—and this is me speaking as a fellow student, not the PRO—they're still together. Please, huwag sana kayong magpakalat ng unfounded rumor or fake news. Alam kong creative ang mga utak natin, pero huwag sanang umabot sa point na gumagawa na tayo ng kuwento. Hindi pa ba kayo nadala sa rumor na kumalat tungkol kay Fabienne na napatunayang fake?"

Yumuko ang aking ulo at kumuyom ang mga kamao ko. Naramdaman kong bumaon ang aking mga kuko sa palad. Castiel's face flashed on my mind, as well as what he had told me yesterday. Biglang sumikip ang aking dibdib. Magkahalong galit, dismaya at lungkot ang nasa puso ko.

I closed my eyes and took deep breaths. Tinanong ni Belle kung okay lang ba ako. Nagsinungaling ako at sinabing oo.

"So Priam and Fabienne are still together?"

"As far as I know, yes. Hindi ko naman tinatanong araw-araw si USC president kung sila pa ba ni Fabienne. That's not in my job description."

"If they're still together, why aren't they eating together as we speak? Nasa food hub ngayon si Fabienne at iba ang mga kasama niya. Halos araw-araw na sabay nagla-lunch ang first couple natin. Hindi ba weird na pagkatapos ng kung anumang nangyari kahapon, hindi na sila magkasama ngayon?"

Kumunot ang noo ko, halos magdikit ang aking mga kilay, at halos mahulog ang panga ko. Napatingin sa 'kin si Belle na may gano'n ding reaksyon sa mukha niya. Iginala naman ni Colin ang kanyang tingin, malamang hinahanap ang nag-tip sa reporter na nandito ako. What kind of nonsense was that?

"You know what's weird? Your out-of-this-world assumptions. Hindi porke't hindi sila magkasamang kumain ng lunch ay break na ang dalawa. First of all, the president and the USC are busy preparing for the event next week. Second, they have lives of their own. Ikaw ba? Kapag hindi kayo sabay kumain ng parents mo, hindi ka na niya anak? Hindi, 'di ba? Next sensible question please! The one from The Herald?"

Reynard? Hindi ko pa siya nababalikan magmula kahapon. After opening my eyes to the truth, he asked for my cooperation to expose the lies and deceit by the student council. Nasa panig daw namin ang katotohanan kaya wala kaming dapat na ikabahala.

Napaisip ako sa offer niya. I wanted to help Priam get reelected because I strongly believed that he deserved another term. Wala akong issue sa leadership skills niya. Minsan, napababayaan niya ang kanyang sarili. My main concern was him being friends with Castiel, the one who hurt me in a way that I didn't imagine. Kung nagawa ni Castiel sa 'kin ang gano'ng bagay, ano pa ang kaya niyang gawin? Sino pa ang masasagasaan sa mga plano niya?

"Hi! Reynard here. Speaking of the USC, is it true that chief-of-staff Castiel Seville has been suspended?"

"Come again?"

"Is it true that the chief-of staff has been suspended? I got a tip from an anonymous sender. Ang sabi'y s-in-uspend siya dahil sa misbehavior?"

Nabaling ang tingin ko sa livestream, kumurap nang ilang beses ang mga mata ko. Talaga? S-in-uspend si Castiel? Heto na ba ang sinasabi ni Priam?

"Look here, Reynard. Your source, whoever they may be, got the information wrong. The chief-of-staff was not suspended. He asked for a temporary leave from his council duties, and the president approved it. We're already in the finals month. We have student officers who want to focus first on their academics."

"Sorry, Rowan, but that sounds like a nice way to phrase his suspension."

"Because that's how it is. I can show you his letter of request for temporary leave of absence, signed by the chief-of-staff and the president. Next question?"

Suspension? 'Yon na ang penalty niya? Matapos ang lahat ng ginawa niya sa 'kin? Was that just and fair for the crap that he put me through all for the sake of his plan?

Why, Priam? Why?

I lowered my head. Muli na namang kumulo ang dugo ko. My fists clenched once more. Hindi ko na alintana ang sakit o kung dumugo ang mga palad ko.

"Sino nga 'yong chief-of-staff?" tanong ni Belle. "Siya ba 'yong pilay sa USC?"

"'Yong nakasalamin," dagdag ni Colin bago napatingin sa 'kin. "Fab, are you okay?"

I took a deep breath, raised my head again, and plastered a smile on my lips. Ayaw ko nang mas mag-alala pa sila sa 'kin. "Yup! Hindi ko lang nagustuhan ang lasa nitong lettuce. Luma na yata ang ginamit nila rito sa salad."

"You sure? Parang nagngingitngit ka sa galit diyan?"

"Don't mind me!" I laughed it off. "May mood swings lang siguro ako. Teka, lalabas muna ako. May tatawagan lang. Maingay kasi rito."

"Sure!"

I excused myself and went outside the food hub kung saan wala masyadong tao. Inilabas ko aking phone at mabilis na c-in-all ang number ni Priam. Ilang beses na nag-ring bago niya p-in-ick up.

"Hello, Yen? How are you doing?"

"I'm not okay, Yam." There's no need to lie to him. Alam naman niya kung ano'ng pinagdaraanan ko. "Napanood ko 'yong USC press briefing. Totoo bang na-suspend si Castiel o nag-file siya ng leave sa council duties niya?"

"I suspended him for two weeks, but we made it appear as if he went on leave voluntarily. It won't look good on the council if we've announced his suspension."

I looked down and swallowed the lump in my throat. "Why?"

"Why? Because he needs to be punished for what he did to you—"

"No, Yam." I shook my head. "I'm asking why suspension lang ang sanction mo sa kanya? You know what he did. You know how much it affected me."

There's a brief silence.

"I want to give him time to reflect on his actions. As a leader, I do not want to impose the harshest penalty on my subordinates. I want them to realize the error of their ways and change for the better."

Napakagat ako sa aking labi. Pinigilan ko ang aking mga luha sa pagtulo. "Dahil ba friend mo siya? Dahil ba nakatutulong siya sa council? Kaya ba hindi mo siya magawang tanggalin?"

Sandali na namang natahimik sa kabilang linya.

"Is that what you want? You want me to banish Cas from the USC?"

"Hindi ba 'yon ang pinaka-makatarungang punishment sa kanya?" Pinunasan ko ang namuong luha sa kaliwang mata ko. "Are you still trying to protect him despite of what he did to me? Mas mangingibabaw ba ang friendship mo sa kanya kaysa sa duties mo bilang USC president?"

"Yen, firing him from the USC will give him an easy way out of the mess. I will also deprive him of the chance to change—"

"Change?" Napaangat ang ulo ko at natawa sa sinabi niya. I sniffed. "You think he's capable of change?"

"We all are."

"But that suspension is just a slap on the wrist!" I almost shouted at him. "No one can change over two weeks!"

Napapikit ang mga mata ko. I took a deep breath and tried to control the emotions raging inside me. Parang nabibiyak ang puso ko sa mga narinig ko mula sa kanya.

Of all people, I thought he would understand me. Was I being irrational here? Was I exaggerating my pain? Was I asking for too much if I wanted Castiel gone from the council?

"I thought you're better than this, Mr. President."

"Yen, wait—"

Hindi ko na siya pinatapos pa. Ibinaba ko na ang tawag at nagmadaling naglakad patungo sa admin building. I dialled a number and put the phone near my ear once that person picked up the call.

"Hi, Fab! Napatawag ka?"

"Hello, Rey?" I replied, my eyes filled with fiery determination. "I want to come clean. I will tell you about Oplan First Lady."

★ ★ ★

NEXT UPDATE: A whistleblower has stepped forward!

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top