Chapter 44: The White Queen

A/N: This is the beginning of the end~

FABIENNE

I GOT something to look forward today! Nitong umaga, habang nagkaklase kami sa ARTS 103 o Arts and the Community subject namin, I received a text message from Reynard telling me that the layout for the magazine cover and the cover story was already done. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi 'yon agad natanggal sa labi ko kaya napansin tuloy ni Belle. Tinanong niya kung si Priam ba ang nag-text kasi abot-langit ang smile ko.

Alam kong ginamit ni Reynard ang pagiging cover model at story ko para makakuha siya ng info mula sa 'kin. But at the same time, the offer was real. I was going to be in the cover! Gusto ko na ngang pumunta na sa office ng The Herald para makita ang output. Kaso kailangan ko pang maghintay hanggang mamayang hapon. Medyo busy pa raw ang layout artist kaya after class niya ako pinapupunta ro'n.

By four o'clock, an hour before our scheduled rehearsal at the auditorium, I went to the admin building kung saan naka-locate ang kanilang editorial office. Lagi akong nagagawi rito kapag pinapupunta ako ni Castiel sa USC office o kapag may inaasikaso akong papers. Sa west wing lagi ang destinasyon ko. Pero this time, sa east wing naman.

"Yen!"

Lumingon ako sa likuran at nakita si Priam na huminto sa paglalakad. Nagtagpo ang tingin namin bago siya lumapit sa 'kin. Mukhang palabas na dapat siya ng admin building. Naistorbo ko pa tuloy kung anuman ang kailangan niyang gawin.

Teka, did he just call me by my other nickname? He used to call me by my full name. Baka hindi pa siya nakamo-move on sa dinner namin no'ng Sabado kaya gano'n pa rin ang tawag niya sa 'kin?

"Yam!" tawag ko sa kanya nang nagkatapat na kami. Hindi pwedeng siya lang ang gumamit sa nicknames na ibinigay ni Mama. Dapat ako rin para fair and square. "Saan ang punta mo?"

He jerked his thumb over his shoulder. "To the gymnasium. We're busy preparing for an event next week. How about you? You're on the way to The Herald's office?"

Tumango ako. Nang nagkita kami kaninang lunchtime, nabanggit ko sa kanya ang invitation sa 'kin ni Reynard. Yup, patuloy pa rin ang mini-campus dates kahit na may kumalat na tsismis na fake ang relationship namin. Wala naman kaming magagawa kundi ituloy 'to hanggang sa tuluyang makalimutan ng mga estudyante ang tsismis. Mukhang mas marami naman ang naniniwalang legit ang pagiging couple namin.

"Yen and Yam. . . Really?" Sunod-sunod na clack ang narinig ko. Lumapit sa 'min si Castiel, inaalalayan pa rin ng cane ang kanyang paglalakad. "'Yan na ba ang magiging call sign n'yong dalawa? When was this decided and why wasn't I part of the conversation?"

"Her mom called us by those nicknames," Priam answered, looking sideways at his loyal chief-of-staff. "The 'Yen' that I blurted out just a minute ago escaped my lips without much thinking."

"Maybe you two should start calling each other by those names," Castiel suggested. Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Mabuti't walang ibang estudyanteng dumaraan. "Magmumukhang mas intimate kayong dalawa kapag may nakarinig."

"I agree." Priam nodded. "How about you, Yen? What do you think?"

"Wala namang problem sa akin, Yam," tugon ko. "Basta comfortable tayo sa tawagang 'yan."

"Good, good," patango-tangong komento ni Castiel. "I heard that Priam did well in the dinner with your family. Did your mom or brother say anything about him once he left your house?"

"I'm curious as well," Priam added.

Napangiti ako at sandali nagawi sa sahig ang tingin. "My mom told me that I'm lucky to have found someone like you." Umangat ang tingin ko kay Priam. "Sabi ko sa 'yo, 'di ba? Mas humanga siya sa 'yo nang kontrahin mo ang point of view niya tungkol sa hard work at pay off. You could have tried to impress her daw by agreeing to her points, but you chose to present a different perspective."

"What do you expect from a Political Science student who's good at debates?" komento ni Castiel na napasulyap sa kasama niya. "Sabi ko na nga ba, kaya mong mag-improvise ng mga sagot."

"The topic was close to my heart, so I merely spoke my mind," sagot ni Priam sa kanya bago lumingon sa 'kin. "I'm glad to know that your mom was not offended."

"Well, there's no need to worry about her mom getting offended," sabi ni Castiel sabay hawak sa bridge ng salamin niya. "This is just a temporary arrangement after all. Right?"

"Of course," Priam said with a nod.

"Yeah," I replied, also with a nod.

Basta kapag na-reelect na si Priam, ako na'ng bahalang magsabi kina Mama at Kuya na nag-break na kami at kailangan na naming mag-move on. Sana'y hindi sila ma-attach masyado sa kanya.

"By the way, Cas," tawag ko, "ikaw ba ang nag-prepare ng mga isinagot ni Priam sa mga pwedeng itanong ng mama't kuya ko?"

He turned to me. "I only gave him a list of possible questions and scenarios. Iko-coach ko nga dapat siya para masiguro kong tama ang mga sasabihin niya, pero tumanggi siya. If your mom and brother were impressed, then Priam did a great job on his own."

So everything he had said back then came from his heart? Siya mismo ang nag-isip ng mga sagot? Hindi ko naiwasang ma-amaze sa kanya. He was truly something. But should I expect anything less from the most powerful student on campus?

"You're about to meet Reynard, right?" Castiel asked. His eyes looked past my shoulders to see kung may papalapit bang estudyante. "Remember what we talked about last week. He'll try to collect more information from you, especially now that he got his request approved. Don't give in."

"Don't worry, I won't."

Nagpaalam na ang dalawa sa 'kin bago sila tuluyang lumabas ng admin building. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad patungo sa east wing hanggang sa nakita ko ang pinto na may printed sign ng The Herald. Tumapat ako sa intercom system sa tabi ng sliding door at akmang pipindutin ang buzzer, pero biglang bumukas ang pinto.

"Welcome to The Herald's editorial office!" bungad sa 'kin ni Reynard nang naka-stretch sideways ang mga kamay. "Kanina pa kita hinihintay. Akala ko naligaw ka na sa kabilang wing."

I scratched my cheek. "Sorry, first time ko kasing mapadpad sa side na 'to ng admin building."

"That's okay!" He stepped aside and motioned inside. "Please come in! You're very much welcome here."

Tumuloy na ako sa loob ng kanilang editorial office. I had been long curious kung ano'ng itsura ng workplace ng university student publication namin. Tatlong taon na akong nag-aaral sa Elysian University, but I had never been here before. Wala rin kasi akong business para pumunta rito.

Dinaanan na namin ang apat na row ng pinagdikit-dikit na mesang may desktop computers. Sa kaliwa, may lateral cabinet at printer na nakapatong sa isang desk. Sa kanan, may pantry kung saan may dalawang mesa na may tigda-dalawang upuan, stock ng powdered drinks, at electric kettle. Sa bandang dulo, may tatlong magkakadikit na cubicle at nakapaskil sa glass panel ang posisyon ng mga nakapuwesto ro'n: editor-in-chief, managing editor at associate editor.

Sinundan ako ng tingin ng mga estudyanteng abalang-abala sa pagta-type. May ilan sa kanila ang napahinto pa, inilabas ang phone at kinuhanan ako ng picture. Para akong artista na bumisita rito.

"Pasensya na kung medyo makalat," sabi ni Reynard sabay kamot sa ulo. "Busy kasi kaming tapusin ang mga article para sa magazine issue. Kailangan na naming mai-submit sa printing press."

Ngumiti ako sa kanya para ipabatid na hindi big deal 'yon sa 'kin. Mas kataka-taka siguro kung masyadong malinis sa office at halos walang ginagawa ang staffers dito.

He led me to the cubicle of the associate editor. Naka-ready na ang ngiti ko para batiin kung sinuman ang nandoon, pero wala palang tao. Wala ring tao sa dalawa pang cubicles sa tabi nito.

"Our Big Three editors are currently meeting with the manager of the printing press." Nabasa siguro ni Reynard ang tanong sa mukha ko. "Gusto ka nga nilang ma-meet nang personal para mapasalamatan ka. Looks like that will have to wait."

"I'd love to meet them too and thank them for considering me as the cover model," sabi ko.

"In the meantime . . ." Isinara niya ang cubicle at itinuro ang mga bakanteng office chair sa tapat ng desk. Nauna akong umupo sa kanya. Inianggulo niya ang monitor, pati na ang keyboard at mouse, sa direksyon namin. "Humingi ako ng permission kay assoc kung pwedeng dito ko ipakita ang layout sa 'yo. Baka kasi hindi ka comfortable kung sa desk ko tayo pupuwesto. Ang kalat pa naman doon!"

"I actually don't mind—"

"We want our cover model to feel comfortable," he cut my words short with a smile. "At saka hindi pa pwedeng ipasilip sa ibang staffers ang layout. Secret muna hanggang sa ma-approve ng editor-in-chief namin."

May in-open siyang publishing application kung saan ini-load ang layout ng magazine. He zoomed in on the cover which prominently featured my face. My eyes went wide as I stared at myself looking back at me. Hindi ko na naitago ang smile ko na abot hanggang tainga na yata. Hindi lang ang mukha ko ang maganda, pati na ang font choices at placement ng text sa gilid. Agaw-pansin din ang title na "Meet the ElyU's First Lady."

"Hindi na namin kinailangang i-enhance ang picture mo kasi natural ang beauty mo," sabi ni Rey habang zino-zoom in ang mukha ko. "So what you see is what you get. We're after authenticity din kasi. Walang makapagsasabi na iba ang itsura mo sa magazine at sa personal."

Lumingon ako sa kanya. "I greatly appreciate that." Kahit sa social media posts ko, iniiwasan ko ang paggamit ng filters sa mga photo ko. Don't get me wrong, ha? Wala namang masama kung maglagay ng filter. Pero para sa 'kin kasi, hindi ako comfortable sa gano'n. Mas gusto kong natural ang itsura ko.

"At heto naman ang layout para sa cover story." Z-in-oom out ni Reynard ang layout at nilagpasan ang ilang pages hanggang sa marating niya ang bandang gitna. He zoomed in again para makita ko nang maayos ang dalawang spread na may text at photos ko. "You can read it if you want."

Iniabot niya sa 'kin ang mouse at ako na ang nag-zoom. Sinimulan kong basahin ang feature article mula sa una. I read it as silently and as fast as I could dahil ramdam kong hinihintay niya akong matapos. Ten minutes yata bago ako natapos magbasa kasi inintindi ko talaga ang bawat paragraph at ch-in-eck kung tama ang mga detalye ro'n.

"What do you think?" tanong niya, sinusundan pa rin ako ng tingin.

I leaned my back against the chair and turned to him. "It's well written! Tama ang lahat ng mga inilagay mo rito. Kung ito na ang ipa-publish n'yo, wala naman akong magiging reklamo."

"That's not yet the final version. Kung magkakaroon man ng changes, hindi masyadong significant. Don't worry, wala kaming babaguhin sa mga detalye na nandiyan. Dahil ikaw ang cover story namin, iingatan ka namin, siyempre."

I felt my cheeks turning red.

"But there's something that I want to confirm."

Umangat ang tingin ko sa kanya, bahagyang naningkit ang mga mata ko. Heto na ba ang sinasabi ni Castiel? Dito na niya ba ako susubukang kuhanan ng iba pang detalye para mapabagsak niya ang USC? I needed to be prepared for whatever question he might throw at me.

"Ano 'yon?" inosente kong tanong, kunwari'y wala akong kaideya-ideya sa isa pa niyang purpose kaya ipinatawag niya ako rito.

"Last week, nag-submit ako ng FOI request para sa listahan ng mga qualified USC scholar for this semester," kuwento niya habang nakamasid pa rin ang mga mata sa 'kin. "My editor asked me to write an article about it kasi. Ang bilis nga, eh! Kabibigay lang sa 'kin kaninang umaga ng hiningi ko. Nang i-check ko na ang listahan, nakita ko ang pangalan mo. Fabienne Lucero."

I gulped, but I hid it through my almost permanent smile. Heto na talaga ang pakay niya sa 'kin.

"I was just wondering why you didn't mention it to me when we had an interview during the team building and during the interview for the cover story," he went on. "Hindi mo responsibilidad na sabihin sa akin ang bawat detalye ng college life mo. But if I were to interview another student who's also a USC scholar, I'm sure they'd mention it to me. After all, this scholarship is very exclusive."

"Ah!" I exclaimed and clapped my hands once to shake off whatever feeling that was building up inside of me. "Hindi ko nasabi sa 'yo kasi feeling ko, hindi 'yon gano'n ka-relevant sa pagiging theater actress at pagiging First Lady ko."

"But it is relevant," he insisted. "You mentioned during the interview that your family was struggling financially, kaya nga napilitan kang magtrabaho nang part-time sa isang cafe, 'di ba? I managed to talk to that cafe's manager. He told me that your contract was terminated for some reason he didn't disclose."

I did my best to maintain my composure. Isa-isa na niyang inilalabas ang mga baraha niya. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito, lalo na't hindi ko alam kung ano'ng susunod na sasabihin niya.

"Without that part-time job, mahihirapan ka nang suportahan ang studies mo. But luckily, just a week after you were allegedly fired, you got admitted to the USC scholarship. How did I know na one week? I compared the date between the termination of your contract and your application to that scholarship grant."

"That's right!" Mariin akong tumango sa kanya. "Pagkasabi ng manager na ite-terminate na nila ang contract ko, agad akong naghanap ng scholarship na pwedeng apply-an sa university. Naisip ko ring mag-work muna nang full-time sakaling wala akong makuha. Pero mukhang sinuwerte ako kasi c-in-ontact ako ng USC."

"Ang chief-of-staff ba na si Castiel ang c-um-ontact sa 'yo?"

"Eh?"

Inabot niya ang isang folder sa desk at inilabas ang isang papel. Inilapag niya 'yon sa mesa. May pangalan ng mga estudyante at time stamp sa gilid. Merong naka-highlight na dalawang pangalan do'n: Castiel Seville at Fabienne Lucero. Meron ding watermark na "confidential" sa buong papel.

"You two met at the library on this day, right?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Alam mong inire-record ng ID sensors ang mga check-in natin sa bawat building. Posibleng coincidence na pareho kayong pumunta roon. Marami namang estudyante ang pumupunta sa library. Pero sabi ng student aide na nakausap ko, pareho kayong pumasok sa iisang study room bandang lunchtime. You're a Theater Arts student and he's a Psychology student. I don't see any reason why you two would meet there."

Napalunok ako ng laway, pero nanatili pa rin akong kalmado. Hanggang saan ba ang alam niya? Saan niya nakuha ang data na 'to? Hindi ko alam kung dapat kong pagkatiwalaan ang bawat info na inilalapag niya sa harapan ko. Baka kasi nagba-bluff lang siya sa 'kin para makuha ang gusto niya.

"Ah! Doon nga kami nag-meet para sa interview!" Inilabas ko ang aking phone. "Meron pa nga akong copy ng message nila sa 'kin. Gusto mo bang mabasa?"

"That's strange." His eyes narrowed into slits. Ano na naman ang ibabato niya? "I also asked the chief-of-staff about it. He told me that your first meeting with him was during your application for the USC volunteer program. Nagsinungaling ba siya sa 'kin noon?"

"Naku, baka nakalimutan na niya." I laughed it off, pero legit na ang kaba ko rito. "Alam naman nating busy ang student council officers. Baka napaghalo-halo na niya ang dates."

Ngumiti si Reynard sa 'kin, napasandal pa sa upuan niya. "The way you answer my questions . . . Amazing!"

"Thank you!" I smiled back at him. Wala bang biglang mang-iistorbo sa 'min para makaalis ako? Sana may aksidenteng makapindot sa fire alarm o biglang lumindol para i-evacuate kami. I couldn't just walk away dahil magmumukhang suspicious.

"Do you mind if I ask more about your scholarship?"

"I don't. Just ask away! Wala naman akong itinatago."

May kinuha siyang form mula sa folder na hawak niya. Nakita ko ang aking picture pati na ang ilang personal details ko. That was my scholarship application. "The day after your application got approved by the USC . . ." Sunod naman niyang inilabas ang picture kung saan magkatabi kami ni Priam sa booth ng isang cafe. "You started going out with the president. Magkakilala na ba kayong dalawa bago pa lumabas ang dating rumors n'yo?"

"Napanood niya ako bilang Mulan sa theater play last semester," nakangiti kong sagot. I had no idea how long my fake smile would last. Sana'y matapos na ang interrogation. "Una ko naman siyang nakita no'ng nangangampanya siya para sa USC presidency."

Lumawak ang ngiti niya. "Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Sorry, pero ano ba'ng connection ng relationship namin ni Yam sa scholarship ko?" balik kong tanong. "Sabi mo kasi magtatanong ka tungkol do'n. But I can't see how those two are related."

He smirked. Mukhang hindi yata magandang senyales 'yon. "Do you want me to be honest with you?"

"I wish you would," I replied, still with a smile. "Para malinawan ako kung bakit ganito ang mga pinagtatanong mo sa 'kin. To be quite frank, medyo nako-confuse ako ngayon. Sabi mo kasi, ipapakita mo ang layout ng cover. Hindi mo sinabing may part two pala ng interview."

"Then be honest with me too." Nawala ang ngisi sa labi niya at naging seryoso ang mukha niya. "Can I expect the same level of honesty from you? Or do you want us to continue beating around the bush? Don't worry, everything that we're talking about here is completely off the record."

"Sure." I took my smile off. Hindi na rin kaya ng muscles ko sa bibig ang magpanggap. Pagpapahingahin ko muna.

"Good!" Nanumbalik ang liwanag sa mukha at ngiti sa labi niya. "Here's my theory! In exchange for approving your USC scholarship application, you've agreed to pretend as the USC president's girlfriend. Am I correct?"

Na-bullseye niya agad! "Teka, bakit hihingi ng gano'ng pabor ang USC sa 'kin?"

"Priam must be planning to run for reelection in the next student council election. Pero sobrang baba ng approval rating niya kaya mukhang malabo na magkaroon siya ng second term. Para bumango ang pangalan at gumanda ang image niya, may nakaisip mula sa USC na maghanap ng fake girlfriend niya. At ikaw ang kanilang napili. Tama ba ako?"

Napakamot ako sa pisngi at awkward na ngumiti. "Napaka-complicated naman yatang plano n'on?"

"Wala ka pa ring sinasagot sa mga tanong ko." Ngumiti rin siya sa 'kin, pero ramdam kong hindi 'yon dahil sa tuwa—malamang dala ng pagtitimpi. "You're avoiding my questions. I thought we've agreed to be honest with each other?"

"Sorry, ha? Pero parang hindi ko masasagot ang mga gano'ng ka-absurd na tanong—"

"Why are you protecting them?" he asked me in a serious tone and with a serious face. Lagi siyang mukhang masaya at relaxed, pero hindi sa sandaling 'to. "Natatakot ka bang tanggalan ka nila ng scholarship kapag c-in-onfirm mo ang mga hinala ko?"

"Na-Natatakot? Mas natatakot ako sa 'yo—"

"The USC is just using you, Fabienne," Reynard put so much emphasis in my name. Hindi niya ako nilubayan ng tingin. "Mula sa umpisa, ginagamit ka na nila. Alam kong kailangan mo ang scholarship para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo at ma-pursue mo ang mga pangarap mo. Pero willing ka bang maging kasangkapan para sa mga ambisyon nila?"

"Hi-Hindi ko maintindihan kung anong—"

"Once you outlive your usefulness, they will throw you away," he interrupted me. "Are you perfectly okay with that arrangement? Are you willing to spend the rest of this academic year as their tool?"

Alam ko namang ginagamit ako ng student council para ma-reelect si Priam, pero ginagamit ko rin ang kanilang scholarship para maipagpatuloy ko ang studies ko rito. It's a mutually beneficial agreement kung tutuusin.

"I have almost everything to prove that they're lying and deceiving the student body for the sake of reelection." Reynard raised the folder in his hand. "Almost, because there's only one piece missing. You. Their white queen on the chessboard. Once I capture you, it's gonna be a checkmate for them in one or two moves."

I swallowed the lump in my throat. Kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-passionate sa ginagawa niyang exposé. Pero kahit ano'ng sabihin niya, hindi ko kayang traydurin ang student council. They're good people. They had been good to me—except Valeria.

"Don't enable their lies and deception anymore, Fabienne. Be on the side of the truth. Be on my side," he said in a soothing voice. "I have no ulterior motives here. All I want is for us to expose the truth and let the student body decide for themselves if they want this kind of leadership from overly ambitious student leaders—"

I got to my feet, dragging the chair behind me. Biglang siyang napahinto. "Sorry, Rey. But I think we got off-topic here. Meron din akong rehearsal ng five o'clock kaya hindi na ako makatatagal dito. Maybe we can continue this discussion some other time. Until then, goodbye and thank you."

Humakbang na ako patungo sa pintuan.

"You fail to understand how dangerous these people are, don't you?"

I was about to turn the doorknob nang lumingon ako sa kanya sa huling pagkakataon. This was his last-ditch attempt to convince me. But my mind was already made up.

Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Nagkatitigan kaming dalawa. Medyo napatingala ako sa kanya dahil may katangkaran siya, pero mas matangkad pa rin si Priam.

"Do you know who's behind the fake rumor about you that almost ruined your reputation and your theater career?" he asked.

Halos magdikit ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya. Ganito na ba siya kadesperado para i-convince ako? Ibi-bring up niya ang isang issue na tapos na?

"Wala pang update sa 'kin ang USC, pero patuloy ang investigation nila kung sino ang nagpasimula n'on," sagot ko. "Apparently, my ex wasn't the one who started the rumors. Nakisakay lang siya no'ng kumalat na sa CampuSite."

He smirked. "Let me save you the trouble. Castiel Seville might be the one who spread the rumor that you slept with the director to get the role of Mulan."

Nanlaki ang mga mata ko at napahakbang ako paurong. Grabe! Sobrang desperado na yata niya kaya nagawa niyang siraan si Castiel. Ang akala ko ba, nasa panig siya ng katotohanan? Bakit may halong kasinungalingan at paninira na?

"It's all part of his plan," he added. "Bago pa man na-post sa What's The Tea account ang fake rumor, meron na siyang interview mula sa former theater director na nagde-debunk sa tsismis. Now ask yourself: If he already had the materials to disprove that rumor, why didn't he release them the moment it spread?"

Halos malaglag ang panga ko habang pakurap-kurap ako sa kanya.

"This is just a conjecture, pero sa tingin ko, hinintay muna niya na makuha mo ang simpatiya ng mga estudyante. Kaso biglang may nakisakay sa tsismis at muntik nang mawala sa kontrol ang plano niya."

"No . . ." Paulit-ulit akong umiling. "Castiel wouldn't do that!"

"Hindi ko alam kung kasabwat din niya ang buong USC. Pero kung oo, nakapangingilabot kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa ambisyon. They're willing to sacrifice any piece on the board—even their white queen—just to win the game."

"No, no, no!" Humakbang ako paurong habang patuloy ang paglapit niya sa 'kin. "They wouldn't do that to me. You're lying! You're just trying to mess with my mind!"

Ayaw kong maniwala sa kanya. Bakit? Dahil alam kong genuine ang pag-aalala sa 'kin ni Priam. Tinawagan niya ako para i-cheer up no'ng sobrang down ako. Niyakap niya ako no'ng nawawalan na ako ng pag-asa at halos gumuho na ang mundo ko. Binantayan pa nga niya ako sa clinic habang unconscious ako. Those moments couldn't be scripted, right? They were heartfelt! They were real!

"Alam kong hindi ka basta-basta maniniwala sa 'kin." Bumalik sa pagkakaupo si Reynard. May p-in-lug siyang flash drive sa computer. He opened a series of folders until he reached a video file. "I hate lies and deception, and I won't employ the same strategy that Castiel or the USC is using. Mas mabuti kung marinig mo mismo sa taong 'to ang katotohanan."

He made a dramatic click at nag-pop up sa screen ang isang video. My eyes went wide when I recognized the face of the former director of our last season's theater production.

"Take a listen, Fabienne," Reynard said before clicking the play button, "and wake up from the deception that you're being led into."

★ ★ ★

NEXT UPDATE: Castiel's day of reckoning is about to come.

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top