Chapter 43: Raison D'être

A/N:  Who is Cassidy? Let's all find out!

FABIENNE

I WAS confused at what's going on. My eyes shifted from my brother to my pretend boyfriend, and vice versa. Bakit gano'n makatingin sina Kuya Ris at Priam sa isa't isa? Bakit parang magkakilala na sila? May alam ba sila na hindi ko alam? At sino ang nabanggit na Cassidy Seville? Sa dami ng tanong ko, sana'y masagot lahat.

Teka, Seville? Familiar ang surname na 'yon, ah? Saan ko nga narinig?

"By any chance, do you two know each other?" I asked as my eyes kept on shifting their gaze between Kuya Ris and Priam. "Parang may hint of recognition kasi akong napansin sa mga mukha n'yo."

"Not really," my brother answered. Muli niyang inalok ang kamay niya sa nagpakilalang boyfriend ko. "Hindi kami magkakilala, pero nakikita ko siya paminsan-minsan na bumibisita sa isa sa mga pasyente namin sa hospital."

"Right." Priam shook his hand firmly. "He's the one taking care of my friend's sister who's unfortunately in a coma. It's my pleasure to meet you. I didn't know that you're Fabienne's brother. Thank you for always taking care of Cassidy."

Friend's sister? My eyes went wide. Doon ko na-realize kung saan ko narinig ang surname na Seville. That's the family name of Castiel! 'Tapos magkatunog pa ang first syllable ng mga pangalan nila. Cas-sidy, Cas-tiel. Parang kami ni Kuya: Fab-ienne, Fab-rice.

"No problem! It's my duty after all kaya wala kang dapat na ipagpasalamat." Nagkahiwalay na ang mga kamay nila. "I've heard so many things about you. Isa sa interns namin ay college student council officer. Nang nalaman niyang kuya ako ni Yen, may mga ikinuwento siya sa 'kin."

"Marami akong kilalang student leaders," kunot-noong sagot ni Priam. I was sure na nabanggit ko na sa kanya no'ng isang araw kung sino, pero nagkunwari pa rin siyang walang idea. "May I know who?"

"Do you know Owen? Owen Navarro from the College of Nursing?"

"Oh, Owen!" Priam's face lit up. "Of course. He's the president of their college student council."

"Siya ang nag-chika sa 'kin na may jowa nga 'tong kapatid ko." Napasulyap sa 'kin si Kuya, sabay na umangat ang mga kilay niya. "Ewan ko ba rito kay Yen, masyadong masikreto! Sa ibang tao ko pa nalaman ang latest update sa love life niya."

Natawa na lang ako. Hindi ko naman kasi in-expect na matutunugan niya ang mga ganap sa university. I wanted to keep my fake relationship with Priam a secret until he was reelected. Pero sabi nga nila, walang secret na hindi nabubunyag.

"Ang liit nga naman ng mundo, 'no?" sabi ni Mama na mukhang mas natuwa dahil may previous encounter na pala sina Kuya at Priam. "Ang mabuti pa, kumain na tayo habang nagkukuwentuhan. Lalamig na 'tong iniluto ko."

"Magbihis lang ako, Ma." Kuya excused himself and went to his room.

Bumalik na sa pagkakaupo si Priam. He handled that situation very well. Sabagay, student council officer niya. Sanay na siguro siyang maka-meet ng iba't ibang tao. Dealing with anyone should not be that hard for him.

Speaking of Castiel . . .

"Priam?" tawag ko kaya lumingon siya sa 'kin. Meron na akong assumption, pero mas gusto kong i-confirm mula sa kanya ang naiisip ko. Mahirap na, baka maling akala pala. "Kapatid ba ni Castiel 'yong binanggit na Cassidy ni Kuya?"

May pag-aalangan siyang tumango. "Cassidy is his younger sister. She's supposed to be a college freshman now. But because of an accident, she didn't get to study in Elysian University this year."

"A-Accident!" I exclaimed.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" Halos magdikit na ang mga kilay ni Mama. "Kawawa naman 'yong bata."

"She was walking on the roadside when a car hit her," kuwento ni Priam, umiwas ng tingin sa 'min. "Tumilapon siya sa kalsada at nabagok ag ulo sa sementadong daan. She's been in a coma since last year."

Napapalatak si Mama habang iniiling ang ulo. "Ang hirap talaga ng panahon ngayon, 'no? Kahit sobra-sobra na ang pag-iingat mo sa daan, posibleng abutin ka pa rin ng aksidente kapag may mga driver na hindi nag-iingat sa pagmamaneho. Dapat kasuhan ang nakabangga sa kanya at hingan ng sustento ng pamilya! Mahal pa naman ang pag-aalaga sa naka-coma."

Priam bowed his head and showed a faint smile. Hinintay ko siyang may idagdag, pero natahimik siya sa kanyang upuan. Mukhang ayaw na niyang mag-share pa. Okay lang, wala namang pilitan.

Narinig naming bumukas ang isa sa mga kuwarto. Lumabas na si Kuya Ris na naka-casual attire. Lagi siyang naka-damit-pambahay kapag nagbibihis siya galing sa work. Pero ayaw niya sigurong magmukhang out of place kaya binagayan niya ang mga suot namin kahit paano.

"Pasensya na kung pinaghintay ko kayo," bati ni Kuya pagkaupo niya sa tabi ni Mama. Agad niyang hinawakan ang kutsara at tinidor sa tabi ng plato. "Kain na tayo?"

"Wait!" I held up my right hand at saka kinuha ng kaliwa ang phone ko. "Pwedeng mag-groufie muna tayo? Para may rememberance tayo for tonight's dinner?"

"Sure, no problem!"

I twisted in my seat and stretched out my right hand holding the phone. Sinubukan kong ianggulo para makuha kaming apat sa frame, kaso hindi ko makuha nang maayos ang shot na gusto ko. Bakit kasi hindi ako biniyayaan ng mahabang braso?

"Ako na, Yen."

Nagulat ako nang biglang magdampi ang mga daliri namin ni Priam at kunin niya sa 'kin ang phone. Hindi ko rin in-expect na tatawagin niya ako sa nickname na 'yon. Sa kabilang side na ako humarap para mas mahagip ako sa frame. Nag-lean pa ako sa kanya para mas kita. Mabuti't mahaba ang braso niya kaya hindi siya nahirapang kuhanan kami.

"One, two, three." Nakailang pindot din siya sa capture button kaya ilang beses din kaming nag-pose. Nang natapos na, ibinalik na niya sa 'kin ang phone at nagpasalamat ako sa kanya. Ch-in-eck ko muna ang shots habang nagsasandok ng kanin si Kuya. Si Mama nag-victory sign habang si Kuya nama'y game na game mag-wacky pose. Si Priam? Hayun, pilit na nakangiti sa picture. Hindi siguro siya sanay sa ganito, pero pinilit pa rin niya.

Castiel told us to take a group picture with my family just in case we would need it someday. That task was now accomplished!

Nagsikuha na kami ng mga kanin at ulam. Doon na namin sinimulan ang simpleng hapunan. Pagkasubong-pagkasubo pa lang ni Priam, agad na siyang tinanong ni Mama kung kumusta ang lasa. Ni hindi pa nga yata totally nalalasahan at nalulunok ng pretend boyfriend ko ang luto niya, gusto na agad niya ng feedback.

"It tastes great as expected." Priam smiled at her before taking another bite. Mukhang honest ang comment niya dahil nakita ko sa itsura niya na natuwa siya. Mahahalata ko naman agad kung magsisinungaling siya sa maliliit na movements sa mukha niya—gaya ng pagkunot ng noo o biglang tigil sa pagnguya.

"So Priam!" tawag ni Kuya bago lunukin ang nginunguya sa bibig. Ipinatong niya sa mesa ang parehong siko at ipinagkrus ang mga daliri. "Paano kayo nagkakilala nitong kapatid ko?"

Heto na ang inaabangan namin. Ang interrogation, este, question and answer with my family. Wala namang masama kung medyo pumalpak kami rito at magkaroon ng contradictions, kaso baka magkaroon ng doubts sina Mama at Kuya. Ayaw kong isipin nila na niloloko namin sila. They would surely be disappointed at me and Priam, so we really had to look and act the part.

"Una ko siyang nakita noong nag-perform siya bilang Mulan sa last semester production ng repertory theater," sagot ni Priam matapos punasan ng napkin ang bibig. "I was amazed by her acting skills and stage presence. I'm not into theater, but when I saw the promotional posters which prominently featured her, I got curious and gave it a try."

Wow, ah! Sa pagkakatanda ko, kaya siya nanood ng show namin ay dahil gusto siyang maging visible ni Castiel sa mga mata ng mga estudyante. Ayaw niya talaga pero pinilit siyang manood. That's around the campaign season for the student council elections. But I understood why he needed to modify the story.

Ang tanong sa utak ko ngayon ay kung improvised ba 'yon o part 'to ng script ni Castiel para sa kanya. Knowing that guy, he could have anticipated the questions that my family might ask Priam and prepared answers for him.

"Bale na-love at first sight ka sa poster ng kapatid ko?" nang-iintrigang tanong ni Kuya.

"I wouldn't call it love at first sight," Priam countered. "That, for me, is an absurd concept. No one falls in love the moment they see someone that they find attractive. I'd rather call it curiosity at first sight. She got my attention after all."

"That's an interesting point." Patango-tangong ngumiti si Kuya at saka sumubo ng kanin. "Kung na-curious ka muna sa kanya no'ng napanood mo siya bilang Mulan, kailan nahulog ang loob mo?"

"Let's just say she got my full attention when she applied for the USC scholarship." Priam held still the spoon and fork in his hands. "Noong in-interview namin siya sa screening, nakita ko kung gaano siya ka-dedicated sa passion niya sa acting at kung paano niya gustong pagsabayin ang theater at ang pag-aaral."

I forced a smile at them. Parang ako ang nakokonsensya sa pinagsasabi niya. This was the second lie that he told my mom and brother. Wala naman siya no'ng in-interview ako. Tanging si Castiel ang nasa study room ng library.

Napatingin sa 'kin si Kuya. "Aba, talagang masipag 'yang si Yen! Sa sobrang pagka-pursigido niya, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto. Hardworking din akong tao, pero mas lamang siya nang kaunti sa 'kin pagdating doon."

Ilang beses ko nang narinig ang compliment na 'yon ni Kuya sa 'kin, pero hindi ko naiwasang mag-blush habang kumakain ako. Iba talaga ang feeling kapag pinupuri ka sa harap ng ibang tao.

"Ano naman ang nagustuhan mo kay Yen?" biglang tanong ni Mama nang napainom ng tubig si Kuya. Turn na niya para mang-interrogate. "Alam kong magaganda't gwapo ang mga anak ko, kaya maliban doon, ano ang nakapukaw sa atensyon mo at bakit siya sa dinami-rami ng babae sa school? I'm sure na bilang student council president, popular ka at marami rin ang may gusto sa 'yo."

Priam looked sideways and beamed at me. "I admire people who work hard to chase their dreams. After interviewing her for the scholarship and getting to know her better when she became part of the USC volunteers, I realized how truly hardworking she is. Busy na siya sa academics, busy na siya sa theater, pero nagawa pa rin niyang tulungan kami sa duties namin sa USC. If I were to have a girlfriend, I want that person to be someone like Yen. Well, I didn't have to daydream about it anymore."

Legit ang smile ko habang nakikinig sa kanya. Kung talagang boyfriend ko siya, malamang namatay na ako sa kilig dito sa upuan ko. Pero alam ko namang hindi totoo o kaya'y rehearsed ang mga sagot niya para sa purpose ng dinner na 'to.

"But . . ." My mom let out a sigh. "Hardwork doesn't always pay off. Mas mabuti nang huwag mong ibuhos ang one hundred percent mo sa isang bagay. Kapag wala kang napala, walang matitira sa 'yo. Ano nga ulit ang term ngayon? Ah. Baka ma-burnout ka lang at mawalan ka ng motivation."

Napahinto ako sa pagnguya ng pagkain at napatitig sa aking plato. Hindi ko nagawang iangat ang ulo ko o ang tingin ko kay Mama. Alam ko kung ano'ng tinutukoy niya.

"Sorry, Tita, but I disagree with that statement."

My head turned to my right where Priam was seated. Hindi lang ako ang nagulat, maging sina Mama at Kuya. Hindi ko in-expect na may sasabihin siyang gano'n!

"It's better to give our one hundred percent in everything we do—especially if we're passionate about it—than a half-hearted effort." Priam looked at my mom straight in the eye. "As you've said, Tita, it does not pay off always. But when it does, it will be rewarding. May sense of fulfillment sa mga sarili natin."

Pareho kaming napatingin ni Kuya Ris sa kanya, 'tapos kay Mama.

"I'm speaking from experience." My mom smiled. Hindi rin siguro niya in-expect na may kokontra sa kanya. "Nakuwento na ba sa 'yo ni Yen kung paano siya nahilig sa acting? Mula noong bata pa siya, pinapasali ko na siya sa auditions at workshops. Nag-invest talaga ako sa kinabukasan niya sa pagiging artista. Umasa kami na magkakaroon siya ng big projects, pero makalipas ang halos isang dekada, puro minor at insignificant roles ang napunta sa kanya. Late ko nang na-realize na sayang ang efforts at resources namin."

"Sorry po, Tita, but I disagree with you again," Priam replied. "All those years of going to auditions and attending acting workshop didn't go to waste." Tumingin siya sa 'kin. "Look at your daughter. She got the lead role in Mulan last semester. She got the lead role in Romeo and Juliet this semester. Kung hindi dahil sa training niya na sinuportahan n'yo mula pagkabata niya, hindi magiging posible ang mga 'yon."

Napainom tuloy ako ng tubig dahil baka biglang maging intense ang discussion na 'to. Hindi pa hinahawakan ni Priam ang collar niya kaya alam kong hindi pa siya humihingi ng tulong sa 'kin. Teka, baka nakalimutan na niya ang secret signals namin?

"Ang tinutukoy kong break ay sa malalaking roles ng mga bigating entertainment company," tugon ni Mama. "Iba kasi ang sa school at sa totoong production. Kahit na sampung lead roles ang makuha niya sa school, balewala ang mga 'yon kung ikukumpara sa big budget na—"

"But we have to start somewhere po, 'di ba?" balik ni Priam. "Nagsisimula pa lang sa maliit si Yen, pero hindi 'yon nangangahulugan na hanggang doon na lang siya. Tita, I hope you won't get offended, but maybe you're expecting an instant big break for your daughter. May ilang sinusuwerte at may overnight success, pero may ilan din na pinagpaguran muna kung nasaan sila ngayon."

Napanganga si Mama sa kanya, hindi na nakasagot.

"The theater plays in Elysian University aren't as big as the ones produced by established companies," Priam went on. "But ElyU is currently one of the rising universities in Central Luzon. Kino-cover ng local media ang mga event namin. Mas nakikilala na rin ang university namin dahil sa achievements ng mga estudyante. It's not impossible that a respectable talent scout who read the news about Romeo and Juliet will watch that play and take note of Yen's acting skills. Who knows? They might make an offer to your daughter."

Natulala ako kay Priam, halos malaglag ang aking panga. Ilang beses ko nang gustong kumbinsihin si Mama na may patutunguhan ang efforts ko at ang suporta niya sa 'kin no'n, pero hindi ko mahanap ang mga tamang salita. But Priam . . . he managed to say convincingly everything that I would have wanted to tell my mom.

He looked down, then lifted his gaze again. "Tita, all I want to say is . . . everything you've done for your daughter and everything Yen is doing, they're all paying off right now. And it's possible that there's a big pay off in the future. Just trust in Yen and her skills."

Hindi ko natandaan na naikuwento ko sa kanya ang dilemma ko kay Mama pagdating sa passion ko sa acting. Pero sa mga sinabi niya, parang alam niyang may pinagdaraanan ako.

I bit my lower lip and held back my tears. Dapat masaya ang dinner, pero bakit naging emosyonal ako?

"I hope you're right, Yam." Mom's face went neutral, then she flashed a smile. "I don't want Yen to waste time in chasing dreams that are unattainable."

Kuya Ris diffused the tension by telling some embarrassing stuff about me. Kahit na ayaw kong may ibang makaalam ng mga 'yon—gaya ng pagkadulas ko sa stage no'ng high school plays namin—hinayaan ko na siya para maiba ang topic. They asked a few more questions which weren't as challenging as the hard work debate. Nakahinga na rin ako nang maluwag pagkatapos.



AFTER TWO hours, natapos na rin ang dinner namin. Ipinagpaalam ko na si Priam kina Mama at Kuya Ris dahil ayaw kong umuwi siya nang late kahit mag-a-alas-nuwebe pa lang. He bade them both farewell. I volunteered to escort him out of the house and to his car.

"Thank you for tonight," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. "You've done more than what you should have."

"I'm sorry if I got carried away back there." Priam glanced at the house, then at me. "I hope I didn't cross the line and offend your mom. As someone who works hard in the student council, I just felt the need to speak up for the likes of us who are passionate about we do."

I shook my head slowly. "Hindi naman na-offend si Mama. Kita mo na nakikitawa pa siya sa 'yo kanina, 'di ba? Baka nga mas humanga pa siya sa 'yo."

"Just let me know if she wants me fired as your boyfriend." He chuckled as he turned to his car door. "I really think I've crossed a line. Cas might lecture me for messing up."

"Speaking of Cas," I uttered. Lumingon siya sa 'kin. "'Yong aksidente na kinasangkutan ng kapatid niya . . . nadamay rin ba siya ro'n kaya na-damage ang kaliwang binti niya? Hindi mo kasi siya nabanggit no'ng kinukuwento mo kanina, pero malakas ang kutob ko na nandoon din siya. At saka what are the chances na naaksidente ang magkapatid sa magkahiwalay na insidente?"

Priam was halfway through opening the door when he closed it. Sandali kaming nagkatitigan. He held back in his story earlier. He was still holding back now.

"Fine." He shut his eyes for a second and let out a sigh. "Cas, his sister and I were there when the accident happened. We celebrated Cassidy's win in a national competition at a restaurant. When we were walking back to my car at the parking lot, another car was coming in our direction. It lost control and hit Cassidy and Castiel."

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako ng bibig. Meron na akong kutob, pero iba pa rin nang narinig ko mismo sa kanya.

"Gaya ng naikuwento ko, tumilapon ang katawan ni Cassidy. Natamaan naman ang binti ni Cas nang sinubukan niyang umiwas sa kotse." Napatingin siya sa driver's seat ng sasakyan niya. "The driver was not drunk, nor was the crash intentional. According to the investigation, his car experienced a sudden unintended acceleration—an electronic malfunction within the vehicle."

"A-Ano'ng nangyari sa driver?" tanong ko. "Nakasuhan ba siya? Nakakulong na ba siya ngayon?"

Priam averted his gaze. May pag-aalangan sa itsura niya no'ng una, pero bumigay rin siya. "Let's just say that the driver is related to an influential family in the city. They're so influential that the local media didn't report the accident on television, radio or newspaper. But in fairness to them, they promised to pay for Cassidy's hospitalization and send money to Castiel for his therapy and everything he needs to finish his education."

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko ang nabanggit sa 'min ni Kuya Ris no'ng isang linggo.

"Remember 'yong na-mention ko before na binabantayan kong patient na na-comatose? Mahirap lang 'yong family ng patient, pero sustentado naman sila ng mabait na sponsor."

Naalala ko rin ang nabanggit ni Castiel sa 'kin no'ng nawalan ng malay si Priam.

"Let's just say that . . . we have a generous benefactor. Wala kaming binabayaran kahit electric at water bill."

Everything was coming together now! Ang tanging tanong na natitira ay kung sino ang nakabangga sa kanya. It did not sound like the driver was jailed. He must be walking free as we were speaking.

Matindi siguro ang galit ni Castiel sa nakaaksidente sa kanila. Kahit ako siguro, kung maaaksidente ang kuya ko 'tapos hindi nakulong 'yong nakabangga at idinaan sa areglo, halos isumpa ko na ang taong 'yon—

A face suddenly flashed across my mind.

"That driver . . . is it Alaric?" I asked.

Priam replied with a stare. "Sorry, but that's all I can tell you."

Hindi na ako nangulit pa at tinanggap ang sagot niya bilang sign na i-end na ang conversation. He had already told me more than what he should.

I gave him a hug and thanked him again sincerely before he entered his car. Sinabihan ko siyang mag-ingat sa pagmamaneho lalo na't lumalalim na ang gabi.

"See you in school," I said when his window rolled down. "Ikumusta mo ako kay Cas."

"See you on Monday," he replied before rolling up his window.

★ ★ ★

NEXT UPDATE: Reynard tries to capture Castiel's most powerful piece on the board.

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top