Chapter 36: The Elysian Spirit
FABIENNE
MASAYA AKO kapag may class suspension. Siyempre, hindi ko na kailangang pumasok at pwede pa akong matulog nang mas mahaba sa araw na 'yon. Pwede rin akong manood ng Netflix series o movie habang humihigop ng mainit na sabaw. Pero heto yata ang isa sa class suspensions na hindi ako natutuwa.
Nag-landfall na sa Cagayan area ang Bagyong Lando. Pampanga was under signal number three, so automatic nang suspended ang classes mula preschool hanggang college. Nang hawiin ko ang kurtina sa bintana ng kuwarto ko kanina, sobrang makulimlim ang kalangitan. Nag-fog na rin sa window kaya hindi ko malinaw na nakikita ang view sa ibaba. But I could tell na malakas ang ulan at hangin dahil dinig ko ang pagbuhos nito.
Mabuti't five o'clock pa lang, nag-announce na ng class suspension ang university. Kagising ko kaninang six, hindi na ako nataranta at nagmadaling bumangon para maligo. I wrapped myself with my blanket and closed my eyes as I tried to sleep again.
Kaso hindi ko nagawang bumalik sa tulog.
Bumangon ako't inabot ang aking phone. Una kong tinawagan si Mama para kumustahin siya sa bahay. She said that she's okay and Kahel was inside the house. Si Kuya naman, kailangan daw mag-duty sa ospital kahit bumabagyo. I wished them to stay safe and dry.
Pagbaba ng phone, sumagi na naman sa isip ko napag-usapan namin nina Mama't Kuya nitong weekend. Tandang-tanda ko pa kung paano sinabi ni Mama ang tanong niya.
"Pwede mo ba siyang imbitahan dito sa bahay?"
Muli akong humiga sa kama at halos magpagulong-gulong. Dapat yata sinabi ko na ang totoo sa kanila para wala nang "meet the parent and brother." It had been two days since I returned on campus. Dalawang beses na rin kaming nagkita ni Priam kapag lunchtime, pero hindi ko pa nababanggit sa kanya. I also hadn't consulted Castiel about it. Busy yata sila sa Freedom of Information bill na kapapasa pa lang nitong Monday.
Hindi ko kasi alam kung paano ipe-frame ang request ko. Priam, pwede ka bang magpanggap na boyfriend ko kapag ipinakilala kita kay Mama? That sounded so weird! Parang lalo kong nilaliman ang hukay para sa sarili ko.
Bumalikwas ako sa kama. Kailangan ko nang malaman kung pwede ba o hindi para alam ko ang gagawin kung sakali. Suspended ang classes today kaya baka free sina Priam at Castiel?
Teka, mag-breakfast muna kaya ako?
Tumayo na ako't pumunta sa kitchen. Binuksan ko muna ang maliit na flatscreen TV na nasa wall at ginawa kong radyo habang nagpapainit ng tubig. On screen ang isang news program na ipinapakita kung ano'ng sitwasyon sa Cagayan. Sumilip ako para makita ang visual. Lagpas dibdib na ang level ng tubig at nag-uumapaw na rin ang mga ilog do'n. Some towns had been submerged by the flood.
Nalungkot ako habang pinapanood ang mga nangyayari do'n. I was glad na nasa area ako na hindi binabaha kahit gaano kalakas ang ulan. Mataas kasi ang pinagtayuan ng Elysian University at maayos din ang pagkakagawa ng drainage.
I made my hot cup of choco bago ako umupo sa study table ko. Patuloy ang pag-i-scroll ko sa CampuSite. Karamihan sa nababasa kong posts ay tungkol sa pasasalamat sa pag-suspend ng classes today at kung ano'ng gagawin ng ilan ngayong walang pasok.
Some students must be happy about the class suspension. Ako, hindi ko magawang matuwa lalo na sa mga nakita ko sa TV. The situation reminded me of the award-winning movie Parasite that I had watched more than a year ago. The heavy rain might be a blessing for some, but it could be a disaster for others. Mas naging conscious na tuloy ako kapag napababalitang may malakas na bagyo. Iniisip ko kung kumusta ang mga taong walang nasisilungan at binabaha ang lugar.
I kept on scrolling hanggang sa nakita ko ang post ng University Student Council account. Sa pagkakatanda ko sa nabanggit sa 'kin ni Priam no'n, si Rowan ang nagma-manage nito. They're calling for donations—food, water, clothes and other essentials—na ipadadala nila sa norte. Naghahanap din sila ng student volunteers, lalo na sa mga nakatira sa dorms, para tumulong sa pagpa-pack at pag-aayos ng mga donation.
Oo nga pala. Priam told me yesterday na maaga silang nag-launch ng donation drive in anticipation sa pananalasa ng bagyo.
Napa-pause ako mula sa pag-inom ng hot choco at muling binasa ang post. I was not in the affected areas para tulungan ang mga nasalanta, pero may iba akong magagawa para sa kanila.
I hurriedly finished my hot choco and grabbed my towel from the rack. Wala man akong pasok ngayon, may kailangan naman akong puntahan at asikasuhin.
THE GUARD at the dormitory's entrance advised me na huwag lumabas, but I insisted na may pupuntahan akong importante. I wore my college shirt (proud CAS student here!) and denim shorts. May suot din akong raincoat at boots. Siyempre, mawawala ba riyan ang payong? I was well equipped and fully ready para makipagbakbakan sa ulan.
Pagtapak sa labas ng dorm, bumati sa 'kin ang malakas at malamig na bugso ng hangin. I quickly opened my umbrella, muntik nang bumaligtad. Napunta rin sa bibig ko ang ilang hibla ng aking buhok. Mabuti talaga't s-in-uspend ang klase ngayong Miyerkoles. Masyadong delikado ang mag-travel, naglalakad man o nakakotse.
Dinig ko ang malalakas na patak at ang mabigat na buhos ng ulan. Nakabibingi na nga at halos hindi ko na marinig kung ano'ng paalala ng guard sa 'kin. If he's trying to convince me to turn around, sorry pero hindi ko gagawin 'yon.
Gusto kong makatulong sa kahit paanong paraan. Wala naman akong pagkakaabalahan ngayong araw kaya mas mainam kung magiging productive ako.
Huminga muna ako nang malalim at sandaling isinara ang mga mata ko. Nang nakaipon na ako ng lakas ng loob, humakbang na ako paalis sa silong ng dorm at sumuong na sa ulan. Napahigpit ang kapit ko sa handle ng aking payong dahil sa sobrang bigat ng mga patak sa taas. Kahit halos walang tila ang buhos, hanggang gutter deep ang tubig sa daanan. Parang sundalo ako na mag-isang lumusob sa giyera at pinilit na maabot ang destinasyon ko.
Nasa gymnasium ang donation drive center ng USC. Kung dati'y five minutes ang lakad mula sa dorm ko, ngayo'y umabot na sa ten. Kinailangan kong maging maingat sa paglalakad at labanan ang malakas na buhos ng ulan. Baka madulas pa ako at masugatan o mabalian ng buto.
Nang nakarating na ako sa entrance ng gym na may shed, isinara ko muna ang aking payong at ipinagpag ito para mabawasan ang basa. Hinayaan ko ring tumulo ang tubig-ulan na dumikit sa aking raincoat at boots. Basa na rin ang buhok ko, pero hindi ko alintana. I wasn't here to look good and act on stage. I was here to help.
Tuluyan na akong pumasok sa gym. Hinarang muna ako ng guard kaya sinabi kong magbo-volunteer ako para sa donation drive. He asked me to put my wet stuff on the rack para hindi ako magkalat ng basa. Sa 'di kalayuan, napansin ko ang janitor na paulit-ulit na mina-mop ang sahig na may bootprints.
Inalis ko na ang suot kong raincoat at boots, at iniwan ang payong sa rack bago ako dere-deretsong naglakad sa hallway. Mabuti'y may signs at directions kung nasaan ang donation center kaya hindi ako naligaw. Pumasok ako sa isang room sa aking kanan. Akala ko'y maliit ang space, kaya medyo nagulat ako nang napansin na mahaba pala. Parang tatlong classroom na pinagdikit-dikit ang nandito. Oo nga pala, retractable walls ang nagdi-divide sa bawat room dito sa gym. Pwedeng i-move ang mga 'yon para lumaki ang espasyo.
Iginala ko ang aking mga mata. Andami na palang donations na nandito! May sako-sakong bigas. May kahon-kahong bottled water. May malalaking supot din ng noodles, canned goods at iba pang ready-to-eat food. May mga damit, kumot at banig din na kasama sa sulok. 'Tapos familiar pa ang mukha ng mga estudyanteng nakaupo sa sahig at nagpa-pack ng mga 'yon. They're the college student council officers who I met in the team building, if I recalled correctly.
This was solid proof na sa panahon ng sakuna, makikita mo ang pagtutulungan ng mga kababayan natin.
"Fabienne?"
Tumalikod ako para harapin ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Sa ilang weeks na naming pagsasama, alam ko na kung kanino boses 'yon.
Priam Torres entered the room. His vice president Valeria Encarnacion walked beside him. They wore their council shirts and shorts. She was also surprised to see me here. Nagkangitian at nagkatanguhan kaming dalawa, kunwari'y okay na okay talaga. I remembered what she had told me weeks ago na magpanggap akong nag-sorry na siya sa 'kin at okay na kami. I decided to play along for the peace between us.
"Why are you here?" Priam asked, squinting his eyes. We stood face to face, napatingala lang ako nang kaunti kasi matangkad siya. Parang namumutla ang mukha niya? "Did Cas ask you to come? Because I explicitly told him not to."
Paulit-ulit akong umiling habang patuloy na nakangiti. "Pumunta ako rito para mag-volunteer. Nabasa ko kasi ang post n'yo sa CampuSite na naghahanap kayo ng makatutulong. Dahil free ako today at USC volunteer ako, I thought I might help you out. Is that okay?"
"Of course." He nodded. "Any help is welcome. Some CSC officers staying in the dormitories also volunteered to help us out, but we're still undermanned."
"Sobrang dami kasi ng mga nag-donate sa amin mula pa no'ng Monday," dagdag ni Valeria. "'Tapos siguradong madaragdagan pa niyan mamaya. We need to pack as many as we can and as quickly as possible para maipadala na agad natin sa mga kababayan natin sa Cagayan."
"There are thousands of tenants in the campus dormitories and apartments." Napatingin si Priam sa bintana kung saan tanaw ang dorm na tinutuluyan ko. "I guess some students prefer to enjoy this day in their rooms by relaxing."
Nagawi ulit ang tingin ko sa supplies. Sobrang dami nga ng nandito 'tapos iilan lang ang mga nag-volunteer na tumulong na mag-pack. It might take until evening or until tomorrow para matapos ang lahat.
"Fabienne!"
Clack. Clack.
Lumingon ako sa direksyon kung saan galing ang clacking sound na 'yon. Bumungad sa 'kin ang mukha at salamin ni Castiel na nakangiti habang paika-ikang papalapit. He looked so glad to see me.
"I knew you'd come here today," he said as he halted in front of me. "You're a kind-hearted person. You'd do everything you can to help people."
Feeling ko'y namula ang pisngi ko. "Hindi ko kasi matiis na tumunganga lang sa dorm habang may mga kababayan tayong sinasalanta."
"Look." His hand made a beckoning motion para palapitan kami ni Priam sa kanya. Nakiusyoso rin si Valeria. "I know that we're here to help our fellow Filipinos, but we can also use this opportunity for the Oplan First Lady. Before you complain, Priam, it's called hitting two birds with one stone. Just do what you need to do. People will notice, especially since we got our friend from The Herald over there."
Pasimple siyang ngumuso sa kaliwa kung saan nakaposisyon si Reynard Falcon na kumukuha ng photos ng CSC officers na nagpa-pack. My eyes looked around the area. Mukhang hindi niya kasama ngayon ang kanilang photojournalist. Nang muli nagawi sa direksyon niya ang tingin ko, nagsalubong ang aming mga mata. He lowered the camera and waved his right hand at me. I smiled at him in response.
"Let's do this," Castiel said as he tapped Priam and me on the arm.
Pumunta na ako sa part kung saan nagpa-pack ang iba pang volunteers. Nang nakaupo na ako, hindi ko pa rin naiwasang mapansin kung gaano na karami ang donations na nakakalap ng USC. Sobrang dami ng mga may mabuting kalooban! Sabi pa ni Valeria, madaragdagan pa raw.
"Here."
Inabutan ako ng mga supot ni Priam at saka siya pumuwesto sa tabi ko.
"Shouldn't you be overseeing the whole thing?" tanong ko habang iginagala ang aking tingin sa mga taong nakatayo at palakad-lakad. I found it strange na kasama ko siya sa ganitong task.
"I should, but Cas asked me to help you with the packing. May kanya-kanya namang naka-assign sa bawat stage ng process. I can spare some time with you here."
Muli kong inilibot ang aking tingin. Nakaistasyon sa iba't ibang puwesto ang mga kasama niya. Valeria was talking to people na may dala-dalang donation. Castiel was walking around like a supervisor, checking kung tama ba ang ginagawa namin. Sabrina was writing down something, baka siya ang in charge sa pag-iimbentaryo ng supplies. Tabitha was at the end of the line, counting the packaged goods. Rowan was also moving around, kumukuha ng pictures naming volunteers. Kinuhanan niya pa nga kami ni Priam.
Full force ang USC para sa donation drive na 'to. 'Tapos katuwang pa nila ang ilang CSC officers. It's a show of unity ng student leaders.
Then an idea popped into my head.
". . . And this is the list of items that should be included per pack."
"Priam," bulong ko.
"Yes?" Lumingon siya sa 'kin, sandaling natigil sa orientation niya.
"I have an idea." Nahiya akong marinig ng mga katabi namin kaya inilapit ko ang aking ulo sa kaliwang tainga niya at saka bumulong. Nang natapos na ako, tumuwid ako ng upo at nagkatitigan ang mga mata namin.
"You can certainly do that, if you want," he commented with a nod. "Other students might be inspired by your message."
"Do I have the president's permission?" I asked.
"You don't really need to ask for my permission—"
I rolled my eyes. Nagpapa-formal na nga ako rito.
"Go ahead," he said. Napansin niya siguro ang pag-irap ko. "Do what you think is best."
"Thank you!" I smiled at him bago ko inilabas ang aking phone. Itinutok ko sa mukha ko ang front camera. Binuksan ko ang aking CampuSite app at pinindot ang Create Live video button. I closed my eyes and took a deep breath. Pagkamulat ng mga mata ko, I pressed the Go Live button. Nag-countdown ng three seconds sa screen.
Three . . . Two . . . One . . .
You are now live on CampuSite.
"Good morning, fellow Elysians!" I showed my brightest smile and waved my hand at the camera. Napatingin sa 'kin ang katabi kong volunteers, maging ang ilang USC officers na malapit. I tried to ignore their reactions para hindi ako ma-distract. "I'm currently at the school gymnasium para mag-volunteer sa pagpa-pack ng relief goods para sa mga kababayan natin sa Cagayan. Today's a sad and difficult day for some of them kasi inuulan at binabaha ang kanilang lugar. And that's why they need our help!"
Inilibot ko ang camera para ipakita ang iba't ibang donation na na-collect ng USC. Nahagip pa nga sa frame si Priam at ang kasama kong volunteers.
"I know that everyone's enjoying the class suspension. Baka may mga gusto kayong gawin na schoolworks o personal stuff sa araw na 'to. But if you're free today and you're staying in the dormitories or near the campus, you can drop by here and volunteer sa packing. Let us show our kababayans the unity of the Elysian spirit!"
From nine, naging forty-five, 'tapos naging ninety hanggang sa umabot sa halos one thousand na ang viewers. Sunod-sunod din ang comments kaya mabibilis ang pag-scroll at halos hindi ko na mabasa.
"Kita n'yo naman kung gaano karami ang d-in-onate ng mga may mabubuting kalooban sa 'tin kaya we're trying to pack as many as we can para maipadala na natin sa mga kababayan nating nangangailangan ng relief goods. We're lucky na hindi lubhang affected ang area natin. Kung may capability tayo para tumulong, either through donation or through volunteerism, I encourage everyone to do so. Para sa mga kababayan natin."
Now I was getting emotional. Naalala ko kasi 'yong pictures at videos na nakita ko kanina sa TV. They almost broke my heart. I could hardly imagine kung ano'ng gagawin ko sakaling dito sa Pampanga nangyari 'yon. For the past decade, thankful ako na wala pa namang gano'ng level ng sakuna rito.
"Para sa mga magbabalak na mag-volunteer, see you later! Para sa mga busy at hindi makapupunta, your prayers for our kababayans will also be a big help! May God bless you all!"
At tinapos ko na ang aking live video. Napasandal ako kaya muntikan na akong matumba sa kinauupuan ko. Wala palang pader sa likuran. Mabuti't katabi ko si Priam na nakaantabay sa 'kin at iniharang ang mga kamay niya. Naramdaman kong mainit ang mga 'yon.
"You okay?"
Tumango ako. "Of course!"
"That's a brilliant move, by the way," he said. "Since you were introduced as my rumored First Lady, you have gained followers on CampuSite. Now you have decided to use your influence to encourage students to volunteer."
"It's the least thing that I can do," I replied, smiling. "Sino pa naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo, 'di ba? Alam ko namang marami pa ang gustong tumulong. Kailangan lang nila ng encouragement para ma-push sila. Sana'y dumami pa tayo rito para mapabilis ang trabaho natin at marami agad tayong maipadala."
Tumayo si Priam at kumuha ng tig-iisang kahon ng supplies. Sinundan ko ang nasa listahan niya at kumuha ng tigtatatlo hanggang tiglilimang piraso kada item. I put them inside a cloth bag, counted them again, before passing it to the next volunteer. Ito ang paulit-ulit kong ginawa.
Mukhang may mga nakatanggap ng call to action ko dahil paisa-isang nagsidatingan ang mga estudyante na gustong mag-volunteer. Si Valeria na ang kumausap muna sa kanila bago itinuro ang direksyon namin. I welcomed them with a smile while Priam thanked them for their spirit of volunteerism.
Ang paisa-isang pagdating ng mga gustong mag-volunteer ay naging tigtatatlo at tiglilima. May magbabarkadang naisipan na sumama sa pagtulong. Hindi ko naitago ang aking ngiti nang napansin ang pagdami namin sa room. Dati'y halos student leaders ang nandito. Ngayo'y meron na ring ordinaryong estudyante. Mas dumami na ang natatapos naming relief packs.
Ang isang agaw-eksena rito ay ang pagpasok ng isang familiar na mukha. Alaric, the CBA student council chairperson, entered the room, carrying some boxes. May nakasunod sa kanyang apat na lalaking malalaki ang katawan at maayos ang pananamit. They looked like bodyguards. Wow. Gano'n siya ka-rich kid? Nagtulak sila ng trolley na may sako-sakong bigas at kahon-kahong canned goods. 'Tapos nakiupo rin siya sa volunteers para tumulong sa pagpa-pack. I saw Castiel glaring at him.
"Make sure that you bilang the items before you pasa it, ha?" paalala ni Tabitha sa 'min.
Alas-onse na pero katabi ko pa rin si Priam. He tried to join the other USC officers in overseeing the entire process, but Castiel asked him to stay where he was. Wala siyang choice kundi sumunod. Nakatatawa nga na kahit siya ang president, hindi siya makapalag kapag inutusan siya ng kanyang chief-of-staff.
Dahil nandito na rin lang kaming dalawa, baka pwedeng tanungin ko na siya tungkol sa bagay na bumabagabag sa 'kin? Busy si Valeria sa pag-welcome sa bagong volunteers at donations. Busy rin si Reynard sa pagkuha ng pictures. Hindi rin gano'n kalapit ang mga katabi namin. It's safe to ask it.
"Uhm . . . Priam?" may pag-aalangan kong tawag habang naglalagay ng limang delata sa bag.
"Yes?" Nakatuon ang tingin niya sa paglalagay ng limang pack ng noodles sa loob.
"There's something that I need to tell you."
Doon na siya lumingon sa 'kin. Tinitigan niya ako ng ilang segundo. "What is it?"
I heaved a sigh first. "Nalaman ng Kuya ko na may boyfriend na raw ako. He found out from the CON chairperson na intern sa ospital na pinagtatrabauhan niya. He and my mom asked me about it."
"What did you tell them?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko d-in-eny sa kanila kasi sabi ni Castiel na wala akong dapat pagsabihan. Para safe na rin. Baka maging mas complicated ang sitwasyon kung sasabihin ko na . . . alam mo na . . . kaya pinanindigan ko na."
"There's no problem if you chose to not tell them the truth behind it."
Mabagal akong tumango. "Kaso may concern lang ako."
"Ano 'yon?"
Nilingon ko na siya. "Gusto kang ma-meet nina Mama at Kuya."
Ilang ulit siyang kumurap at dahan-dahang napabuka ang bibig. For a second, he looked like a statue staring at me. I knew he'd be surprised by that.
"I can tell them na busy ka sa studies at council duties mo kaya wala kang time," agad kong kambyo. Ayaw ko namang malagay siya on the spot at ma-pressure sa request ng family ko. "Pwede kong i-delay ang meeting n'yo hanggang sa makalimutan nila."
He looked away. "If I meet your mom and brother, we would be taking this pretend relationship to another level."
Muli akong tumango. 'Yon din ang naisip ko. Iba na kasi kapag nagkaroon na ng meet-the-parents or family session ang mag-jowa. Ibig sabihin, serious na sila sa isa't isa.
Sandali kaming natahimik. Nagpatuloy ako sa pagpa-pack habang siya'y tila malalim ang iniisip. Busy na nga siya sa donation drive na 'to, binigyan ko pa siya ng sakit sa ulo. Wrong timing yata ako.
"Not telling them the truth is a good move," nagsalita na ulit si Priam sabay tingin sa 'kin. "You said that your brother is in contact with Owen, the CON chairperson? He's not an ally. He's one of Alaric's minions. It might endanger the plan if your brother learned the truth and his tongue slips in front of that person."
"I can tell him to keep it a secret lalo na kung maintindihan niya ang situation natin."
"We must not put burden on other people with this lie." He averted his gaze again. "Mas okay kung tayo-tayo na lang ang dedepensa sa mga sarili natin. Huwag na tayong mandamay pa."
Somehow, agree ako ro'n. Ayaw ko ring magsinungaling ang kuya ko para sa 'kin, lalo na kung magiging makulit ang Owen na 'yon.
"We will be in a relationship for more than six months," he went on. "It may look strange if I haven't met your family at some point. Me meeting them will add more credibility to our story. I'm fine with it."
"R-Really?" My eyes went wide at him.
He gave me a nod. "If this is what it takes to keep our secret safe and to ensure the success of the plan, I will not hesitate to do what is necessary."
Sa totoo niyan, hindi ko alam kung ano'ng magiging sagot niya. I wouldn't be surprised kung tatanggi siya dahil alam kong sobrang busy niya. I wouldn't be surprised too kung papayag siya kasi part 'to ng plano. Alinman ang piliin niyang response, walang problema sa 'kin.
"Available ka ba this weekend?" sunod kong tanong.
"We will still be busy with the donation drive until then," sagot niya. "How about next weekend? After the midterms?"
"Free naman ako. Wala pa kaming naka-schedule na weekend rehearsals."
"Then it's settled."
Just like that, Priam was scheduled to meet my mom and my brother. I wondered if he would ask me to do the same para sa parents o family niya. Kung oo, mukhang wala akong choice kundi i-reciprocate ang favor na hiningi ko.
Pagdating ng lunchtime, may d-in-eliver na boxed meals mula sa isang fast food restaurant malapit sa campus. Priam told me that they had been partners with that establishment in some events kaya they're donating food for the volunteers. Hindi na namin kinailangang lumabas ng gym para bumili ng pagkain, lalo na't sarado ang karamihan sa stores sa food hub at malakas pa rin ang buhos ng ulan.
Umabot na kami ng late afternoon para matapos ang packing. Dumami pa ang mga tumulong, parang may mini-event na nga sa room. Thanks to the volunteers who heeded my call, napabilis ang pagpa-pack. Dumating din ang partner ng USC na magdadala ng relief goods. They put the bags on carts and trolleys, and wheeled them out of the room. Tumulong na rin sina Priam, Rowan at iba pang lalaking student leaders sa pagdadala.
"On behalf of the student government, I would like to thank everyone who donated and volunteered today," Priam said. Nakatayo siya sa gitna ng kuwarto habang nakapalibot kami sa kanya. "We have shown that the Elysian community is always ready help especially in times of disasters. May we keep this spirit of volunteerism alive and inspire others."
Nagpalakpakan kaming lahat at nagsimula nang mag-disperse. May pahabol palang miryenda ang fast food resto partner ng USC at binigyan kami ng tig-iisang burger.
Lumapit ako kay Priam na nanatili sa gitna kasama ang kapwa niya officers. They were thanking the CSC officers who joined us today. Even Alaric.
"You did well," I told Priam.
"And you did more than you could," he replied with a weak smile. "You rallied some students here to help us with the packing. We wouldn't have finished early if it weren't for your call to action."
"Ano ka ba? Maliit na bagay lang 'yon—"
Then Priam fell toward me. Tumama ang ulo niya sa kanang balikat ko. Agad ko siyang sinalo at sinubukang iangat. He's heavy and he's hot!
"Ano'ng nangyari?"
"Priam? Priam?" paulit-ulit kong tawag sa kanya. Maingat kong iniangat ang ulo niya sa 'kin. Nakasara ang mga mata niya, bahagyang nakabuka ang bibig. Hinawakan ko ang noo at leeg niya. He's burning hot!
"Priam!" Valeria almost yelled.
"What on earth happened?" Castiel asked.
"N-Nahimatay yata siya 'tapos mainit ang katawan niya," nauutal kong tugon. Napatingin ako sa mga kamay ko, biglang nanginig ang mga 'to.
Lumapit si Rowan sa 'kin at dahan-dahang ibinaba ang katawan ni Priam sa sahig. Napakapa siya sa noo nito. "Mukhang may lagnat nga siya. Sobrang init niya."
Napaupo rin si Valeria sa tabi ni Priam, idinadampi ang kamay sa leeg at sa noo nito. She looked so worried.
"He must be exhausted with this donation drive," Castiel commented. "Kagabi pa siya nakikipag-coordinate sa usual sponsors natin. 'Tapos nabasa pa siya kaninang papunta kami rito."
Nakatayo lang ako at nakatulala kay Priam. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. This was the first time that someone passed out sa harapan ko. Magkahalong kaba at takot ang aking naramdaman. I was too stunned to move.
Umangat ang aking tingin at nakitang nakatitig sa 'kin si Reynard. Naningkit ang mga mata niya at bahagyang kumunot ang noo.
"Let's bring him to a place na pwede siyang makahiga nang maayos at makapagpahinga," sabi ni Rowan sabay buhat sa upper part ng katawan ni Priam. He glanced at Castiel, maybe he's hoping that he could help him carry the president, kaso na-realize niya sigurong nahihirapan 'tong maglakad.
"Allow me." Lumapit si Alaric, binuhat ang mga binti't paa ni Priam. Pansin ko ang panlilisik ng mga mata ni Castiel sa kanya.
Sumunod ako sa pinagdalhan nila kay Priam. Napahawak ako sa noo niya. Sobrang init talaga.
"Meron ba kayong tuwalya o bimpo na pwedeng basain?" tanong ko.
"Here!" May iniabot sa 'kin si Sabrina
Nahawakan ko na pero may isa pang biglang humawak at humila: Si Valeria.
"Ako na," sabi niya.
"Hindi, ako na," I insisted.
Ilang segundo rin kaming nagkatinginan bago niya binitiwan at kumalas ng tingin sa 'kin. Mukhang naintindihan niya na ako dapat ang gumawa nito. Tumayo na ako at nagtungo sa comfort room kung saan pwede akong makakuha ng tubig na pagbabanlawan.
Please be well, Priam.
★ ★ ★
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!
Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top