Chapter 29: A Man of His Word

A/N: We're down to the second to the last chapter of this story arc!

FABIENNE

PATAPOS NA ang araw, pero may balak pa yata si Michelangelo na sirain ulit 'to. He's the last person na gusto kong makita. Wasn't he satisfied yet on how he tried to destroy me by supporting a false rumor? Gusto ba niya talaga akong i-down hanggang sa hindi na ako makatayo?

"Hoy, Mitch-hell! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito—" Akmang susugurin na siya ni Belle kaya agad kong iniharang ang kamay ko sa harapan niya. I always appreciated her coming to my defense, pero this was an issue between me and my ex. Ayaw kong may ibang madamay.

Parang mas confident ako ngayon kumpara kanina sa gymnasium. Maybe it's because I was no longer in his territory at may kasama ako habang kinokompronta ko siya. Hindi na niya ako basta-basta mai-intimidate.

"'Di ba siya 'yong ex niya?" bulong ng mga kasama namin sa theater na palabas na rin ng auditorium. Binagalan talaga nila ang kanilang paglalakad habang pinagtitinginan kami. "Siya 'yong sinampal sa video kanina!"

"Ang gwapo pala talaga niya, 'no?"

"Sayang, bagay pa naman sila."

Don't be fooled sa itsura niya. Mukha lang siyang mabait na parang maamong tupa. Kapag nakuha na niya ang gusto niya, ituturing ka na niyang toy na lalaruin niya kapag bored siya o kapag gusto ka niyang ipagyabang sa barkada niya.

Sinaway ni Belle ang ilang naglabas ng phone para kumuha ng photo o video namin. I didn't care anymore kung i-post o i-live pa nila 'to sa CampuSite. Mahilig naman sila sa mga tsismis at drama. I would give them what they wanted.

"Fine." Sinabihan ko muna sina Belle at Colin na kauusapin ko sandali ang ex ko. Umangal sila, but I assured them na wala silang dapat ikabahala. I could handle him myself. Lumayo ako at si Michelangelo mula sa kanila. Baka hindi ko mapigilan si Belle na sapakin siya. I didn't want any violence to spill here.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong. Pwede namang hindi ko siya pansinin at dere-deretso akong maglakad palabas ng auditorium. Why would I waste my time on him, right? Mas masisira pa ang araw ko. But I was in a pretty good mood since this afternoon. Nagbabaka-sakali ako na nahimasmasan na siya sa ginawa niya. Humans could change. Michelangelo might have behaved like a monster, but he's still a human.

Lumapit siya sa 'kin habang nakatuon ang kanyang titig sa mukha ko. "I read from The Herald's post that you lost consciousness outside the gym minutes after we had a talk. I wanna say sorry. I feel guilty sa nangyari. Gusto ko ring kumustahin ang pakiramdam mo."

"As you can see, I'm doing well right now," sagot kong may pag-angat ng mga braso. "Kung nagi-guilty ka talaga, hindi sorry mo ang kailangan ko, Mitch. Hindi basta-basta mabubura ng isang salita ang sakit at stress na idinulot mo. Tell everyone the truth, I might forgive you."

Humakbang pa siya palapit sa 'kin. Muntik na akong napahakbang paurong, but I told myself that I needed to stand my ground. Hindi dapat ako matakot sa kanya. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na matatakot niya ako.

"I've been thinking about what I told the What's The Tea account," mahinang sabi niya na parang bumubulong. I looked at his brown eyes, searching for any sign of regret or repentance. Pero wala akong naaninag. "I can retract my words and tell them that I was mistaken . . . if you'd agree to my condition."

Condition? May kapalit pa talaga? "I thought you're sincere when you said sorry and you'll try to make up for what you did. I'm such a fool for thinking na gano'n ang gagawin mo. Well, I shouldn't expect more out of you."

"Come back to me, Fab," he said in serious tone. "Let's start over again. Give me another chance. I promise that the rumor will finally go away."

Lumawak ang ngiti sa labi ko hanggang sa tuluyan na akong natawa. Ibinaling ko muna sa ibang direksyon ang ulo ko habang hinihintay na matapos ang aking sarili. Bumuntonghininga ako pagkatapos. Muli ko siyang tiningnan, ngayo'y pinipigilan ko nang tumawa.

"After everything you've said and done, sa tingin mo'y maiisipan ko pang makipagbalikan sa 'yo?" Mariin ang aking pag-iling. "You think I'd be desperate enough to run back to you? Naalog na ba ng bola ang utak mo kaya naisip mo 'yan? Have you lost your mind?"

"This is the only way I can protect you. They'll believe me if I say that my memory was mistaken. They may even leave you alone if they find out that we're together again. You'll be protected. I promise you."

"Ako na siguro ang pinakamalaking tanga sa campus kapag nakipagbalikan ako sa ex na siniraan ako sa halos lahat ng mga estudyante. Wait, ikaw ba ang mastermind ng tsismis na 'yon? Gusto mo bang makipagbalikan ako sa 'yo kaya mo ako nagawang siraan? Is that what you're really after?"

"No. I was as shocked as you were no'ng mabasa ko ang post ng What's The Tea," paliwanag niya. Inobserbahan ko ang galaw ng mga mata niya at ang pagbabago sa kanyang facial expression. I wanted to see if he's lying to my face. "The only thing I did was to answer when asked and tell them what I honestly could remember."

"I find it hard to believe you." I slowly shook my head. "Every word that comes out of your mouth? They sound like lies to me."

"Is that a no?"

"Never again." Tumalikod ako sa kanya't lumakad palayo. Our conversation should end right here. Wala nang patutunguhan 'to. Kahit lumuhod siya sa harapan ko at halikan ang aking mga paa, I wouldn't let him have his way.

"I'll tell them much worse then."

Agad akong napahinto at lumingon sa kanya. I stared at him with widened eyes. "What did you just say?"

"I can tell them that you tried to make me retract my words by offering yourself to me. I'm sure that What's The Tea will be interested in what I have to say. Ikaw ang talk of the town ngayon. Lahat ay paniguradong nag-aabang ng updates kung sino ba talaga ang lead star ng theater at ang rumored First Lady."

"You'd really lie all the way and stoop that low, Mitch?" Humakbang ako palapit sa kanya. Kumuyom na naman ang kanang kamao ko, naka-ready nang manampal ulit. Ramdam ko pa ang sakit nito dahil sa pagsampal ko sa kanya kanina. "Hindi ka pa ba satisfied sa kasinungalingan na imbes na i-deny mo, ginatungan mo pa talaga?"

"I offered you a way out, but you refused. Sino sa tingin mo ang paniniwalaan nila sa ating dalawa? Ang babaeng may damage na ang reputasyon o ang lalaking sikat sa campus na may kredibilidad? You know the answer, Fab."

The current public perception on me put a stain on my credibility. Kahit anong deny ko sa sasabihin niya at sa susunod na tsismis na lalabas, may duda na ang ilan kung dapat ba nila akong paniwalaan. Michelangelo was playing my situation to his advantage. Kapag sinabi niya ang ibinanta niya sa 'kin, hindi na ako magtataka kung may agad na maniwala sa kanya.

Ikinuyom ko ang aking mga kamao. I wanted to slap—no, I wanted to punch him in the face. But that would only make the situation worse. 'Di bale sana kapag sinuntok ko siya ay maaalog na ang utak niya at mare-realize niyang mali ang kanyang iniisip at ginagawa.

Kung meron sanang memory loss pill, bumili na ako't ininom ko na para makalimutan kong once in my life, naging involved ako sa lalaking 'to. That's one of my mistakes. Could I blame myself? I was naive back then.

"What is it gonna be, Fab?" Michelangelo smirked like a devil. He had a punchable face.

"You do know na kahit mag-yes ako sa proposal mo, I won't and I will never love you back," I answered. "Pointless ang inaalok mo sa 'kin. Wala 'yong patutunguhan. Magsasayang ka ng effort. Magsasayang ka ng oras."

"I don't actually care about that. All I want is to have you back. That's what matters to me."

"Yeah, right." Tumango ako. "You want to keep the trophies that you've collected. That's how you see us women, right? Kahit itinapon mo na, ayaw mo pa ring ipamigay. Napakamakasarili mo. Hindi mo siguro natiis na makitang may ibang posibleng magmay-ari sa puso namin. Oh, is that what this is all about? Kaya ba nagawa mo 'to kasi hindi kaya ng ego mo?"

Nanliit ang mga mata niya. "You have no idea what you're talking about."

"Do what you want," I dared him. "I still believe na mananaig ang katotohanan. Pwede mo akong siraan, pwede mo akong dungisan sa tingin ng iba. But there are people out there who will still believe in me and who won't buy the lies that you and the others are spreading. Do your worst, Mitch."

I turned my back on him as I walked away. No matter what he would say or what he might do next, I wouldn't give in to him. Kung sa isip niya'y basta-basta ako bibigay, hindi pa niya talaga ako lubusang kilala. I wanted to see his efforts be in vain.

"Belle, let's go—"

"You're really making this hard for me."

"What—"

Biglang may humila sa kaliwang kamay ko. I almost fell back, pero bumangga ang likod ko sa katawan ni Michelangelo. He held me by my wrist and placed it behind my waist. Ouch! Napaaray ako dahil sa higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko. Parang namamanhid na ang kamay ko!

"You're still a pain in the ass, huh?" bulong niya sabay patong ng kanyang chin sa balikat ko. Nagsitayo ang mga balahibo sa katawan ko nang naramdaman ko ang hininga niya sa batok at sa tainga ko.

What's going on with him? Why was he doing this?

"Hoy, Mitch-hell! Bitawan mo nga si Fab!" sigaw ni Belle. "Kapag hindi mo siya pinakawalan, malilintikan ka sa 'kin!"

"Let go of her!" Humakbang palapit si Colin. "If you don't—"

"Ouch!" I groaned in pain as he twisted my arm. Napakagat ako ng labi habang pinipigilan ang pag-aray ko. Napaluluha na ako sa sobrang sakit. Ano'ng biglang pumasok sa isip niya kaya niya nagawa 'to? Talaga bang nasisiraan na siya ng bait?

"Hindi pa kami tapos mag-usap kaya huwag kayong makialam," banta ni Michelangelo sa kanila. Nakatutok na sa 'min ang phone ng ilan sa mga estudyante. He took some steps backwards. My feet got dragged matapos niya akong puwersahing sumunod sa kanya.

"Stop this, Mitch," I pleaded to him. "Masisira ang image mo. Tingnan mo, kinukuhanan ka nila—"

"You don't understand what's at stake here, Fab. I will only stop when you say yes," he whispered in my ear. Lalong nanindig ang mga balahibo ko. Mas nakatatakot pa ang boses niya kaysa kanina. "You really want to spite me, huh? Kaya ba nakikipag-date ka sa USC president dahil gusto mong ipakita sa 'kin na you can find someone better than me?"

"W-What?" I breathed. Muli akong napakagat ng labi nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko. I couldn't feel my hand anymore. It's getting numb. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. I've already moved on from you."

"I don't think so," pailing-iling niyang sabi. "Tingnan natin kung ide-date ka pa niya matapos niyang malaman ang mga baho mo. You're a damaged good now, Fab. No one will want to buy you anymore."

"Y-You're mistaken—"

"Use of force against students is strictly prohibited in campus premises. Haven't you read the student manual?"

My eyes went wide. That voice!

Lumingon si Michelangelo sa kanyang likuran. "You—?!"

May tumamang suntok sa kanang pisngi niya, dahilan para mabitawan niya ang kamay ko. I fell on my knees and tried to crawl out of his reach. Agad akong pinuntahan nina Belle at Colin, halos hilahin ako papunta sa kanila. They repeatedly asked me if I was okay. Paulit-ulit akong tumango habang hawak ang kaliwa kong kamay. My hand almost turned purple dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Michelangelo.

Iniangat ko ang aking tingin para i-confirm kung tama ba ang hinala ko. Michelangelo's ass was on the floor. Staring down on him was Priam who was gently shaking his right fist. Nasa likod niya sina Castiel at Valeria.

"There is, however, an exemption to that rule. One may use force against another student in self-defense or in the defense of others," Priam added. His eyes raised their gaze at me. "Are you okay, Fabienne?"

"I-I'm fine!" mabilis kong tugon. "Medyo masakit ang kamay ko pero kaya pa naman."

Agad siyang lumapit sa 'kin at ch-in-eck ang kaliwang kamay ko. Hindi pa nawawala ang pagiging purple nito. "Have it checked by the clinic nurse."

"Ah, the USC president!" Muling nakatayo si Michelangelo, hinaplos ang kanang pisngi na namumula at namamaga. "You think you can do what you want, huh? You think you can just punch someone in the face?"

Tumayo sa harapan ko at lumayo nang kaunti si Priam, tila hinaharangan ang access ng ex ko sa 'kin. "Didn't you hear what I've just said a minute ago? Being repeatedly hit by a ball on the head must have affected your hearing."

"How dare you!"

Lumusob si Michelangelo, nakahandang undayan ng suntok ang lalaking nakatayo sa harap ko. Priam didn't move an inch. Hinintay niyang makalapit sa kanya si Michelangelo bago siya mabilis na humakbang sa gilid at inihalang ang kanang paa para matisod ang umaatake sa kanya. Michelangelo fell face first on the floor.

Lalo pang dumami ang mga estudyanteng pumalibot sa amin. Parang nanonood sila ng libreng boxing match sa labas ng auditorium. May ilang naglabas ng kanilang phone para kuhanan ng photo at video ang nangyayari.

"You used physical force against a student and you tried to attack a USC officer." Napahalukipkip ang mga kamay ni Priam habang pinapangaralan si Michelangelo. "Add those two charges to the complaint of spreading inappropriate and baseless rumors on campus. You've earned your one-way ticket to the grievance committee."

"Inappropriate and baseless?" Tumayo na naman si Michelangelo, ayaw pang sumuko. "What are you talking about?"

"The rumor posted and spread by What's The Tea has been proven to be false," Priam explained. "We have the director of last season's theater production on record disproving the fake news that Fabienne slept him to get the lead role. Fabienne earned it because of her hard work and spectacular performance."

"Priam . . ." I muttered as my eyes widened at him. Halos maluha ako, hindi dahil sa sakit ng kamay ko, kundi dahil sa sinabi niya. Nakahanap talaga siya ng paraan para patunayang hindi totoo ang tsismis.

"As her ex-boyfriend, you should have known her better than anyone else," dagdag niya. "She couldn't have done what she's being accused of. Yet, you chose to add fuel to the fire and further damage her reputation. You're the worst type of human being. You're a CBA tiger, aren't you? All I can see right now is a desperate and frightened kitten."

"You . . . !"

"If I were you, I'd walk away," singit ni Castiel na tumayo sa tabi ni Priam. Ngumuso siya sa mga estudyanteng nakalabas ang mga phone. "Prepare yourself for some harsh comments online. Ayaw mo n'on? You'll be the next talk of the town! Congratulations!"

Suminghal si Michelangelo, tiningnan nang masama ang dalawang USC officer, bago niya inayos ang kanyang vest at tuluyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa eyeshot ko. Baka bigla siyang tumakbo pabalik at atakihin si Priam.

Speaking of the USC president, nilapitan niya ako't muling ch-in-eck ang aking kamay. Tila may naramdaman akong kuryente nang nagtagpo ang mga kamay namin. Nabawasan na ang pagka-kulay ube at nanumbalik na ang pakiramdam nito.

"Let me see." Lumapit din si Valeria sa 'kin, kinuha ang kamay ko mula kay Priam. She observed my hand and my wrist. Bakas na bakas ang malaking kamay ng ex ko. "Ipa-check mo na ngayon habang bukas pa ang clinic."

"Ang cool pala ni Mr. President, 'no? Hindi ko alam na kaya pala niyang makipagsuntukan!"

"Kita n'yo ba 'yong ginawa niya sa ex ni First Lady? Minsan lang niya sinuntok 'tapos pinatid niya lang, tumba na agad!"

Heto na ang mga tsismoso't tsismosang taga-campus media. They were taking selfie videos na hagip kami ni Priam sa background. Paniguradong pagpipiyestahan na naman kami sa CampuSite. Kanina, ang pag-iyak ko kay Priam no'ng lunchtime. Ngayon, ang pagdepensa niya sa 'kin laban kay Michelangelo.

"Let's go to the clinic?" the president asked.

Tumango ako't sabay na kaming naglakad pababa ng hagdanan. Sumunod sa 'kin sina Belle at Colin, maging sina Castiel at Valeria. Siyempre, hindi nagpaiwan ang mga nakikiusyoso.

Biglang hinawakan ni Priam ang kaliwang kamay ko habang pababa kami. Inantabayanan din niya ang bawat hakbang ko. My legs felt weak na parang bibigay na anumang sandali. Nakato-trauma ang ginawa ni Michelangelo kaya may panginginig sa mga binti ko.

"Mr. President!" tawag ng isang gossip reporter na nagmadaling bumaba para maunahan kami. Halos itutok niya sa mukha namin ang kanyang phone. "Comment naman diyan, oh! You went to the trouble para ipagtanggol si Fabby. Ano na ba'ng real score sa inyong dalawa? Kayo na ba?"

Pagtapak namin sa next flight of stairs, huminto muna ang kahawak-kamay ko at lumingon sa nagtanong. Napahinto rin ang mga nakasunod sa amin. Parang tumigil ang mundo.

"Isn't it obvious?" Priam answered before he continued walking down the stairs. I followed quietly.

I couldn't help but smile. Napapisil pa nga ako sa kamay niya. He glanced sideways at me, asking through his eyes if something's wrong. I shook my head in response.

Lumingon ako sa likod at hinanap si Castiel. Dinig ko ang pagpalo ng cane niya sa hagdan. He must be just a few steps away. Malamang kasabay niya si Valeria.

Oh, there he is! Marahan siyang tumango sa 'kin habang nakangisi. He gave off the vibe that he's enjoying how things played out today.

Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Priam. In the most unexpected of circumstances, he's there for me. Tinupad niya ang kanyang pangako sa 'kin na poprotektahan niya ako at hindi ako pababayaan. I wouldn't lie, he looked cool kanina. Wait! He's really cool. It's surprising—in a good way—to see that side of him.

I was sure about one thing: Priam's a man of his word. I kinda liked that about him.

★ ★ ★

NEXT UPDATE SCHEDULE:
Chapter 30: Just As Planned (Tomorrow, 03/14)

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top