Chapter 28: Change of Heart

A/N: I enjoy reading your theories here and on Twitter. Keep them coming! Malalaman na natin soon kung kaninong theory ang tama. :D

FABIENNE

PAGKAMULAT NG mga mata ko, halos puti ang lahat ng aking nakita. Puting ceiling. Puting wall. Puting kama. Puting bedsheet. Puting unan. I closed my eyes for a few seconds. Ano ba'ng nangyari sa 'kin? Nasaan na ba ako? Paano ako napunta rito?

Teka! Nasa langit na ba ako? Nasagasaan ba ako ng bus kanina habang tinatakbuhan ko si Priam? Sobrang clouded ba ng isip ko kaya hindi ko napansin ang malaking sasakyan na babangga sa 'kin?

Wait a minute. I didn't get hit by a bus. Kung tama ang pagkakaalala ko, Priam managed to catch up with me. Hinila niya ang sleeve ko 'tapos napaharap ako sa kanya. Then . . . I cried in front of him. Nabasa pa yata ng mga luha ko ang shirt niya. Niyakap niya ako at hinaplos ang aking likod para patahanin ako. Napatingin ang mga estudyante sa 'min. 'Tapos . . . Nilapitan ako ni Castiel, sinabing sa USC office na kami mag-stay. Humakbang ako pero biglang umikot ang aking paningin. Doon na ako nawalan ng malay.

Wait, what? Namulagat ang mga mata ko't napabalikwas ako sa kama. Biglang nag-init ang pisngi ko. I covered my face with my hands. Nakahihiya! Talaga bang ginawa ko 'yon? Talaga bang gumawa ako ng eksena sa harap ng maraming estudyante? Nasaan na ang dignidad ko? Ano na namang tsismis ang ipakakalat nila tungkol sa 'kin? Na isa akong crybaby?

Well, I could care less on what they would think about me. Mas concerned ako kay Priam. I put him on the spot back there. Kinumusta niya ako 'tapos kung ano na'ng ginawa ko sa kanya. Ginawa ko siyang unan ko tuwing umiiyak ako sa kuwarto. Parang hindi yata tama na gano'n ang inasta ko sa harap ng USC president.

Inihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha. Kahit ano pang gawin ko rito, hindi ko na mababago ang nangyari kanina. Sobrang dami ko nang iniisip at sobrang bigat na dibdib ko kaya sumabog na ang nararamdaman ko ro'n. I hoped he would understand why I acted that way. I hoped everyone would understand how much the rumor was taking a toll on me.

"Gising na pala siya."

Iniangat ko ang aking tingin. Hinawi ni Priam ang puting kurtina at tumuloy sa kuwarto. Nasa likod niya si Valeria na sumilip muna bago pumasok. Mabuti't hindi pa ako kinukuha ng mga nasa taas. Ang akala ko'y natuluyan na talaga ako. So where was I? Hmmm . . . Amoy disinfectant dito kaya malamang dinala ako sa clinic no'ng nawalan ako ng malay.

"How are you feeling?" Priam asked. Umupo siya sa stool chair na nasa gilid ng kama. Pumuwesto sa tabi niya si Valeria na kanina pa pasulyap-sulyap sa 'kin.

"I'm fine, I guess?" nakangiti kong tugon. Wala namang masakit sa katawan ko. Napasobra lang talaga ang stress ko ngayong araw kaya siguro nahimatay ako. "I'm sorry kung inistorbo ko pa kayo. But don't worry! Kaya ko na ang sarili ko!"

"The nurse said you should take some time off to rest. May sinat ka raw kaninang kinuhanan ka ng temperature."

"Naku! Huwag n'yo akong alalahanin. Baka dala ng gutom kaya ako nawalan ng malay. Hindi kasi ako kumain kagabi at kaninang umaga. I tried to eat pistachio oat bars, pero mukhang hindi enough. I just need to eat something para magkalakas ako."

"Perfect." Inilabas ni Priam ang isang food pack na dala ni Valeria. Alam kong galing 'yon sa food hub dahil gano'n ang ginagamit na lalagyan ng pagkain. "We bought you food just in case you haven't had your lunch."

"Masyado ka bang obsessed sa figure mo kaya puro gulay at fitness bar ang kinakain mo?" tanong ni Valeria. Unlike in our team building confrontation, malumanay ang boses niya ngayon. "You must eat some carbs paminsan-minsan para hindi ka tumatamlay at lagi kang may energy."

"Nasanay na kasi ako sa diet ko," nahihiya kong sagot. Kung may obsessed man sa 'min dito sa isang bagay, alam kong hindi ako 'yon.

Kinuha ni Priam ang bed tray table sa may cabinet at ipinatong sa kama ko. Inilagay rin niya ro'n ang food na binili niya para sa 'kin. Habang pinanonood ko siya, nakita ko sa aking peripheral vision ang tingin sa kanya ni Valeria. Parang may CCTV camera na nakatutok sa bawat galaw niya sa 'kin.

"Eat," he ordered. "Don't let yourself pass out again."

Nahihiya kong kinuha ang utensils na nakapatong sa tissue paper at binuksan ang food pack. May lamang burger steak at rice 'to. Bago ako sumubo, tumingin ako sa kanilang dalawa. "Thank you for taking care of me. And I'm sorry if I made a mess earlier. Hindi ko na alam kung anong pinaggagawa ko—"

Priam shushed me. "Just eat. We can talk about what happened later."

Tumango ako't sinimulan ko nang kumain. Teka, pwede bang kumain dito sa ward? Ang alam ko, bawal. Baka madumihan at mahulog ang food particles sa bedsheet 'tapos dumagsa ang mga langgam dito. Well, I was with two USC officers. Maybe they could bend the rules slightly for me.

Medyo na-conscious akong kumain dahil nakatingin ang dalawa sa 'kin. Kung sanang kaming tatlo'y sabay-sabay na kumakain, baka less awkward. They must have noticed na naiilang ako kaya sa ibang direksyon sila tumingin habang nag-uusap. They talked about what Castiel and the others might be doing in the office.

I was halfway through my meal when the curtains were drawn. Bumungad ang mukha ni Belle na puno ng pag-aalala at halos maiyak nang nagtagpo ang mga mata namin. She rushed to my bedside and hugged me as tight as she could. Muntik pa ngang matapon ang kinakain ko.

"Fab! Okay ka lang ba?" tanong niya. "Dapat talaga sinamahan kita kanina, eh! Napaka-irresponsible kong friend! I let you enter the lion's den! Hindi mo sinabi sa 'kin na susugurin mo ang ex mo. Eh 'di sana may back up ka!"

"Belle, magiging hindi ako okay kung hindi mo ako pakakawalan," nahihirapan kong sagot. "Medyo hindi ako nakahihinga sa higpit ng yakap mo."

"Ay, sorry!" Agad siyang kumalas sa 'kin. Napapunas siya ng nagluluhang mata niya. "Sorry talaga! Sobrang worried ko kasi sa 'yo. Nabasa ko 'yong post ng The Herald na may nahimatay raw na student 'tapos nakita ko 'yong picture mo. Akala ko kung napaano ka na."

"Buhay pa naman ako, don't worry!" sagot ko bago ko binuksan ang bottled water na iniabot ni Priam. "Baka nahimatay ako kasi kulang ang kinain ko habang nasa food hub tayo."

"Malilintikan talaga sa 'kin ang ex mong 'yan! Manalangin siyang hindi kami magkakasalubong mamaya kundi—" pagbabanta ni Belle. Nahinto siya nang napansin na may ibang tao sa room. Sumulyap siya sa tabi bago dahan-dahang humarap sa dalawa pa naming kasama. "Ay, may USC officers pala rito! Joke lang 'yong sinabi ko kanina! No to violence ako!"

Natawa ako habang bahagyang napangiti ang dalawang officers.

"By the way, thank you sa pagtulong sa friend ko, ha?" sabi ni Belle. "Tumataas na tuloy ang approval rating mo sa 'kin, Mr. President. Maaasahan ka naman pala kapag emergency."

Binato siya ng kunot-no'ng tingin ni Valeria habang marahang umiling ang kausap niya.

"We're always here for students who are in need of help," Priam replied. "It's our duty as your student leaders and as student servants."

"Uhm . . . Priam?" Valeria called him after checking her phone. "We still have some errands to do in the council office. Baka we can leave Fabienne na in the care of her friend? Nasabi na rin niyang maayos na ang pakiramdam niya."

"Please go ahead!" I seconded. "Ayaw kong makaabala sa council duties n'yo. As you can see, I'm perfectly fine na! Kasama ko rin si Belle dito kaya may magbabantay na sa 'kin."

"Very well." Priam stood. "Take care of yourself. We'll see each other again."

"Pasensya na, ha?" Tumayo na rin si Valeria. "May kailangan pa kasi kaming gawin sa office. If there's anything that the USC can help you with, just let us know. You have Castiel's number naman, 'di ba?"

Also Priam's. Tumango ako. "Thank you ulit sa pag-asikaso sa 'kin. I owe you big time."

"Don't mention it."

Priam and Valeria excused themselves as they left my room. Nanatiling nakangiti sa 'kin si Belle hanggang sa narinig niyang bumukas at sumara ang pinto sa labas. As if on cue, her smile instantly faded. She pulled the stool chair closer to my bed.

"Hindi ko feel 'yong kasama niya," bulong niya. "Siya ang VP, 'di ba? Malakas ang kutob kong may crush siya kay Mr. President. Iba kung makatingin sa kanya, eh. May meaning."

Mabibilib na ba ako kay Belle dahil agad niyang napansin sa short encounter nila? I had to actually talk to Valeria and hear her subtly tell me to not fall for Priam para ma-realize kong may feelings siya rito.

"Napanood ko 'yong clip na in-upload ng isa pang varsity player no'ng sinugod mo si Mitch-hell sa gym." Biglang nagbago ang topic namin. "Ramdam ko 'yong gigil mo sa kanya nang sampalin mo siya. Baka tumaas ang presyon mo kaya ka nahimatay? Sure ka bang okay ka lang talaga?"

Tumango ako. "Nailabas ko na ang dapat kong ilabas kanina."

"Oo nga, e. Napanood ko rin 'yong video mo habang magkayakap kayo ni Mr. President at umiiyak ka. Napaka-sweet!"

"W-What?"

Inilabas niya ang kanyang phone at iniharap ang screen nito sa 'kin. "Gusto mo bang ipapanood ko sa 'yo?"

Paulit-ulit akong umiling. Ayaw kong makita ang nakahihiyang ginawa ko. Masyadong awkward. Baka matunaw ako sa hiya.

"In fairness, mostly positive at sympathetic na sa 'yo ang comments," kuwento ni Belle habang umi-scroll sa screen. "May mga nag-call out na sa mga nambu-bully sa 'yo online at dito mismo sa campus. May mga na-touch sa ginawa ni Mr. President nang hinayaan ka niyang umiyak. May mga nanindigan na hindi totoo ang tsismis kaya dapat itigil na ang pambabato ng masasamang salita sa 'yo. It's starting to change people's opinion."

Napangiti ako matapos ngumuya at lumunok. This wasn't part of Castiel's script, nor did I and Priam plan this beforehand. Basta naisipan kong ilabas sa kanya ang bigat ng nararamdaman ko kanina. Totally unscripted. It turned out na mas effective pala 'yon kaysa sa pagsagot ko sa isyu.

Inubos ko na ang aking lunch. Ayaw ko rin kasing sumilip ang nurse at maabutan akong kumakain habang nasa kama. I put the empty food pack in the paper bag that Priam and Valeria had left on the bedside table. Sinubukan ko nang bumangon sa kama at tumayo.

"Uy, teka!" biglang pigil ni Belle. "'Di ba dapat magpahinga ka muna? Bakit bumabangon ka na? Gusto mo bang mahimatay ulit?"

"May afternoon period pa tayo," sagot ko. "Ayaw kong um-absent o magpa-excuse. Kaya ko namang umupo at makinig nang ilang oras sa prof natin."

"Pero—"

"Don't worry about me, okay? I really appreciate your concern. Kapag nag-stay ako rito, mas mapi-feel ko na may sakit ako. So please?"

Hindi na umangal pa si Belle at hinayaan na akong tumayo. Lumabas na kami ng kuwarto, nakaantabay pa rin siya sa 'kin kahit hindi na kailangan. Nagpaalam muna ako sa nurse na umangal din sa pagbangon ko. But I assured her that I was totally fine and she didn't need to be concerned about me. Matapos ang pangungulit ko, pinayagan niya na akong ma-release. Basta tawag daw agad ako sa clinic kapag may naramdaman akong hindi maganda.

We walked back to the Arts and Sciences building and entered our classroom.



THROUGHOUT OUR afternoon period, nakaupo lang ako sa aking seat at tahimik na nakikinig. Kapag gusto kong pumunta sa comfort room, sinasamahan pa ako ni Belle para masigurong naka-ready siya sakaling mahimatay na naman ako. She's just looking after me, kaso medyo napasosobra na yata ang pagiging protective niya sa 'kin.

Pagkatapos ng afternoon classes namin bandang alas-kuwatro, dumeretso na kami sa locker room. This time, sinamahan kami ni Colin na isa rin sa nag-aalala sa 'kin. Lagpas na yata sa mga daliri ko ang bilang kung ilang beses niyang tinanong kung okay lang ba ako.

To my surprise, nabawasan ang bigat na naramdaman ko kapag may napatitingin sa 'kin. Hindi na gano'n karami ang mga mapanghusgang titig. Iilan na lang din ang nagbubulungan kapag nalampasan nila ako. Maybe they had a realization this afternoon?

Naiwan sa labas ng women's locker room si Colin habang kami ni Belle ang pumasok sa loob. Kahit naka-bench muna ako sa pag-arte sa lead role, naisipan kong magpalit pa rin sa aking PE uniform. Malay natin? Baka nagbago na ang isip ng direktor at ibalik na ako sa stage. I should always be prepared.

Pagkaharap sa aking locker, huminga muna ako nang malalim habang nakatitig sa maliit na pinto nito. For sure, may nag-iwan na naman ng messages. Siguradong may mga nam-bash na naman sa 'kin at tinawag ako ng kung ano-ano. I inserted my key and turned it. Hindi ko muna agad binuksan dahil inihahanda ko pa ang sarili ko sa kung ano'ng makikita ko sa loob.

"Ako na nga riyan!" Belle pushed me aside at siya na ang bumukas sa locker ko. Nahulog ang maliliit na papel na naipit sa loob at mabilisan niyang binasa ang mga 'yon. I expected her to get annoyed by the messages, pero napangiti pa siya. Lumingon siya sa 'kin at iniabot ang ilan. "Maybe you should read some of these. They might cheer you up."

Kung gusto niyang ipabasa sa 'kin, ibig sabihin hindi gano'n kasama at kasakit ang mga salitang nakasulat do'n. Tinanggap ko ang mga papel sa aking kamay. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata bago ko isa-isang binasa ang mga 'yon.

"We believe in you, Madam First Lady!"

"Cheer up! This too shall pass!"

"Don't let their words dull your sparkle!"

"You are loved. Always remember that!"

"Always wear your smile, Ms. Fabienne!"

Maging ako, hindi ko naiwasang mapangiti habang nagbabasa. Almost every piece of paper in my locker had some positive words that really brightened my mood. Mas nabawasan pa ang bigat at pangamba na naramdaman ko. Knowing that some students out there believed in me was enough to give me courage.

Agad kong kinuha ang aking PE uniform at iniwan sa loob ang messages. Unlike yesterday, they deserved to remain here and not to be ripped into pieces before throwing them to the trash bin.

Humarap ako kay Belle at saka tumango. "Let's go?"

Paglabas namin ng locker room, sumabay na ulit si Colin. We went on our way to the auditorium. Napahinto ako nang nakita ang mga cartolina na nakadikit sa labas at may nakasulat na words of encouragement.

"You can do it, Fabienne!"

"We're rooting for you, Fabienne!"

Lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. Hindi gaya kahapon at kaninang umaga, my curve in my lips was no longer forced. I could genuinely smile to anyone again!

Still, I was asked to watch in the audience area and observe Lucresia's blocking. Mukhang hindi pa rin nababalik ang tiwala ni Direk sa 'kin. That's okay. Hindi pa rin kasi malinis ang pangalan at reputasyon ko. 'Tapos may dumagdag pang tsismis kaninang umaga. It might take some time bago niya ako ulit i-consider na asset kaysa liability. But I'd still be here, just a few seats away, waiting for him to call me back on stage. Sa ngayon, I would let Lucresia hog the spotlight and play my part.

The rehearsal ended at six in the evening. Ako lang yata ang hindi napagod at hindi napagalitan sa mga kasama ko. Hinintay kong bumaba mula sa stage si Belle. Paglabas niya sa right wing, kasama niya si Colin. Sabay na kaming naglakad sa aisle palabas ng auditorium.

"Mukhang okay ang mood mo ngayon, ah?" nakangiting tanong ni Colin. "Actually, kanina pa habang nasa class tayo."

Bumuntonghininga ako't bahagyang kumunot ang aking noo. "Hindi ko nga alam, eh. Parang gumaan ang pakiramdam ko 'tapos nabuhayan ako ng loob. Nakagagaan talaga siguro ng pakiramdam kapag nailabas mo na 'yong kinikimkim mo?"

"Ay, sus!" Marahan akong siniko ni Belle. "Ang sabihin mo, na-recharge ka no'ng niyakap ka ni Mr. President kanina! Baka may ibinulong siya sa 'yo kaya mas naging maayos na ang mood mo? Share mo naman sa 'min!"

Tumingala ako sa lights sa taas. Meron siyang sinabi sa 'kin. Ano nga kasi ulit 'yon? "Ah! Everything's going to be all right! 'Yan lang ang ibinulong niya. Wala nang iba. Somehow soothing pala 'yon. Kahit gano'n kasimple ang message ng isang tao."

"Siyempre galing 'yan sa taong nagke-care sa 'yo!" sabi ni Belle. "Talagang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya, you will find it healing."

"Pero may balak ba siyang gawin sa kumakalat na tsismis tungkol sa 'yo?" tanong ni Colin. "Since you're associated with him as his de facto First Lady, he should have done something the moment that false rumor broke out. Parang wala pa yata siyang ginagawa. Wala ring updates mula sa USC."

"Hindi directly involved ang USC sa tsismis kaya bakit sila makikialam sa isyu ni Fab?" tugon ni Belle. "As much as gusto kong i-defend nila ang classmate natin, baka hindi appropriate na maglabas sila ng statement tungkol dito."

"Maybe Fab is being targeted by one of the USC's detractors." Napahawak si Colin sa kanyang chin. "Nagsimula ang paninira sa kanya nang na-publish ang article sa The Herald kung saan tinawag siya na de facto First Lady. Being seen with the president, she became an easy target for those people."

I was too concerned about my image kaya nakalimutan ko nang isipin kung sino ang posibleng nasa likod ng tsismis. It could be someone from last season's production, lalo na 'yong hindi tanggap na ako ang nakakuha ng role ni Mulan. It could also be—as Colin suggested—a hater of the USC who wanted to hurt me because of my association with Priam. Or it could be anyone who got nothing better to do with their life. Maraming posibleng sagot na magpapasakit lang sa ulo ko.

"Don't worry," I told them. "Priam's doing something about it. Hindi ko ni-request sa kanya na tulungan ako kasi ayaw kong abalahin siya, pero siya mismo ang nagsabi sa 'kin na—"

"Fab." Napahinto si Belle nang malapit na kami sa exit ng auditorium. Maging si Colin ay tumigil din sa paglalakad.

"What is it?" Sinundan ko ang kanilang tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang nakilala ang familiar na mukha ng lalaking nakasandal sa acoustic panel ng auditorium. Napaturo ang daliri ko sa kanya. "Y-You!"

Ang kapal ng mukha niyang pumunta rito. After everything that he had said and done?

"Good evening, Fab," bati ni Michelangelo. He was wearing his varsity jacket. "Do you have a moment?"

★ ★ ★

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top