Chapter 24: The Call

A/N: Kakayanin pa ba ni Fab? Alamin!

FABIENNE

TINIIS KO ang buong hapon na manood ng rehearsal sa auditorium. Sa isang pambihirang pagkakataon, I was in the audience area, just a few seats away from the director and his assistants. Imbes na hayaan akong magmukmok sa backstage, inutusan akong maupo rito para mapanood ang performance ng understudy kong si Lucresia. Gusto nilang pag-aralan ko ang blocking para kapag pwede na akong bumalik bilang Juliet, alam ko na kung saan ako papasok, tatayo at lalabas.

But for me, parang they're lowkey telling me na "this is what you're going to miss." Hay. Dala na siguro ng bigat ng pakiramdam ko at sunod-sunod na kamalasan ngayong araw kaya ganito na ako mag-isip. I bit my lower lip as hard as I could to prevent my tears from falling. No, ayaw kong magpakita ng kahinaan. Ayaw kong mang-agaw ng eksena. Baka lalong mainis sa 'kin ang mga kasama ko kapag nahinto ang rehearsal dahil narinig nila akong humihikbi.

Sa kabuuan ng rehearsal, nakangiti ako sa performers na nasa stage. Binibigyan ko sila ng thumbs up o kaya'y pinapalakpakan kapag maganda ang kanilang performance. Lucresia did well in her acting. Her facial expressions, her intonation, her movements—talagang pinatutunayan niya kay Direk na deserving siyang pumalit bilang Juliet. Mukhang impressed naman sa kanya si Direk. Between the two of us, he might decide to give the lead role to someone na walang bahid ng controversy.

Nang natapos na ang rehearsal, pumunta ako sa backstage para kumustahin sila. Pagkarating ko ro'n, almost everyone was praising Lucresia for her performance. Bagay na bagay raw talaga sa kanya ang role at pwede nang replacement sa 'kin.

Muli akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Last season's director once told us na no one's indispensable pagdating sa theater. Lahat ay pwedeng mapalitan kaya hindi dapat magmayabang ang kahit sinuman, mapa-on stage performer o behind the scenes staff. Dito ko na-realize kung gaano katotoo ang sinabi niya.

I could be easily replaced by anyone, or this case, by Lucresia. Kapag hindi na-resolve ang isyu ko, baka tuluyan na akong magpaalam sa lead role at maging sa theater. I had doubts that Direk would want to keep someone like me in the cast. Baka malasin pa ang production.

Sumabay na ako kay Belle na paulit-ulit ang tanong kung okay lang ba ako. I always replied with a "yes" and told her to not worry about me. May mga ikinuwento siya sa 'kin tungkol sa ganap sa backstage. Kaso masyadong preoccupied ang isip ko kaya wala akong na-absorb sa pinagsasabi niya. All I was thinking about were my good times on stage and how everything could be taken away from me in a snap.

Nagkahiwalay na kami sa labas ng Arts and Sciences building. Wala kaming date ngayon ni Priam alinsunod sa instructions ni Castiel. The USC must also be trying to distance themselves away from me, gaya ng ginawa ng The Herald at ng repertory theater. Parang may nakahahawang sakit ako na kailangang iwasan. I was becoming a liability, thanks to the rumor that tarnished my image and reputation.

Habang naglalakad ako, patuloy pa rin ang aking pagngiti na tila wala akong inaalala. May mga estudyante pa ring nagagawi sa 'kin ang tingin at pinagtsitsismisan pagkalampas ko sa kanila. My mask was about to break. Hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit at ang sari-saring emosyon na naipon sa buong araw na 'to. But I couldn't break down here or anywhere outside my room. Baka kung ano pa'ng isipin ng mga estudyante at gawan pa ako ng mas malalang tsismis.

Pagpasok sa aking unit, I leaned my back against the door and slowly slid down on the floor. Tears started rolling down my cheeks. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. It felt like a dam was broken as my whole face became wet with tears. Wala na akong pakialam kung masira ang make up ko o kumalat ang eyeliner. Ang gusto ko lang ay ilabas ang lahat ng hinanakit ko.

Tinakpan ko ang aking bibig habang humihikbi. My room wasn't sound-proof. Paniguradong maririnig ng mga taga-kabilang unit ang pag-iyak ko. Alam nilang ako ang kanilang neighbor kaya they would know it's me crying. Ayaw ko nang lumala ang sitwasyon at may kumalat pang panibagong tsismis. As much as I could, I muffled my cries with my hands covering my mouth.

Ang akala ko'y kakayanin kong magpakatatag. Ang akala ko'y kakayanin kong magpanggap na okay lang ang lahat. Ang akala ko'y madaraan ito sa pag-arte na parang masaya ako kahit panay ang paninira sa 'kin. But I was wrong. Totally wrong. May limit din pala ang sakit na kaya kong saluhin at ang feelings na kaya kong kimkimin. Kagaya ng isang bulkan, kapag napuno na, sasabog at sasabog ito.

With my face and blouse drenched with my tears, I crawled to my bed and climbed on it. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan, pilit pa ring pinipigilan ang paglikha ng ingay. Wala na akong pakialam kung suot ko pa ang shoes at socks ko habang nakahiga sa kama. Wala na rin akong pakialam kung madumihan ang sahig na lagi kong winawalis.

Ano ba'ng nagawa ko para ma-deserve ang ganitong parusa? Wala akong nilamangang tao. Wala akong hinamak o tinapakan na classmate o kasama sa theater. Ginawa ko ang abot ng aking makakaya. Nagpuyat ako sa pagme-memorize ng lines. Nagpuyat ako sa pagpa-practice ng tamang facial expression at intonation. Nag-sacrifice pa ako para makamit kung ano'ng meron ako.

'Tapos ganito ang mangyayari? Dahil sa isang tsismis na walang katotohanan at katuturan, makukuha ang lahat sa 'kin? Dahil sa isang bagay na hindi ko ginawa, pinaparusahan ko? Wasn't that unfair?

Ano ba'ng nagawa kong kasalanan? Meron ba akong nagawang mali?

I rolled over my bed and stared at the ceiling. Ini-stretch ko ang kanan kong kamay na parang may inaabot 'tapos ikinuyom ko ang aking kamao. I moved my clenched fist close to my face and loosened my hand. Walang laman nang buksan ko.

Hanggang dito na lang ba ako? Tuloy-tuloy na ba ang pagbagsak ng dominos sa college life ko? Una, ang image at reputation ko. Pangalawa, ang magazine cover opportunity sa The Herald. Pangatlo, ang lead role ko sa theater. Ano'ng sunod? Ang USC scholarship ko na ba?

Hindi ko napigilang matawa kahit patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Maybe I should prepare myself for that possibility? Isa-isa nang nawawala sa 'kin ang mga bagay na mahalaga at gusto ko. Mas mababawasan ang sakit kung ngayon pa lang ay ihahanda ko na ang sarili ko. Maybe Castiel would call me later tonight to tell me that Oplan First Lady was being called off and because of my damaged reputation, they couldn't keep me on their list of scholars anymore.

Hayan, ina-accept ko na. Wala na sigurong makapagsu-surprise pa sa 'kin.

Beep! Beep! Beep!

Nalingon ang ulo ko sa tabi ng aking unan. I threw my phone there, face up. Umilaw ang screen nito at walang tigil sa pag-vibrate. Not a message, huh? Sino kaya'ng tumatawag sa 'kin? Oh, let me guess! Si Castiel siguro 'to.

Muli na naman akong natawa. Mukhang tinutupad talaga ng universe ang mga pangamba ko. Kung may dala siyang bad news sa 'kin, let's get this over with.

Kinuha ko ang aking phone at itinapat sa mukha ko. I was expecting to see Castiel's name and number flashing on my screen. To my surprise, that wasn't his. Hindi pa registered ang number sa 'kin.

Who on earth could this be?

I wiped the tears off my face and sniffed so hard. Alam kong down ako ngayon at wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino. Pero malay natin? Galing 'to sa PCSO at i-inform ako na nanalo ako sa lotto ng one million pesos kahit na hindi ako tumaya. This call might change my life kaya dapat maayos at malinaw akong makapagsalita at mapakinggan ng nasa kabilang linya.

With one final snort, I tapped the green button. "Hello?" Parang barado pa ng sipon ang ilong ko. Muling akong suminghot para mawala 'yon. Ayaw kong isipin ng kausap ko na umiiyak ako o may malala akong sakit. "Who's this?"

"Hello, Fabienne? This is Priam."

Muntik nang nag-slide sa palad ko ang phone. Muli akong umikot sa kama at dumapa.

Napaisip ako kung bakit hindi naka-register ang number niya sa phone ko. Naalala kong hindi pa pala kami nag-exchange ng contact details simula no'ng una naming date. Laging si Castiel ang kausap ko at siya ang nagsilbing middleman sa 'min ni Priam.

"I got your number from Cas. Is this a good time to call?"

"Good time?" Natawa ako nang mahina. Mukhang walang good time para sa 'kin sa araw na 'to. Hanggang mamaya'y magluluksa ako rito sa room. Mukhang hindi na naman ako kakain ng dinner. "Pwede mong sabihin sa 'kin ngayon kung ano'ng gusto mong sabihin. Wala naman akong ginagawa."

"How are you?"

Oh, I'm perfectly fine! Ang saya-saya ko nga, eh! Gusto ko sanang isagot nang pa-sarcastic sa kanya. Kaso wala ako sa mood na mamilosopo. Ayaw ko ring ibaling sa kanya ang lungkot na nararamdaman ko. "Hindi mo na ako kailangang kumustahin. Just tell me what you need to tell me. About ba 'to sa USC scholarship at sa Oplan First Lady? You want to stop our pretend relationship and revoke my application because I've also become a liability to you and your council? Don't worry, ine-expect ko na 'yan. Just say it to me now. Maiintindihan ko naman."

"What? What are you talking about?"

Natawa na naman ako. "Nagmamaang-maangan ka pa, eh. Ikaw siguro ang inutusan ni Castiel para i-break ang news sa 'kin. Hindi mo na kailangang magpaligoy-ligoy. You can be brutally honest with me. Tell me that my scholarship has been revoked and let's end whatever we started with that Oplan First Lady."

"No."

Kumunot ang noo ko. "No what?"

"I didn't call to inform you about any changes in your scholarship status or in our pretend relationship arrangement. But I admit that Cas and Val have brought the idea up."

Magugulat pa ba akong malaman na kino-consider na 'yon ng dalawa niyang kasama? Valeria must be so excited to kick me out as the First Lady. Heto na ang pagkakataon niya para mawala ako sa kanyang landas. Kung 'yon ang magbibigay sa kanya ng peace of mind, walang isyu sa 'kin.

"I'm already a damaged good, thanks to that rumor. Magiging pabigat lang ako sa 'yo at sa USC. Spare yourself from the embarrassment."

"They need my signature to make it happen. But I won't approve any recommendation to revoke your scholarship. That, I guarantee you."

Natikom ang bibig ko. Why was he making it hard for himself and them? Isa lang akong piece na napakikinabangan nila. Gaya sa theater, hindi rin ako indispensable sa USC. So why did he want to keep me when the most convenient solution was to throw me away?

"I believe you and I believe in you, Fab."

This was the first time na tinawag niya ako sa nickname ko. My lips parted slightly, but no voice came out. Napakasimple lang ng sinabi niya, pero nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Muli na namang naglawa ang mga mata ko. Kinagat ko ang aking labi para hindi matuloy ang pagtulo ng mga luha. I couldn't cry while I was on the phone with him. Nakahihiya.

"The first time we met, you told me that you always want to earn what you have. You don't want anything to be handed to you on a silver platter. That stuck with me. And that's how I knew that you're not capable of what you're being accused of."

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. He probably could hear me sniffing.

"Thank you," I replied, still biting my lower lip. "That means a lot to me, Priam."

Parang bahagyang nabawasan ang bigat sa dibdib ko. For the entire day, I was being drowned with words of hatred and disgust, and with whispers of doubt and ridicule. But his words alone had a soothing effect on me.

"But not many people believe in me," sabi ko. "Maraming naniniwala sa tsismis kahit na nag-comment na ako. Nag-publish na rin ng article ang Herald tungkol sa denial ko sa tsismis. Pero may mga duda pa rin sa 'kin."

"Most students here are idiots. They don't care when we're clean. They only care when we're dirty. If only I weren't running for reelection, I wouldn't bother myself with their stupid opinion. I'd do and say whatever I want."

I giggled. "Kung pwedeng ganyan din sana ang mindset ko, kaso hindi. People's perception shape what this society wants. Kahit hindi totoo ang tsismis, marami ang naniwala kaya marumi na ako sa tingin ng iba. Dahil do'n, the repertory theater asked me to step aside and let my understudy play the lead role for a while. I feel like I was slowly being pushed away from the stage. Nasa edge na siguro ako. Just one more nudge, I'm out."

"Really? They're thinking of taking away the lead role from you? Did you explain the situation to them? Did you tell them the truth about your Mulan casting?"

"I did." Tumango ako kahit hindi niya kita. "Kaso mukhang wala na silang pakialam sa kung ano ang totoo. Mas importante sa kanila ang magiging perception ng audience. Baka raw dahil sa 'kin, maapektuhan ang ticket sales ng play. Baka raw kaunti ang manood kung ang lead role ay nasa isang controversial actress."

"I get where they're coming from, but that's still a dumb decision. You wouldn't have landed the role of Juliet if you weren't the best female actress during the auditions. So what now? They're settling for the second best?"

"Mukhang may potential naman ang understudy ko. Pero siyempre, mas magaling pa rin ako sa kanya, 'no?" sagot ko na may kasamang tawa. I heard him giggling on the other line. "But yeah, this might be over for me. Pati 'yong magazine cover feature na offer ng The Herald, binawi na kaninang umaga. This may be an exaggeration, but everything's being taken away from me by that rumor."

"Kaya ba naisip mo na baka ipahinto na namin ang Oplan First Lady at bawiin na rin namin ang scholarship mo?"

"Nagkaroon ako ng kaunting kutob no'ng sinabi ni Castiel na wala muna tayong lunch at after class dates," tugon ko habang ipinapaikot-ikot ang ilang hairstrands ko sa daliri. "Ipine-prepare ko na nga ang sarili ko na matanggap ang gano'ng news mula sa inyo."

"Remember what I told you the morning before we departed the team building site? You may not be officially part of my council, but you are one of us. We will protect you the same way we protect the rest of the council."

Napangiti ako. Tandang-tanda ko pa ang bawat salita, maging ang pagkakasabi niya ro'n. Medyo na-touch nga ako nang sabihin niya 'yon sa 'kin. I felt protected. I felt safe. I felt I wouldn't be alone.

"Cas has advised us to not make any move publicly. Hindi raw dapat madamay ang USC sa isang issue na hindi kami direktang involved."

That sounded like something Castiel would say. Naintindihan ko naman ang punto niya, pero masakit pakinggan lalo na kung feeling ko'y wala na akong makakapitan.

"But I made a promise to you. I will not abandon my First Lady."

I smiled at the mention of my title. Na-appreciate ko ang commitment niya, pero may magagawa pa ba siya? May magagawa pa ba sila? "Hindi mo ba na-consider na instead na tulungan n'yo ako, mas mabuti pa kung maghanap na kayo ng papalit sa 'kin? I'm dispensable after all. You can find someone else who doesn't have any fake issues."

"No offense, but that's a dumb move."

Don't worry, I' m not offended. Hindi naman ako ang tinawag niyang dumb. So talagang paninindigan niya ang kanyang ipinangako sa 'kin? Kung ibang lalaki ang nagsabing poprotektahan ako, baka hindi ako naniwala. But we're talking about Priam here. A serious student leader who would take his words and vows seriously.

"We still have a chance to turn things around. The only way to remove the stains created by a lie is to flush it out with a surge of truth."

"But I've already told them the truth!" How many times ko bang dapat sabihin 'to? "Nag-comment na ako pati na ang mga kasama ko sa theater na mas nakakikilala sa 'kin. But it didn't work."

"Maybe the truth shouldn't come from you, but from someone else who's also directly involved in the rumor."

Naningkit ang mga mata ko. "You mean, the director of the Mulan production?"

"Yes. He's the one who cast you in that role. He should put an end to this issue once and for all. Are you still in contact with him?"

Umiling ako. "Nagpalit kasi ako ng phone bago ang academic year na 'to. Hindi ko na-save sa SIM card ko. At saka ang balita ko, nag-migrate na siya sa States para do'n ituloy ang theater career niya."

"So communicating with him is going to be a challenge, huh?"

Unfortunately, yes. Naisipan ko rin siyang contact-in, pero wala akong number niya. Naka-deactivate din ang kanyang social media accounts kaya wala akong way para makapag-reach out sa kanya.

"We will find a way to get the truth out and stop the spread of lie. Don't lose heart and hope, Fabienne. We can still win this battle."

Hindi ko napigilang mapangiti ulit. My mood made a 180 degree turn. "Huwag ka ngang ganyan, Priam! Baka ma-fall na ako sa 'yo."

"Don't fall for me. You might regret it."

C-in-ompliment ko na nga siya 'tapos gano'n pa ang reply niya sa 'kin? Sana nakisakay na lang siya. "I hope more people will see this side of you. You're not really that different from the rest of us."

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya, pero wala akong narinig. Akala ko nga'y na-disconnect na ang linya. Baka hindi niya alam kung ano'ng tamang response do'n? Hindi bale, at least nasabi ko sa kanya ang nasa isip ko.

"I appreciate you calling and checking on me, Priam," I spoke in a sincere tone. My fingers combed through my hair. "I was actually losing it before you called. Parang nabuhayan ulit ako ng loob. Maraming salamat talaga."

"You don't deserve what's happening to you right now. Whoever's behind this fake news will be punished accordingly. You have my word."

No one deserved to experience my struggle. Baka kung ibang tao ang nakaranas nito, sumuko na agad siya. I was lucky that I was able to endure up to a certain point. "Thank you."

Then he hung up. Ibinaba ko na ang aking phone sa tabi ng unan at humilata sa kama.

"I will not abandon my First Lady."

Muling nag-play sa isip ko ang boses niya habang sinasabi 'yon. For some reason, my lips couldn't stop from smiling.

★ ★ ★

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top