Chapter 16: Poolside Chat
A/N: I enjoy reading your theories about this or that character. Keep them coming!
FABIENNE
NAHIHIYA AKONG lumabas ng banyo matapos kong magtanggal ng damit at isuot ang aking yellow two-piece swimwear. Don't get me wrong. I'm confident with my body. Dala siguro ang hiya ko dahil ibang tao ang mga kasama ko. If I were with family and friends, walang problema sa 'kin. But most of them—or almost everyone—was a stranger. Mas magiging comfortable ako kung kakilala ko sana ang karamihan sa kanila.
Hay, bahala na nga. Ito na ang dala kong swimwear at ito na rin ang isinuot ko. Dapat panindigan ko na.
Isinuot ko muna ang dala kong beach robe para hindi magmukhang pinagyayabang ko ang aking figure. Some would say that if you have it, flaunt it. Pero para sa 'kin, not all the time. Dapat binabagayan kung saan magyayabang. Nandito pa rin ako sa kuwarto namin, wala pa sa pool, kaya bakit ko need na ipakita kung ano'ng meron ako?
Lumabas na ako ng banyo. Sabay-sabay na tumingin sa 'kin ang mga kasama ko sa room. They were all in their swimwears. As a courtesy to them, sila ang pinauna kong magbihis. Valeria wore a purple one-piece swimsuit, Sabrina wore rash guard while Tabitha wore two-piece like mine pero with tapis.
I pulled the ends of my beach robe para matakpan muna ang suot kong swimwear. I felt less uncomfortable na ganito ang suot ko. Seeing Tabitha wore the same made me feel more confident. Mabuti't hindi lang ako ang may ganitong suot. I wouldn't be too out of place.
"What did you suot?" tanong ni Tabitha na lumapit sa 'kin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Lalo ko pang hinigpitan ang kapit sa beach robe ko. "Two piece din."
"Oh, talaga? Let me tingin!"
"Hey, wait a—"
Lumapit pa sa 'kin si Tabitha at inalis ang mga kamay kong mahigpit na nakahawak sa robe. Wala na akong nagawa kundi bitiwan 'yon. Kami-kami lang ang nandito, so it wouldn't be an issue.
"You've got a toned body pala, 'no?" komento ni Tabitha, tiningnan ako mula leeg hanggang binti. "You must be working out lagi. Well, you're a theater actress. You need to maintain that katawan."
May sariling gym sa tinutuluyan kong dormitory—nasa second floor—kaya kapag wala akong magawa at feel kong mag-work out, pumupunta ako ro'n. Exercising also helped me clear my mind lalo kapag overwhelmed na ang isip ko.
Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya. For a second, nagtagpo ang mga mata namin ni Valeria. Napansin kong nakatulala siya sa 'kin. She quickly looked away.
"You also want this type of katawan, right, Val?" Lumingon si Tabitha sa kanya. "You should stop sitting around and start working out na. Para b-um-eauty ang figure mo. Regular exercise at tamang diet ang need niyan, magiging same na ang figure n'yo ni Fabienne here."
"I'm already satisfied with my body," Valeria replied. Ni hindi man siya tumingin sa 'min. "Wala na akong masyadong time dahil sa academics at council duties. If only I have more free time like Fabienne, baka ma-achieve ko ang ganyang body."
Was she throwing a shade at me by saying that I wasn't as busy as her? FYI, ha? Busy rin ako sa rehearsals namin sa theater, but I always saw to it that I had the time to exercise. Nasa disiplina, pagkukusa at time management din kasi 'yan.
"Baka magka-crush na sa 'yo si Priam once he sees you wearing that," sabi ni Tabitha. Humakbang siya paatras at muli akong tiningnan na parang ine-X-ray niya ako. "Gifted ka rin kaya dagdag points din 'yan sa boys."
"Priam is not like that," Valeria commented kahit hindi siya ang kausap. Napatingin na rin siya ulit sa direksyon namin. "You think na gano'n siya kababaw? Kahit pa siguro maghubad 'yang si Fabienne sa harapan niya, walang made-develop na kahit anong feelings para sa kanya."
"But Priam is still a man—"
"Priam is not like most men," diin ni Valeria, sinapawan ang boses ni Tabitha. "Ibang mold siya compared sa ibang lalaki."
"Val . . ." mahinang tawag ni Sabrina. Ramdam din siguro niya ang kaunting tensyon sa kuwarto.
"Whoa!" Napataas ang mga kamay ni Tabitha. "Why ka na-trigger sa sinabi ko? Chill ka lang, Val, okay? Don't stress yourself. Dadami ang wrinkles mo sa face. Your skin care routine will be sayang."
Hindi ko tuloy naiwasang maisip kung ako ba ang dahilan ng gano'ng attitude niya o purely dahil sa comments ni Tabitha. Wala akong balak na i-offend siya. I had enough no'ng lunchtime.
Biglang natahimik sa room namin. Walang umimik hanggang sa sabihan kami ni Valeria na lumabas na't pumunta sa activity area. Pagkalabas namin ng kuwarto, saktong lumabas din ang mga lalaki sa kabila. Muli kong tinakpan ang suot ko gamit ang beach robe. Priam wore an unbuttoned polo, Castiel wore a shirt while Rowan wore a sando. Lahat sila'y naka-shorts, mukhang ready nang magbabad sa tubig mamaya.
"Handang-handa na ang girls, ah?" nakangiting bati ni Rowan. Palipat-lipat sa 'min ang tingin niya. "Baka makalimutan n'yo, magpa-facilitate muna tayo ng activities bago tayo mag-happy-happy, okay? Baka unahin n'yong mag-swimming."
"Ako yata ang dapat na magsabi sa 'yo niyan," buwelta ni Valeria sabay tingin sa phone niya. "Bago tayo lumabas ng villa, let's recap the activities na ipa-facilitate ng bawat isa sa 'tin. Priam will oversee the pool relay. Fabienne and I will be in the paper boat competition. Castiel and Sabrina will be in the house of cards challenge. Tabitha will do the egg drop. And Rowan will do the scavenger hunt. Any questions?"
She must be in charge of this event kaya siya ang nag-isip ng assignments.
"Me!" Itinaas ni Castiel ang kanang kamay niya. "I told you yesterday to reassign Fabienne to the pool relay with Priam. Nakalimutan mo na ba?"
"Priam can facilitate that challenge on his own. Hindi na niya kailangan ng kasama. Meanwhile, in the paper boat—"
"Fabienne must be with Priam," the chief-of-staff insisted, touching the bridge of his eyeglasses. "You know very well the reason why. Or do I need to explain it again to you?"
Nagkatinginan ang dalawang USC officer. I felt a brief tension there. Makalipas ang ilang segundo, bumuntonghininga si Valeria at may i-t-in-ype sa phone niya. "Fine. Priam and Fabienne will be in the pool relay while I'm alone in the paper boat competition."
"Thank you," tugon ni Castiel. "Wala na akong concern sa assignments."
"If there's no more questions or concerns, let's go."
Lumabas na kami ng villa at naglakad hanggang sa marating ang gazebo. May ilang CSC officers na nakatambay na ro'n. Rowan called for everyone to gather here at hinintay naming dumating ang lahat ng participants. The girls wore either rash guards or one-piece swimsuits while the boys wore sandos or shirts. Dalawa lang ang hindi nagpalit ng damit: si Reynard at ang kasama niyang photojournalist na si Percival.
Gaya sa program nitong umaga, si Valeria na ang humarap sa kanila at in-explain kung ano-ano ang activities na dapat i-expect. Itinuro din niya ang location ng bawat challenge. Dalawa sa swimming pools, ang isa'y sa dormitory building habang ang dalawa'y sa damuhan.
"Are you all ready? Let's begin!"
Dumeretso na kami ni Priam sa pinakamalaking pool. May dala-dala siyang maliit na transparent box na may golden rings at may tali na iba't iba ang kulay. Sa 'di kalayuan naman ang pool na binabantayan ni Valeria. Literally a stone throw away from ours.
Mukhang heto na muna ang magiging show namin mula one hanggang six o'clock ng gabi.
"May I know kung ano'ng gagawin ko—"
Nahinto ako nang bigla niyang tanggalin ang suot na polo. Bakit ba bigla-bigla siyang naghubad ng top? Pwede namang magpasintabi muna, 'di ba? Inilagay niya ang polo sa naka-ready nang upuan sa gilid. He wasn't skinny. May muscles at laman ang katawan niya. May abs din siya kaso hindi pa gano'n ka-prominent. Was he also working out kahit busy siya sa student council duties?
"Sorry, you were saying?" tanong niya.
I shook my head to shrug whatever thoughts froze my mind. "Ang sabi ko, ano'ng gagawin ko sa challenge na 'to? Doon kasi sa paper boat competition, magbabantay lang ako sa ginagawa ng bawat team."
"You can keep track of each team's time." He threw a timer at me, mabuti't agad kong nasalo. Lumusong na siya sa pool at nag-stay sa gilid kung saan niya inilagay ang box. Binuksan niya 'yon at kinuha ang mga laman. "If you want, you can also read the instructions to them. Sounds good to you?"
"Wala namang problema sa 'kin kahit ano'ng ipagawa n'yo. I'm here to assist you, 'di ba? Aside from the . . . you know."
Tumingala siya sa 'kin. Naka-cover pa rin ng beach robe ang katawan ko. "You look like you're ready to get into the pool. Why don't you help me arrange these rings underwater?"
"Eh?" Kumurap ang mga mata ko.
"Each player of each team will pick up a golden ring with a tie that has the same color of their college," paliwanag niya habang ipinapakita ang hawak niyang gamit. "We need to scatter them on the pool floor and make sure that this won't be an easy challenge for them. I need someone else to check if the arrangement is okay. You okay with that?"
"Uhm . . . yeah . . ." nahihiya kong sagot. Ano ba'ng in-expect ko? Dapat naka-ready na akong magbabad at any time. Ano pa'ng silbi ng suot kong swimwear kung hindi ko rin magagamit sa pool, 'di ba? "Just a second."
I took off my beach robe, exposing my well toned body and my yellow two-piece bikini. Ipinatong ko 'yon sa upuan kung saan niya inilagay ang hinubad niyang polo shirt. Pagharap ko sa pool, nagkasalubong ang tingin namin. Unang natuon ang mga mata niya sa mukha ko, 'tapos pababa. I instinctively covered my body with my hands.
"Ano pa'ng itinatayo mo riyan?" tanong niya, parang walang reaksyon sa nakita. "Lumusong ka na rito."
Tumango ako't pumunta sa gilid ng pool. Dahan-dahan akong bumaba. Pilit na kinapa ng mga paa ko ang floor, pero hindi ko naramdaman ang sahig. Hindi naman siguro gano'n kalalim ang pool na 'to, 'no? Usually, do'n sa gitna o kabilang dulo ang malalim—
My whole body was submerged in the water the moment my hands let go of my hold on the pool's edge. Grabe! Ang lalim pala! Sinubukan kong iangat ang aking ulo para makakuha ng hangin, pero nao-overwhelm ako sa tubig. May mga nalunok na nga, may mga nasinghot pa ako. Ang sakit sa lalamunan at ilong!
May naramdaman akong kamay na humawak sa baywang ko at pilit akong itinaas. My hands quickly grabbed on the edge as I pulled myself up. My body was drenched with water and my hair was dripping wet. Ilang beses akong naubo, pilit na inilabas ang tubig na nainom ko.
"Are you okay?" Priam asked.
"Why didn't you tell me na malalim?" Tumatalsik pa ang tubig o laway mula sa bibig ko. "I almost died!"
"I have no idea that you didn't know how to float." Umiwas siya ng tingin sa 'kin. "Sa kabila pa raw ang mas mababaw na part. Dito ang pinakamalalim."
"Ba't dito mo ako dinala? Pwede naman pala ro'n?"
"You didn't tell me about your swimming skills."
Bumuntonghininga muna ako bago pilipitin ang basa kong buhok. Kung mag-isa akong nag-facilitate dito, malamang palutang-lutang na ang katawan ko sa pool.
Tumayo na ako't maingat na naglakad sa poolside hanggang sa marating ang kabilang dulo. Dahil basa na ang katawan at mga paa ko, dumulas ang sahig na nilalakaran ko. Sinundan ako ni Priam pero nasa swimming pool pa rin siya.
"Do you want me to give you a piggy back ride?" tanong niya, nakatingala sa 'kin. "Might be good optics for those who are interested in our relationship."
Kakagat na sana ako sa kaso may bigla akong naalala. "No thanks. Baka bigla mo akong ihulog diyan sa malalim."
"Don't you trust me? Do you think I will let something happen to you?"
"Better be safe than sorry. Dito na ako maglalakad sa gilid. Kita mo, ilang hakbang na lang."
Nang nakarating na ako sa dulo, ibinabad ko muna ang aking mga binti sa pool at dahan-dahang bumaba. This time, agad na-feel ng mga paa ko ang sahig na naka-tiles. My hands finally let go when I felt it was already safe. Tama naman ang desisyon ko. Abot-hanggang balikat ko ang tubig. Medyo malamig din. Saktong makulimlim ang panahon kaya kahit magtagal kami rito, hindi kami kaagad na mangingitim.
Kinuha ni Priam ang box mula sa isa pang dulo at dinala sa tabi namin.
"Let's make sure that they're randomly scattered, and no ring must be next to another, okay?" sabi niya sabay abot ng kalahati ng rings. Tumango ako't sumama sa kanya sa gitna ng pool. Habang naglalakad ako palayo sa dulo, pataas nang pataas ang tubig. Ay, mali yata. Palalim nang palalim ang nilalakaran ko. Kung kanina'y hanggang balikat, ngayo'y hanggang chin ko na.
"You still okay?" Lumapit si Priam sa 'kin, akmang bubuhatin ako.
I nodded. Wala pa naman akong nalulunok na tubig at nakahihinga pa ako nang maayos.
"Ready?"
"Ready."
Sumisid kami sa ilalim at binitiwan ang mga bilog na may tali. Hinintay naming maabot ng mga 'yon ang floor bago namin sila isinalansang. Forty-five rings ang iniwan namin do'n. Medyo mahirap makakita sa ilalim pero tiniis ko para matapos na ang set-up.
After a couple of minutes, umahon na kami ni Priam. Hinabol ko ang aking hininga at inihilamos ang mga kamay ko sa mukha. Basang-basa na rin ang buhok niya at tuluyan nang bumagsak ang bangs. Our bodies glistened with water.
Bumalik na kami sa gilid ng pool at umupo ro'n habang nakababad ang mga binti namin. Umihip ang hangin at naramdaman ko ang lamig. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. I tried to fight it off by rubbing my palms on my arms. Nabawasan kahit paano. Pero muli akong nakaramdam ng kakaibang lamig. Hindi 'to galing sa hangin. Galing 'to sa gilid ko, mula sa kabilang pool.
Pasimple akong lumingon sa aking kanan. There Valeria was looking at me. Agad din siyang umiwas ng tingin nang napatingin ako sa direksyon niya. She might be upset that I got reassigned here. Dapat ako ang kasama niya ro'n.
Priam seemed to be unbothered by the cold. Napansin kong half a meter ang agwat ko sa kanya kaya umusod ako nang kaunti para mas maging close kami. Who knows? Baka biglang sumulpot si Reynard at mang-intriga rito. We had to be prepared with what to show them.
"Are you enjoying your time with us?"
Lumingon ako kay Priam na nakaupo sa aking kaliwa. He laid his palms flat on the pool's edge. Deretso ang tingin niya sa mga punong nasa harapan namin. A moment later, lumingon din siya sa 'kin at nagkatitigan ang aming mga mata. Our eyes locked for a moment.
Yumuko ako at ngumiti. "I've never been to a team building before, kaya unique ang experience na 'to sa 'kin. So far, I'm enjoying myself. This isn't my turf dahil hindi ako leader material, but I learned something mula sa talk kanina. Nakae-enjoy rin ang mag-prepare para sa activities."
"We've asked too much by requesting you to come with us this weekend." Muling nabaling ang tingin niya sa mga puno. "I don't want to inconvenience anyone for something they didn't have to do. But Cas insisted that this is a must for us."
"It's part of the deal I signed with you." Nagawi na rin ang tingin ko sa direksyon kung saan siya nakatitig. Maybe he found the green scenery calming. "Ako pa nga dapat ang mahiya sa inyo dahil libre ang lahat ng expenses ko rito. Aside pa 'yan sa scholarship na ibinigay n'yo sa 'kin. I hope I'm not disappointing you."
"You're doing a great job so far. Your main objective here is just to be seen with me. Extra na ang pagtulong mo sa aming mag-ayos at mag-facilitate sa event na 'to."
"Sana'y hindi ako nagiging burden sa inyo—"
"Not really. I'm sure Cas and the others appreciate your help."
And the others? Hindi ko masabi kung lahat sila'y okay sa presence ko rito. Valeria's obviously faking it kapag magkaharap at magkausap kami. Deep inside, nararamdaman kong may namumuong negative feeling siya sa 'kin. Jealousy might be one way to put it, but I couldn't speak for her emotions. Ang kutob ko'y nakikita niya akong threat kahit na alam niyang pretend girlfriend at First Lady for seven months lang ako ni Priam.
I couldn't blame her for being not at ease. May ilang doubts na hindi basta-basta maaalis kahit anong assurance ang ibigay o marinig natin. She might be concerned na baka ma-fall ako kay Priam o ma-fall si Priam sa 'kin. Kapag nangyari 'yon at na-reciprocate namin ang feelings ng isa't isa, she would lose her chance to be with the person she admired.
Maybe I could ask the man himself? Tutal nandito na rin kami.
"Priam," I called bago ako humarap sa kanya. Agad siyang lumingon sa 'kin at nagkapalitan na naman kami ng tingin. I paused for a few seconds. "The thing between us is just for a show, right?"
Tumango siya. "It is."
"Do you think it's possible for either of us to fall for each other?"
Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa 'kin. Dineretso ko na siya, wala nang paligoy-ligoy pa. I had already told Valeria na iiwasan kong ma-fall kay Priam, but I couldn't say the same for Priam. Depende sa magiging sagot niya ang level of assurance na maibibigay ko sa oras na magkausap kami nang seryoso ng babaeng 'yon. I wanted to put her mind at ease. Ayaw ko ng gulo, lalo na sa pagitan naming babae dahil lang sa isang lalaki.
Priam chuckled as he averted his gaze. "Who knows? I haven't thought about that possibility."
"Eh?" My brows furrowed at him.
"I won't say it's impossible, but it's not on my mind right now. My number one goal is to do my duty and get myself reelected. My second goal is to pass my subjects and maintain my status as a President's lister. Everything else matters less or matters not at all."
I bowed my head and heaved a sigh. Mukhang hindi ko mabibigyan ng malinaw na answer si Valeria kapag nagkataon. Sakaling sabihin ko sa kanya ang isinagot sa 'kin ni Priam, baka lalo siyang mag-overthink. Baka maging cause pa ng anxiety niya ang possibility.
"Just to be safe, try not to be too attached to me," he added. "It's a good thing that our discussions whenever we're together are always at surface level. We don't go that deep. But if the time comes that you feel like you're starting to develop feelings for me, kill it immediately."
Hinampas ko siya sa braso. He groaned softly. That's a first. "Feeling mo ba'y basta-basta ako mapo-fall sa 'yo? This is just a role that I play when I'm with you. I'm shielding my heart from any feelings na posibleng ma-develop nito. At saka, ganito rin ang ginagawa ko sa stage plays namin. Kahit gaano pa kagwapo o ka-charming ang co-star ko, hindi ko hinahayaang mahulog ang loob ko sa kanya. Once the show is over, we're back to the way we were before the play."
"Then that won't be a problem for either of us." Priam glanced at me sideways. "I remember Castiel telling me to not fall in love with you the day before our first meeting. What a useless reminder."
Sabay kaming natawa nang mahina. Even his chief-of-staff was against us developing feelings for each other.
"Speaking of Castiel . . ." Naalala ko na naman ang intense scene kaninang lunchtime. "Does he have a beef with the CBA student council chairman? He looked so tense habang kausap niya. Usually kalmado kasi siya, 'di ba? 'Tapos kanina, iba ang aura niya . . ." Halos sigawan pa nga niya ako.
Muling napatingin sa 'kin si Priam, pero hindi siya sumagot. Was it too serious or too sensitive?
"I-I don't mean to intrude, pero hindi ko maiwasang maging curious. Lalo na no'ng sinabihan niya akong iwasan ang lalaking 'yon. I want to know sana kung bakit. Nahiya akong itanong kanina sa kanya."
Yumuko si Priam, pinanood ang paglalaro ng mga paa niya sa tubig. "I'm not in the position to tell you why Cas feels that way toward that person. All I can say is that it's personal."
I knew it. Hindi lang 'yon tungkol sa USC at CSC. May mas malalim pang ugat.
"As for me, I don't have anything personal against Alaric." He looked up at the gray skies. "But as a fellow student leader, he is and he will be a problem to me and the USC."
"H-How?"
"Alaric is so influential, he managed to block most of our proposals in the LEXECOM. He is also set to run for the USC presidency in the next election." Seryoso siyang tumingin sa 'kin. "He's going to be my challenger. Because of him being a formidable threat, Cas has another reason why he hates the guts of that guy. Oh, speaking of the devil."
Umangat ang tingin niya na sinundan ko. Papalapit sa area namin ang limang participant na may dala-dalang dilaw na flag na may mukha ng tiger. Alaric, the person we were just talking about, was leading the pack. He wasn't wearing any shirt or sando kaya kitang-kita ang malaki at maskulado niyang pangangatawan. Parang sinasadya niyang ipagyabang sa 'min.
"Let's get this over with," bulong ni Priam sabay tayo.
Tumayo na rin ako. Sabay naming sinalubong ang unang team sa aming challenge. I welcomed them and explained the game mechanics. When they got no questions, lumusong na sa pool ang lima at sinimulan na ang isa-isang pagsisid para sa rings na nasa ilalim.
At this point, hindi ko pa lubusang alam kung ano ba 'tong pinasukan ko.
★ ★ ★
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!
Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top