Chapter 15: Triple Threat


FABIENNE

BAKIT BA biglang sumusulpot ang Reynard na 'to? 'Tapos hindi pwede na walang kasama na pang-iintriga. Kanina, no'ng nasa waiting area ako malapit sa gymnasium. Ngayon, sa labas naman ng boy's room. I was already aware that he's snooping around, pero hindi ko in-expect na ganito siya ka-aggressive. He's starting to act like a paparazzi.

"I lent her my council shirt," Priam answered. Ang bilis sumagot kapag walang tinatago, 'no? "Do you have any problem with that?"

Nagawi sa 'kin ang tingin ni Reynard. Mabuti't tumigil na sa pagkuha ng photo ang kasama niya. He then looked at the folded blouse on my arm. Nanlaki ang mga mata ko't agad na itinago 'yon sa aking likuran. "Kung talagang pinahiram mo lang siya ng damit, bakit sa boy's room siya nagbihis at hindi sa girl's? Magkatabi lang ang mga kuwarto n'yo. Won't she be more comfortable to change her clothes in their room?"

I bit my lower lip. Wala naman kaming ginawa ni Priam sa kanilang room, pero feeling ko parang may pinagtatakpan kami. Kasalanan ko rin kasi kung bakit open sa misinterpretation ang encounter na 'to. Kung sa girl's room ko naisipang magbihis, hindi sana ako mahuhuli ni Reynard na galing sa kuwarto ng mga lalaki.

Siyempre, I couldn't tell him na sinasadya kong iwasan si Valeria. Baka kung ano pang tsismis ang ipakalat niya. That's the last thing we would want to happen—to create a controversy within the council. Ayaw ko nang gawing mas complicated ang sitwasyon.

But thankfully, it's not that hard para makaisip ng palusot.

"May gumagamit pa kasi sa comfort room namin kaya nakigamit ako sa boys," paliwanag ko. "Wala namang rule na nagbabawal na pumasok sa kuwarto ng opposite sex at makibihis sa kanilang CR, 'di ba?"

Naningkit ang mga mata ni Reynard sa 'kin, mukhang hindi pa rin convinced. Couldn't he just let us go and mind his own business? Wala ba siyang mas importanteng iko-cover sa team building?

"It's too early for the two of you to do anything naughty," Reynard teased, his face relaxed. Bahagya akong nakahinga nang maluwag, pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Napapalatak pa nga siya. "Sayang! Akala ko may scoop na kaming pwedeng i-pitch sa mga ka-Marites namin sa campus media. Maybe we'll have better luck next time. The day is still young, and we'll be here until tomorrow. See you around!"

Kumaway na siya't nagpaalam na sa amin. Sumunod sa kanya ang kasama niyang photojournalist na si Percival Justiniano—that's the name on his media ID.

Maluwag na akong nakahinga nang nawala na ang dalawa sa paningin namin. That wasn't even a close call, pero ramdam ko ang stress.

"Let's go to your room?" tanong ni Priam na nauna sa 'kin. Tumango ako sa kanya't sumunod. Sana'y hindi palihim na naka-monitor sa amin si Reynard. Baka kung ano na namang intriga ang maisip kapag nakita kaming magkasamang pumasok ni Priam.

As expected, natuon agad sa 'kin ang tingin ni Valeria pagpasok namin sa kuwarto. Priam was talking to her about the guest speaker's whereabouts. On the way na raw. Nakasasagot siya habang patingin-tingin sa messages, pero pasulyap-sulyap din siya sa 'kin. Her glances made me feel uneasy so I excused myself and went outside for a while.



DUMATING NA rin ang oras para sa morning session. Nauna ang USC officers kasama ako sa gazebo para i-prepare na ang mga equipment sa seminar. Sinundo nina Valeria at Sabrina ang guest speaker sa entrance habang kami nama'y naiwang nag-ayos dito. I-s-in-et-up ang projector screen at ang projector sa mesa sa bandang unahan. Inayos na rin ang mga mesa't upuan para hindi masyadong malayo sa harapan.

Pinuntahan ni Rowan ang villa ng CSC officers. Meanwhile, kami nama'y lumapit sa bagong dating na guest na sandali kaming ipinakilala. Dati rin pala siyang USC officer at nagtatrabaho ngayon sa isang government agency. She gave her thumb drive kay Sabrina at ipina-open ang kanyang slideshow presentation.

During the preparation, ramdam ko ang mas napadalas na pagsulyap sa 'kin ni Valeria. Kung hindi ko napi-feel na may gusto siya kay Priam, baka naisip kong may crush siya sa 'kin. She's not looking at my face, but at my shirt. Nabo-bother ba siya na suot ko ang damit ni President? Well, this was the consequence of her doing. Kung hindi niya kinalimutan ang polo shirt para sa 'kin at kasya ko ang damit niya, hindi maiisipan ni Priam na pahiramin ako ng damit. Her plan backfired.

By exactly nine o'clock, everyone's already gathered in the gazebo. Kanya-kanyang puwesto ang CSC officers sa siyam na round table. Ako at ang USC officers ay nasa gilid, sa tabi ng mesa kung saan ino-operate ni Sabrina ang laptop at projector. Umaaligid naman si Reynard at ang kasama niyang photojournalist na pakuha-kuha ng candid photos. He smiled at me when our eyes met briefly. Siyempre, sinagot ko rin siya ng pilit na ngiti.

And the leadership talk began. This seminar wasn't for me. I might be the lead role on theater, but I was never a leader. Kahit gano'n, pinilit ko pa ring magmukhang interesado sa talk ng guest speaker. She spoke about the definition of leadership, the qualities of being a good leader, the difference between a leader and a boss, and what type of leader we should all aspire to be. As someone na hindi suki sa team building activities at leadership seminars, this was something new to me. Kahit paano'y may napulot naman ako.

"Good leadership is not just measured by how leaders plot and execute their plans, but also by how they respond to changes that they fail to foresee," sabi niya sa isang segment. "You don't praise the captain of a ship just because they know how to sail. You praise them because they know how to steer clear of the rocks and endure the crashing waves they will encounter in their voyage."

Lumingon ako kay Priam na tahimik at taimtim na nakikinig. Was he that kind of leader? He had been the USC president for almost three months now. May mga naikuwento na siya sa 'kin tungkol sa experience niya bilang officer. Siya mismo ang nagsabi na parang wala masyadong challenge sa kanilang council. Everything's going smoothly, except for a few hiccups. But he said he's always on guard because something might happen at any time.

Sunod akong napatingin kay Castiel. Nakaupo siya't nakahawak ang parehong kamay sa handle ng walking cane niya. If one had an organized chief-of-staff like him, duda akong mahihirapan ang gaya ni Priam sa pagpapatakbo sa council. Kung sa Oplan First Lady nga, sobrang detalyado at metikuloso niya, paano pa kaya sa mismong council duties?

Teka, was it just me o napangingiwi ang mukha niya?

Matapos ang kanyang leadership talk, nagpa-conduct ang guest speaker ng short activity sa student leaders. She asked each participant to pass around a piece of paper kung saan isusulat ng iba ang kanilang impression sa taong 'yon. Kasali ang USC kaya hindi ako ligtas kahit na hindi talaga ako student leader material. Ayaw kong mag-inarte kaya naki-join na rin ako.

At the end of the activity, I checked the words written on my paper. Hindi sa pagmamayabang, pero medyo ine-expect kong magaganda ang isusulat tungkol sa 'kin. And I was proven right! They were overwhelmingly positive—beautiful, attractive, pretty, sweet, talented at lahat ng synonyms ng mga salitang 'yan. But there's one word that caught my attention. Sandaling nawala ang ngiti ko nang nabasa 'yon.

The word was fake.



LUNCHTIME FINALLY came a quarter after noon. Nag-set ng long table sa gazebo ang catering services at inilagay ro'n ang mga ulam, kanin, prutas at dessert. There's a variety of food and drinks to choose from! Meron ding malalaking jars ng fresh buko, mango, lemon, cucumber at blue lemonade.

As usual, kasama ako sa table ng USC officers. Nasa kaliwa ako ni Priam habang nasa kanan naman niya si Castiel. Nasa kaliwa ko si Rowan habang magkakatabi sina Valeria, Sabrina at Tabitha. Katatapos lang naming pumila para kumuha ng pagkain. They served us roast beef with mashed potatoes at may kasamang mushroom soup.

Hindi ako komportable habang kumakain. Nginunguya ko nga ang pagkain sa bibig ko, kaso hindi ko malasahan. Wala akong sakit, pero nakoko-conscious kasi ako sa panay na sulyap sa 'kin ni Valeria.

"You know what they lagay in my paper? They wrote na I'm a conyo. I mean, first impression nga ang hinihingi, right? How would they know na isa akong conyo by just looking at me?"

"Mukha ka naman talaga kasing conyo kahit hindi ka magsalita."

"Uy, grabe ka, Val! Hindi mo ba knows na nahe-hurt din ang pakiramdam ko?"

Habang nakikipagkuwentuhan at tawanan siya kay Tabitha, pasimpleng nagagawi ang tingin niya sa direksyon ko. Iisipin ko talagang may crush siya sa 'kin.

Maybe I should tease her? Hindi ako palaganting tao. Walang issue na naiwan niya ang extra shirt para sa 'kin. Hindi rin masakit ang loob ko sakaling siya ang nagsulat ng "fake" sa papel ko. But she's making me feel uncomfortable. I might as well make her feel the same.

"Priam?" tawag ko sa aking katabi. Inihanda ko ang spoon na may kaunting kanin at ulam. "Gusto mo bang subuan kita?"

Kumunot ang noo niya. Napahinto sa pagnguya at pagkalansing ang mga kutsara't tinidor ng mga katabi namin. Tila sandaling tumigil ang mundo sa aming mesa. I felt their stares at me na parang hindi sila makapaniwalang naitanong ko 'yon.

"I didn't know na may pagka-aggressive pala itong si Fabienne," komento ni Rowan, napapunas ng labi gamit ang table napkin. "Which isn't a bad thing, ha? Don't take my words out of context."

"Do you mind?" I stared at Priam with my mesmerizing eyes. Kailangan ko lang isipin na siya ang leading man sa play na ginagampanan namin. I quickly shot a sideway glance at Valeria whose face was turning red.

"Teka!" Valeria objected, just as I expected. Sa kanya na napunta ang tingin ng mga kasama namin. "Hindi paralyzed o naputulan ng kamay si Priam kaya hindi mo mari-reason out na challenge ang pagkain sa kanya. That's obviously a public display of affection, isn't it? We're the USC, we must uphold—"

"Gaya ng p-in-oint out ni Reynard sa 'min kanina, we're not on campus. The rules don't apply here." Lumingon ako sa kanya at ibinaba ang hawak kong kutsara. I wasn't serious about it. Sana'y hindi umasa si Priam. "Isa pa, Castiel encouraged us to be more—how should I put it—expressive during this event. Isn't that, right?"

"That is so." Marahang tumango sa 'kin si Castiel, nakahawak pa rin sa kanyang utensils. "As I've mentioned in the briefing, our love birds need to step up their game."

"See?" Muli kong itinaas ang hawak kong kutsara at dahan-dahang inilapit sa bibig ni Priam. He was unsure on how to react. Dapat ba niyang isubo o hindi?

"But still, that's . . . unsanitary!" Hindi pa rin basta-basta susuko si Valeria. "Isusubo mo sa kanya ang kutsarang pinaggamitan mo? No offense, Fabienne, but we're not sure kung may communicable disease ka ba o wala. Baka mahawa si Priam kung sakali. We need to make sure na mananatili siyang healthy."

Kumurap ako sa kanya. Grabe, ha? Umabot pa sa point na pinagdudahan niya kung may nakahahawa akong sakit? Ayaw talaga niyang matuloy ang balak ko.

"That's also an indirect kiss," singit ni Rowan sabay turo ng kutsara niya sa 'kin. "Some may see it as disgusting, but I see it as romantic."

"That's kadiri kaya!" bulalas ni Tabitha.

"K-Kiss?" Lalo pang namula ang mukha ni Valeria. She's making it too obvious. Dapat mag-chill siya at huwag masyadong pahalata. Maybe I should teach her how to hide her emotions and act appropriately in a given situation. "Romantic or not, I don't think na ito ang tamang way para ipakita na may something sa kanila."

Tuluyan ko nang ibinaba ang spoon sabay yuko. After a few seconds, umangat ang aking ulo at ngumiti sa kanya. "If the vice president thinks it's inappropriate, hindi ko na ipipilit pa."

Hindi pa rin na-relax ang mukha niya. Talagang na-bother ko siya sa ginawa ko. That's enough. I more or less confirmed na tama ang hinala ko: She has feelings for Priam and she easily gets jealous.

"Oh, ubos na ang drink mo?" tanong ko nang ibinaba ni Priam ang walang laman niyang baso. "Gusto mo bang ikuha kita?"

"No, it's fine—"

I snatched his glass away from his reach as I got to my feet. "I must insist, Mr. President." Nagbato na naman ng seryosong tingin sa 'kin si Valeria. Ramdam kong sinundan niya ako ng titig habang naglalakad ako palayo sa mesa namin. Maybe she's going to watch my every move today.

Lumapit ako sa catering table at akmang bubuhusan ng lemon juice ang walang lamang baso. As I touched the jar's handle, may isa pang kamay na humawak nito. Parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa braso ko.

"Oops, sorry!" Agad akong bumitiw.

"No, please go ahead!" Bumitiw rin ang kamay niya.

My head turned to my right and saw a CSC officer who was way taller and bigger than me. Gaya ko, may hawak siyang baso na walang laman. His hair was swept back, revealing his forehead. His silver eyes were mesmerizing. Nakasuot siya ng yellow and black polo shirt na may mukha ng tigre sa chest part. The color and the animal . . . He must be from the College of Business and Accountancy. Binasa ko ang nakasulat sa kanyang nametag: Alaric.

"Ladies first." Nagmuwestra ang kaliwang kamay niya sa jar.

"Thank you," tugon ko bago pinuno ng laman ang baso ni Priam. Maingat kong ibinalik sa mesa ang mabigat na jar. Baka biglang dumulas sa kamay ko.

"Fabienne? What a nice name." Nabasa niya ang aking nametag. Siya naman ang naglagay ng juice sa baso niya. "You're from the USC? It says right on your shirt."

"Ah, no!" Mabilis akong umiling. Sabi na nga ba, may makapapansin nito. "I'm also not the president. Ipinahiram sa 'kin ang damit na 'to para uniform kami ng mga taga-USC. I'm just a student volunteer."

"A volunteer?" pag-uulit niya, napaangat ang kaliwang kilay. "Akala ko nadagdagan na ang USC officers." Naningkit ang mga mata niya sa 'kin. "But your face looks quite familiar. I must have seen you somewhere."

Sana'y hindi pa natso-choke si Priam kasi nakikipagtsismisan pa ako rito. I thought it's rude to just walk away. "Did you watch Mulan last semester?"

"I think I did. It's a great show!"

"I played the lead role." Sinubukan kong magtunog na humble, kaso 'yon talaga ang totoo, eh. "Baka do'n mo ako nakita kaya familiar ang mukha ko."

"Oh, really? Baka nga!" pagulat niyang sabi. "But I think I've seen you more recently. Where could have I . . ."

I forced a smile. Alam ko na kung saan niya ako nakita. "Maybe on posts about the rumored girlfriend of a certain student leader?"

Tumitig siya sa mukha ko bago sa USC logo sa damit ko. Napaturo siya sa 'kin at napabuka ang bibig. "Aha! So you're that mystery girl! Now it makes sense! Looks like the rumors are true, huh?"

Ngumiti ako. Up to this point, I could neither confirm nor deny kung tama ang tsismis. That's Castiel's strict instruction to us.

"I didn't expect the president to bring his rumored girlfriend with him in this event," dagdag niya. "How bold of him."

Uh-oh. Baka magkaroon ng maling impression ang lalaking 'to. Hindi nga magandang tingnan kung isinama ng isang student leader ang kanyang jowa sa isang event na hindi naman siya invited. "I'm here as a volunteer. Walang kinalaman kung anumang tsismis ang kumakalat."

"Don't worry, I don't—"

"May problema ba rito?"

Narinig ko ang papalapit na "clack!" mula sa likuran ko. Castiel walked past me and put himself between Alaric and me. His face twitched and his shaking left hand clutched tightly on his cane's handle. He looked calm no'ng umalis ako sa table namin. Now he looked tense.

"I repeat, is there any problem here?" tanong niya.

"W-We're just having a conversation—"

"I'm not talking to you, Fabienne." Castiel looked at me over his shoulder. That shut me up instantly. Seryoso ang kanyang tono, may halong galit. What's with the sudden change in his mood? Why was he acting and talking this way? Muli niyang ibinaling sa harap ang tingin. "Should I repeat the question for the third time, chairperson?"

Itinaas ni Alaric ang pareho niyang kamay. "Chill, bro! Wala akong ginawang masama sa kasama n'yong volunteer. We're just having a friendly chat over here. There's nothing to worry about."

Lumingon sa 'kin si Castiel. Matatalim ang mga mata niya, malayo sa nakasanayan kong makita.

"T-Tama. Nataon kasi na pareho kaming nagre-refill ng juice." Hindi na niya ako kinailangang sabihan na mag-explain. Sa tingin pa lang niya, alam ko na kung ano'ng gusto niya.

"See?" sabi ni Alaric na napamuwestra sa 'kin. "Wala naman sigurong masama kung sandali akong makipagkuwentuhan sa volunteer n'yo. Or is there a secret rule that I'm not aware of?"

Nagkatitigan ang dalawa. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Castiel came off as aggressive while Alaric remained calm. Wala akong ideya kung ano ang meron sa mga lalaking 'to, but their staring contest was making me feel uncomfortable.

"Let's go back to our table. Baka nabulunan na si Priam," sabi ni Castiel sabay kalas ng tingin. His face was twitching again. Tumalikod na siya't naglakad pabalik sa aming mesa.

Sumulyap ako kay Alaric na ngumiti at kumaway sa 'kin bago siya umalis.

"Fabienne!"

"Yes!" Sumunod na ako kay Castiel at sinubukan kong sabayan ang bilis niya sa paglalakad. Nang magkapantay na kami, do'n ko naisipang batuhin siya ng tanong. "Is there something between you and that Alaric guy? Parang ang intense ng tinginan n'yo kanina."

"Don't ever talk to him again. If you see him anywhere else and he engages you in a conversation, try to avoid him at all cost," sagot niya, napangingiwi pa rin. Ramdam ko ang contempt niya sa lalaking 'yon. I was tempted to ask kung bakit, but I might cross the line kaya nanahimik na ako.

Maybe Alaric was one of their critics kaya hindi maganda ang trato niya rito? But that shouldn't be the case, right? Kakampi man o kalaban, kailangang pantay ang tingin ng isang USC officer sa kanila. Baka may mas malalim pang dahilan kaya gano'n ang attitude niya.

Napansin kong nakahawak ang isa pa niyang kamay sa kaliwang binti. Mukhang sumasakit na naman 'yon. Weird. Sa mga pagkakataon na nagkita at nagkasama kami, his left leg didn't seem to hurt that much. Hindi ba siya nakainom ng gamot para mawala ang sakit? O hindi ba pabor ang lamig dito sa venue kaya sumasakit ngayon?

Bumalik ako sa upuan at inilapag ang baso ng juice ni Priam.

"Thank you," he said, grabbing the glass on the table.

"You're very much welcome!"

As expected, sinundan ako ng tingin ni Valeria. Nang nagkatagpo ang mga mata namin, sinagot ko siya ng malawak na ngiti. She also smiled back, but it's forced.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng buko pandan bilang dessert hanggang sa ma-satisfy na kami. Bumalik na muna kami sa kanya-kanyang room para magpahinga at magpalit ng outfit na appropriate para sa activities ngayong hapon.

It looked like this team building wouldn't go smoothly as I had hoped.

★ ★ ★

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top