Chapter 07: The First Meeting

A/N: Now, the much awaited meeting of the USC president and his First Lady!

FABIENNE

PARANG NOONG isang araw lang, pinoproblema ko kung ano'ng magiging kapalaran ko sa university. Hanggang sa pagtulog ko, iniisip ko kung paano ko masosolusyunan 'to. My future was at stake here, kaya hindi ako pwedeng magpakampante hangga't wala akong nahahanap na sagot.

Hanggang sa panaginip nga, sinundan ako ng problema. I was halfway through a hanging bridge nang bigla itong nag-collapse. Sinubukan kong tumakbo para marating agad ang dulo pero nahulog pa rin ako. The fall made me wake up from my dream. I was panting and sweating. Ramdam ko ang pagod ng pagtakbo kahit na hindi totoo.

Then yesterday, nagbago ang lahat. It all started sa isang text message na no'ng una'y akala ko ay scam. Mukhang malakas sa taas ang angel na sumusubaybay sa 'kin, ah? Narinig niya siguro ang pamomroblema ko kaya hiniling niya na pagbigyan ang request ko. Just a few hours later, my wish was finally granted!

Starting today, isa na ako sa iilang mapapalad na USC scholars. And the only thing that I needed to do para ma-maintain ko ang aking scholarship? Magpanggap na First Lady ng USC president at tulungang umangat ang kanyang approval rating. No pressure!

It's surely a weird request. Noong una'y nag-alangan pa nga ako. Could I commit myself to this role? This wasn't theater kaya iba ang tingin ko rito. I asked for an entire afternoon para pag-isipan kung tama ang papasukin ko. Kahit nasa klase ako, tinitimbang ko ang aking options. Kahit nasa script reading kami, iniisip ko pa rin kung ano ang dapat kong isagot.

Before five in the afternoon, do'n ko na ibinigay ang matamis kong oo.

Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko rito. Gusto kong simulang abutin ang mga pangarap ko rito. At handa akong gawin ang lahat para maisakatuparan 'yon. Besides, hindi gano'n kahirap ang kanilang hinihingi sa 'kin. I just needed to pretend as the president's girlfriend for eight months. Wala akong kailangang i-meet na academic requirement. Pwede akong mag-focus sa aking side gig na Romeo and Juliet play.

Today would be the start of the show. Castiel and I exchanged contact details para direkta kaming makipag-communicate outside the USC's official contact number. Mahirap na, baka raw may makabasa sa exchanges namin.

Good morning, Fabienne! Don't forget your meeting with the president today 5pm at Moonbucks Cafe. Table number is 19. Try to get to know him better.

P.S. Just relax!

Heto ang unang text message na bumungad sa 'kin kaninang umaga. Not sure why he had to add the postscript. Wala naman sigurong reason para kabahan ako, 'di ba? It's just me and the president having a cup of coffee in the afternoon.

Nasa University Food Hub ang Moonbucks Cafe. Meron kaming mall-like building dito sa campus kung saan may space para sa food concessionaires. Mas ligtas daw para sa mga estudyante kung hindi na kailangang lumabas pa para ma-satisfy ang food at drinks cravings. Nasa first floor ang food park na may iba't ibang street food stall. Sa second at third floor naman ang sikat na fast food establishments at restaurants.

Here we go!

Pagkapasok sa Moonbucks Cafe, dumeretso ako sa women's comfort room. Tiningnan ko muna kung maayos pa ba ang itsura ko. I put powder on my face and reapplied my nude lipstick. This would be enough for today. Alam kong hindi ko kailangang magpa-impress sa ka-meet ko, pero ayaw ko namang magmukhang haggard sa harap niya. Hindi ko muna ipakikita ang A game ko dahil hindi pa raw kami ni Mr. President, according sa script ni Castiel.

This is your first meeting. Keep in mind that you're not the First Lady yet. Your primary objectives for today are: First, get to know the President. Second, get the attention of students in the cafe.

Mukhang pinagplanuhan niya talaga 'to. Imagine, may objectives pa? Para akong isang sundalo na binigyan ng utos ng commander ko. But I didn't mind. Sanay na akong sumunod sa script, and as an actress, I wouldn't do anything against it, unless kailangan kong mag-improv.

I put my lipstick back in my bag and looked at myself in the wide mirror. My hair was perfect. My face was perfect. My lips were perfect. Mukhang fresh na ulit ako na parang bagong ligo. I tucked some strands of my hair behind my right ear. Nang ready na ako, lumabas ako ng women's comfort room at mabagal na naglakad pabalik sa customer's area.

Kapag ganitong oras, maraming tao sa cafe na 'to. Most of them were students who just had their afternoon classes dismissed. It's one of the popular coffee shops on campus—if not the most popular. Masuwerte kapag may mauupuan pa. Malas kung punuan na. I wasn't surprised na nagpa-reserve pa ng table si Castiel para ma-secure na may table kami.

Iginala ko ang aking tingin at hinanap ang number sa mga mesa. Una kong nakita ang #12. Inalam ko ang arrangement nito habang naglalakad nang mabagal. My head panned from left to right and vice versa.

Sixteen . . . Seventeen . . . Eighteen . . . Nineteen. Found you!

A guy in maroon blazer sat there alone. Una kong hinanap ang brooch sa kanyang lapel. Hayun! May logo ng university namin, gaya ng brooch ni Castiel. If a student wanted to know if they're meeting a student council officer, they just had to look at that accessory. 'Yon ang dead giveaway.

Just to be sure, mabilis kong inilabas ang aking phone at ch-in-eck kung siya ba ang USC president. Baka body double lang 'to o ibang USC officer pala. Bagsak na bangs at itim na buhok? Check. Maputlang mukha? Check. Malamlam na mga mata? Check. Kamukhang-kamukha niya ang nasa photo. Imposibleng magkamali ako.

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumapit sa table niya. Seryoso siya sa pagbabasa ng menu kaya nakayuko siya't hindi napansin ang paglapit ko. Napakapit ang kanang kamay ko sa strap ng aking shoulder bag. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kalma lang, Fab! Hindi ka naman niya pagagalitan. Wala kang nagawang mali.

"Hi!" bati ko sa kanya nang nakaabot na ako sa gilid ng table.

Iniangat niya ang kanyang ulo kasabay ang tingin. Kumurap ang mga mata niya sa 'kin, parang kinikilala ang itsura ko. I put on my best smile and waved my right hand at him.

"Good afternoon!" I said in my sweetest voice. "Sorry, pinaghintay ba kita?"

He then smiled at me. Kung kanina'y seryoso ang mukha niya, ngayo'y umaliwalas na. "Not at all. Please take a seat." His right hand motioned to the seat across him.

I did what he told me and placed my shoulder bag beside me. Wait, dapat ba akong magpakilala sa kanya at makipag-shake hands? 'Yon kasi ang ginagawa kapag may bagong nami-meet na tao, 'di ba? This was our first time meeting each other.

No! That's too formal! Dapat casual ang approach sa meeting na 'to. I wasn't here for a job interview. Iba 'to sa unang meeting namin ni Castiel. I didn't need to shake the hands of everyone I would meet.

"You must be Fabienne Lucero," sabi niya. "The star of last theater season's Mulan."

"And you must be the USC president, Priam . . . " Uh-oh. What's his last name again? Alam kong "Priam" ang first name niya at nagsisimula sa letter T ang kanyang apelyido. I smiled at him awkwardly until my voice faded.

"Torres," he corrected me habang nakangiti pa rin.

"Right!" I laughed away the awkwardness. Baka biglang bawiin ang scholarship ko dahil nakalimutan ko ang surname niya. "Sorry, hindi ako matandain sa pangalan, eh."

"That's okay, no worries." Iniabot niya sa 'kin ang menu habang nakatitig pa rin ang mga mata niya sa 'kin. Parang ayaw niya akong lubayan ng tingin. "Shall we order our drinks?"

"Sure!" Tiningan ko ang choices sa menu. Napalunok ako ng laway habang nakatulala sa presyo. As expected sa cafe na 'to, ang mamahal ng drinks! I wouldn't think of going here if I had a tight budget.

"Don't worry about the expenses. The USC will shoulder your food and drinks." Tanda kong text message sa 'kin ni Castiel.

Kung gano'n, I could order whatever I wanted! Susulitin ko na.

"I'll have black tea latte. Hot."

"How about snacks? Gusto mo ba ng burger, clubhouse sandwich o fries?"

"I'm good! Medyo busog pa kasi ako, eh."

"Wait for me here." Tumayo si Priam at pumila sa counter. Sinundan siya ng tingin ng mga estudyante sa kabilang table. Mahaba pa rin ang line kaya medyo matatagalan siya bago makabalik sa table namin.

Hindi ko napigilang mapangiti. This was going better than expected! Nawala ang lahat ng kaba ko nang nginitian niya ako kanina. Kung seryoso siguro ang mukha niya, baka lumala ang aking kaba at pilit ang ngiti ko habang magkausap kami. But no! Gumaan pa nga ang loob ko, eh.

Talaga bang ang USC president ang ka-meet ko ngayon? He looked so different from the time he delivered his speeches during the campaign period and from the serious look of his face in the pictures. Parang malayo sa mga tsismis na narinig ko tungkol sa kanya. They said he's intimidating, but I didn't feel that way. Approachable nga siyang tingnan, 'yong tipong pagtatanungan mo ng directions kapag naliligaw ka. Hindi rin siya gano'n ka-haggard, mukhang nag-apply siya ng facial powder bago nakipagkita sa 'kin.

Maybe this First Lady business would go easy, basta't ganito ang mood niya sa tuwing kailangan naming magkita.

"Teka, ang USC president 'yong nakaupo ro'n, 'di ba?"

"Oo! Kita ko 'yong brooch niya kanina."

"Bakit parang iba ang aura niya? Akala ko ba masungit 'yon?"

"Ewan, nakakapanibago. Hoy, pansin n'yo ba 'yong kasama niya?"

"'Yong girl? Parang familiar ang mukha niya, ah?"

"Baka mabait siya kasi may ka-date."

Kahit ilang table ang layo namin sa mga estudyanteng nagtsitsismisan, dinig na dinig ko pa rin ang kanilang bulungan. Ramdam ko rin ang mga titig nila sa 'kin, medyo nagiging uncomfortable na nga ako, eh. But I shouldn't be distracted. Kailangan kong manatiling focused sa meeting namin.

Anyway, we're starting to get the students' attention. Mukhang na-accomplish ko ang isa sa primary objectives ko today. Ang kulang na lang ay lalo ko pang makilala ang USC president. Baka gusto niya rin akong kilalanin? Obviously! He must be curious kung sino ang papapel na First Lady niya.

"Here."

Masyado akong absorbed sa pakikinig sa tsismisan na hindi ko napansin ang pagbalik niya. I didn't know how he did it, pero naunahan pa niyang um-order ang mga nakapila. Maybe he used his privilege as a USC officer para mag-cut sa line. Meron bang gano'n?

Priam placed the tray with two drinks on the table. Kita ko ang steam mula sa aking cup at ang maraming ice cubes sa kanya. I smiled at him as I grabbed my hot drink. He smiled back at me, kaso nabawasan ang lawak ng ngiti niya kumpara kanina.

Hinipan ko muna ang black tea latte bago ko dahan-dahang ininom. Ooh! The taste was worth the price! Malayo ang lasa ro'n sa nabibili sa food court sa baba.

Pinanood ko ang pag-inom ni Priam sa creamy iced coffee. Hindi ko alam kung talagang mabagal siya sa pag-inom o nako-conscious siya sa presence ko. Baka nahihiya pa siya sa 'kin, which was totally understandable.

So what now?

"You must be busy in the USC." Ako na ang nag-start ng conversation. Hinintay ko munang matapos siyang uminom. "You're the president after all. Ang hectic siguro ng schedule mo, 'no?"

"Being busy is just normal for us in the council," sagot niya pagkababa ng cup. "We're planning the team building for the College Student Councils. How about you? Busy in your theater role?"

"We've started the prep," tugon ko habang hinihipan ang aking inumin. I held on it dahil sa init na bigay nito sa mga kamay ko. Malamig kasi sa cafe. "Binabasa muna namin ang script bago kami sumabak sa rehearsals. It might take two to three weeks bago kami mag-start."

I liked how this was a conversation between strangers na gustong makilala ang isa't isa. I didn't get the feeling that I was being forced into a relationship with him. Kung ganito ang aasahan kong experience sa susunod naming pagkikita, I would have no problems. Parang nakikipag-usap ako sa friend o classmate ko.

"I watched Mulan last year," kuwento niya. "I don't usually give sincere compliments, pero ang galing ng acting mo ro'n."

"Thank you." Pakiramdam ko'y nag-init ang magkabilang pisngi ko. My face must be blushing. Ang mismong USC president ba naman ang pumuri sa 'kin? Ganyan talaga kapag nakaririnig ako ng praise mula sa iba. Nagkukulay kamatis ang mukha ko. "Medyo challenging ang role na 'yon. Are you into theater?"

"Not really." Parang nawala na ang pagkinang ng mga mata niya, bumabalik sa pagiging malamlam gaya sa picture. "My friend dragged me to the auditorium, so I had no choice but to watch the play. He said it's good optics if students would see me enjoying the same thing that they did."

Napakurap ako sa kanya. So he only watched it for the sake of being visible? Oh, yeah. We showed Mulan weeks before the student council elections. "Let me guess: Si Castiel ang pumilit sa 'yo, 'no?" I might not be familiar with all USC officers, pero malakas ang kutob kong siya ang may pakana n'on. He gave me the vibe of someone who liked to plot and scheme.

"He did."

Sabi ko na nga ba! "Sana makapanood ka ng Romeo and Juliet kapag showing na sa audi. It will mean a lot to me kung panonoorin ako ng USC presi—"

"Ugh. Sorry, I can't do this."

Natigil ako sa pagkukuwento. My eyes repeatedly blinked at him. Did I say something wrong? May masama ba sa pakiramdam niya? Maybe it had something to do sa invitation ko? Hay, dapat kasi hindi ako nagpadalos-dalos. I should take it slowly, baka bigla siyang na-overwhelm.

"Okay lang kung hindi ka makapanood. Alam ko namang busy kayong USC officers—"

"No, I wasn't talking about that." For the second time, c-in-ut na naman niya ako. Tuluyan nang nawala ang maaliwalas na mukha niya at ang smile sa kanyang labi. Pareho pa rin ang itsura, pero parang iba na ang kaharap ko. "I was talking about this."

This? Oh, our meeting?

"May . . . problema ba?" nahihiya kong tanong. "May sinabi ba akong mali? Napasobra ba ako sa kadaldalan?"

He shook his head. "I tried to pretend to be enthusiastic about this, but I can't keep up. It's not really in my character to put up pretenses. Wala pa ngang isang oras tayong nag-uusap, na-drain na agad ang energy ko. Paano pa kaya sa loob ng ilang buwan? I won't last that long."

Wait, what? Ibig bang sabihin, 'yong ngiti at init na ibinungad niya sa 'kin kanina ay pagpapanggap lang? Na hindi talaga 'yon natural sa kanya?

Ugh! I should have noticed it at the get go! There's no way someone who's currently unpopular would be so cozy to a girl na hindi pa niya nakilala before. I fell for his acting!

Teka, baka biglang mag-change mind ang USC at ipatigil ang Presidential Image something something nila? Hala! Paano na niyan ang scholarship ko? Matitigil din ba? No, I should convince him to proceed with it!

"Priam," tinawag ko ang pangalan niya gamit ang malambing kong boses, "hindi mo kailangang magpanggap na masaya at ngumiti kapag nagkikita tayo. You can be yourself if you want. I won't judge you."

"How about you?" he asked. "Are you being yourself right now?"

Bakit sa 'kin napunta ang usapan? "I'm playing a role right now." I chuckled nervously. If I were being myself, I wouldn't be spending time with him here.

"If I can be honest with you, I'm not a hundred percent on board with this First Lady thing." He shook the contents of his cup while staring at it. "But Cas unnecessarily put so much effort into this plan so I decided to play along. That's why I'm here."

Uh-oh. Magtse-change mind na ba siya? Lagot.

"I don't want to get people involved in the mess of my own making." Umangat sa 'kin ang tingin niya. "Dragging someone like you into this charade doesn't sit well with me. I should probably return to the office and tell Cas to call this off. On behalf of the USC, I apologize for the—"

"Teka! Teka!" Bigla kong hinawakan ang kaliwang kamay niya. Ang lamig, parang humawak ako ng yelo. My eyes stared at his hand before flicking up to see his stunned face. "Baka pwede nating pag-usapan? Maybe we can make this work?"

Ano ba 'yan? Parang linya ng babaeng ayaw makipag-break sa jowa ang dumulas sa bibig ko. Masyado ko yatang na-internalize ang pagiging pretend girlfriend niya? Mali, mali! I needed to step back.

"My hand."

"Huh?" Muling nagawi ang tingin ko sa kamay niya na hawak-hawak ko pa rin. Agad kong binitawan 'yon. "Sorry, na-carried away ako sa eksena—este, sa sinabi mo."

"Are you afraid that we will revoke your scholarship if we call off this First Lady plan?" Tinitigan niya ako nang mata sa mata. Saglit akong napaisip kung nababasa ba niya ang tumatakbo sa isip ko.

I wanted to say no, but I'd be lying if I said so. Kumalas ako ng tingin sa kanya. "N-Not really."

"Fear not. You may remain as one of our scholars even if you won't do your First Lady duties," he assured me. "Think of it as a birthday gift from us. Just focus on your studies or your theater career. We will handle this problem ourselves."

Sandali akong yumuko, nakakuyom ang mga kamao ko sa aking hita. I should be rejoicing, right? Meron pa rin akong scholarship kahit wala akong gawin. Maybe they'd just ask me to keep the whole plan a secret. Wala namang kaso 'yon sa 'kin. I knew when and how to keep my mouth shut.

Pwede na akong tumayo, magpaalam at magpasalamat sa kanya bago lumabas ng cafe. Pero parang may pumipigil sa 'kin na umalis. It's the same strange feeling whenever someone would give me something for free. It didn't feel quite right.

"No, that won't do," I replied. Nakayuko pa rin ako.

"Huh? I thought you would be happy if I free you from your potential First Lady duties."

Iniangat ko ang aking tingin sa kanya. "You said it doesn't sit well with you na idamay ako sa gulo mo. Well, it also doesn't sit well with me to win something that I didn't work for."

Muli kaming nagkatitigan. Parang nasa staring contest kami.

"It sounds like you're begging me to let you be my First Lady."

"N-Not really!" I averted my gaze as I put my fingertips together. "Lahat kasi ng bagay na meron ako noon at ngayon, pinaghirapan ko. Nag-training talaga ako nang husto para makuha ang role na Mulan. I-s-in-acrifice ko ang part-time job ko para makapag-perform ako sa theater season na 'to. Noong bata ako, tiniis namin ni Mama ang mahahabang pila sa mga audition para sa commercials. Sana'y maintindihan mo kung bakit hindi ako comfortable na ibigay n'yo sa 'kin basta-basta ang scholarship. I didn't earn it, therefore I don't deserve it."

Sandali akong nanahimik habang nakatingin pa rin ako sa ibang direksyon. Hindi rin umimik si Priam. Ewan kung na-turn off siya sa bigla kong pagkukuwento ng nakaraan ko o na-touch siya sa mga sinabi ko.

"Hindi ko alam kung may mas malalim na rason si Castiel kaya niya naisipan ang First Lady plan na 'to," nagpatuloy ako nang hindi siya kumibo. "Pero sa nakita kong effort niya, he's one hundred percent committed para ma-accomplish kung ano'ng gusto niyang i-accomplish. 'Tapos ikaw, wala pang isang oras, susuko ka na agad? Hindi ka ba nanghihinayang sa effort ng friend mo?"

Oops. Napatakip ako ng bibig sabay nanlaki ang mga mata ko. Mukhang nabigla rin siya dahil nakatitig siya sa 'kin habang nakabuka ang bibig niya.

What did you do, Fab? You've just lectured the USC president—the most powerful student on campus!

Lagot na ba ako nito? Baka hindi lang cancellation ng scholarship ang aabutin ko?

I thought he's going to retort, pero ininom lang niya ang kanyang iced coffee. Napainom din ako sa black tea latte ko. Hinayaan naming tumahimik muna sa mesa namin.

"Playing the role of my First Lady must be easy for you," he broke his silence. Muling nabaling ang tingin ko sa kanya. "You won't have any challenges in acting the part because you're already good at it. But do you know what you're getting into? This isn't just a one-time gig. This is a commitment for eight months at most."

"And I've already agreed to that condition when I said yes to Castiel," I answered. "Halos walang pinagkaiba sa pagiging student aide. Imbes na sa university offices ako naka-duty, iisipin ko na sa USC ako naka-assign. I'll be there when you need me."

"Did you really think this through?"

Tumango ako. "For about five hours."

Sumandal siya sa upuan at nagkrus ang mga braso. Patuloy pa rin ang pagtitig niya sa 'kin. Was there any dirt on my face? May stain ba ng inumin ko sa aking lips? Na-conscious tuloy ako.

Then something crossed my mind kaya bigla akong napangiti at natawa.

"Something funny?" he asked.

Marahan akong umiling habang nakatingin sa aking black tea latte. "May naalala lang ako. Sabi kasi ni Castiel, unpopular ka raw dito sa campus. May mga nag-comment din na unapproachable at parang robot ka. But having been able to talk to you, I realized that they were wrong . . . and I was right."

"Right about what?"

"Merong pinasagot na survey form sa 'kin para sa USC scholarship application," kuwento ko sabay bato ng tingin sa kanya. "'Yong last item sa essay questions ay ano raw ang tingin ko sa USC president. I echoed the sentiments na binanggit ko. But at the end, I added that you have innate goodness. At mukhang tama nga ang basa ko sa 'yo."

"How could you have said so? You don't know me very well."

"Aside from letting me keep the scholarship kahit hindi na ako magpanggap na First Lady mo, concerned ka kasi feeling mo nadadamay ang isang tulad ko sa problema mo. Ikaw mismo ang nagsabi, that doesn't sit well with you. Sinubukan mo ring alisin ang burden ng role na 'to mula sa 'kin. That does speak something about you."

Muli na naman siyang natahimik at sa ibang direksyon bumaling ang ulo. Parang binigyan ko siya ng bugtong 'tapos napaisip siya sa meaning n'on.

"Alam mo bang sa theater, nakatitikim ako ng mura at pang-iinsulto mula sa direktor namin?" share ko sa kanya. "Kung mahina ang loob ko, malamang nag-walk out na ako at hindi na ako bumalik sa stage dahil sa sobrang sakit ng mga pinagsasabi sa 'kin."

Last theater season's director called me a number of names—gaga, tanga, boba, inutil—kaya kapag siguro inasar o ininsulto ako, balewala na sa 'kin.

"Do you know what kept me going? My goals. Gusto ko pang matuto. Gusto kong mapanood ako ng mga tao at ma-appreciate ang talent ko. Gusto kong patunayan sa mga duda sa 'kin na may patutunguhan ang pinaggagawa ko. Lagi kong nire-remind ang sarili ko sa aking goal, 'tapos okay na naman ang feelings ko at handa na naman akong lumaban."

Sa buhay kasi, kapag nadapa ka, it's either uupo ka sa lupa at iiyak o tatayo ka at patuloy na maglalakad. I always chose the latter than the former. Kaya nga no'ng na-fire ako sa cafe, hindi ako nagsayang ng panahon para magmukmok. Nag-apply agad ako sa ibang establishments at nag-submit ng application sa scholarship programs.

"Alam kong alam mo na 'to, pero ire-remind kita: Kung gusto mong makamit ang goal mo, kailangan mong paghirapan, kailangan mong pagtiisan." Teka, bakit parang naging advice session na 'tong meeting namin? Akala ko ba getting to know? "Hindi 'yong nagkagalos ka lang, susuko ka na agad."

"Point taken," Priam said after a minute of silence.

Maybe this was too much for him? Kita ko sa mga mata niya ang hesitation. Napaka-selfish ko yata kung ipipilit kong ituloy pero ayaw niya. I forgot for a second na magkaiba kami ng perspective at background. What seemed easy to me might not be that easy for him. Nahiya tuloy ako sa mga pangaral ko sa kanya.

"Nasa 'yo pa rin kung gusto mong ituloy ang First Lady plan n'yo," sabi ko. "Kung ayaw mo at sa tingin mo'y hindi mo ako kailangan, okay lang sa 'kin. You've given me the scholarship and I owe you big time. Susundin ko kung ano'ng gusto n'yo."

Napayuko siya't bumuntonghininga. May kaunting hint ng kalungkutan sa mukha niya. He must be weighing his options. I did the same when deciding whether I should accept the offer or not.

"If this is what it will take for me to get reelected next election, it seems that I have no other choice but to endure." Priam's eyes raised their serious gaze at me. "Mukhang game ka pa rin sa idea so . . ."

"I'll do kung ano ang gusto n'yong ipagawa sa 'kin," nakangiti kong tugon habang isine-shake ang black tea latte ko.

With just a stare that lasted for a few seconds, it felt like we understood each other.

"Before we proceed, let's make some rules first," he began. Inilabas niya ang kanyang laptop mula sa bag at ipinatong sa table namin. "List down do's and dont's that we need to follow. Set boundaries that we must never cross."

"Sounds like a good idea!"

Napasulyap ang mga mata ko sa aking kaliwa. Ramdam ko ang tingin ng mga estudyanteng kanina pa pasulyap-sulyap sa 'min. Mabuti't hindi masyadong malakas ang boses namin ni Priam kaya malamang wala silang narinig.

"Do you mind kung tabihan kita riyan?" tanong ko.

Sandali siyang natulala sa 'kin. "Are you sure?"

"Baka hindi mo marinig nang malinaw ang mga sasabihin ko kung nandito ako. At saka, isa pa, we're starting to get people's attention. Isa 'yon sa objectives na i-s-in-end sa 'kin ni Castiel."

"Ah, those pesky curious fellows." He glanced at the table where my lips pointed. "Sure, sit beside me. I assume we would be doing this more often, so it's best to get used to it as early as now."

"Yay!" Kinuha ko ang aking shoulder bag pati na ang cup at tumabi sa kanya. Umusog siya nang kaunti para bigyan ako ng space.

"First, we shall not hold hands while in public."

"Eh? Bakit?"

"We have an anti-PDA rule on campus. As the president, I must not break my own laws. It will reflect badly on me and the council."

"Kaya ba parang nagulat ka kanina nang hawakan ko ang kamay mo?'

"Nakagugulat talaga dahil walang pasabi. But more importantly, I don't want to set a bad example here."

Nagpatuloy ang pag-uusap namin sa do's and dont's hanggang sa makabuo na kami ng listahan. Mostly siya ang naglagay ng items do'n. Kakaunti lang ang ipinasama ko.



BY SIX in the evening, we agreed to call it a day. One hour was enough for our getting to know session, though I didn't really get to know him at all. Parang ako pa yata ang mas nakilala niya dahil sa mga sh-in-are ko. But that's okay! At least may idea na siya tungkol sa 'kin. Maybe one day, he'd share about himself to me.

At dahil hindi pa ako ang First Lady niya, hindi pa kami pwedeng mag-act bilang couple. Nagkahiwalay na kami sa entrance ng food hub. Babalik pa siya sa USC office habang ako nama'y uuwi na sa dorm.

By seven in the evening, matapos kong maligo at magbihis, humiga ako sa kama at nag-scroll sa aking phone. I was checking the latest news when an alert crossed my screen.

It's a message from Castiel.

Good work today! Looks like the first meeting is a success. Take a look: eu.edu.ph/campusite/post...

Curious, c-in-lick ko ang link na s-in-end niya sa 'kin. I hoped it wasn't a virus that would make my phone go crazy.

Na-redirect ako sa app at bumungad sa 'kin ang isang picture. Judging by the background, it's taken from a coffee shop. Kita ang mukha ng lalaking naka-maroon na blazer at ng babaeng nakaupo sa tabi niya. They were both looking at a laptop. Two tall cups were on their tableside.

Does anyone know the girl sitting beside the USC president?

Napangiti ako habang zino-zoom sa mukha namin ang picture. In fairness, ah? Mukhang may kaunting chemistry kami. I couldn't tell kung kaagad ba akong makikilala rito, but congratulations in advance to whoever could guess it right.

Another message notification flashed across my screen. Galing pa rin kay Castiel.

We will proceed to the next chapter of your First Lady story. Be prepared.

Napangiti ako't ipinatong ang aking phone sa dibdib ko. I thought this First Lady role was going to bore me. Pero mukhang magiging interesting pa ang mangyayari sa mga susunod na araw.

Let's see what's going to happen in the next episode, Mr. President.

★ ★ ★

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top