Chapter 04: Glimmer of Hope

A/N: Thank you so much for the warm welcome you gave our USC officers!

FABIENNE

THE LAST time na palagi kong tsine-check ang phone ko ay no'ng nag-break kami ng ex ko. Hinintay ko ang replies niya sa 'kin. Iniisip ko kung ano ang isasagot niya at kung ano ang isasagot ko sa isasagot niya. The anxiety almost killed me! Nakahinga lang ako nang maluwag no'ng official na natapos ang relasyon namin.

This time, same feels pa rin ang ramdam ko, pero ibang sitwasyon naman. In the past few days, I submitted my CV sa malalapit na fast food resto para makahanap ng part-time job. Mas prefer kong magtrabaho sa cafe dahil nakaaadik ang amoy ng coffee. Kaso wala akong choice kundi patulan na ang iba pang options. I was desperate. I badly needed work para makapagpatuloy ako sa pag-aaral. Finding available scholarships in the university was no longer an option.

Daig ko pa yata ang nakipag-break sa maraming boyfriend dahil sa rejection messages na natanggap ko. They all told me na wala na silang slot for a part-time worker. Dalawang establishment na lang ang wala pang feedback sa akin. Maybe one of them would accept me. Maybe both of them would reject me. The anticipation was killing me!

Nakahiga ako sa aking kama. Nakatitig ako sa kisame at ini-imagine do'n ang future ko. Nakikita ko ang sarili ko na nagpe-perform sa stage, binibigyan ng standing ovation at pinapalakpakan ng audience. 'Tapos may lalapit na lalaking may hawak na bouquet at ibibigay 'yon sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang itsura niya, basta ang alam ko, guwapo siya.

Shoot! Kung sanang nagkakatotoo ang imagination ko, masayang-masaya na siguro ako ngayon.

Biglang naglaho ang image sa isip ko. I outstretched my right hand, hoping to grasp just a little bit of my dreams. Kaso wala akong nakuha. Lahat ay naglaho nang parang bula.

I closed my eyes and took a deep breath. Kung talent at dedication ang pag-uusapan, nasa akin naman. Kaya kong i-endure ang rehearsals, ang mga mura at panlalait ng direktor, at ang critics na magsasabing hindi ako marunong umarte. Sa kasamaang palad, iba ang magiging reason para hindi ko maabot ang mga pangarap ko.

I wished my family was rich. I wished I got lots of money na hindi ko poproblemahin ang tuition fee o allowance ko araw-araw.

Wala namang magagawa ang pagmumukmok ko rito. But I had already done what I could. Naghanap na ako ng solusyon sa aking problema at hinihintay kong may dumating na good news. It was out of my hands. Dapat na akong magpaubaya sa tadhana.

Kung wala talaga akong mahanap na part-time job . . . baka kailangan kong i-consider ang pag-drop sa klase. Maybe I should work full-time for a couple of months? Kapag nakaipon na ako, babalik ako sa university at mag-aaral ulit. Siyempre mag-o-audition ulit ako para sa lead female role sa theater.

Hay! Masyado na yatang napalalayo ang thoughts ko. Wala pa namang final verdict. Meron pang chance na pumabor sa 'kin ang sitwasyon!

But at the same time, I did not want to be too optimistic. Masakit ang ma-disappoint sa huli. Mas mabuti kung i-manage ko ang expectations ko at ihanda ang sarili ko sa lahat ng possibilities—kasama na rito ang negative.

Beep! Beep!

Bumalikwas ako sa kama at inabot ang phone ko sa gilid. Hindi ko maipinta kung nakangiti ba ako o nanginginig na ang baba sa pag-aalala. That message could be from one of the fast food restos where I submitted my application.

Iniharap ko sa 'kin ang phone, pero tinakpan ko muna ang screen nito. Ipinikit ko rin ang mga mata ko. I uttered my prayers and inhaled deeply before opening my eyes again. Inalis ko na rin ang takip sa phone screen.

Kumunot ang noo ko at halos magdikit ang mga kilay ko. To my surprise, that wasn't the message that I was expecting. It came from the EU-USC, the official contact number of the University Student Council.

Good day, Ms. Fabienne Lucero! You are being considered for the limited USC scholarship. To proceed, please answer the online survey form first: eu.edu.ph/usc/survey

Kinailangan ko pang basahin nang dalawang beses dahil baka mali ang pagkakabasa ko. Na-wrong send ba sila? Imposible. Naka-address mismo sa complete name ko ang text message. Pero hindi ko maintindihan. Bakit ako naging eligible sa USC scholarship? Hindi ko alam na may gano'n pala kaya hindi ako nakapag-apply. Wala ring sinabi sa 'kin ang OSA tungkol dito. Baka scam 'to? Dapat hindi ko i-click ang link! Pero hindi, eh! Sa USC talaga ang contact number na 'to. Official website din ng university ang naka-attach na link.

Napatayo ako sa aking kama. My eyes went wide and my jaw dropped. Could this be real?! I was being considered for a scholarship that I didn't apply for? Narinig ba ng langit ang kahilingan ko? Naawa ba sila sa 'kin? Just when I thought that all hope was lost, biglang may dumating na opportunity.

"Yes!" Sa sobrang tuwa ko, nagtatalon ako sa kama. Gawa naman sa bakal 'to kaya hindi agad masisira. Marahan kong pinagsasampal ang magkabila kong pisngi para siguruhing hindi ako nananaginip. Kinurot ko pa nga ang sarili ko, eh! But no, I wasn't in a dream!

Nang kumalma na ako, umupo ako sa gilid ng kama at muling binasa ang message. Una, I read it silently. 'Tapos, I read it out loud. There's no doubt about it. Para sa 'kin nga ang message na 'to.

Teka, hindi muna ako dapat magsaya. Ang sabi, kino-consider pa lang ako sa scholarship. Hindi pa sure na tanggap na ako. E 'di dapat sana "congratulations!" ang bungad sa 'kin. I needed to go through the process muna.

Medyo napasimangot ako ro'n. Masyado akong maagang nag-celebrate. Dapat in-absorb ko muna ang message. I saw a chance, but that's what it was—a chance, not a certainty. May possibility na ma-reject ulit ako, gaya ng application ko sa student aide program.

Mas masakit pa 'to kaysa ma-reject ng crush ko, ah.

'Di bale! Ang importante'y may chance akong matanggap. All I needed to do was do my best or submit kung ano ang hinihingi sa 'kin. So ang kailangan kong gawin next ay . . . sagutan ang online survey?

I clicked the link at na-redirect ako sa website ng university. May blank fields na kinailangan kong sagutan. Name, course and year, address, contact number, etc. Mabilis kong sinagutan ang mga 'yon. Sumunod ay ang mga tanong na pang-essay exam.

What do you think about the performance of the USC so far?

Is there any event that you're looking forward this year?

Do you have any suggestions on how we can better serve you?

Napabuntonghininga ako matapos basahin ang unang tatlong tanong. Iniiwasan ko nga 'to sa exams namin, 'tapos hanggang dito hahabulin ako?

Teka! Baka ini-scam ako ng USC? Baka sinabi nila na being considered ako for scholarship para sagutan ko ang survey? Kaya ba nilang gawin 'yon? Could they give me hope then snatch it away from me?

Bahala na nga! Scam man 'to o hindi, at least sinubukan ko. Baka legit pala 'to 'tapos binalewala ko. Ako rin ang magsisisi sa huli. Wala namang mawawala sa 'kin maliban sa brain cells na kailangan kong pigain para masagutan ang essay questions.

In twenty minutes, nasagutan ko na ang siyam na tanong. Mabuti't mamaya pang ten-thirty ang pasok ko. May oras pa akong tapusin ang survey na sana'y hindi talaga scam.

Umabot na ako sa pinakahuling question. My brows knitted nang mabasa 'yon.

What do you think of the USC President Priam Torres? Answer honestly.

Napaka-specific naman ng question na 'to. Paano kung hindi ko kilala kung sino ang USC president? Eh 'di automatic tanggal na ako sa scholarship? Sabagay, USC scholarship ang pangalan nito. Kailangan na kilala ko kung sino ang head.

"Priam Torres . . . " I muttered his name. First time na narinig ko ang pangalang 'yon ay no'ng student council elections last March. I saw him in person sa miting de avance. I didn't hear much about him no'ng na-proclaim siya bilang president-elect. Hindi kasi ako interesado sa campus politics. I did vote for him, kaso dala ng pressure mula sa classmates ko na supporters niya.

Baka sa tanong na 'to nakadepende kung lulusot ba ako sa scholarship? If I would give them a positive answer, baka magustuhan nila ang sagot ko at ako ang piliin nila. If I would submit a negative answer, baka hindi i-prioritize ang application ko at mas unahin ang mga may magandang isinagot.

Kaso sinabi rin na answer honestly. Hindi naman nila kinailangang idagdag 'yon. Parang ina-assume nila na susubukan kong magsinungaling para makuha ang kanilang kiliti.

Maybe this was a test? Maybe they could tell if someone's lying based on the answer?

Hay! Ano ba 'yan? Bakit sa pinakahuling item pa ako nahirapan? Dala na rin 'to ng pag-o-overthink ko. Kung ano-ano pa tuloy ang naiisip ko. Susundin ko kung ano ang gusto nila. I would answer them honestly.

Teka, kailan ko ba siya last nakita? Ano ba'ng itsura niya no'n? Ano ba ang impression ko sa kanya?

The USC president looks like someone who takes his life too seriously. Mukha siyang masungit at mapagmataas. Siya 'yong tipo na huhusgahan ka kapag nagkamali ka. Despite that, I think there's innate goodness in him. I also think he's genuine in his student leadership. Kailangan lang niyang dalasan ang pag-smile.

Was that okay? Sabi maging honest ako. Inilagay ko kung ano'ng unang pumasok sa isip ko. Teka, dapat ba pure English ang sagot ko? Ah, bahala na! Pwede na 'yan.

I clicked the submit button at nakatanggap ako ng notification na na-record ang aking sagot. I threw my phone sa tabi ng unan at muli akong humiga sa kama. Now another waiting game began. Last time, one week ang hinintay ko para ma-receive ang rejection mula sa OSA.

Gaano kaya karami ang kino-consider sa scholarship na 'to? Gaano katagal kaya bago mabasa ang mga sagot ko? Paano idya-judge ang mga 'yon? Pagandahan ba ng sagot? Paramihan ba ng malalalim na English words?

Beep! Beep!

I reached for my phone beside my pillow at tiningnan ang notification na nag-flash sa screen. Bumalikwas ulit ako mula sa pagkakahiga nang mabasa ang pangalan ng sender: EU-USC.

Congratulations! You have passed the second screening. You may proceed to the third and final step. Please go to Study Room A in the University Library at 12:15 p.m. for an interview.

Kumurap ang mga mata ko habang paulit-ulit na binasa ang message. I read it three to four times just to make sure that I got it right. Naghintay rin ako ng follow-up message dahil baka na-wrong send sa 'kin ang USC. But no! Nothing came.

Totoo ba 'to? I was only one step away from the USC scholarship? Isang interview na lang ang kailangan?

Kalma lang, Fab! Masyado pang maaga para mag-celebrate! Baka ma-jinx pa ang application mo niyan!

Ten minutes past nine pa lang ng umaga, pero tuluyan na akong bumangon at pumunta sa banyo. Isang subject ang meron ako ngayong morning at wala akong gagawin mamayang lunchtime. Na-excite tuloy ako ngayong araw. This opportunity might turn things around for me. Kanina'y nawawalan na ako ng pag-asa. Ngayo'y nabuhayan na ako ng loob.

Sana talaga . . . Sana talaga heto na ang sagot sa problema ko. I wanted to continue studying in this university. I also wanted to perform on stage.

Sana'y palarin ako ngayong araw.



TEN MINUTES after twelve na na-dismiss ang class namin. Alis na alis na ako pero parang ayaw pa kaming paalisin ng prof namin kahit tumunog na ang school bell. Naisip ko na ngang pumuslit kaso saktong na-realize niya yatang oras na para mag-dismiss. Pagkasabi niya ng "Good day, class!", halos patakbo akong lumabas ng classroom. My bestfriend called me, but I ignored her. Sorry!

The University Library was in another school building kaya kinailangan kong magmadali. I only had five—no, four!—minutes before the interview. Dapat nga'y ten minutes before schedule nando'n na ako as a sign of professionalism. Baka ma-reject ang application ko dahil late ako nang one minute.

I ran as far as I could from the Arts and Sciences building to the University Library. May sariling building ang library namin na may apat na floors. Nasasayangan nga ako sa space minsan kasi hindi gano'n karami ang pumupunta ro'n. I only went there kapag may ipinapa-research ang mga prof ko tungkol sa theater.

Pagkarating sa entrance, huminto muna ako at hinabol ang aking hininga. It had been a while since huli akong tumakbo. Ch-in-eck ko ang aking phone for any notif. Wala pa namang message na "Sorry, you didn't make it to the interview." May one minute pa ako. Umakyat ako sa hagdanan hanggang sa marating ang third floor. Bibigay na ang mga binti ko, pero pinilit kong dalhin nila ako sa taas. Pagkabukas ng sliding door, I tapped my ID card on the sensor, flashing my name and my face on the screen.

Dumeretso ako sa loob at nilagpasan ang mga table kung saan may iilang estudyante ang natutulog na kunwari'y nagbabasa ng libro. Sa kanan naka-focus ang atensyon ko, hinahanap ang sign na "Study Room A."

"Found you!"

Muli kong ch-in-eck ang aking phone. I was already two minutes late from schedule. Ugh! Kasalanan 'to ng prof ko! Kapag hindi ako natanggap sa scholarship, sasabunutan ko siya.

Huminga muna ako nang malalim at ngumiti nang malawak bago ko hinawakan ang door handle. I slowly pushed it inward.

"Good afternoon! I'm so sorry for being a bit late! Hindi kasi agad nag-dismiss ang—"

Nahinto ang bibig ko sa pagsasalita nang napansing iisang lalaki ang nasa loob ng study room. Nakasalamin siya. May kapayatan din ang mukha at katawan. May mga binabasa siyang papel galing sa folder. May nakatabi ring walking cane sa kaliwa niya.

Oh my gosh! Na-scam ba ako ng USC? Was that a prank? I hope dnot! Hindi sila basta-basta gagawa no'n. Malayo pa ang April Fool's Day. Baka kaagad silang umalis dahil hindi ako nakarating on time? Gano'n ba sila ka-strict pagdating sa oras? Sabagay, USC officers sila. Marami silang pinagkakaabalahan.

Hay . . . Did I blow my chance of getting the scholarship?

"Sorry, mali yata ang napasukan kong room." Dahan-dahan akong naglakad nang paurong habang nakangiti sa lalaki. Nakahihiya! Inistorbo ko pa siya sa pagbabasa niya.

"Where are you going, Ms. Lucero?" tanong ng lalaking nakasalamin. "Aren't you here for the interview?"

Kumunot ang noo ko. How did he—Aha! Baka fellow applicant ko siya? Wala pa siguro ang USC officers kaya siya pa lang ang nandito.

Muli akong pumasok sa loob, binitiwan ko na ang hawak sa pinto. "Nag-apply ka rin ba for the USC scholarship? Akala ko kasi umalis na sila. Tama pala ang room na pinasukan ko."

Napangiti ang lalaki, parang may sinabi akong joke. "Hindi ako nag-a-apply para sa scholarship. Ako ang nag-i-screen sa mga gustong maging USC scholar."

My eyes slowly widened as they stared at his smiling face. Tama ba ang dinig ko? Siya ang mag-i-screen? Bale siya ang mag-i-interview sa 'kin?

I looked at him from head to . . . mid, naghahanap ng hint na totoo ang sinabi niya. Baka pina-prank niya ako. Natuon ang atensyon ko sa lapel ng blazer niya. Naka-engrave ang logo ng university namin sa brooch na naka-pin do'n.

I clapped my hand over mouth. That's the brooch worn by USC officers! Ang liit kasi, hindi ko agad napansin.

Inabot niya ang kanyang walking cane at inalalayan ang sarili na tumayo. He then extended his right hand to me.

"My name's Castiel Seville, the chief-of-staff of the University Student Council," pakilala niya sa 'kin. "Shall we start the interview, Ms. Lucero?"

★ ★ ★

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top