Chapter 02: The Theater Actress

A/N: Since today's Valentine's Day and the official launch of this story, I'm posting two updates!

We met the chief-of-staff and learned about the Oplan First Lady in the previous chapter, now it's time to meet the potential candidate!

Happy reading!

FABIENNE

"NEXT PERFORMER! Anong number na ba tayo? Ha? Number seventeen, nandiyan ka ba? NUMBER SEVENTEEN!"

Napaangat ang mga balikat ko nang biglang sumigaw ang direktor. I was so absorbed in reading the script na kahit isang simpleng kilos ay gugulat na sa 'kin. Napatingin ako sa aking number. Baka kasi ako ang hinahanap niya. Number nineteen pala. May dalawa pang mag-o-audition bago ako.

Kaya mo 'yan, Fab! Just internalize the character and you will nail this role!

Ilang beses din akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ganito talaga kapag bago ako mag-perform sa harap ng mga tao. Mabilis ang tibok ng puso. Nanlalamig ang mga kamay. Walang tigil ang fidgeting. Pero kapag nasa mismong stage na ako, nawawala ang lahat ng kaba at nake-carried away na ako sa eksena.

I was auditioning for the lead female role in the modern Romeo and Juliet play. Noong bata pa ako, lagi akong pinapag-audition ni Mama sa baby o kids commercials. Pinag-acting workshop pa nga niya ako para mahasa ang galing ko sa pag-arte. I didn't want to be an actress or a model, but my mom kept on telling me na dapat gamitin ko ang itsura at talent ko. She said it would be such a shame if I wasted my gift from God. Since then, I had believed na isa ako sa mga pinagpala at hindi ko dapat i-take for granted kung ano'ng meron ako.

That's when I began to share my mother's dream for me. Lagi akong nag-o-audition kapag may talent search. Kadalasa'y hindi pinapalad, but that's okay! Ang importante ay ang experience. Noong high school ako, I joined our theater club. Kahit putso-putso ang production, pinatulan ko na. Ang mahalaga'y magkaroon ako ng karanasan at ma-develop ko lalo ang pagmamahal sa acting.

Ngayong nasa college na ako, I decided to take up Theater Arts as my course. Surprisingly, my mom was against my decision despite her setting me up on this path early in my childhood. Pero ipinaglaban ko sa kanya ang gusto ko. I had been preparing for this my entire life. This was where I wanted to be. Sa huli'y wala siyang nagawa kundi tanggapin ang desisyon ko. She wished me the best and hoped I wouldn't be disheartened in the future.

The university where I was enrolled had been showing two theater productions every year. Kapag may audition para sa lead role, hindi ko pinalalampas. Last year, masuwerte kong nakuha ang role ni Mulan. This year, balak ko namang kunin ang role ni Juliet. Kaya nandito ako ngayon.

Sa auditorium ginaganap ang audition para sa casting. Auditionees hid behind the panels of the stage, peeking through the curtains sa kung sino ang nakasalang sa entablado. Isa ako sa mga naki-tsismis. Siyempre, I wanted to see how my fellow aspirants did.

Beep! Beep!

Napapikit ang mga mata ko nang maramdaman ang paulit-ulit na pag-vibrate ng phone sa aking bulsa. Kahit hindi ko pa tsine-check kung sino ang tumatawag, may idea na ako kung sino. This was such a bad timing!

Lumayo muna ako mula sa panel at inilabas ang aking phone. I didn't want anyone, especially the director, to hear me on call. Ang balita ko, nambabato siya ng bottled mineral water sa mga maiingay at nambubuwisit sa kanya. I would rather not earn his ire lalo na't nag-o-audition ako para sa lead role.

"Hello, sir?" I asked in a low voice. Hati ang atensiyon ko dahil hinihintay kong tawagin ang number ko habang nakikinig sa kausap ko. Please make this call quick!

"Fab? Na-receive ko ang text message mo kanina. Talaga bang hindi ka makapagdu-duty this afternoon?"

It's the manager of the coffee shop where I was working as a part-timer. "Pasensiya na talaga, sir. Last day na kasi ng audition para sa theater play rito sa uni. Hindi ko na puwedeng palampasin."

"Alam mong suportado ka namin sa extracurricular activities mo sa school, pero sana hindi natatamaan ang trabaho mo. Pinagbigyan ka na namin last time. Ngayon, parang uulit ka na naman."

I squeezed my eyes shut. This didn't sound good. "Pasensiya na ho talaga, sir! Promise, babawi ako sa shift ko! I'll work extra time!"

"Understaffed tayo ngayong araw, eh. In-approve ko 'yong leave ng kasama natin kasi alam kong nandiyan ka para saluhin siya. Hindi mo naman agad ipinaalam na may audition ka pala. Eh 'di, sana hindi ko siya pinayagan."

Heto na, nangongonsensiya na siya. Napakamot na ako ng ulo at halos hilahin ko na ang short hair ko. "Ganito na lang, sir. After ng audition ko rito, hahabol ako riyan sa shop para makapag-duty pa rin ako."

"Mas mabuti nga 'yan. Kung kaya mong makahabol nang mas maaga, humabol ka, ah?"

"Number nineteen!"

"Opo, opo!" Lumingon ako sa siwang kung saan kita ko ang pag-alis ng number eighteen auditionee. "Boss, ibababa ko na 'to. Turn ko na kasi."

"NUMBER NINETEEN! SAAN KA NA?"

Binabaan ko na siya ng tawag bago ko pa man marinig ang reply niya. Sana'y hindi sumakit ang loob niya sa akin. He's the last person that I would want to piss right now, aside from the director.

Nagmadali akong lumabas ng backstage at pumunta sa gitna ng entablado. Ramdam ko ang init ng mga ilaw na nakatutok sa akin. Sa aking harapan, nakaupo ang direktor na namuti na ang buhok at halos nakakalbo na. Nakasuot siya ng jacket dahil sa ginaw rito sa auditorium. Bakante ang lahat ng upuan sa likod niya maliban sa front row kung saan nakaupo ang mga naunang napili. Strictly no one outside the production crew was allowed to watch the auditions.

"Tatayo ka lang ba riyan o aarte ka na?" nayayamot na tanong ng direktor. "Ano pa'ng hinihintay mo?"

"Heto na po!" Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim. Nilanghap ko ang atmosphere dito sa auditorium at dahan-dahang inilabas ang kaba at takot sa dibdib ko. Wala masyadong tao sa loob, pero matindi ang pressure sa akin. I needed to please and impress the director for me to get the role. I only got one shot and I couldn't afford to miss.

"Ready!" I said, nodding at the old director.

"Scene 19!" sigaw niya.

Walang kaarte-arte akong humiga nang tuwid sa sahig, kunwari'y patay na pinaglalamayan. I didn't care kung maalikabok ba o hindi. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang sapian ako ng character ni Juliet.

"Kamatayan, hagkan mo rin ako!" sabi ng isang lalaking ramdam kong lumapit sa akin. That's my guy classmate who got the lead role of Romeo. "Kamatayan, kuhain mo rin ako. Para sa 'yo 'to, Juliet, sinta ko."

Nagbilang ako ng tatlong segundo bago ko iminulat ang aking mga mata.

"Tunay ngang mapanganib ang lason na ito, Juliet."

"Romeo?" may pag-aalala kong tawag sa kanya.

The boy playing Romeo collapsed on the floor. Bumangon ako na nanlaki ang mga mata at nanginginig ang bibig. Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi, pero nagkunwari siyang walang malay. In-imagine kong may bote ng lason sa tabi niya at kinuha 'yon ng kamay ko. I stared at it with a horrified expression on my face.

"Hindi . . . hindi, Romeo . . ." naluluha kong sambit, may kasama pang mabagal na pag-iling. "Hindi . . . hindi ito maaari!"

Doon na tumulo ang mga luha ko habang paulit-ulit ang aking pag-iling. Muli kong kinuha ang imaginary na bote ng lason. I stared at it before returning my gaze to Romeo.

"Isa kang sakim, sinta ko," sabi ko habang hinahaplos ang mukha niya. "Hindi mo ako tinirhan maski isang patak upang makasunod ako sa 'yo. Isang huling halik, nagbabakasakaling mayroon pang lason ang naiwan sa labi mo."

I moved in for a kiss. Dumampi ang labi ko sa kanyang labi. Napamulat ang mga mata niya nang hinalikan ko siya. He probably didn't expect me to actually kiss him. Wala namang ganitong instruction ang direktor. But I was in character. I would do what the script told me.

"Ang init ng 'yong bibig, Romeo," sambit ko nang magkahiwalay na ang mga labi namin. Gulat pa rin siyang nakatitig sa akin, hindi pa rin yata naka-move on sa ginawa ko. I didn't let his confused expression distract me. Sabi ko nga, in character ako ngayon. "Hindi kayang palamigin ng kamatayan ang apoy ng pag-ibig mo."

My hand reached out for an imaginary blade beside me. Kunwari'y may hawak-hawak akong patalim at itinutok ko sa aking sarili.

"O punyal na matalim, punan mo ang mga patlang sa puso kong winasak ng tadhana!" deklara ko. "Sa akin ay manahan ka, at pagbigyan ang kahilingan kong sundan ang aking sinta!"

I gasped after stabbing myself with an invisible knife. Ibinagsak ko ang aking katawan sa sahig at sinadya kong magharap ang mukha ko at ang mukha ni Romeo.

"End scene!"

Sinalubong ng palakpak ang pagbangon ko. I said goodbye to Juliet and welcomed back the old Fab. Kailangang mabilis ang pag-switch ko sa pagitan ng character na ginagampanan ko at ng sarili ko.

Napatayo ang matandang direktor, nakangiti at patango-tango sa akin. Napaturo pa nga ang daliri niya. "Ganyan! Ganyan ang hanap ko sa artista! Walang kaarte-arte sa katawan. Walang reklamong gagawin kung ano ang nakalagay sa script!"

Pakiramdam ko'y uminit ang aking pisngi. It's a big deal to receive a compliment from a director like him. He's quite well known in the local theater industry. Plus, baka sign na 'yon na bet niya akong gumanap bilang lead role.

Lumingon ako sa classmate kong gumanap na Romeo na nasa tabi ko pa rin. Napayuko ako nang kaunti. "Sorry kung hinalikan kita nang walang permission mo. Nadala kasi ako sa eksena." Kahit na umaarte kami, dapat pa rin akong humingi ng paumanhin sa kanya. I didn't want him to think that I was taking advantage of the situation kahit walang malisya ang kiss ko.

"W-Wala 'yon." Nag-blush ang mukha niya at napahawak pa sa labi. He excused himself, crossed the stage and stood at the left wing.

"I think we've found our Juliet!" the director declared. Napatango ang mga tao sa paligid niya. Mukhang maging sila'y approved sa acting ko. "What's your name, miss?"

"Fabienne, sir. Fabienne Lucero." Kung puwede lang magtatatalon sa tuwa, ginawa ko na. Kaso dapat humble pa rin para hindi masabihang mayabang.

"Fabienne? Ang gandang pangalan naman niyan," komento niya. Lalo tuloy akong nag-blush. "Meron ka na bang experience sa teatro before?"

"Sir, siya yata 'yong gumanap na Mulan sa last theater play rito," sabi ng kanyang assistant.

"Ah, talaga?! Ikaw 'yon? Your performance was superb!" pagulat na sabi ng direktor. "Hindi kita nakilala dahil sa makeup mo. Mas maigsi rin ang buhok mo noon kumpara ngayon."

"Pinaputol ko po talaga para sa role," may pagmamalaki kong sagot. "Mabilis yatang humaba ang buhok ko kaya bumalik na sa original length nito."

"Narinig n'yo ba 'yon? Ganyan ang dedication sa character! Willing kang baguhin ang physical mong anyo para sa papel na gagampanan mo. If that's not passion, I don't know what to call it."

Pinababa na ako sa stage at pinaupo sa likod ng direktor kasama ang iba pang nauna nang napili. They congratulated me for getting the lead role. I thanked them with a sweet smile.

I should be happy with the result, but I couldn't forget na may naghihintay pa sa aking problema. Tiningnan ko ang oras. Pasado ala-sais na pala ng gabi. My shift would end at nine. Naisip kong tumakas dahil panonoorin lang namin ang iba pang nag-o-audition para sa ibang roles. Kaso hindi puwede. I had to sit through the rest. Baka may announcement pa ang director sa amin. My sudden disappearance might forfeit my claim to the role. It's best to stay here until it's all over.

"Okay, next performer?"



NATAPOS ANG audition ng bandang alas-siyete. The director told us that he would be sending the script of the modern take on Romeo and Juliet. Nang na-dismiss na kami, nagpaalam na ako sa aking mga makasasama sa play at nagmadali nang lumabas ng auditorium. Ang bilis nang takbo ko mula fourth floor patungong ground floor. I promised na susubukan kong makahabol sa shift ko sa aking part-time job. I didn't want to disappoint the manager twice.

Pagdating ko sa coffee shop, dumeretso ako sa staff room, agad kong tinanggal ang school uniform ko at isinuot ang dark green apron na may logo ng cafe namin. Pumuwesto na ako sa cash register at in-accept ang mga order ng customers. Paulit-ulit ang sorry ko sa aming manager kapag napadaraan siya. He didn't seem to be angry at me. Hindi naman niya ako ni-lecture-an.

Minsan talaga, mapaglaro ang buhay. May pagkakataon na may ibibigay siya sa 'yo, pero may iba namang kukunin. 'Yon ang na-realize ko nang natapos ang aking shift. It's already five minutes past nine in the evening. I turned the "come in, we're open" sign to "sorry, we're closed." Tinanggal ko na ang apron ko, ibinalik sa staff room at isinuot ulit ang aking school uniform.

Palabas na sana ako ng shop nang bigla akong tawagin ng manager. Kinutuban na ako nang masama.

"Ano 'yon, sir?" kalmado kong tanong.

Bumuntonghininga muna siya at sandaling yumuko. Mukhang hindi good news ang dala niya sa akin. There's no reason for him to call me just minutes before I was about to leave the shop.

"Fab," he began. Iniangat na niya ang kanyang tingin sa akin. "I'm sorry, pero kailangan na naming i-terminate ang part-time contract mo sa amin."

Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag ang aking panga. I was expecting a bad news, pero hindi ko in-expect na ganito kalala ang balita. I had to confirm kung tama ba ang aking dinig. "T-Terminate, sir?"

Mariing tumango ang manager.

"Dahil ba 'to sa nangyari kanina, sir?" tanong ko. "Nag-promise naman ako na magdu-duty ng extended shift, 'di ba? Can't that make up for what I did?"

"Kailangan mong mamili, Fab. Hindi puwedeng basta-basta mo kami iiwan sa ere porke't may gusto kang gawin o kailangang unahin. Pinagbigyan na kita last time. Sakaling matanggap ka sa role na in-audition mo, baka maulit na naman ang nangyari ngayon. May limit din ang pagiging considerate ko, at mukhang hanggang dito na lang 'yon."

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Kanina, halos magtatalon na ako sa tuwa dahil nakuha ko ang lead role. Ngayon nama'y parang gusto kong lumuhod at magmakaawa kay manager para huwag akong tanggalin. Puwede kong idaan sa drama ito, kaso ginawa ko na 'yon dati. I was not sure if the same trick would work twice on him.

"Magre-report ka pa rin hanggang sa 15 para buo ang matatanggap mong last pay," dagdag niya. "Ngayon pa lang, gusto na kitang pasalamatan sa pakikisama at serbisyo mo rito sa cafe."

"P-Pero . . . hindi po ba puwedeng—"

"I'm sorry, Fab," agad na sagot niya. Desidido na talaga siya. "We'd rather have someone who can commit to the few hours that they can spare for this job."

I shut my eyes and took a deep breath. A faint smile curled in my lips. Mukhang hanggang dito na lang talaga. "Naintindihan ko, sir. Kasalanan ko rin. Umabuso ako sa kabaitan n'yo. Kung 'yon talaga ang desisyon n'yo, tatanggapin ko. Salamat sa pag-intindi sa 'kin."

Nakangiti akong nagpaalam sa kanya hanggang sa maglakad ako patungo sa pintuan. Nang nakalabas na ako ng shop, naglaho na ang ngiti sa aking mga labi at napalitan ng pagsimangot.

This changed everything. I didn't come from a well-off family. My dad passed away when I was seven, and my mom did everything para mapalaki ako at si Kuya. I was only able to go to college because of my brother's support and the salary from my part-time job. Hindi ako gano'n katalino para makapag-apply ng academic scholarship. Wala ring available scholarship para sa aming theater actors.

Ngayong nawalan na ako ng trabaho, saan o kanino ako aasa? Kung hindi ko maipagpapatuloy ang education ko sa university, para saan pa ang pagbigay sa akin ng lead role sa play?



I SPENT the next few days looking for ways to stay in the university. Ang una kong ginawa ay mag-apply para sa student aide program. This could be an alternative sa part-time job ko sa cafe. If accepted, I would be working in one of the offices on campus and assist whoever's in charge of that place. Pwede akong ma-assign sa college offices, pwede rin sa library. Kaso it might create a conflict sa schedule ko lalo na kapag nag-start na ang rehearsals. Pero baka pwedeng pakiusapan?

Kaso nga lang, nang mag-follow up ako . . .

"Kumusta ho ang application ko for the student aide program?" tanong ko sa secretary ng Office of Student Affairs. A week had already passed since I submitted the form and the requirements.

"Lucero, 'no?" tanong niya sabay kuha ng mga papel sa tray. May binunot siyang isa at inilipat-lipat ang pages nito. Sinilip ko kung ano ang nakalagay. Sa pinakahuli, sa bandang remarks, may nakita akong word na dumurog sa puso ko: Denied.

"Sorry, miss, pero hindi ka qualified," sabi ng secretary. Ouch. Mas masakit pala kapag isinampal na mismo sa akin ang hatol.

"May iba po ba akong program na puwedeng apply-an?" desperado kong tanong. "Baka po kasi hindi ko ma-continue ang pag-aaral dito kung wala akong . . ."

"Taken na ang lahat ng slots, eh. Kung sanang mas napaaga ang application mo, nakahabol ka siguro. Maraming students ang gustong mag-apply. Unfortunately, hindi namin kayang i-accommodate ang lahat."

"Gano'n ho ba?" Sumimangot ako. "Thank you na lang po."

I left the Office of Student Affairs downhearted. I was running out of options, and time wasn't on my side. Magpe-prelims na niyan kami. Kailangan nang magbayad para sa exams.

They said that everything happens for a reason. Inisip ko kung ano ang dahilan bakit nauwi sa ganito? Gusto ba ng tadhana na makapag-focus ako sa theater? O gusto nito na ma-realize kong may mga bagay na dapat isakripisyo para sa big picture—gaya ng pag-graduate?

Little did I know that my dilemma would lead me to the path I had never expected.

★ ★ ★

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for Fabienne's illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top