CHAPTER XXXVIII: Down in the Dumps (Fabienne)
FABIENNE
THE NEXT day, no show pa rin Castiel sa USC office. No show rin siya sa kaniyang classes. Geez. What's going on with that guy? Parang 'di siya ang Castiel na nakilala no'n. He wasn't the type to just give up and walk away. Remember when I was about to expose him to Reynard? Ginawa niya ang lahat para magbago ang isip ko. Nilabag pa nga niya ang nakasaad sa non-disclosure agreement at lumuhod pa nga siya sa harapan ko. That guy who wouldn't just leave things hanging was nowhere to be found right now.
He might have run away far from campus, but I had the feeling na nasa university apartment pa rin siya. After my classes this afternoon, I decided to go straight there. Tinanong ko muna sa super accommodating guard sa lobby kung napansin niyang lumabas si Castiel. Mabuti't may unique description sa kaniya—ang paika-ika niyang paglalakad at ang hawak niyang cane—kaya madali siyang matatandaan. The guard told me na never pa niyang nakitang lumabas ang lalaking 'yon.
So I rode the elevator and pressed the button going to the fourth floor. Tanda ko pa ang kanilang floor at room number dahil ilang beses din akong pumunta rito para dalhan ng pagkain si Priam no'ng nagkasakit siya. Napasimangot tuloy ako. Just the mere thought of him was enough to make me sad.
I walked down the hallway hanggang sa narating ko ang tapat ng kanilang unit. Kumatok ako ng tatlong beses, pero walang sumagot. Muli akong kumatok, mas binilisan at nilakasan ko pa, pero wala pa ring sumagot. Is no one inside?
"Cas? Nandiyan ka ba? Cas?" Ang suwerte niya dahil willing akong magsayang ng energy at oras para i-check kung kumusta siya. Inilapit ko sa super liit na siwang sa pintuan ang aking bibig para mas marinig niya ang boses ko sa loob. "Cas? Si Fab 'to!"
Pero wala pa rin akong natanggap na sagot. Sunod kong pinagsabay ang katok at tawag sa pangalan niya. Ayaw kong gumawa ng eksena rito, lalo na't baka may katabing tenants siya na nagre-review o nagpapahinga, kaya 'di ko masyadong tinodo ang katok at tawag. Baka maisyu pa ako na nang-iiskandalo sa tahimik at payapang university apartment.
Ten minutes later, 'di pa rin ako pinagbuksan ng pinto at wala pa ring sumagot. May tao pa ba sa unit na 'to? Teka! Baka may nangyari sa kaniya? Baka nadulas siya habang naliligo sa banyo 'tapos nabagok ang kaniyang ulo? I sniffed twice. Wala pa naman akong nade-detect na masangsang na amoy mula sa loob. Kung sakaling aksidente siyang namatay o namatay siya sa gutom, paniguradong umaalingasaw na ang amoy at nagreklamo na ang kapwa tenants niya. So he must still be alive.
I wished I had the strength to bring down this door. Kahit ilang beses ko sigurong pagsisipain o i-body slam ang pinto, it wouldn't budge open. In emergency cases like this, isa lang ang solusyon na naiisip ko. Bumaba ako sa lobby at muling kinausap ang pandak na guard. I used my acting skills to convince him na buksan ang pinto sa unit ni Castiel. I told him na baka may nangyari na sa kakilala ko—I wouldn't use kaibigan, by the way—kaya kailangan na namin siyang i-check. As expected, he was so convinced by my acting kaya kinuha niya ang spare card key at sinamahan ako pabalik sa taas.
Click!
Tumunog ang lock at bumukas na ang pinto. Maingat ko 'yong itinulak papasok. Wala namang bumungad na masangsang na amoy sa 'min kaya malamang ay buhay pa si Castiel... unless wala talaga siya rito in the first place. Iginala ko ang aking tingin sa paligid, naghahanap ng sign na may tao.
Thank goodness, he's still alive! 'Di na namin kinailangang i-check ang dalawang kuwarto para tingnan kung nando'n siya. We found him lying on the couch, wrapped in a thick blanket. Mukha siyang lumpiang shanghai sa sobrang pagkabalot niya. May pumapasok na liwanag mula sa bintanang 'di natatakpan ng kurtina, but I turned on the lights para mas malinaw namin siyang makita. Sobrang gulo ng buhok niya, halos kumikinang na dahil sa pagiging greasy. 'Di niya suot ang kaniyang horn-rimmed glasses. Sobrang namayat ang mukha niyang tinubuan na rin ng mustache at beard.
Napasimangot ako, nahabag sa itsura niya. He looked so miserable.
"Kuya Guard, ako na po'ng bahala rito," sabi ko sa 'king kasama. Pinasalamatan ko muna siya bago isinara ng pinto.
Muling natahimik sa unit, tanging tunog ng mga yabag ko ang aking dinig. Kaming dalawa ng missing-in-action na acting president ang naiwan sa loob. Lalapit na sana ako sa couch na kinahihigaan niya, pero bigla akong nahinto dahil may naamoy akong 'di maganda. My goodness, he stinks! Ilang araw na kaya siyang 'di naliligo? Kumakain pa ba siya? Halos litaw na ang cheekbones niya.
"Cas," malumanay kong tawag. I still couldn't forgive him for what he did to me, pero isasantabi ko muna ang nararamdaman ko sa ngayon. Kung tutuusin, puwede ko siyang pabayaan. Puwede akong tumambay sa sidelines at panoorin ang pagbagsak ng plano niya kagaya ng pagbagsak ng mga pinagpatong-patong na nakatayong baraha. But I couldn't. 'Di kakayanin ng konsensiya ko.
Nakamulat ang mga mata niya, pero 'di nagawi ang kaniyang tingin sa 'kin. Nabingi na rin ba siya dahil sa sobrang gutom?
"Cas," muli kong tawag. Tiniis ko na ang kaniyang amoy at lumapit sa couch na kinahihigaan niya. "Bumangon ka na riyan. Kailangan ka ng USC."
"Go away," mahinang tugon niya. "Leave me alone."
Napalagay ang mga kamay ko sa 'king baywang kasabay ng pag-irap ko. Ako na nga'tong nagmamagandang loob, 'tapos 'di pa niya na-appreciate ang effort ko? He had no idea about the courage and restraint it took me para pumunta ako rito at kausapin siya. I could just let him rot in this room. I could just leave him alone gaya ng gusto niya. But again, I couldn't.
"Bumangon ka na riyan." Hinablot ko ang dulo ng kumot at hinila palayo sa kaniya. Halos sumama ang katawan niya papunta sa direksiyon ko. "Alam kong mabigat ang pinagdaraanan mo, pero walang mangyayari kung magkukulong at magmumukmok ka rito."
"Just leave me alone," ulit niya.
Muli kong hinatak ang kumot, pero hinila niya pabalik sa kaniya. He was looking thinner than before, pero may puwersa pa pala siya para lumaban.
Mukhang wala na akong choice kundi gamitin ang magic word. "Kapag 'di ka bumangon diyan, parang hinayaan mo nang manalo si Alaric. Gusto mo ba 'yon?"
"Let him win then. I no longer care."
Nagngitngit muna ang mga ngipin ko bago puwersahang hilahin ulit mula sa kaniya ang kumot. Biglang umalingasaw ang amoy niya kaya napahakbang ako paurong. I rushed to the windows and opened them para mawala 'yon. He desperately needs to take a bath!
"Hanggang dito ka na lang?" naaasar kong tanong. "After everything you put me through, after everything you put Yam through, basta-basta ka susuko? Parang isa kang bata na basta-basta itinapon ang mga laruan mo porke't 'di mo nagustuhan ang sitwasyon mo ngayon."
"This is what Priam would have wanted anyway." He curled up in a fetal position on the couch. "This is what you would have wanted, too. You should be happy."
"Happy?" Muli ko siyang inirapan. Nakapamaywang na naman ako. "Sa tingin mo ba'y magiging happy si Priam kapag nalaman niya kung ano'ng ginagawa mo ngayon? In-appoint ka niya bilang vice, 'tapos 'di mo gagampanan ang tungkulin mo?"
"My appointment is a punishment. He even said it himself."
"Maybe it is, but that's not all! In-appoint ka niya sa posisyong 'yon dahil alam niyang kaya mong gampanan ang duties at responsibilities sakaling may mangyari sa kaniya. Ikaw nga, tinanggap mo ang appointment, 'tapos ngayon tatakbuhan mo? Mas matutuwa siya paggising niya kapag narinig niyang in-assume mo ang trabaho niya habang wala siya."
"Do you think he will ever wake up?"
Napahawak ako sa aking dibdib. Ouch. Biglang may kumirot sa puso ko. That question stung so deep, it almost reopened a wound I'd been trying to heal since two weeks ago. Ayaw kong isipin. Ayaw kong i-entertain. My mind filtered any thoughts na related do'n.
Huminga ako nang malalim—mabuti't nabawasan na ang amoy—at umupo sa katapat niyang couch. Naglalawa na ang kaniyang mga mata. He acted so tough and clever throughout the past few months, pero alam pa pala niya kung paano umiyak.
"Of course, he will!" masigla kong sagot. Sinabayan ko pa 'yon ng pilit na ngiti. "He's Priam. Mas kilala mo dapat siya kaysa sa 'kin. 'Di niya hahayaang magtagal siya sa coma dahil alam niyang may trabaho pa siya sa USC—"
"It's been almost a year since my sister Cassidy fell into a coma," biglang singit niya. Nabura ang ngiti sa mga labi ko. "Hanggang ngayon, 'di pa rin siya nagigising. Paano kung pareho ang mangyari kay Priam? Paano kung matagalan bago siya gumising? Paano kung hindi na siya gumising?"
Biglang bumigat ang dibdib ko na parang dinadaganan. I got up and went near the windows. Sandali kong isinara ang aking mga mata at ilang beses akong huminga nang malalim para mawala ang paninikip. Muli na naman akong inatake ng tanong na 'yon.
Napaka-weird nga. Priam wasn't even my real boyfriend, pero sobrang affected ko sa nangyari sa kaniya. Sobra ang magiging impact sa 'kin sakaling may mangyari sa kaniya... sakaling 'di na siya magising.
The only thing I was holding on was the chance he'd wake up someday. Puwedeng ngayon. Puwedeng mamaya. Puwedeng bukas. Puwedeng sa susunod na araw, linggo, buwan, o taon. Hangga't may possibility na gumising siya—kahit gaano man kaliit—ayos na sa 'kin. Ang importante'y makita ko ulit na nakadilat ang mga mata niya at nakangiti ang mga labi, at marinig ang kaniyang boses. That's all I was hoping for. That's all I was praying for.
"Cas, please 'wag kang maging masyadong nega!" Sinubukan kong labanan ang kalungkutan na namumuo sa isip ko. "Iba ang nangyari sa kapatid mo at kay Yam. Posibleng iba rin ang maging outcome. Just keep praying that he wakes up one day."
"It's my fault why he's in a coma." Halos bumubulong na siya, sinabayan pa ng pagsinghot. "It's all my fault why this happened to him. If I didn't..."
Tama siya. Kasalanan talaga niya kung bakit nangyari 'to kay Priam. Doble na ang atraso niya sa 'kin, pero willing akong isantabi muna 'yon para subukang ayusin ang sitwasyon. Base sa conversations namin ni Priam, 'di niya basta-basta pababayaan si Castiel. Willing pa nga siyang bigyan 'to ng second o third chance.
"'Di ikaw ang humawak ng patalim at sumaksak sa kaniya." Muntik na akong ma-choke. Na-imagine ko na naman ang scene kung saan inundayan ng saksak si Priam. It never failed to make my eyes well up with tears kapag sumasagi 'yon sa isip ko. Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang pagtulo ng mga luha.
"Ngunit ako ang nagbigay ng dahilan para saksakin siya ni Brandon," dugtong ni Castiel. "I may not have held the blade, but I was equally guilty as the one who stabbed him with it."
Sa ikalawang pagkakataon, tama na naman siya. Mabuti't inaako na niya ang responsabilidad at 'di siya nagbigay ng lame excuse para umiwas sa accountability. Naiintindihan ko kung bakit niya dinidibdib 'yon. Pero sobra yata to the point na nakalimutan na niyang alagaan ang kaniyang sarili. 'Sabagay, kapag super depressed ang isang tao, nakalilimutan na niyang gawin ang kaniyang mga nakasanayan. No'ng halos gumuho ang mundo ko dahil sa tsismis na inumpisahan niya, ilang araw din akong 'di nakakain nang maayos.
"Kung talagang kinakain ka ng guilt mo, 'di sa ganitong paraan mo dapat pagbayaran ang kasalanan mo." Lumapit ako sa couch na kinahihigaan niya. Tumalikod siya sa 'kin. "You acknowledge you did something wrong? Good. That's the first step. Pero ano'ng gagawin mo after n'on? Magmumukmok sa madilim at mabaho mong unit?"
'Di siya sumagot, pero patuloy ang pagsinghot niya.
Lumapit pa ako sa kaniya at tumayo sa bandang ulunan niya. "Priam gave you a second chance, kaya nga 'di ka niya tinanggal sa USC matapos niyang malaman na ikaw ang mastermind sa pagpapakalat ng rumor tungkol sa 'kin. He held on to the belief that you're capable of change. Ilang beses ko na siyang kinontra do'n, pero ilang beses din niyang in-assure sa 'kin na kaya mong magbago. If you wanna atone for your sins, change. That's the right thing you can do."
"I'm a lost cause, Fabienne. I hurt people who are important to me." Umangat sa 'kin ang tingin ng mga namumugto niyang mata. "I even hurt you. All for the sake of my plans. I always think that it's justified, that the ends always justify the means. But does it even matter in the end? What purpose will it serve if I win the game, but lose the people around me? I lost you. Now I might even lose Priam. All because of my schemes."
Ilang segundo rin akong natahimik at umiwas ng tingin mula sa kaniya. If he didn't pull off that fake rumor stunt, we could've been friends. Real friends. I couldn't see any reason kung bakit 'di kami puwedeng maging magkaibigan whether maging successful o hindi ang Oplan First Lady. But he risked our potential friendship. Itinaya niya 'yon sa isang sugal. May napanalunan nga siya, pero nawalan naman ako ng tiwala sa kaniya. That's the price he had to pay.
"I know you're feeling super guilty, but sulking in this room won't change anything." Binasag ko ang halos nakabibinging katahimikan. "Again, it's not yet too late for you to change. Mukhang natuto ka na sa mga pagkakamali mo. Ngayon, gumawa ka na ng mga tamang desisyon. Kumilos ka nang 'di na malalagay sa peligro ang mga kaibigan at kakilala mo. Once you do, maybe... we can be friends again."
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya, nalagyan ng kaunting liwanag ang kaniyang mukha.
"Don't get me wrong," agad kong kambiyo. "I'm still angry at you for what you did to me and the mess you got Yam into. Pero kung papairalin ko ang galit ko sa 'yo, walang mangyayaring mabuti sa 'kin. Mas bibigat lang ang pakiramdam ko. Kaya instead na sugurin ka rito at ipamukha sa 'yo kung gaano ka kawalang-kuwentang tao, mas pinili kong kausapin ka at i-convince na bumangon."
"Fabienne..."
"Yam believes in you," dugtong ko. "Kahit 'di ako one hundred percent na siguradong kaya mong magbago, ayaw kong i-dismiss ang possibility kahit .01 percent lang 'yon. Ayaw ko ring i-dismiss ang possibility na maayos natin ang ating relationship. I don't like what you did and how you do things. But if you correct your mistakes and change your ways, I may consider changing my mind."
Namayani na naman ang katahimikan sa unit. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, parang nawala na ang nakadagan sa 'king dibdib na lagi kong nararamdaman kapag dumaraan siya sa isip ko. Maybe I also needed to have this one-on-one conversation with him. 'Di ko man naipadama sa kaniya ang sakit na idinulot niya sa 'kin, nailabas ko naman ang ilan sa mga gusto kong sabihin sa kaniya. The wound he inflicted on me remained fresh. All it needed to heal was time and for him to change for the better.
"If you can't do it for yourself right now, then do it for Priam." Inalok ko ang aking kanang kamay sa kaniya. "If you can't do it for Priam alone, then do it for him and me."
Tinitigan muna niya ako bago siya bumalikwas mula sa pagkakahiga at umayos ng upo. He held my hand. Maingat ko siyang hinila mula sa couch para makatayo siya.
"But first," napasinghot ako, "you need to take a bath."
♕
NEXT UPDATE: The LEXECOM holds their first session in the second semester.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top