CHAPTER XXXVII: Sleeping Prince (Fabienne)
FABIENNE
I DROPPED everything no'ng narinig ko mula kay Castiel na pinagsasaksak si Priam at isinugod sa ospital. Sobrang focused ko na no'n sa play at halos na-internalize ko na ang character ni Juliet bago ang pinakaunang show namin. Pero mas nanaig sa 'kin ang pag-aalala sa malagim na sinapit ng fake boyfriend ko.
Probably for the first time in my life, I abandoned the theater just to check kung kumusta ang lagay niya. 'Di ko na naisip ang consequences, basta tumakas ako ng auditorium at pumunta sa ospital kahit naka-costume pa ako. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ang importante'y mapuntahan ko siya at maparamdam kong nando'n ako para sa kaniya.
Oh, Priam... He's the type of person na laging tinutupad ang pangako niya. He promised me he'd be watching the opening show of our play. We even swore on our pinkies. Pero sa unang pagkakataon mula no'ng nagkakilala kami, nabali ang pangako niya. 'Di baleng 'di niya ako mapanood, basta nasa maayos siyang kalagayan at 'di siya pinagsasaksak. Sa kasamaang palad, gano'n ang sinapit niya.
My world almost shattered nang nalaman ko na ang tunay niyang lagay. Nanghina ang mga braso at binti ko, halos naglupasay na nga ako sa sahig. 'Di ko na napigilang umagos ang mga luha ko. Sampung beses siyang pinagsasaksak kaya nalagay siya sa kritikal na kondisyon. Only a miracle could save him.
There's nothing I could do but wait. 'Di ako umalis ng ospital hangga't 'di ako nakasisiguro na maayos na ang kondisyon niya. Belle, Colin, our stage manager, and even the theater director kept on calling me, pero in-ignore ko ang mga tawag nila. All I could think about was Priam. Every thought in my head was about Priam. Kapag bumalik ako ro'n at pinilit ang sarili kong umarte, baka masira ang palabas dahil sa 'kin at madamay ang buong production.
Nag-stay ako hanggang gabi sa labas ng operating room. Mabuti't naka-duty no'n ang Kuya Fabrice ko kaya may umantabay sa 'kin. Late na nang ilabas si Priam mula sa OR. Nang ibinalita sa 'min na stable na ang kaniyang kondisyon, pinasalamatan ko ang halos lahat ng mga santo at anghel na tinawag ko sa 'king panalangin. He was brought to a private room kung saan siya magpapahinga at hihintaying magising. Kinabukasan, no'ng bisitahin ko ulit siya, 'di pa rin siya nagkakamalay.
Two weeks later, wala pa ring malay si Priam. Sabi ng doktor, isa sa dalawang malalim na saksak sa kaniya ay tumama sa major artery niya kaya nawalan siya ng maraming dugo. I didn't fully understand it habang ine-explain sa 'min, pero nakaapekto raw sa utak niya ang volume ng dugo na nawala sa kaniya. Walang makapagsasabi kung kailan siya magigising.
Muli na naman akong nanlumo. Ang akala ko'y tapos na ang mga pangamba namin no'ng maging successful ang operasyon. Meron pa pala kaming dapat na ikabahala.
Mula no'n, halos araw-araw ko siyang binibisita, umaasang mamumulat na ang kaniyang mga mata pagdating ko. I prayed for any sign that he'd regain his consciousness soon. But his eyes remained shut and his body remained immobile. Kung paano ko siya nadatnan kahapon, gano'n ko rin siya nadatnan ngayon. Parang prinsipe siya na mahimbing ang tulog. Kung puwede ko siyang gisingin gamit ang halik ko—kung may magic lang ang aking mga labi—hinalikan ko na siya.
Why I was so invested in him and his condition? 'Di ko ginagawa 'to dahil ganito ang expectation sa 'kin bilang fake girlfriend niya. Ginagawa ko 'to dahil talagang concerned ako sa kaniya. 'Di mapapanatag ang loob ko hangga't 'di siya tuluyang nagigising at bumubuti ang kaniyang lagay.
"Fabienne? Are you okay?"
Biglang namulat ang mga mata ko nang may humawak sa aking balikat. Sunod kong narinig ang tuloy-tuloy na beep mula sa isang machine sa tabi ko. Umangat ang aking tingin sa kanan. Bumati ang nakangiting mukha ni Tita Primavera Torres, ang mom ni Priam. Her brown lob cut made her look younger than she actually was. Nasa early fifties na siya, pero mukhang nasa forties pa lang. Sa kaniya yata namana ni Priam ang mga mata na kulay brown at ilong na matangos.
Pinunasan ko ang aking mukha, baka may namuong muta o tumulong laway habang umiidlip ako. I was sitting on the chair beside Priam's bed. Sa sobrang payapa at tahimik sa kuwarto, 'di ko namalayang nakatulog na pala ako. Agad akong tumayo at nakipagbeso sa kaniya.
"Kumusta kayo, Tita?" nakangiting bati ko. Sandali kong binura ang lungkot sa 'king mukha. "Ako po muna ang nagbabantay kay Yam. Pinag-break ko muna 'yong bantay niya."
Nabaling ang tingin ko sa lalaking nakahiga sa kama. Bagsak pa rin ang buhok niya, medyo humaba na kumpara no'ng huli ko siyang nakasama... no'ng nag-pinky promise kami. Napakaaliwalas ng mukha niya na parang wala siyang pinoproblema, ibang-iba sa sobrang seryosong hitsura no'ng una ko siyang nakilala. May tumutubo nang bigote at balbas dahil ilang linggo na rin siyang 'di nagu-groom.
Priam, please wake up now. If not now, then soon. Please.
"I appreciate what you're doing for my son, but you don't have to come here every day," sabi ni Tita Primavera bago ipinatong ang itim na designer bag sa couch. Malaki ang private room na kinuha ng family ni Priam—may sariling kitchen at bathroom. They must be so well off to afford this place. "The second semester at ElyU has already started, right?"
Mabagal akong tumango bago muling umupo. "Wala pa po kaming masyadong ginagawa kaya puwede pa po akong bumisita rito."
Pumunta siya sa kitchen at kumuha ng ilang piraso ng mansanas sa tray. Binalatan niya ang mga 'yon. "Are you able to sleep well at night?"
Sandali akong napapikit. "Nakatutulog naman po, pero minsa'y nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi. Minsan, napapanaginipan ko si Yam."
Ever since the day he got stabbed, halos araw-araw kong napapanaginipan ang nangyari sa kaniya. I wasn't there to witness the incident in person, pero na-recreate ng isip ko ang eksena base sa mga ikinuwento sa 'kin ni Castiel at sa posts sa SchoolBuzz tungkol do'n. Karamihan sa mga panaginip ko, sinusubukan kong iligtas si Priam mula sa pananaksak. I tried to warn him, I tried to stop him from doing his student council duties. Kaso, kahit ano'ng gawin ko, natutuloy pa rin ang trahediya. I always woke up screaming in my room. Mabuti't ako lang mag-isa sa kuwarto kaya wala akong ibang naiistorbo.
"If you were one of my patients, I would prescribe you with pure melatonin supplements to improve your sleep." Bumalik sa kinauupuan ko si Tita, may dala-dalang plato ng sliced apples. Ipinatong niya 'yon sa mesa sa 'king kaliwa. "But I doubt it's going to be effective right now."
Tita Primavera told me she's a doctor at San Rafael Medical Center, the second largest hospital in the city. Akala ko'y do'n ililipat si Priam matapos ang operasyon, but his family chose to let him stay and recover here in Clark Medical Center. Mas mabuti raw na sa ibang ospital naka-admit si Priam para makapag-focus siya sa trabaho at maiwasan ang distractions. She wanted to go on leave to take care of her son, but she didn't wanna abandon her patients who had scheduled their appointments with her a month in advance.
Mukhang sa kaniya rin namana ni Priam ang pagiging workaholic.
"Makatutulog lang po ako nang mahimbing kapag nagising na si Yam." Pilit akong ngumiti habang pinagmamasdan ang mukha ng anak niya.
Umupo siya sa gilid ng kama, paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ni Priam. "I had him enrolled again at ElyU for this semester kahit walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Once he wakes up, he will surely jump out of bed and return to school as soon as possible. Maghahabol pa siya ng lesson at gagawin pa niya ang kaniyang duties bilang student council president."
Napangiti ako matapos kumagat ng isang slice ng mansanas. "That sounds like something Yam will do. No'ng nilagnat nga po siya after ng donation drive, gusto na niyang pumasok agad sa klase kahit 'di pa siya totally nakababawi ng lakas. Mabuti't nando'n si Cas para bawalan siya."
Kumurba rin ang mga labi ni Tita, pero agad din 'yong nabura. Naka-focus ang tingin niya sa mukha ng natutulog na anak bago bumaling sa direksiyon ko. "I haven't seen Cas in a while. Last ko siyang nakita no'ng araw matapos ang operasyon. Have you heard from him?"
Marahan akong umiling. "Wala rin po akong balita sa kaniya."
"I hope he's doing okay. He must have been so worried about Priam."
Never ko nang nakita si Castiel dito sa ospital matapos ang operasyon ni Priam. Never ko na rin siyang nakita sa campus nitong mga nagdaang linggo. When he heard that Priam fell into a coma, halos lumuwa ang mga mata niya at malaglag ang kaniyang panga sa sahig. He walked out of this room and never returned again. Malamang ay nagbalik ang kaniyang trauma no'ng nabalitaan niyang na-coma rin ang kaniyang kaibigan gaya ng kaniyang kapatid.
Kumuyom ang mga kamay ko, pero agad ding nag-relax. I wanted to be so mad at him because he was the reason Priam got into trouble. It's all his fault! At the same time, naaawa rin ako sa kaniya. He sounded so sorry no'ng nagkausap ulit kami matapos ang ilang linggong 'di pagpapansinan. If he could turn back time, baka 'di na niya ginawa ang mga bagay na nagpahantong sa ganitong scenario. Gano'n talaga, nasa huli ang pagsisisi.
Muling bumukas ang pinto ng kuwarto. Sabay kaming lumingon do'n ni Tita. Pumasok ang isang middle-aged na lalaking naka-pompadour hairstyle at may salaming transparent ang frame. Nakasuot din siya ng coat and tie. Sa sobrang tangkad niya—lagpas six feet—kinailangan kong tumingala para magtagpo ang tingin namin. Sa kaniya namana ni Priam ang facial structure at height nito. May hawak-hawak siyang briefcase sa kanang kamay niya.
Muli akong tumayo para salubungin si Tito William Torres. Binati ko muna siya ng good afternoon bago inabot ang kamay niya para mag-bless. Sandali siyang huminto pero wala siyang ibinigay na response sa 'kin. Deretso ang kaniyang tingin na parang 'di niya ako napansin.
"How are you, dear?" Sinalubong din siya ni Tita para yakapin at halikan sa labi. "Ang aga ng dating mo ngayon, ah? I thought you'd be coming here late."
"I only had meeting with the partners today," sagot ni Tito pagkalas sa kaniya. Iniwan din niya sa couch ang dalang briefcase bago dumeretso sa kusina. He opened the mini-fridge and pulled out a pitcher of cold water. "The case that I was handling was also over so I didn't have anything on my plate."
If Tita Primavera is a doctor, Tito William is a lawyer. No'ng una kaming nagkakilala, binigyan niya ako ng business card kung saan nabasa kong senior partner siya sa Corazon-Mendez & Partners Law Firm. Wala akong masyadong kaalam-alam sa pag-aabogado, but I heard na isa 'yon sa respetado at prestigious law firms dito sa city.
When I first introduced myself to them, 'di sila agad nakapaniwala na girlfriend ako ni Priam. Teka, mali pala. 'Di pala sila nakapaniwala na may girlfriend na si Priam. Puwede ko namang ipakilala ang sarili ko bilang friend o schoolmate niya, but I thought of reciprocating the way I introduced him as my boyfriend to Mama and Kuya. At saka 'yon na ang narrative na nasimulan namin at dapat naming panindigan.
After learning who I was in Priam's life, Tita Primavera welcomed me with open arms. Sobrang saya nga niya no'ng nalaman niyang may girlfriend na pala ang kaniyang anak. Mukhang matagal na niyang pinapanalangin dahil walang ibang inatupag si Priam kundi pag-aaral at student council.
"Talaga? May girlfriend na si Priam? At ikaw 'yon?"
"O-Opo, tita."
"Wow! Bakit walang naikukuwento sa 'min si Priam?
"B-Baka 'di pa po siya ready na sabihin sa inyo."
"Naku, malalagot siya sa 'kin paggising niya!"
But I couldn't say the same about Tito William. Compared kay Tita, 'di siya gano'n kasaya na malamang in a relationship na pala si Priam. Pero nagtanong-tanong siya tungkol sa family ko at sa college life ko. Parang bumaba nga ang tingin niya sa 'kin, lalo na no'ng nalaman niya ang undergraduate degree ko.
"So... you're taking up Theater Arts?"
"Yes, tito."
"And you want to be...?"
"An actress! Puwede sa theater, puwede rin sa TV or movies."
"Have you done actual research on how stable an acting career will be?"
Anyway, I wished that I met them under different circumstances, kagaya no'ng na-meet ni Priam ang family ko. Dahil sa nangyari, parang napaaga ang meet-the-family session ko sa mga Torres. Well, there's no need to meet them since this was just an act. Pero kung kakailanganin para mapangatawanan namin ni Priam ang aming relationship, willing naman ako.
"Tita, Tito, lalabas po muna ako sandali," paalam ko sa dalawa bago bumaling ang tingin ko kay Priam. Yam, lalabas muna ako. Sana'y gising ka na pagbalik ko.
Mag-a-ala-sais na ng gabi nang i-check ko ang oras sa aking phone. I'd been in this hospital for two hours already. Nag-unat muna ako ng mga braso at binti paglabas ng kuwarto. Matapos mag-stretching, nilakad ko ang kahabaan ng hallway hanggang sa narating ang vending machine malapit sa elevator lobby. I inserted a twenty-peso bill and chose a canned orange juice. Merong drinks sa kuwarto ni Priam, pero nahihiya kasi akong humingi o kumuha ro'n. Baka para 'yon sa mga bantay niya.
Mabuti't tapos na ang showing ng Romeo and Juliet play at wala pang audition para sa next theater production. Would I apply for the lead role again? To be honest, I wasn't sure. Siyempre, gusto ko. But the runaway incident kinda tainted my reputation.
"Look at what you've done, Fab! Opening show natin, tinakbuhan mo? 'Tapos 'di ka pa nag-reply sa messages o sumagot sa calls namin? Have you gone mad?"
"S-Sorry, Direk. May emergency kasi kaya kinailangan kong umalis. Pasensiya na kung—"
"Emergency? Doktor ka ba? May magagawa ka ba sa nangyari sa jowa mo? Wala, 'di ba? Kapag ba pinuntahan mo siya, magically gagaling na siya? Hindi, 'di ba?"
"S-Sorry po talaga, Direk—"
"Mabuti't naka-standby si Lucresia na understudy mo kundi malaking PR crisis ang haharapin ng production natin! Kung kailan pa nanood ang chancellor at ang mga taga-PETA, do'n mo talaga naisipang mag-inarte?"
"S-Sorry po talaga—"
"Kung 'di lang ikaw ang nasa marketing at promotional mats natin, tinanggal na kita sa production!"
"S-Sorry po—"
In the end, pinayagan pa rin ako ni Direk na gampanan ang role ni Juliet, pero hati na kami ni Lucresia sa show dates. In-edit at pinalitan din ang ilang promo mats namin para kasama na siya. Gustuhin ko mang magreklamo at ipaglaban ang karapatan ko, wala akong magagawa lalo na't may fault din ako. 'Di bale sana kung ako ang nasaksak, baka naintindihan at pinagbigyan pa kung bakit kinailangan kong umalis.
If he'd be the director of the next theater production, wala na akong chance na maging lead actress kahit gaano pa ako kagaling umarte at kahit ako pa ang pinakamagaling na umarte. Ayaw kong isipin na magiging biased siya laban sa 'kin, pero sira na ang image ko sa kaniya.
"Fabienne?"
Muntik ko nang maibuga ang orange juice na iniinom ko nang may biglang tumawag sa 'kin. Kaka-ding! pa lang ng elevator at kalalabas din mula ro'n ng dalawang babae. 'Yong isa'y naka-cub cut ang hairdo at nakasuot ng maroon blazer kung saan naka-pin sa lapel ang brooch na may university crest namin. 'Yong kasama naman niya'y nakasuot ng puting uniform, bagsak ang bangs, at naka-ponytail ang buhok. Nilunok ko agad ang nasa bibig ko at pinunasan ang aking mga labi.
"Val? Lavinia?" tawag ko.
No'ng pumutok ang balita tungkol sa pananaksak kay Priam, una akong nakarating dito sa ospital. Sumunod sina Lavinia at ibang USC officers para i-check ang kondisyon niya. Humabol si Valeria na kagagaling sa medical mission sa campus fair.
Bago kami nagtagpo rito sa ospital, huli kaming nagkausap ng ex-vice president no'ng tinawagan niya ako matapos niyang mag-resign. Humingi siya ng tawad sa 'kin at nagkasundo kami na dapat protektahan ang USC president. Sadly, neither of us was able to protect him from his assassin.
"Gising na ba si Priam?" agad na tanong ni Valeria, wala mang hi o hello. "Is he okay now?"
Sumimangot ako at marahang umiling. Maging silang dalawa'y napasimangot din at napayuko. I kinda wished I had some good news for them, pero maging ako'y naghihintay ng magandang balita.
Knowing Valeria's feelings for Priam, sobra din siyang nasaktan sa nangyari. Umiyak din siya gaya ko nang malaman niya ang mga detalye. Muntik na nga siyang himatayin sa lobby. She also got mad at Castiel for what happened. Sino pa nga ba ang dapat naming sisihin maliban do'n sa nanaksak? E 'di 'yong taong nagbigay ng dahilan sa kaniya para gumamit ng dahas.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ni Lavinia.
Tumango ako. "Two hours ago. Wala pa kasi kaming masyadong ginagawa sa class kaya naisipan kong bumisita ulit habang may free time pa ako."
I hadn't met Lavinia before seeing her in this hospital two weeks ago. 'Di ko nga siya agad napansin no'ng unang pumunta ang ibang USC officers dito. But I got to know a bit about her nang ilang beses na kaming nagkita at nagkausap dito sa ospital. She's Valeria's friend and the president of their college org. Akala ko no'ng una'y ni-recommend siya ni Castiel bilang replacement niya as chief-of-staff. But I found out that Priam ignored his recommendations and gave the privilege of choosing to the party na kaalyado nila sa LEXECOM.
Sabay na kaming naglakad pabalik sa private room ni Priam. May kaunting awkwardness sa pagitan namin, lalo na sa 'min ni Valeria na dating nagkasagutan. For me, that's water under the bridge. Nag-sorry na siya at tinanggap ko 'yon. Thankfully, the atmosphere right now wasn't hostile anymore. Gumaan na ang loob ko sa kaniya at nag-iba na ang trato niya sa 'kin.
"How's the USC?" Masyadong awkward ang katahimikan sa hallway kaya naisipan kong magtanong para may pag-usapan kami. "Napanood ko 'yong replay ng press briefing ni Rowan kanina. Is everything okay?"
Bumuntong-hininga si Lavinia, sobrang lalim ng pinanghugutan. "Everything's not okay so far. Hindi pa pumapasok si Castiel kahit officially enrolled na siya for this semester. Hindi rin siya nagpaparamdam sa USC office o sa group chat namin. Hindi rin niya sinasagot ang mga message at call namin. Bigla siyang nawala na parang bula."
Saglit akong napayuko. "Mukhang dinaramdam niya ang nangyari kay Yam. Baka naalala niya 'yong nangyari sa kaniyang kapatid na na-coma rin."
"I get that, but we have a student government to run!" Napamuwestra ang kamay niya. Mabuti't wala siyang kasabay sa kanan kaya walang natamaan. "Humihingi na nga ako ng advice kay Val kung ano ang puwedeng gawin. The council can't function without a leader. Walang maa-approve sa mga resolution namin."
"'Di ka ba puwedeng bumalik sa USC?" tanong ko kay Valeria sabay lingon sa kaniya. "Baka matulungan mo silang gumawa ng desisyon?"
"Even if I want to, I can't." Mabagal siyang umiling. "Nag-resign na ako kaya hindi magandang tingnan kung babalik ako. Inako ko rin ang coercion controversy kaya papangit ang image ng USC kapag muli akong na-associate sa kanila. I can only give them advice."
"We thought of invoking Article V, Section 3, Subsection D," bunyag ni Lavinia, "but I don't think it's the smartest move out there."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yang article blah blah na 'yan?"
"As long as may unanimous consensus ang USC, puwede nilang patalsikin ang president o ang acting president," paliwanag ni Valeria bago sumulyap sa katabi niya. "Pero kapag in-invoke 'yon ngayon at tinanggal si Castiel dahil sa dereliction of duty—"
"—si Alaric ang magsisilbing acting president, tama?" dugtong ko. Napapalatak ako. I hated Castiel's guts, but I hated Alaric's guts more. Sakaling siya ang maluklok sa trono, mababalewala ang karamihan sa mga pinaghirapan ni Priam at ng council niya.
"If only the next person in the line of succession is Avrille or an ally, I would have pushed for it." Muling bumuntong-huminga si Lavinia, sandaling napapikit. "We can let Alaric take over temporarily until the president reassumes his powers and duties. But... we don't know yet kung kailan magigising si Priam. O kung gigising pa siya."
I chewed my lower lip. Ayaw kong i-entertain ang possibility na never na siyang magigising. I was hoping and praying that one day, he'd open his eyes again. 'Di baleng matagalan basta mamulat ulit ang mga mata niya. Pero sana'y 'di masyadong matagal. Sana'y 'di umabot ng taon. Sana'y agad na bumalik ang kaniyang malay.
I already miss him.
"If we will put our political interest first and the will of the incumbent, we have to stick with Castiel even if he has seemingly abandoned his oath," sabi ni Lavinia. "But if we will put the interest of the student body first, we have to let Alaric take over. If Castiel doesn't take the reins of the student government soon, baka mag-demand ang LEXECOM na sundin namin ang line of succession."
"Can you hold out a little longer?" Bigla akong huminto at lumingon sa kaniya. Napatigil din ang dalawang kasama ko. "Let me talk to Cas first—"
"But we've already tried talking to him—"
"I haven't," agad kong singit. "Just let me try to convince him. Kung talagang ayaw niyang gampanan ang responsabilidad niya, do what you think is best for the student body."
"Fine."
I still blamed Castiel for the crap he put me through and for what happened to Priam. Pero 'di ngayon ang oras para hayaan kong manaig ang galit ko sa kaniya. I'd drag him out of the shadows kung saan siya nagtatago. After everything he'd done, 'di puwedeng basta-basta siya sumuko at iwanan kami sa ere.
I wasn't part of the USC, and this wasn't my responsibility at all. But I wanted to honor Priam's wishes. Si Castiel ang pinili niyang vice president. Siya rin ang gusto niyang magtuloy sa nasimulan ng USC sakaling may mangyari sa kaniya. Ayaw kong gumising si Priam isang araw at malaman niyang bumagsak na ang student council.
I'm doing this for Yam, not for Castiel or anyone.
♕
NEXT UPDATE: Fabienne confronts the absentee acting president.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top