CHAPTER XXXIII: D-Day (Fabienne)
FABIENNE
TODAY IS the day! Maaga akong nagising ngayong Thursday, salamat sa 'king alarm. Maaga kasi akong natulog kagabi kaya may eight hours of sleep ako. I feel well rested! I feel fully charged! Sa sobrang ganda ng gising ko, feeling ko'y magiging super successful ang first show namin mamaya.
Matapos kong inunat ang aking mga braso, kinapa ko sa bandang taas ng kama ang phone ko. Instead na social media ang una kong atupagin, una kong chineck ang inbox. Five messages received. Unang bumati sa 'kin si Mama, 'tapos si Kuya na halos magkasunod ang messages. They wished me good luck and hoped that the play would be a success. Aw, how sweet!
The third name in my inbox was Belle's. "Rise and shine, Juliet!" sabi niya. Mukhang excited din siya para sa araw na 'to dahil gising na siya kahit five o'clock pa lang. Tulog pa dapat siya sa oras na 'yon.
The fourth one was Colin's. "Let's give our best later. See you!" sabi naman niya. Mukhang masarap ang gising nitong si Colin, ah? Talagang ibibigay ko ang aking best mamaya dahil sobrang taas ng expectations at marami akong gustong i-impress.
And the last name in my inbox? Priam. Ewan kung maaga rin ba siyang nagising o 'di pa siya natutulog. Nabanggit niya kagabi na mag-i-stay siya at ang ibang USC officers nang medyo late na.
Break a leg today, Yen.
Will be watching you later.
Good morning! :)
Lumawak ang ngiti sa mga labi ko. 'Di na niya nakalimutang maglagay ng emoji. Agad akong nag-type ng reply sa kaniya.
Good morning, Yam!
Show everyone the best campus fair
ElyU has ever seen!
See you later! :)
Kapag 'di siya sumipot mamaya, baka neck niya ang i-break ko. Just kidding! Maiintindihan ko kung sakaling 'di siya makanood lalo't opening day ngayon ng campus fair. Baka may emergency siyang kailangang asikasuhin o baka makalimutan niya ang oras dahil sa sobrang busy.
But a part of me was hoping he'd be able to come. 'Di dahil gusto ko siyang i-impress, pero dahil gusto kong ma-relax at mag-enjoy muna siya nang ilang oras sa panonood ng play namin. It might take his mind off the stuff that had been stressing him out the past few days. Deserve niya ng break.
Bumangon na ako at dumeretso sa bathroom. Kung dati'y tapos na akong maligo within thirty minutes, I took my time in the shower today. Instead na kumanta, I recited some of the lines I'd deliver later. Sana'y 'di abot sa kabilang kuwarto ang boses ko. Nakahihiya kung may makarinig sa 'king nagre-rehearse.
Around nine o'clock nang natapos na akong maligo at magbihis. Very light ang makeup na in-apply ko at very simple ang hairstyle ko dahil paniguradong aayusan ako mamaya ng makeup artists at hairstylists.
Pinatutuyo ko na ang aking buhok gamit ang hair dryer nang biglang nag-buzz ang phone ko. Ibinaba ko muna ang aking hawak bago i-check ang notification alert na sumulpot sa screen.
The University Student Council is broadcasting live on SchoolBuzz.
Tinap ko agad ang notif kaya na-open ang SchoolBuzz app. Bumungad sa 'kin ang mukha at boses ni Priam habang nagde-deliver ng speech. Nakatayo siya sa platform ng campus quadrangle. I moved the phone closer to my face para i-observe ang itsura niya. He was wearing a maroon polo shirt with the USC's logo on the chest part. Medyo nakapaninibago dahil lagi siyang naka-blazer kapag nakikita ko siya.
Poor him. Wala bang makeup artist ang USC? Halata ang pagkalalim at pagkaitim ng eyebags niya. Either he hadn't slept yet since yesterday or he slept but only for a few hours. Well, mabuti na rin sigurong ganyan ang itsura niya para makita ng mga estudyante kung gaano siya ka-hardworking. Students should be more appreciative of his efforts to make some of his programs successful.
"Today, we're opening our doors not only to the Elysian community, but also to everyone who wants to see what being an Elysian means. This is the perfect opportunity to flex what we've got in the present, and what we can accomplish in the future."
Ang galing niyang mag-deliver ng speech, ah? Parang politiko talaga. Sana'y 'di siya mahulog sa mold ng mga trapo na magaling ngang magsalita pero kulang sa gawa. But knowing Priam, he's the type to walk the talk.
Natuon ang atensiyon ko sa lalaking nakatayo sa likuran niya at nakahawak ang parehong kamay sa walking cane nito. Castiel was looking uncomfortable as a prop. Dati, si Valeria ang nando'n. Ngayon, siya na. 'Di na ako magtataka kung bakit 'di siya sanay. Lagi kasi siyang nasa backstage, lagi siyang nasa sideline. Ngayo'y nasa mismong stage na siya kung saan hagip siya ng spotlight. Serves him right.
Matapos patuyuin at suklayin ang buhok ko, nag-ready na ako para umalis ng dorm. I made sure na dala ko na ang mga dapat kong dalhin para wala na akong babalikan dito.
Mamaya pang four o'clock ang show namin, pero super aga kaming pinapupunta sa auditorium. Five hours before! Sabi ni Direk, mas mabuti raw kung maaga kaming darating sa audi para makapag-final check kami ng mga kailangan upang maging successful ang play. Mabibigyan din daw kami ng time para makapag-warm up.
Pagbaba at paglabas ko ng dorm, may mga nakasalubong akong ibang estudyante na nakasuot ng casual dress. Since today's the campus fair, we weren't required to wear our uniforms. I tried my best para iwasan ang kanilang tingin at para 'di ko makuha ang kanilang atensiyon. Unfortunately, they must be so familiar with my face and my figure kaya agad nila akong nakilala.
"Siya 'yon, 'di ba? 'Yong gaganap na Juliet sa play?"
"Ay, oo! Siya nga! Dito rin pala siya nag-i-stay?"
"Tara, pa-picture tayo!"
May mga lumapit sa 'kin at nagtanong kung ako nga ba si Fabienne Lucero. My lips stretched into a smile pagharap sa kanila. Nang cinonfirm ko ang kanilang hinala, nag-ask sila ng permission na magpa-picture sa 'kin. I didn't wanna look or sound rude kaya I obliged.
"Ano'ng meron do'n?"
"Teka! Siya 'yong theater actress, 'di ba?"
"Kaya pala may nagpapa-picture sa kaniya!"
The more students gathered around me, the more attention I unintentionally attracted. Nag-huddle sila sa harapan ko hanggang sa tuluyan nang maharangan ang aking dinaraanan. Halos ten minutes yata akong nahinto ro'n, pinagbibigyan ang bawat request ng mga lumalapit sa 'kin.
"Good luck sa play n'yo mamaya!"
"We'll be watching later!"
"Thank you!" paulit-ulit kong sabi hanggang sa tuluyan na silang makalayo sa 'kin. Thanks to all the exposure from our own marketing, The Herald, the campus entertainment media, and the local press, naging mas recognizable na ako rito sa university. I didn't want a level of fame and recognition kung saan naaabala ang day-to-day activities ko, but this was the price that I had to pay for being in this industry.
Kung ito na talaga ang path na tatahakin ko, dapat ay masanay na ako.
Parang fiesta ang ambiance sa campus ngayon. May mga banderitas sa taas. May makukulay na booths sa bawat area. May performers na naka-makeup at naka-costume na mukhang katatapos lang ang performance. Dagsa na rin ang mga tao—mula sa teenagers hanggang sa mga middle-aged—na nakasuot ng casual clothes. 'Di ko na tuloy matukoy kung sino ang mga estudyante namin at sino ang mga bisita.
"Fab!" Sinalubong ako ng yakap ni Belle nang magkita kami sa other entrance sa backstage ng auditorium. May reporters kasing naka-stand by sa front entrance. Kapag do'n ako dumaan, siguradong dudumugin ako at baka 'di na ako papasukin sa dami ng mga tanong. "Fresh na fresh ka today, ah?"
"Ikaw rin," tugon ko. "Ang aga mong dumating, ah? Ikaw yata ang nagbukas ng audi?"
"Gagi! Second ako. Mas nauna ang prod manager natin." Bigla niya akong siniko sa tagiliran. Napahawak ako sa tiyan at napa-aray. "Ay, sorry! Naku, baka kasalanan ko pa kung bakit 'di ka makaka-act mamaya."
"Joke lang!" Hinaplos ko ang aking tummy at dumeretso sa loob. Bilang pa sa mga daliri ko ang mga nandito na. Maaga nga ang sinet na call time, pero mukhang mamaya pa ang dating ng iba. Baka maglilibot muna sila sa fair o magtsi-chill sa food hub.
"Good morning, Fab!" nakangiting bati ni Colin. Naabutan ko siyang nakaupo na sa puwesto niya—sa tabi ng upuan ko—habang nagbabasa ng libro. Bilib din ako sa ability niyang mag-concentrate sa pagbabasa bago ang bugso ng pressure mamaya. "Enough na ba ang pahinga mo kagabi?"
Ilang ulit akong tumango. "Fully charged ako today! Feeling ko, kaya kong mag-perform ng dalawa hanggang tatlong show."
Natawa siya sabay sara ng binabasa niyang libro. "I-reserve mo ang matitirang energy mo bukas. Dalawa ang shows natin niyan."
Nagpa-order ng food and drinks mula sa food hub ang production manager namin kaya pagdating ng lunchtime, naka-ready na ang mga pagkain at inumin namin. Mas mabuti raw na sama-sama na kaming mananghalian para mas mag-bond kami at ma-feel namin ang pagiging isang family sa theater.
Pili at kaunti lang ang kinain ko ngayong lunch. Ayaw kong mapasobra sa busog at ayaw ko ring kumain ng kahit anong magti-trigger sa tiyan ko. Mahirap na, baka mapabanyo ako habang nasa kalagitnaan kami ng play mamaya. Nakahihiya sa mga kasama ko at sa mga nanonood sa 'min. Tubig lang ang ininom ko kahit may carbonated drinks at juice. Baka bigla akong sumpungin ng acidity at paulit-ulit akong mapadighay mamaya.
Pagsapit ng ala-una, halos kompleto na kami sa backstage. Dumating na rin ang makeup artists at hairstylists na personally picked ni Direk. Una kaming inayusan ni Colin at ng iba pang aktor na may malaking role sa play. It would take a full hour bago matapos ang pag-aayos sa 'min. They wanted us to look the most perfect beings on campus. Today was a big day after all. Bigatin ang mga manonood kaya dapat ay one hundred percent ang effort ng bawat isa sa 'min.
Nang patapos na ang pag-aayos sa buhok ko, sinimulan nang ihilera ang racks na may iba't ibang costumes na susuotin namin mamaya. May sariling rack ako at ang ibang co-stars ko na may maraming scenes. Bawat damit do'n ay may tag kung anong scene number ko susuotin 'yon.
All throughout our afternoon preparation, nakapatay ang phone ko. Ayaw ko kasing ma-distract. Gusto kong makapag-concentrate nang one hundred percent. Ayaw ko ring maka-receive ng bad news sakaling meron. Teka, sa'n ba may kahoy rito? Knock! Knock! Dapat ang iisipin ko magmula sa puntong 'to ay walang iba kundi ang play.
Pero aaminin ko, medyo na-tempt akong kunin ang phone ko sa bag. I wanted to see updates on how the fair was going and how Priam was doing. Siguradong sobrang busy niya sa pagme-make sure na walang aberya sa event. Sana'y 'di siya nagpalipas ng gutom at nakakain siya ng lunch kanina.
Kaninang umaga'y mabagal ang takbo ng oras. Pero ngayong hapon, parang biglang bumilis. Ang tatlong oras ay naging dalawa. At ang dalawa ay agad na naging isa.
Halos lahat kami'y naayusan na at suot na ang costumes namin para sa unang set ng scenes. Naka-stand by na ang movers na nakasuot ng itim na shirt at pants para 'di sila mahalata tuwing maglalagay ng set at props habang madilim sa stage. Muling chine-check ng costumes master ang mga damit sa bawat rack para siguruhing kompleto. Inaayos ng props master sa isang table ang mga gamit na ipapasok mamaya ng movers. Nasa finishing touches na ang makeup artists at hairstylists sa mga inaayusan nila. Paikot-ikot ang stage manager sa backstage, sinisigurong nandito na ang lahat ng actors at staff.
How about Priscilla? She's at the auditorium's entrance, inaasikaso ang queue ng mga unang manonood ng play namin. Kasama niya ro'n ang ushers at ang mga nakatoka sa front of the house. 'Di na kami masyadong nakapag-interact kanina dahil busy siya sa pagpe-prepare at busy ako sa pagpapaayos. But I did see her on the phone earlier.
"Talaga, Bran? Pupunta ka sa fair?" tanong niya sa kausap. "Are you sure you're going to be okay?"
Sandaling nagtagpo ang tingin namin bago siya nagmadaling lumabas ng backstage.
"Thirty minutes before open house!" anunsiyo ng production manager pagpasok niya sa backstage mula sa stage right. Kanina pa siya pabalik-balik mula ro'n papunta rito. "SM! Make sure na nandito na ang lahat, ha? Dapat naka-stand by na ang actors sa stage wings in fifteen minutes."
"Copy!" sigaw ng stage manager. "Guys, 'yong mga gustong mag-CR, mag-CR na ngayon! Ilabas n'yo na ang dapat n'yong ilabas para 'di maging issue mamaya!"
"May adult diapers kami rito kung feeling n'yo'y mapapa-poopoo kayo mamaya!" biro ng props master kaya natawa ang karamihan sa 'min.
Napangiti ako, pero 'di ako tuluyang natawa. Habang lumilipas ang mga segundo, patindi nang patindi ang pressure na nararamdaman ko. Kung 'di ko mama-manage nang maayos 'to, baka magkalat ako mamaya. No! I can't let that happen! Especially not in front of the chancellor, the university officials, the guests from PETA. And Priam.
Napahawak ako sa 'king dibdib. Ang bilis ng tibok at ang lakas ng bawat kabog ng puso ko. For some reason, doble ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Halo-halo na ang nagbi-build up na pakiramdam sa loob ko. Parang gusto ko ngang masuka. It had been three hours since I ate. Digested na dapat ang kinain ko kanina kaya wala akong mailalabas sakali man.
This is probably stress. Too much stress.
"Water?" tanong ni Colin sabay abot ng bottled water sa 'kin.
Mabagal akong umiling at nagpasalamat sa concern niya. "Baka maihi ako mamaya kapag uminom ako. Baka nga maisuka ko pa 'yan sa sobrang stress at pressure."
"Try to calm yourself down." Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ini-relax ang katawan. "Alam kong alam mo na ito, pero huwag mong hahayaang ma-overwhelm ka ng pressure. It will crush you. Just think of happy memories."
Ginaya ko siya at ipinikit din ang aking mga mata. Huminga ako nang malalim, hinold ang hininga ko, bago ko mabagal na ibinuga ang hangin. Inalala ko ang aking masasayang memories. No'ng napili ako bilang lead star ng Gabriela. No'ng napili ako bilang Juliet sa play na 'to. No'ng nabigyan ako ng USC scholarship. At no'ng ipinagtanggol ako ni Priam.
"Yen?"
Bigla akong napadilat. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap kung saan galing ang boses na 'yon. Is that Priam? Siya lang ang tatawag ng gano'n sa 'kin. Nandito ba siya para i-surprise ako bago mag-start ang show namin? Possible. Ilang beses na rin niya akong sinurprise no'n, though most of them were according to Castiel's script. Pero medyo unlikely rin. Kahit siya pa ang USC president, 'di siya hahayaang makapasok sa backstage lalo na't may show kami.
"May problema ba, Fab?" nababahalang tanong ni Colin.
Mariin akong umiling. "Wala! Akala ko may narinig ako. Guniguni ko lang yata."
Muli akong pumikit at nag-relax sa upuan. Nabawasan ang panginginig at panlalamig ko kanina. I had to clear my head before the performance.
"Hey, nakita n'yo na ba 'to?"
"Huh? Ano 'yan?"
"Legit news ba 'yan? Baka fake, ah?"
Napadilat na naman ako. Dahil sa ingay ng ibang kasama namin, 'di na ako makapag-concentrate. Lumingon ako sa sulok kung saan nagsama-sama ang ilang fellow actors namin, nakatutok sa phone na hawak ng isa sa kanila. Saktong paglingon ko ay ang sabay-sabay na pagbaling ng kanilang tingin sa 'kin.
What's with their faces? Bakit gano'n sila makatitig sa 'kin? May dumi ba sa mukha ko? Impossible! The makeup artist made sure na malinis, maayos, at maganda akong tingnan.
"Ano'ng meron diyan? Bakit ganyan kayo makatingin?" Medyo awkward ang tawa ko para humupa ang biglaang bigat ng atmosphere sa backstage. "May tsismis ba tungkol sa 'kin?"
Ano pa nga ba? Dahil 'di ako mapakali, tumayo na ako. Lalapit sana ako sa kanila, pero bigla akong hinarang ni Belle. Nakangiti akong nakaharap sa kaniya habang medyo bothered ang itsura niya. Parang masama ang kaniyang pakiramdam at pinipilit niyang magmukhang okay.
"Okay ka lang ba, Belle?" tanong ko. Sinubukan ko siyang lagpasan, pero hinarangan niya ulit ako. Tama ba ang hinala kong meron na namang tsismis tungkol sa 'kin? Kung oo, talagang tiniming sa opening show namin! Sino kaya ang may pakana n'on? "Belle, what's the matter? You're scaring me."
"Have you checked your phone?" tanong niya.
"My phone?" Lumingon ako sa locker kung saan nakalagay ang bag ko. I wasn't sure why, pero agad kong tinungo 'yon at kinuha ang aking bag mula sa loob. Inilabas ko ang aking phone na naka-turn off. I held the power button for a few beats until the screen lit up.
Lumapit sa 'kin si Belle at ang ilan sa mga kasama namin. Ano kayang tsismis ang ipinakalat tungkol sa 'kin para maging gano'n ang kanilang reaksiyon?
"Guys! Fifteen minutes before open house!"
"Wait!" I yelled. When my phone was back on, bumungad ang notification na may missed call. Bakit kaya bigla napatawag ang taong 'yon? Halos isang buwan na kaming walang communication.
Guess who called? None other than the ex-chief-of-staff and now vice president of the USC, Castiel Seville.
♕
NEXT UPDATE: All the lies and deception finally catch up! The penultimate and MOST CONSEQUENTIAL chapter of the first half of PTK!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top