CHAPTER XXXII: Pinky Promise (Fabienne)
FABIENNE
"ROMEO?" TAWAG ko nang bumagsak ang katawan ni Colin sa aking tabi. I was lying flat on my back, pretending to be dead for minutes. Bigla akong bumalikwas mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata ko, halos malaglag ang aking panga, nakabuka ang aking bibig, at nanginginig ang aking baba. "Romeo?"
Ramdam ko ang init ng spotlight na nakatutok sa 'min. Maamo ang mukha ni Romeo at bahagyang nakadilat ang mga mata. I gently slapped his face, careful not to hurt him a bit dahil baka mapa-aray siya o gumalaw nang biglaan. Iginala ako ang aking tingin hanggang sa makita ang walang lamang bote ng lason sa tabi niya.
"Hindi... Hindi, Romeo..." Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang hawak at pinagmamasdan ang bote. Pumatak pa ang ilan sa mga 'yon sa mukha ni Colin. Paulit-ulit akong umiling kaya tumilamsik ang mga luha ko. "Hindi... Hindi ito maaari!"
In-imagine ko na isa sa mga mahal ko sa buhay ang nakahandusay sa aking tabi. Just the mere thought of it could make me tear up. Medyo mababaw kasi ang luha ko kapag may nababalitaan akong pumanaw na kamag-anak. Thanks to it, mas madali akong nadadala sa eksena at 'di ako nahihirapang umiyak sa kahit anong sitwasyon.
"Napaka-selfish mo, Romeo." Hinaplos ko ang mukha niya. "Hindi mo ako tinirhan maski isang patak para makasunod ako sa 'yo. Pero baka..."
I lowered my head and moved in for a kiss. Hinayaan kong dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya. Unlike the first time we did this scene during the audition, 'di nanlaki ang mga mata ni Colin sa gulat. 'Di rin siya gumalaw na parang bangkay.
Nagkahiwalay na ang mga labi namin. "Ang init ng bibig mo, Romeo, kasing-init ng pag-ibig mo na hindi kayang palamigin ng kamatayan."
Inabot ko ang patalim sa tabi at itinutok sa 'king tiyan. Tumigil na ang pag-agos ng mga luha ko, pero ramdam kong may naiwang traces sa aking pisngi.
"Wala nang saysay pang mabuhay sa mundong ito kung wala ka. Kaya mas mabuti pang hayaan ko ang patalim na ito na dalhin ako kung nasaan ka!"
Napasinghap ako matapos tumama ang kutsilyo sa aking tiyan. May tumulong dugo na nagmarka sa puti kong damit. Don't worry, that's just a prop. May nakatagong blood pack do'n na maglalabas ng dugo kapag tinamaan. The blade was also retractable. Bumagsak ang katawan ko sa tabi ni Romeo, magkaharap ang mga mukha namin at nakatulala ang mga mata sa isa't isa.
Unti-unting dumilim ang liwanag mula sa spotlight kasabay ng pagsasalita ng isang narrator. Dahan-dahan ding gumalaw ang mga kurtina sa magkabilang gilid hanggang sa magtagpo sa gitna para takpan kami. As soon as the curtain fell, agad na bumangon si Colin at tinulungan akong tumayo. Lumabas ang iba pa naming mga kasama at gumawa kami ng isang deretsong linya nang nakahawak-kamay. Nagbalik na ang lights sa audience area. Pagbukas ng telon, bumati sa 'min ang nakasisilaw na liwanag. We silently counted down to three before taking our bows.
"Bravo! Bravo!" Pumalakpak si Direk habang mabagal na iniiling ang ulo—'di dahil sa disapproval kundi dahil sa satisfaction. "Ang linis ng bawat scene, ang klaro ng bawat delivery, ang smooth ng transition. I think we're ready for our opening show! Company call, please!"
"Company call!" sigaw ng production manager namin. Umupo kami sa entablado habang hinihintay ang crew na naka-standby sa backstage at ang mga nakatoka sa lights and sounds na nasa balcony.
Tanging si Direk ang naiwang nakatayo sa harapan namin. Malawak ang ngiti sa mga labi niya, daig pa yata ang nanalo sa lotto.
"That was a great performance!" panimula niya. "Gano'n na gano'n dapat ang ipakita n'yo starting tomorrow at hanggang sa matapos ang play natin, okay? You have to be consistent in all of our shows."
"Yes, Direk!"
"As you all know, tomorrow is our opening show kasabay ng pagbubukas ng campus fair," dugtong ni Direk. "I know you're all under pressure, at ayaw ko nang dagdagan ang nararamdaman n'yo, but I'd be remiss kung hindi ko sasabihin sa inyo kung gaano kaimportante ang show bukas. It has to be the most important performance of this production."
Napalunok ako ng laway. Kung pressured na ang iba naming kasama, mas doble o triple ang pressure sa 'kin at kay Colin. As the stars of this show, kami ang magdadala kung magiging successful ang play namin. Gano'n kabigat ang aming pasanin.
"Tomorrow, the university chancellor is going to watch our show," bunyag ni Direk. Napa-wow ang mga kasama ko. "I heard he's so confident in our production that he has invited over some big names from PETA."
"P-PETA?!"
Napasinghap ang iba kong kasama. Ako nama'y napatulala. Really, the PETA? As in the Philippine Educational Theater Association? 'Di 'yong PETA na para sa animal lovers? Wow! The pressure became tenfold! Kung gusto kong ma-discover at gusto kong mag-grow as a theater actress, tomorrow could be my opportunity to get noticed! Dapat talaga'y galingan ko bukas. Lagpas sa one hundred percent ang dapat kong ibigay.
"Good luck sa atin," bulong ni Colin.
"Good luck talaga." Napabuga ako ng hangin. Ngayon pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang pressure. Parang naiinitan na nga ako, eh. But I must manage it. I must not let it crush me.
"I won't keep you any longer." Direk rubbed his palms together. "Maaga ang dismissal natin today para makapagpahinga kayo nang maayos. Get enough rest tonight para fully charged kayo bukas. Don't do anything reckless na maglalagay sa inyo sa aksidente. Tomorrow's going to be a long day."
"Thank you, Direk!"
Nagsitayo na kami at bumalik sa backstage para ayusin ang mga gamit namin. Nagpalit muna ako ng damit at naghugas lalo na sa part na nalagyan ng dugo. Kahit rehearsal lang ang ginawa namin kanina, ipinag-utos ni Direk na um-act kami na parang actual performance na. Maging ang mga prop, ginamit na namin para ma-test kung gagana.
"Ready na ba kayo sa pre-show dinner natin?" tanong ni Belle nang makabalik ako sa backstage. Naka-ready nang umalis ang mga kasama ko kaya nagmadali kong inayos ang aking mga gamit at ibinalik ang damit sa costume master namin.
Before our rehearsal today, napagkasunduan ng ilan sa 'min na lumabas tonight para mag-celebrate bago ang show bukas. Pampatanggal daw ng nerbyos. As one of the stars, parang required na sa 'kin ang sumama lalo na't game si Colin at isa si Belle sa mga nag-organize nito. I didn't wanna be a killjoy and I also wanted to spend some time with my fellow theater people. Wala rin akong gagawin ngayong dinnertime kaya pumayag na ako.
"Let's go, guys!" hikayat ni Belle. Sabay-sabay na kaming umalis ng auditorium. Nagpaalam na ang ilan na 'di makasasama dahil sa prior commitments o dahil 'di comfortable sa ganitong gatherings.
Past five o'clock na kami nakarating sa isang Korean resto. Yup, we chose samgyeopsal for dinner. Alam kong unhealthy 'to dahil fatty and oily ang meat na iluluto, but it wouldn't hurt my diet that much kung kakain ako ng ganito tonight. I'd just burn it in my next workout session. 'Di rin ako madalas kumain nito—maybe once every three months?—lalo na't may kamahalan ang presyo at 'di rin ako malakas kumain.
Maliban kina Belle at Colin, kasama rin namin ang may matataas na posisyon sa Repertory Theater gaya ng production manager, stage manager, at publicity manager namin. Tama, nandito rin sa dinner si Priscilla. 'Di kasama si Direk dahil may ibang appointment siya tonight, pero nagbigay siya ng pera na panggastos namin. So everything was free!
"Picture muna tayo, guys!" yaya ni Priscilla matapos tawagin ang isang crew at iabot ang phone niya. "This is for our social media accounts so gandahan n'yo ang pose, ah?"
Itinutok ng crew ang camera sa 'min. I stretched my lips as wide as I could and flashed my teeth (and maybe a bit of my gums).
"One, two—"
"Wait!" Itinaas ni Priscilla ang kaniyang kamay bago humarap sa 'kin. Nasa kabilang side siya ng table. "Fabby, Colin, magdikit kayo. Belle, please?"
Nagpalitan kami ng tingin ni Belle na nasa pagitan namin ni Colin. She's still not over that publicity stunt. Ayaw ko nang makipag-argue sa kaniya at ayaw ko ring paghintayin pa si Kuya kaya tumango ako kay Belle. Nakipagpalit siya ng puwesto kay Colin at umusod ako nang kaunti malapit sa co-star ko.
"Okay na, Kuya!" Napa-thumbs up si Priscilla.
"One, two, three! Smile!"
Click!
Feeling ko'y medyo nabawasan ang aking ngiti dahil sa pamimilit ni Priscilla. I wasn't sure kung ano pang agenda niya lalo't tapos na ang impeachment trial ni Priam at wala ring sitwasyon na nangangailangan ng influence ko. But whatever. Maybe she was just committed to selling our show through me and Colin.
"Let's eat!"
Sa bawat table, may isang tao na may hawak ng tong at nakatokang mag-grill sa mga karne. Si Belle ang nag-volunteer sa 'min dahil ayaw raw niyang matilamsikan ng oil ang mga kamay or braso ko. Ayaw rin daw niyang mapagod ako sa kalalagay ng pork o beef cuts at pagpi-flip sa mga 'yon.
Aabutin ko sana ang pitcher nang may nauna sa 'kin. Sandaling nagdampi ang mga kamay namin ni Colin. Ramdam ko agad ang mabilisang sulyap ni Priscilla. She probably wished na nakunan niya 'yon ng picture o video.
"Water?" tanong ni Colin sabay angat ng pitcher.
"Thank you!" Tumango ako. Binuhusan niya ang maliit kong baso.
Binigyan din niya ng tubig ang baso nina Belle at Priscilla na ka-table namin. Nasa kabilang mesa ang production manager, stage manager, at kanilang deputies.
Isinawsaw ko muna sa sauce ang bagong lutong pork cut bago hinipan nang paulit-ulit. Isusubo ko na sana, kaso may biglang nag-vibrate sa bulsa ko. My phone buzzed more than twice so may tumatawag sa 'kin. Ibinaba ko muna ang aking chopsticks at chineck kung sino 'yon.
Priam's name crossed my screen.
"Excuse me," sabi ko sa 'king mga kasama bago bumaling sa ibang direksiyon. May mga tumutugtog na K-Pop songs sa background kaya kinailangan kong idikit sa kanang tainga ko ang phone para mas marinig ang aking kausap. "Hello, Yam?"
"Hello, Yen? Are you still in the audi?"
"Ay, sorry! 'Di ko pala nasabi sa 'yo." Biglang idinikit ni Belle ang tainga niya sa likod ng phone ko. Ngumuso ako sa gini-grill niya, baka ma-overcook. "Maaga kaming dinismiss ni Direk today. Nasa Korean resto kami ngayon para mag-celebrate bago ang show namin bukas. Why?"
"Tatanungin ko sana kung gusto mong mag-dinner. But since you already have—"
"Bakit 'di ka na lang sumali sa amin?" Nilakasan ni Belle ang boses niya para 'di masapawan ng K-Pop song. "It will be an honor to have dinner with the USC president, right?"
"Is that your friend? Thanks for the invite, but I do not want to crash in your party—"
"Why don't you join us?" tanong ko. Belle's idea wasn't that bad. Kaysa mamili ako kung sino'ng sasamahan sa dinner, why not have the best of both worlds, right?
"But that seems exclusive for theater people—"
"Guys!" tawag ni Belle sabay wagayway ng kamay niyang may hawak na tong. Umiwas kami ng Colin dahil baka may tumilamsik na mainit na oil sa 'min. "Okay lang ba kung samahan tayo ng USC president sa dinner natin?"
Sabay na ng nag-thumbs up ang production manager at stage manager namin, maging ang mga kasama namin na nasa ibang table. They even teased me with "Ayie!" Nag-init at namula yata ang mga pisngi ko. The thing between us wasn't even real, but my body was reacting this way. Weird.
"This is supposed to be a theater-exclusive dinner." Napabuntong-hininga si Priscilla bago ipinatong ang chopsticks sa mangkok niya. The teasing died down and the tables went silent. "But majority of the people here—even the production manager—is okay with your boyfriend joining us, so I guess it's okay."
"I don't mind him joining us," sabi ni Colin, "if this wasn't intended to be a party for theater people only. But if everyone's okay with it, then I'm okay, too."
Sandali akong napaisip. Halos lahat ay okay na makasama namin si Priam. Tanging sina Priscilla at Colin ang tutol o may reservation. They raised a good point, actually. But I didn't think there would be any harm, so...
"Yam, punta ka na rito," sabi ko sa 'king kausap na naghihintay sa kabilang linya. "Almost everyone's okay with you being here. Samahan mo na kaming mag-celebrate."
"Are you sure? I will not be comfortable if they are uncomfortable with my presence."
"They already gave their consent so... see you in a bit?"
"See you."
Ibinaba ko na ang call at nagpatuloy sa pagkain. This resto was on the food hub's second floor at nasa bungad pa ng escalator kaya 'di mahirap hagilapin. While waiting, pinag-usapan namin ang ilang funny moments sa backstage kanina—gaya ng baligtad na pagkakasuot ng costume at ang maling prop na muntik ipasok ng mover.
My phone beeped again.
"I'm here."
"Sandali lang, ha?" paalam ko sa aking mga kasama bago ako tumayo. I walked past the tables. Ramdam ko ang mga tingin na nakasunod sa 'kin.
"Nandito na yata si Mr. President!"
"Kailangan bang tumayo tayo para i-greet siya bilang respeto?"
"OA mo naman! USC president siya, hindi presidente ng Pilipinas."
"Huwag kayong masyadong maingay at magmumura, ah?"
"Ano 'to, library?"
Sinalubong ko si Priam sa entrance ng resto. Nakipagbeso muna ako sa kaniya. Dinig namin ang mga "Ayie!" mula sa table sa 'di-kalayuan. Binulungan niya ako kung talagang okay lang na nandito siya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila siya papunta sa puwesto ko. We were holding hands while walking. Alam kong conscious siya dahil bawal ang public display of affection sa campus. But this was pretty much harmless. Marami rin kasi ang nagho-holding hands kahit 'di mag-jowa.
Umusod ako sa booth namin para may space siya. Napausod din si Colin sa bandang dulo. Isa-isa kong ipinakilala sa kaniya ang mga kasama ko. Almost everyone greeted him with a smile except one: Priscilla. Her eyebrows raised at the same time nang ipakilala ko siya kay Priam. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa 'kin no'n.
"I like you, Fabby. But I would like you more if you weren't involved with the usurpers."
I shook my head. Now's not the time to think about their beef. Sumenyas ako sa isang crew para mag-request ng additional bowl, chopsticks, at baso ng tubig. Nang matagpo ang tingin namin ni Belle, nag-waggle ang mga kilay niya bago siya napa-twitch matapos matilamsikan ng mantika sa kamay.
"You must be busy with the opening of the campus fair tomorrow," sabi ko matapos kumuha ng grilled meat at ilagay sa 'king mangkok. "Kailangan mo nang magpahinga niyan para may energy ka bukas."
"We will be staying late in the USC office," sagot niya. Binuhusan ni Colin ng tubig ang kaniyang baso. Nagpasalamat muna siya bago muling humarap sa 'kin. "We need to double-check or even triple-check everything."
Kumuha ako ng dahon ng lettuce at ipinakita sa kaniya. "Do you want?"
Kunot-noo siyang nakatingin sa hawak ko. 'Di siya nakasagot kaya I took it as a yes. I picked a piece of grilled meat using my chopsticks and dipped it in the sauce before putting it on the lettuce. Nirolyo ko ang dahon at inilapit sa bibig niya. "I know you're trying to live healthy now, pero wala namang masama kung kakain ka ng ganito today. May special occasion naman, so you have an excuse. Now, say 'Ah'."
"Ah?" Bahagya niyang ibinuka ang kaniyang bibig. I gently pushed the meat wrapped in lettuce hanggang sa kagatin at nguyain niya. Napatango siya habang nilalasahan 'yon.
"It tastes good," komento niya matapos lumunok.
"Siyempre, si Belle ang nag-grill niyan," sabi ko bago sumulyap sa 'king kaibigan.
"I made sure na hindi undercooked at overcooked ang mga karne," pagyayabang ni Belle. "Mahirap na, baka magkasakit tayo dahil hindi masyadong luto at hindi namatay ang bacteria sa meat. Big day pa naman tomorrow."
'Di ko na pinansin ang mga kasama namin na kanina pa kami pinanonood at pinagtsitsismisan. I was only doing my girlfriend duties, at walang masama kung subuan ko ang boyfriend ko.
"Ehem!" Priscilla forced a cough kaya napalingon kami sa kaniya. "Do we have any updates on the thief na pumasok sa backstage at nagnakaw ng ilang wallets?"
"Thief?" bulong ni Priam.
"'Di ko ba nakuwento sa 'yo?" Sandali akong napaisip, pero mukha ngang 'di ko pa nabanggit sa kaniya. "Merong lalaki na nanloob sa backstage no'ng isang araw. Akala namin no'ng una, housekeeping personnel kasi may dala siyang mop. Kawatan pala. May mga nanakawan siya na apat o lima sa 'min bago siya napansin ng isa sa mga kasama namin."
"Nakapag-file na kaming blotter, then nakunan na rin ng photo mula sa CCTV camera," sagot ng production manager sa kabilang table. "Maglalagay na ng wanted poster bukas sakaling mag-attempt ulit siya na magnakaw."
"Geez. Kailangan na talagang magdoble-ingat ngayon lalo't maraming magnanakaw na umaaligid." Bumuntong-hininga muna si Priscilla bago umangat ang tingin sa 'kin. "Hindi mo alam na 'yong katabi mo, magnanakaw pala."
Mukhang may pinatatamaan siya, ah?
"That theft report did not reach us, but rest assured that we will coordinate with the Office of Campus Security," tugon ni Priam. "Maraming expected na visitors sa mga susunod na araw kaya hihigpitan ang security papasok at palabas ng campus. There will be scanners and metal detectors at every point."
"That's reassuring," matamlay na tugon ni Priscilla. Ibinaba niya ang kaniyang chopsticks sa table at biglang tumayo. Lumikha ng pagkaluskos ang upuan niya kaya napatingin sa kaniya ang ibang katabi namin. "Sorry, guys. Nawalan ako ng ganang kumain. I also have to rest na. See you all tomorrow. Huwag kayong masyadong magpapagabi."
"Bye, Priscilla!"
"Ingat ka pauwi!"
"See you!"
Priscilla grabbed her shoulder bag before shooting daggers at Priam. I thought she'd be able to tolerate Priam's presence, pero mukhang matindi ang inis nito sa kaniya. I caught Colin squinting his eyes at her. If our publicity manager's excuse was enough to arouse his curiosity, 'di malabong mag-dig deep siya tungkol sa isyu sa pagitan ng dalawa.
It took us almost two hours to finish all the grilled meat na in-order namin. May no leftovers policy rito. Kahit busog na busog na ang ilan sa 'min, pinilit nilang ubusin ang mga sobrang karne. They shouldn't have ordered more than what they could eat.
Mag-a-alas-otso na nang nagpaalam kami sa isa't isa at nagkahiwa-hiwalay na. Priam and I left together. Ihahatid niya raw ako sa dorm. There's no need for him to act lalo't gabi na at wala nang masyadong estudyante na makakikita sa 'min. But he insisted, so I accepted his generous offer. 'Di kami masyadong nakapag-usap sa Korean resto kanina.
Nilakad namin ang pavement na tanging lamp posts ang nagbibigay-liwanag. Halos nakabibingi ang tunog ng mga kuliglig galing sa malalapit na puno. Tumingala ako sa langit at napansing wala ang mga bituin at buwan. Uulan kaya? Sana hindi. May event pa sina Priam bukas at may show rin kami.
"So how's your newly appointed vice president?" tanong ko. "Nakapag-adjust na ba siya sa bago niyang role?"
"I think he's mad at me," sagot ni Priam. "I kept him in the dark once, when I did not tell him about his own appointment. Keeping him in the dark twice must have insulted him. Hindi niya na-appreciate."
"He also kept you in the dark do'n sa ginawa nila kay Chevy, so it's only fair." Ayaw kong sulsulan ang kasama ko, pero 'di ko naiwasang maging brutally honest sa kaniya. Dati, medyo tinitimbang ko pa ang bawat salitang lalabas mula sa bibig ko. Ngayon, nasasabi ko na ang mga gusto kong sabihin.
"Sana'y lumipas agad ang tampo niya sa akin," sabi ni Priam matapos bumuntong-hininga. "We have an event for three days. Magiging mas madali ang coordination kung wala kaming tampuhan o issue sa isa't isa."
"He's your friend, right?" Sumulyap ako sa kaniya. "Kung kaibigan mo talaga siya, lilipas din kung anuman ang nararamdaman niya. Maiintindihan niya kung bakit mo ginawa 'yon. Kung hindi, medyo magduda ka na kung kaibigan mo talaga siya."
"It has been actually awkward in the apartment." Mabagal ang pag-iling niya. "Magkasama nga kami roon, pero hindi kami nag-uusap."
"Ganyan talaga kapag may tampuhan. Parang bagyo lang 'yan. Daraan, magpapaulan, mamemerwisyo, 'tapos aalis na."
"I hope that's the case."
"But..." Saglit akong napahinto at tinitigan ang mukha niya. "How well do you trust him?"
"Hmm?" Nalingon siya sa 'kin at napahinto rin. Nagtagpo ang aming tingin. "I trust him very much."
"Not fully?"
"I have to leave some room for doubt."
"He's now your constitutional successor, right?" Nagpatuloy na ako sa paglalakad. I put my hands behind my back habang pasulyap-sulyap sa kaniya. "Sumagi ba sa isip mo ang possibility na baka isang araw, traydurin ka niya?"
"Traydurin?" Natawa siya habang nakasunod sa 'kin. Hey, I'm serious! "How?"
Napakibit-balikat ako. "Let's just say magically nakontrol niya ang LEXECOM. Paano kung ipa-impeach ka niya para makuha ang posisyon mo?"
Tumingala siya sa langit kahit wala siyang pagmamasdan do'n maliban sa mga ulap. "Cas will not do that. I may not trust him a hundred percent, but I know for a fact that he is not capable of stabbing me in the back. Other people will, but not him."
I hope so. Lalo ko siyang 'di mapatatawad kapag may ginawa siya kay Priam.
'Di na namin namalayang nakarating na kami sa dorm. Huminto na ako at umikot para harapin siya. "Hanggang dito mo na lang ako ihatid. Kailangan mo pang bumalik sa USC office, 'di ba?"
"Are you sure?"
Tumango ako. "At saka alas-otso na. Baka kung ano'ng isipin ng mga makakikita sa 'tin kapag napansin nilang hinatid mo ako sa room o kapag nakita nilang paalis ka mula sa kuwarto ko."
"That's the type of rumor we cannot let spread." Bahagya siyang natawa. Natawa rin ako. "Anyway, see you tomorrow. Good luck on your performance."
"Manood ka bukas, ah? You promised!" paalala ko sa kaniya. "I'm gonna expect you in the front row. Magtatampo ako kapag 'di ka pumunta. 'Tapos dapat tapusin mo hanggang dulo."
He raised his right hand. "I promise that I will be there in the front row tomorrow, watching you and cheering for you."
I showed him my pinky finger. "Promise?"
Ilang beses siyang kumurap bago ibinaba ang kanang kamay at idinikit ang pinky finger sa daliri ko. "I promise."
Our little fingers interlocked as our stares lingered on each other. Nang nagkahiwalay na ang mga daliri namin, tumingkayad ako para yakapin siya nang mahigpit at makipagbeso sa kaniya. He didn't see that coming kaya ilang segundo rin siyang nanigas na nakatayo. He hugged me back.
"See you tomorrow and good luck, too," I whispered in his ear.
"Good night."
Kumaway muna siya sa 'kin bago tumalikod at naglakad palayo. Napahawak ako sa 'king dibdib. Biglang napakunot ang noo ko. Why is my heart beating fast? Nadala ba ako sa yakapan namin kanina? But that was just a friendly hug, like what I would do with my friends.
Anyway, I would hold him to his promise.
♕
NEXT UPDATE: The much-awaited opening show of Romeo and Juliet!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top