CHAPTER XLVI: Fallout (Fabienne)
FABIENNE
CASTIEL WASN'T the enemy. 'Yon ang alam at paniniwala ko. But for some reason, parang sinasadya niyang magmukhang masama at maging kontrabida. Ayaw ko sanang kuwestiyonin ang desisyon niya lalo na't 'di ako involved sa politics ng university. But I couldn't just watch him go on a downward spiral. Kung iniisip niyang para 'to sa ikabubuti ng USC o ng kaniyang plano, nagkakamali siya. Kailangan niyang ma-realize na mali ang landas na tinatahak niya.
Kung binabangungot siya, dapat na may gumising sa kaniya.
One Tuesday morning, maaga akong umalis ng dorm at dumeretso sa campus quadrangle. Mamaya pang ten o'clock pa ang class namin sa Dramaturgy kaya may time pa ako para sa ibang activities. I found the suspended USC officers gathered around a steel bench. Sanay akong makita sila sa kanilang air-conditioned office kaya nakapaninibagong makita sila sa ganitong lugar. Nakapaninibago ring makitang 'di nila suot-suot ang kanilang maroon blazer at student council brooch.
"Good morning!" nakangiti kong bati. Napaangat ang mga balikat ng ilan sa biglaang pagsulpot ko. Ipinatong ko muna sa mesa ang aking shoulder bag bago ko sila isa-isang binalingan ng tingin. "Did I miss anything?"
"You're just in time, Fab!" Sinagot ni Rowan ng malawak na pagkurba ng mga labi niya ang ngiti ko. Despite his indefinite suspension and the crazy stuff that Castiel had been doing, nagagawa pa rin niyang magmukhang positive. "We've just arrived as well. Take a seat!"
"Thanks!" Umupo ako sa tabi ng ex-vice president. Umusod siya nang kaunti para may enough space sa 'kin. I leaned closer to them and lowered my voice. Baka may palihim na nakikitsismis sa 'min. "Ano'ng battle plan natin today?"
"Despite Avi's threat, Castiel remains unbothered," may buntong-hiningang sagot ni Valeria. "Hindi pa rin niya nili-lift ang temporary suspension ng tatlong kasama natin. Mukhang gusto niyang sagarin ang ating pasensiya."
Thanks to recent events, tuluyan nang nawala ang awkwardness sa pagitan namin. Parang groupmates kami na may problema sa isa't isa—pero siya lang talaga ang may beef sa 'kin—'tapos nagkasundong magtulungan dahil gusto naming parehong pumasa sa isang minor subject na feeling major. Iba talaga ang nagagawa kapag may common goal.
"He's leaving us with no other choice. We're going to hold a press conference out here in the open." Ngumuso sa steps patungo sa Allied Medical Professions building. Patuloy ang paglabas at pagpasok ng mga estudyante ro'n. "If we want to make some noise, this is the best spot on campus."
"Hindi ko alam kung may plug sa mga tainga niya o talagang nabibingi-bingihan siya, but it's time to speak up and call him out," dagdag ni Lavinia na nakaupo sa kanan niya. "Kapag nakita ng mga estudyanteng nakatayo tayo riyan, 'tapos pinalilibutan pa ng reporters, mas makaaagaw tayo ng atensiyon. Castiel can't ignore us anymore."
"Can we just do a presscon here?" Nagawi ang tingin ko sa mga estudyanteng nilalagpasan ang bench namin. May ilang napalilingon at napatuturo sa 'kin na parang may dumi ako sa mukha. I smiled at them. "May pupunta bang reporters? This isn't an official USC press briefing, 'di ba? So why would they come?"
"That won't be a problem." Tumango si Lavinia sa public information officer na suspended gaya niya. "Our PIO has taken care of that."
"I may have left the press room, but I've brought the contact details of every USC beat reporter with me." Ipinakita muna ni Rowan ang kaniyang phone bago muling ibinulsa 'yon. "I'm sure they're interested in what we have to say, lalo na kung slow news day ngayon. They will flock to us like starving vultures!"
"Heto ang speech mo." Kanina pa busy si Sabrina sa laptop niya. She greeted me with a glance and a nod nang dumating ako rito. Ngayo'y huminto na siya sa pagta-type at iniharap ang screen nito kina Valeria at Rowan. "Isinama ko na ang recent pronouncements ng USC na puwede nating i-criticize."
Ramdam ko kung gaano kaseryoso ang sitwasyon dahil sa involvement niya. Akala ko no'ng una'y siya ang tipo ng officer na susunod sa kahit anong ipag-utos ng nakatataas sa kaniya. Mukhang timid kasi siya, 'yong puro tango at 'yes, sir/ma'am' ang palaging sagot. But seeing her join the other USC officers in opposing Castiel proved that she wasn't a pushover. I was wrong to misjudge her.
Inilapit ni Rowan ang mukha nito sa screen at tahimik na binasa ang nakasulat do'n. Makalipas ang halos isang minuto, marahan siyang tumango at nagbigay ng two thumbs up. "Great speech! Thanks for helping out, Sab!"
Except during the team building, I hadn't seen the USC in action that much kaya natuwa akong ma-witness kung paano silang magtulungan. It would've been more fun siguro kung kasama nila si Priam at 'di nila kailangang gawin 'to laban kay Castiel. But circumstances forced them to act this way. 'Di ko sila masisisi.
"I have to do part, too!" Ayaw kong wala akong maiambag sa team effort. Obviously, I wasn't a USC officer, but I could do something to help them out. Inilabas ko ang aking phone at in-open ang SchoolBuzz app. I took a selfie and added a caption to let everyone know that something important was about to happen at the campus quadrangle. I reviewed the post before hitting the publish button.
Kaka-press ko pa lang sa power button ng phone ko, dumagsa na agad ang reactions at comments. Mas maraming estudyanteng pupunta o daraan, mas mabuti. It could make Castiel realize that he committed a mistake by suspending his officers. And who knows? Baka matauhan na siya.
"I feel bad that we're about to do what the opposition is supposed to be doing." Bumuntong-hininga si Valeria habang pailing-iling. Sumabay sa galaw ng ulo niya ang kaniyang ponytail. "But we're not opposing the USC. We're just opposing Cas."
"Some may argue that Castiel is the USC," dugtong ni Lavinia. "But this has to be done. Nandito na tayo. Hindi na tayo puwedeng mag-back out pa."
"Hindi lang tayo ang nandito." Ngumuso si Rowan sa ilang estudyante na naglalakad patungo sa direksiyon namin. "Even the reporters are here. We don't want to disappoint them, do we?"
"One ex-USC officer and three suspended USC officers plus an influential First Lady," nakangising bilang ni Lavinia. Nag-blush ako dahil sa ginamit niyang adjective sa 'kin. "We will absolutely attract a crowd. Castiel can't ignore our pleas anymore."
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago makompleto ang reporters na tinimbrehan ni Rowan. He said hello and entertained them muna. Mukhang maayos ang nabuo niyang rapport sa kanila kaya sinipot siya rito. Familiar ang ilan dahil napanood ko na sila no'n sa livestream ng press briefings niya.
Tumayo na si Valeria, isa-isa kaming binalingan ng tingin. Seryoso ang mga mata niya, parang nagliliyab at puno ng determinasyon. She'd probably do a good job kung siya ang acting president ngayon. "Let's go and teach Cas a lesson."
Tumango kami sa kaniya at saka kami nagsitayuan. The ex-VP led our group toward the steps of the AMP building. Sinenyasan na ni Rowan ang reporters na pumuwesto na. May ilang estudyante rin sa tabi-tabi na lumapit sa 'min. Sa bawat segundong lumilipas, parami nang parami ang crowd. We started with only twenty. Now, we doubled that number.
Nakahilera kaming tumayo sa likod ni Rowan. Pinapagitnaan ako nina Valeria at Lavinia. Since he's the indefinitely suspended PIO, siya ang napiling mag-deliver ng speech. No'ng una'y parang na-out of place ako dahil 'di ako isang student council officer. I was just the girlfriend of the USC president. They dubbed me as the First Lady, pero wala akong influence o power sa council.
I didn't have to say anything here. Well, they didn't ask me to. Enough nang tumayo ako rito at ipakita ang suporta ko sa officers ni Priam. 'Di basta-basta babalewalain ng students at reporters ang ganap ngayon—lalo na ni Castiel.
"Good morning, my fellow Elysians! Na-miss n'yo ba ako?" panimula ni Rowan. May mga natawa sa reporters, habang may iilan na napa-Yes. "Sorry kung 'di n'yo pa ako makikita sa press room. Mukhang matagal-tagal pa bago ako muling tumapak doon. In the meantime, dito muna tayo sa quadrangle. Surprisingly, presko pala rito at hindi kasing-suffocating doon."
Iginala ko ang aking tingin at mabilisang binilang ang mga tao. Triple na siguro ang bilang namin ngayon. Agad ko ring nai-spot-an si Reynard sa crowd. How? Because of his navy blue hoodie. Ang alinsangan ng panahon, pero gano'n ang kaniyang suot? Iba rin ang trip niya.
"Let's get serious." Nag-iba na ang tono ni Rowan, nawala na rin ang kurba sa mga labi niya. "We've decided to call our friends in the campus press to make a statement today. As you can see, I'm joined by my fellow indefinitely suspended officers, the former vice president, and of course, the First Lady."
Saglit siyang lumingon sa 'min at napamuwestra. Tumango ako nang i-acknowledge niya. Natutok na sa 'min ang phones ng mga nanonood. Ngingiti sana ako sa kanila, pero naalala kong mabigat pala ang subject nitong press briefing. Serious mode muna.
"We're standing before you today to call out USC Acting President Castiel Seville," matapang na anunsiyo ni Rowan. Minodulate niya ang kaniyang voice kaya malamang ay dinig na dinig ng buong crowd. "As you know, he's the reason why you haven't seen me give the weekly USC presser. Since my suspension, Junior Officer Mignonette Nievera has taken over as interim press secretary. I commend her, by the way, and I look forward to working with her in the future. We're going to be a formidable duo."
Halos one hundred na ang bilang ng mga estudyanteng nagtipon dito sa quadrangle. Some of them had their phones out, taking photos and videos of this briefing. Kahit nakaka-tempt, wala pa rin akong pinatakas na ngiti sa mga labi ko para maipakita kung gaano kaseryoso ang panawagan namin.
"But the USC is the highest governing student organization," tuloy ni Rowan. "While the junior officers temporarily taking over our roles are commendable, the council will be best served by senior officers who have been there since the start of the academic year. Thus, we're calling on the acting president to reinstate us."
I hoped that Castiel was watching. Paniguradong may ilan sa reporters ang nagla-livestream nito kaya may chance na pinanonood niya kami ngayon. Nasa kaniya kung paano siya magre-react, pero sana'y may impact 'tong ginagawa namin.
"We're also calling on the acting president to exercise an appropriate amount of restraint when dealing with other student leaders," dugtong ni Rowan. "His aggressive approach and divisive rhetoric will not unify the student government. It will only sow division and resentment. Hence, it's important for senior officers to be reinstated so we can advise him properly on how to deal with people who may disagree with our policies."
Kung nanonood din si Alaric ngayon, malamang ay tuwang-tuwa 'yon. Baka nga kumakain pa siya ng isang bucket ng popcorn habang pinanonood kami. Ang number one na magbe-benefit sa internal conflict ng USC ay walang iba kundi siya. Kapag nagpatuloy 'to, he wouldn't have to pull any stunt anymore. He'd just watch us tear each other apart from the comfort of his seat.
Puwede kaming manahimik. Puwede naming pagkatiwalaan si Castiel at ipaubaya sa kaniyang diskarte kung anuman ang balak niyang ma-achieve. But from what I'd been seeing, masyadong risky ang game na kaniyang nilalaro. Alam kong mahilig siya sa risk—gaya ng pagpapakalat niya ng rumor tungkol sa 'kin no'n—pero 'di niya dapat ipaghiganti ang sarili niya at ang kaniyang kapatid sa ganitong paraan.
There's a better way! 'Yon ang dapat niyang mapagtanto.
"We're also calling on the acting president to temper his tendencies to overreach," dagdag ni Rowan. "The USC's recent pronouncement to audit all student organizations, mandated or otherwise, is excessive. Reviewing the accomplishment and financial reports of 143 groups may compromise the quality of the audit. We have confidence in USC Treasurer Tabitha Rustan, the only senior officer remaining on the council, to handle the task masterfully. However, we're concerned that the workload might overwhelm her even if she form an ad hoc committee to assist her—"
Bigla siyang nahinto sa pagsasalita nang may narinig kaming mabagal na palakpak mula sa crowd. Nahati sa dalawang column ang mga nanonood sa 'min matapos nilang magbigay-daan sa isang grupo ng mga estudyanteng nakasuot ng maroon blazer. Nagsimula man ang mga bulungan sa paligid, dinig ko ang sunod-sunod at palakas nang palakas na clack galing sa isang direksiyon.
"Cas..." bulalas ko nang huminto siya sa paanan ng steps. Kasama niya si Tabitha na pairap-irap at ang tatlong junior officer. Agad na pumalibot sa 'min ang reporters, naka-ready ang kanilang phones para kuhanan ng picture o video ang intense na tagpong 'to.
"Nagtataka ako kung bakit hindi maalis-alis ang sakit ng likod ko," sabi ni Castiel habang nakahawak sa parteng 'yon. "'Yon pala, may ibang nam-backstab sa 'kin maliban kay Avrille at mga partymate niya."
"Calling you out in public is not stabbing you in the back," matapang na tugon ni Lavinia. "Kung gusto mong mawala ang sakit ng likod mo, alam mo na kung ano'ng gagawin."
"You probably convinced your friend Avi to turn against me." Humakbang sa steps si Castiel, pero huminto rin agad siya. "My guess? You spoke privately with her and convinced her to censure me in the LEXECOM a few days ago. If that's not backstabbing, I don't know what is."
Napalunok ako ng laway. Alam kong kaya niyang umasta bilang kontrabida kung gugustuhin niya, but I didn't expect him to be this menacing. Parang no'ng nagkausap kami sa private room ng kapatid niya. He almost scared me with his face and tone back then.
"But sadly, her threat didn't make me budge," dugtong niya. "That's why your disgraced crew is here, making a scene in public. At sinama n'yo pa talaga si Fabienne? Why? Are you afraid that no will be interested in what you have to say without her?"
"We're not going to use Fabienne the same way that you—" Mabuti't nakapreno agad ang bibig ni Valeria at medyo mahina ang kaniyang boses. Kung 'di, na-pick up o na-record na 'yon ng nakatutok na reporters sa 'min.
"You got it wrong, Cas," paliwanag ko sabay hakbang palapit sa kaniya. Nakapagitan sa 'min si Rowan na tila ready akong protektahan. "They didn't ask me to join them. Ako mismo ang nag-volunteer na sumali sa kanila. Sorry, but I can't let you continue this madness."
"Huwag na nating hintaying lumala ang sitwasyon, Cas," pagsusumamo ni Valeria bago nabaling ang tingin niya sa babaeng katabi nito. "Tabby, please talk some sense into him. Sa ngayon, tanging ikaw ang may kakayahang mang-real talk sa kaniya."
"Don't damay me in your little problem," may pag-irap na sagot ni Tabitha. Sabi na nga ba, magiging enabler pa siya. "Besides, I like what he's been doing nitong nakaraan. Why stop a good show when you're enjoying it?"
"Tabby!" sitsit ni Valeria.
"Come on, Cas," tawag ni Rowan. "Kung hindi ka makikinig sa amin, we're gonna keep doing this over and over until you listen to us. An internal conflict in the council is very bad publicity. It's a lose-lose situation for you and us. 'Yon ba ang gusto mo?"
"If you don't want this situation to worsen, then don't get in my way." Muling humakbang paakyat si Castiel habang inaalalayan ng kaniyang cane. Nanlisik na ang mga mata niya at nagngitngit ang mga ngipin. "I'm doing you all a favor. Can't you see it?"
"You're doing us a disservice," mabilis na kontra ni Lavinia. "Not only us here, but also Priam. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nagising na siya at nalaman niya ang mga pinaggagawa mo? Baka bumalik siya sa pagka-coma."
Sandali akong nayuko at napapikit. I didn't wanna hear Priam's name and the word coma in the same breath. Hinaplos ni Sabrina ang likod ko at tinanong kung okay ba ako. Tumango lang ako.
"If you don't step aside, I'm going to escalate your indefinite suspension to termination," banta ni Castiel sa tatlong officer. Uh-oh. Sunod na nagawi sa 'kin ang kaniyang naningkit na tingin. "If you don't stop lending them your voice, I'm going to revoke your USC scholarship."
Halos malaglag ang panga ko. S-Seryoso ba siya?
"Huwag mong idamay si Fab!"
"You can't just do as you please!"
"Oh, but I can." Tumuntong na si Castiel sa level na tinatapakan namin. Humakbang pa siya palapit, pero hinarang agad siya ni Rowan. "As the acting president, I have assumed all the powers and duties of the presidency. Isn't that correct?"
"We have already consulted the Ombudsman about it," sagot ng isa pang lalaki sa grupo niya. Reginald yata ang kaniyang name, kung 'di ako nagkakamali. "The acting president has the power to terminate officers appointed by the duly elected president. If he exercises that option, he won't be committing any abuse of power, nor will it constitute an impeachable offense."
"May isang buwan din ang USC mula sa simula ng semester para i-review ang status ng kanilang scholars," sagot ng babaeng may makapal na bangs at parang kahawig ni Sabrina. "Dahil suspended ang tatlong USC officer, tanging acting president at treasurer ang magsisilbing signatories para bawiin ang ibinigay na scholarship."
"Cas!" tahol ni Valeria.
"Again, don't get in my way." Nagliwanag ang mga lente ng salamin ni Castiel matapos itulak pataas sa bridge ng ilong niya. "Wrap this show up now, or I will follow through on my threats."
Tumalikod na siya sa 'min at maingat na bumaba sa steps. Torn ako kung hihilingin kong matapilok siya o ligtas siyang makababa. But he made it down unharmed. Sumunod sa kaniya ang mga kasama niya maliban sa babaeng naka-twintails na lumapit muna sa inimbitahang reporters ni Rowan.
"To the USC press corp, these officers are currently suspended, so we ask you not to give them any airtime," nakangiting paalala ng interim press secretary na si Mignonette. "Kapag inulit n'yo ito, hindi ko sasagutin ang mga tanong n'yo sa susunod kong presser. Sige kayo!"
May halong biro ang tono niya, pero ramdam kong may halong banta rin 'yon. Lumingon siya sa 'kin at saktong nagtagpo ang aming tingin. Seryoso ang mga mata niya habang nagtataka ang mga akin. Why is she looking at me that way? Nauna siyang kumalas ng titig bago sumunod sa mga kasama niya.
"Why is Cas doing this?" tanong ni Valeria. "He's trying so hard to become the villain."
"Maybe he's gone batshit crazy," tugon ni Lavinia. "Priam falling into a coma must have affected him so much."
Muli akong napapikit. May naramdaman na naman akong kirot sa puso ko.
Please wake up soon, Yam. We need you.
♕
NEXT UPDATE: Castiel tries to declare check on his enemy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top