CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)

FABIENNE

ITO NA ang fourth time na binisita ko si Priam this week. On my way to the hospital, nanalangin ako na sana'y mulat na siya pagdating ko. I wanted to see him smiling again kahit 'di siya madalas na ngumiti. That would be the greatest gift to me kahit malayo pa ang birthday ko. Kaso pagdating ko sa private room niya, his eyes remained shut and his body remained still.

Napasimangot ako. I sometimes wondered kung alin ang mas masaklap: ang malamang namatay na ang isa sa mga mahal mo sa buhay o ang malamang walang kasiguraduhan kung magigising pa siya. Masakit sa puso kapag pumanaw na ang isang tao, pero lilipas din ang panahon hanggang sa tuluyan nang makapag-move on ang mga naiwan niya. Pero kapag na-coma ang isang tao? 'Di ko maipaliwanag ang feeling dahil mahirap siyang i-describe.

On one hand, masaya ako dahil 'di natuluyan si Priam at may chance na magising pa siya. On the other hand, baka naghihintay kami sa wala at... pumanaw rin siya makalipas ang ilang linggo, buwan, o taon. I refused to entertain the latter thought, pero mahirap balewalain ang possibility na 'yon.

Naalala ko ang sinabi ni Castiel sa 'kin. Halos mag-iisang taon nang naka-coma at naka-admit ang kapatid niya, pero hanggang ngayo'y 'di pa rin 'to nagigising. That must have been hard not only for him, but for the Seville family, too. Naintindihan ko kung saan niya hinugot ang kaniyang pagmumukmok sa apartment nang dalawang linggo. Natatakot siyang baka gano'n din ang mangyari kay Priam. Natatakot din ako sa posibilidad na umabot nang gano'n katagal ang coma niya. Pero...

Hay, naku! Ayaw ko nga munang isipin 'yon! Tita Primavera was so hopeful that her son would wake up again, kaya 'di rin dapat ako panghinaan ng loob. Hangga't humihinga pa siya, hangga't may vital signs pa siya, may pag-asa pa. Lumalaban pa si Priam kaya dapat ay lumaban din kami.

I stood by Priam's bedside and caressed his jet black hair. Bahagyang humaba ang buhok niya. Napakaamong tingnan ng kaniyang mukha, pero namayat na at halos litaw na ang cheekbones gaya kay Castiel. Guwapo pa rin siya.

Kung sanang may puwede akong gawin para gumising na siya...

Bumukas ang pinto sa bandang likuran ko. Kasabay ng nilikha nitong kaluskos ay ang sunod-sunod na clank. Nanlaki ang aking mga mata at agad akong lumingon do'n. Napanganga ako nang bumati sa 'kin ang mukha ni Castiel. Nakasuot na siya ng maroon blazer at golden necktie. Compared no'ng binisita ko siya sa apartment, maayos na ang pagkakasuklay ng buhok niya at clean-shaven na rin siya ngayon. Mabuti't na-groom na niya ang kaniyang sarili.

"Cas," pabulong na tawag ko. Himala, 'di agad kumulo ang dugo ko o tumibok ang ugat sa 'king sentido pagkakita sa kaniya. 'Sabagay, nagkausap na kami no'ng isang araw kaya nabawasan na ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa kaniya. Pero may natira pa rin sa kaloob-looban ko. Anyway, this wasn't the time and place to be upset with him. Nakahihiya kay Priam.

"Fab," tawag niya sabay lapit sa 'kin. Halos sabay ang beep ng machine sa tabi ng kama ni Priam at ang clank ng kaniyang cane. Tumayo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang walang malay niyang kaibigan. Lumukot ang mukha at naglawa ang mga mata niya. Dalawang linggo na rin no'ng huli siyang pumunta rito. Ngayon ulit niya nasilayan si Priam.

"Mamaya pa darating si Tita," sabi ko nang bumalik ang aking tingin sa tulog na pasyente. Hinaplos ko ang mukha nito, umaasang magigising siya sa dampi ng kamay ko. My hands got no magical powers, but who knows? Baka makapagpagising sa kaniya ang init ng mga daliri ko. "Alam mo ba'ng hinahanap ka niya no'ng isang araw? Ilang linggo ka na rin kasing 'di bumibisita."

"It wasn't easy for me to pay him a visit." Hinugot ng kanang kamay niya ang isang panyo mula sa kaniyang bulsa. Pinunasan niya ang mga namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "It wasn't easy for me to come here at all. Dito rin naka-admit ang kapatid ko, sa kasunod na floor."

Muli akong napasimangot. Kay Priam pa nga lang, todo na ang sakit at pag-aalalang naramdaman ko, paano pa kaya 'tong si Cas na dalawang taong malalapit sa kaniya ang na-coma? That must be heavy.

"I heard from the Office of Campus Security that Tito Bill has filed a case against Brandon," kuwento ni Castiel sabay sulyap sa 'kin. "Frustrated murder ang kaso. Na-retrieve ang weapon na paniguradong may fingerprints niya. Meron ding video evidence kung saang huling-huli ang pananaksak. There's no way out for him."

"Mabuti naman." Napabuga ako ng hangin. Apart from praying for Priam to wake up soon, isa sa mga pinapanalangin ko ay mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniya.

"But," biglang pumalatak si Castiel, "I also heard that Brandon has hired a defense attorney from a prestigious law firm."

"T-Talaga?" Lumingon ako sa kaniya. "Sino'ng abogado na nasa matinong pag-iisip ang magde-defend sa kaniya? May mga ebidensiya nang magpapatunay na tinangka niyang patayin si Yam!"

"Wrong question." Lumingon siya sa 'kin, sandaling nagtagpo ang aming tingin. "The right question is, how can he afford the services of a competent law firm? Brandon's family isn't well-off, so where are they getting the resources to retain a good defense attorney?"

"Kung gano'n, may tumulong sa kaniyang makakuha ng magaling na abogado?"

"If someone or some people did, can you guess who that person might be?"

I drew in a sharp breath. Ayaw kong maging judgmental, pero isang tao ang agad na sumagi sa isip ko.

"Alaric," banggit ko. "Malamang magkakilala ang dalawa dahil pareho silang taga-CBA."

"At pareho rin sila ng political party." Marahan siyang tumango. "I can't say if that prick is lending a hand to Brandon because they're friends... or because there's another far more sinister reason."

Kumuyom ang mga kamay ko, halos bumaon ang mga kuko sa palad. I thought this incident was just between Priam and the disqualified candidates. Posibleng sangkot pala ang lalaking 'yon. I swear... kung may kinalaman si Alaric sa nangyari kay Priam, hinding-hindi ko siya mapatatawad.

"I fear that Brandon may slip away from the grasp of justice." Bumuntong-hininga si Castiel, humigpit ang hawak sa cane niya. "If his defense attorney claims that his client is mentally unstable, we may only get the partial justice that Priam deserves."

"Mentally unstable?" Muntik nang magsalubong ang mga kilay ko.

"I heard from Tabitha that Brandon has been taking anti-depressant medication since their electoral loss. He's also consulting a psychologist regularly about his mental health problems. If the prosecution doesn't do its job well..."

Napapalatak ako. May chance pang malusutan ng lalaking 'yon ang parusang nararapat para sa ginawa niya? I can't believe it! Naiintindihan ko na may pinagdaraanan siya at 'di pa siya totally nakapag-move on sa nangyari ilang buwan na ang nakalilipas. But frustrated murder? He took it too far!

Speaking of Alaric, may bigla akong naalala. "Kumusta pala ang USC? I read what happened this morning sa news update ng Herald. You suspended all of them except Tabby?"

"Temporarily," dugtong niya. "They can return to their positions once Priam wakes up and reassumes the presidency. They tried to initiate a coup to expel me from the council. Ginawa ko ang nasa isip ko na tama."

"Pero 'yon ba talaga ang dapat mong ginawa?" tanong ko. "I'm not a student leader and I'm not into politics, pero sobra yata ang pag-suspend mo sa kanila kahit temporary pa 'yon? It's gonna affect your relationship with them!"

"I can't do what I'm supposed to do if some people are going to get in my way," matapang niyang sagot. Muling nagtagpo ang tingin namin. Bahagyang nanliit ang mga mata niya, parang nagliliyab sa determinasyon. The last time I saw his eyes like that ay no'ng nakasagutan niya si Priam sa rooftop. "Only Tabitha understands what needs to be done, so I let her stay in the council."

Yumuko ako, ilang beses na umiling, at bumuntong-hininga. "Ang akala ko ba'y magbabago ka na? Bakit parang wala akong nakikitang improvement sa 'yo?" Muli akong lumingon sa kaniya.

"Don't you see?" Lalo pang naningkit ang mga mata niya. "I intend to continue and finish what Priam and I started. I'm going to take down Alaric Esteban. But this time, no more pawns. No other people close to me involved. Hindi baleng sa akin mabaling ang atensiyon at galit ng karamihan, basta mapabagsak ko siya."

Halos malaglag ang panga ko sa sahig, pakurap-kurap pa nga ako. I can't believe this guy! "So this is how you intend to atone for your sins? By kicking everyone out and doing the mission on your own? That's not an upgrade from who you were, Cas. That's actually a downgrade!"

"Would you prefer that I use other people as tools for my revenge plot? No, right?" Kumalas na siya ng tingin mula sa 'kin. "This is the path that I've chosen, and I'm going to walk it alone if I have to. I'm going all out this time."

Napatampal ako sa noo. "Kung naririnig ka man ngayon ni Priam, baka binatukan ka na niya." Of course, that's just a joke. Priam would never resort to violence, except for that one time na sinuntok niya si Castiel sa rooftop. Pero deserve ng lalaking 'to na matikman ang kamao ng kaibigan niya matapos ang kaniyang ginawa sa 'kin.

"I hope Priam regains consciousness once I'm done with Alaric." Kumuyom ang mga nakapatong niyang kamay sa handle ng cane. "I won't wait for the election to beat that guy. I'm going to do it now."

Gusto ko siyang kutusan. Gusto ko siyang pangaralan nang ilang beses. Ang buong akala ko'y naintindihan ng lalaking 'to ang dapat niyang baguhin sa kaniyang buhay para makabawi siya sa mga kasalanan niya. But he got it all wrong! Instead na mapabuti siya, mukhang mapasasama pa siya. He's on the path to self-destruction!

Napaisip nga ako kung ano-ano ang mga pinagsasabi ko sa kaniya no'ng isang araw. Meron ba akong sinabing mag-solo siya? Meron ba akong sinabing i-cut niya ang kaniyang connections sa ibang tao? Kasi kung meron, may kasalanan din ako kung bakit bigla siyang lumala. And I'd feel bad about it. Pero mukhang mali ang interpretasyon niya sa mga sinabi ko.

"Paano mo mapatatakbo ang council nang ikaw at si Tabitha lang?" tanong ko. "'Di madali ang ginagawa n'yo sa USC kaya I doubt na kaya n'yong dalawa na gawin ang responsabilidad ng sinuspend mong officers."

"You have nothing to worry about," tugon niya sabay bato ng side-eye sa 'kin. "Also, it's none of your business. Mas mabuti kung magpo-focus ka sa susunod na theater production n'yo kaysa makisawsaw sa bagay na wala kang kaalam-alam."

Ouch. Ang sakit niyang magsalita, ah? Kahit totoong wala akong masyadong alam pagdating sa council duties, may alam naman ako pagdating sa pakikipagkapwa-tao at pagtatrabaho. He's doing it all wrong.

"Cas, mali 'tong ginagawa mo." Hinawakan ko siya sa balikat. "'Di mo dapat pasaning mag-isa ang responsabilidad at itaboy ang mga kakilala mo para maprotektahan sila sa impact ng mga magiging desisyon mo. The good news is, 'di pa huli ang lahat. Puwede mo pang itama 'tong pagkakamali mo. Reinstate your officers and think of another way to deal with the problem."

"Your advice has been noted, Fabienne." Ni 'di man niya ako nilingon o sinulyapan. "Again, don't involve yourself in matters that do not concern you. There's nothing you can do to change my mind anyway."

My goodness! How could I knock some sense into him? How could I make my words penetrate his thick skull? Ang akala ko'y na-resolve ko na ang problema. Mas lumala pa pala!

Kung naririnig kami ni Priam, malamang nagising at bumangon na siya sa sobrang intense ng usapan at ingay namin sa kuwarto. I kinda wished our conversation would wake him up para magising din niya ang kaniyang kaibigan na tila nawawala na sa landas.

"You don't have to suffer so much to achieve so little," paalala ko sa kaniya. "Alam kong nasabi ko na 'to sa 'yo no'n, pero applicable pa rin hanggang ngayon."

"Achieve so little?" ulit niya bago siya natawa. "I told you what happened to me and my sister, right? But why can't you understand why I have to do this? 'Sabagay, wala ka sa posisyon ko kaya hindi mo talaga naiintindihan."

"Naiintindihan kita at ang pinaglalaban mo, pero—

"If you want to understand me better, come with me." Tumalikod siya sa 'kin at naglakad patungo sa pinto. "Babalik ako rito mamaya para kumustahin si Tita Prima."

Nanatili akong nakatayo at nakatulala habang pinanonood siyang lumabas ng private room. Nang nahimasmasan ako, nagpaalam muna ako sa bantay ni Priam bago sumunod kay Castiel. I shot one last glance at our sleeping prince before leaving.

Yam, wake up when I return, okay?

Mabagal at paika-ika ang lakad ni Castiel kaya agad ko siyang naabutan. 'Di niya ako pinansin habang nilalakad namin ang hallway.

Did I offend him earlier? Probably. Sabay kaming huminto sa elevator lobby at pumasok sa lift. Pinindot niya ang button papuntang eighth floor. Pagsara ng pinto, nanatili pa rin kaming tahimik. I had an idea kung saan kami pupunta. Wala siyang ibang puwedeng bisitahin dito maliban sa kapatid niyang na-coma.

Pag-slide pabukas ng pinto, lumabas na kami at muling tinahak ang mahabang hallway. Binagalan ko ang aking lakad dahil nahihirapan siya sa paghakbang. Tumigil kami sa tapat ng Room 808. Kumatok muna siya bago niya ipinihit ang doorknob. Tumabi siya sa pintuan at pinauna muna akong pumasok.

It took me a few steps bago ko nasilayan ang isang babaeng nakahiga sa hospital bed. May mga naka-attach na medical equipment sa kaniya gaya kay Priam. Muli kong narinig ang constant beeping noise galing sa machine sa tabi niya.

Lumapit pa ako para mas masilayan ang kaniyang itsura. Napakaamo ng mukha niya, parang anghel na natutulog. Maigsi na ang kaniyang buhok, mukhang pinutol para 'di na humaba pa. I smiled at her as my hand touched her cheeks. Then my lips curled into a frown. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Castiel no'ng binisita ko siya sa apartment. Halos mag-iisang taon nang naka-admit sa ospital si Cassidy. Gano'n din ang naikuwento ng kuya ko sa 'kin no'n.

Tinabihan ako ni Castiel. "Everything that I've done and everything that I'm about to do, I'm doing it for me and for her. So tell me again, Fabienne, will I achieve just a little once I exact my revenge on Alaric?"

Ilang sandali akong natahimik. 'Di ko napigilang maluha habang pinagmamasdan ang mukha ng kapatid niya. She shouldn't be lying in that bed. She should be at school right now, making friends and enjoying her youth. Kaso 'di niya magawa. At dahil naka-coma siya, walang makapagsasabi kung magagawa niya ulit ang mga bagay na kaniyang nakahiligan.

"I... I don't wanna invalidate your feelings—"

"You almost did—"

"Sorry kung gano'n." Yumuko ako at mabagal na umiling. "But I'm just afraid."

"Afraid of what?"

"You know what happened to Yam." Humarap ako sa kaniya at nagkatitigan kami. "I'm afraid na baka matulad ka kay Brandon kapag 'di mo itinama ang mga desisyon mo. He did everything for Candice, right? Parang gano'n din ang ginagawa mo ngayon para sa kapatid mo."

Bahagyang bumukas ang bibig niya, pero walang boses na lumabas. Nakatitig pa rin siya sa 'kin.

"Dapat magsilbing double lesson ang nangyari kay Brandon sa 'yo," dugtong ko. "Una, posibleng balikan ka ng mga taong tinapakan mo. At pangalawa... baka dumating ang point na gumawa ka ng isang bagay na 'di mo na maibabalik pa."

Umiwas siya ng tingin. "I won't be like him. I know my limits."

I hope you do. Ayaw rin siguro ni Priam na makitang maligaw ng landas si Castiel. Ayaw ko rin mangyari 'yon kahit may hinanakit ako sa kaniya.

Paglipas ng ilang minuto, pumasok na ang nurse—na coincidentally ay ang kuya kong si Fabrice—para i-check ang stats ng pasyente. Dahil wala na kaming pag-uusapan pa, nagpaalam na ako kina Castiel at Kuya, 'tapos ay bumalik na sa private room ni Priam sa seventh floor. Sadly, he's still unconscious.

I hoped my words reached Castiel. Kung hindi, mas mapasasama siya.


NEXT UPDATE: The acting president forms a new crew to manage the council.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top