CHAPTER LXXIV: Vox Populi (Fabienne)
FABIENNE
TODAY WAS the day we'd been waiting for! Ilang oras na lang, malalaman na namin kung sino-sino ang mga nanalo sa eleksiyon. Malalaman na rin namin kung nagbunga ba ang aming efforts 'di lang nitong campaign period, pero mula pa no'ng Oplan First Lady. Eight months na rin ang lumipas nang ma-involve ako sa USC. . at kay Priam. Dati, fake girlfriend niya ako. Ngayon, legit na.
"I know the voting is not closed yet and the votes have not been counted," sabi ni Priam sa kaniyang speech sa headquarters ng Torres-Rustan campaign. Hiniram ng SALVo party ang lumang speech laboratory sa Arts and Sciences Building at ginawang command center para sa election season. "We still have a long day ahead of us—actually, just two more hours—but I want to take this moment to thank everyone who volunteered for this campaign. Win or lose, I'm proud of what we have achieved."
"Same here," sabi ni Tabitha na nakatayo sa tabi niya. Akala ko'y may short speech din siya, pero agad niyang ibinalik ang mic kay Priam.
"Siyempre, mas maganda kung win!"
"Sure na 'yan, Mr. President!"
"Dapat nagse-celebrate na tayo ngayon, eh!"
Natawa ang ilang volunteers, maging ako'y napangiti. I'd been praying since last night na sana'y manalo si Priam at ang runningmate niyang si Tabitha sa USC presidential race. Kahit leading siya sa survey, kahit malakas ang support sa candidacy niya, hangga't 'di pa tapos ang botohan at bilangan, marami pang puwedeng mangyari. I remembered that vice presidential candidate in 2016 na leading sa bilingan no'ng una, pero naungusan ng kalaban niya kinaumagahan. Some said he was cheated, pero wala namang dayaan.
"I appreciate your optimism," tuloy ni Priam nang tumahan na ang tawanan. "But let's not celebrate prematurely. The day is still young, and a lot can still happen in the next two hours. Once again, thank you!"
Pagbaba niya mula sa podium, sinalubong siya ng kaniyang campaign manager. Sumabay na rin ako. This was his moment kaya nag-stay ako sa sidelines habang nag-i-speech siya kanina.
"Cas, is it okay kung iwan muna namin kayo?" agad na tanong ni Priam. "Yen and I are heading to the mall while we wait for the results. The tension here is getting to me."
"It's perfectly okay," sagot ni Castiel bago sumulyap sa 'kin. "Mag-unwind muna kayo ni Fab. You deserve it. We've done all we can. It's up to the voters now."
"Thank you, Cas."
"By the way," pahabol ko, "we're gonna turn off our phones para 'di kami maging mas anxious habang nag-e-enjoy kami sa mall. Just let us know of the results kapag bumalik kami around eight in the evening?"
"Sure. Kami nang bahala rito."
Nagpaalam na kami sa members at volunteers ng campaign team bago lumabas ng headquarters. Habang naglalakad kami patungo sa car park, may mga nakasalubong kaming estudyante na merong "I voted" badge na naka-pin sa kanilang uniform. Meron din ako n'on, katabi ng Torres-Rustan badge ko.
"Good luck, Mr. President! I voted for you!"
"Thank you for your support!"
"Lahat ng classmates ko, ikaw ang ibinoto! Sure win ka na!"
"Maraming salamat!"
Paliko na sana kami, pero may tumawag pa sa 'min. Pamilyar ang boses ng babae at lalaki kaya agad akong lumingon sa kanilang direksiyon. Nagliwanag ang mukha ko nang ma-recognize ang dalawa.
"Belle! Colin!" tawag ko.
"You're leaving already?" tanong ng aking bestfriend. "Hindi pa tapos ang botohan, ah?"
"Magtsi-chill muna kami ni Yam sa mall," sagot ko bago sumulyap sa 'king boyfriend. "Habang lumilipas ang mga minuto, lumalakas din ang kaba namin."
Kahit 'di ako ang tumatakbong kandidato, ramdam ko rin ang stress sa eleksiyon na 'to. In a way, I was part of it mula pa no'ng umpisa kaya sobrang invested ko sa magiging resulta.
"Bakit kayo kinakabahan, eh, sure win na 'tong jowa mo," kunot-noong sabi ni Belle. "Binoto ko siya kaya paniguradong panalo na siya."
"Last election, iba 'yong binoto, 'tapos 'di nanalo," paalala ko sa kaniya.
"Iba 'yong dati sa ngayon!" Marahan niya akong hinampas sa braso. "Sinigurado namin ni Colin na buong klase natin, Torres-Rustan ang ibinoto. 'Di ba, Colin?"
Tumango ang katabi niya. "Humingi pa nga si Belle ng proof na Torres-Rustan talaga ang kanilang shinade sa balota."
"Belle!"
"No need to thank me, Fab. Kapag suportado kita, I'll support you all the way."
Na-appreciate ko ang kaniyang ginawa, pero napasobra yata siya? Oh, well. Basta 'di labag sa election rules 'yon.
"I'd like to congratulate you now, but I prefer to wait for the official results first," nakangiting sabi ni Colin sa boyfriend ko. "If you do win, I hope you keep your promises."
"If I fail to keep them, I know for a fact that Yen will remind me," tugon ni Priam at saka niya ako binalingan. Nginitian ko siya na may kaunting pagbabanta. Dapat talagang 'di mapako ang mga pangako niya. Yari siya sa 'kin kung sakali.
"Ay, pasensiya na! Baka nakaiistorbo na kami sa inyo," paumanhin ni Belle. "Mauna na kami ni Colin. Enjoy muna kayo!"
"Good luck, Mr. President," tawag ni Colin bago lumingon sa 'kin. "Ingat kayo, Fab."
"Ingat din kayo!" Kumaway ako sa kanila habang sila'y naglalakad palayo sa 'min. "Kapag may results na mamaya, 'wag n'yo munang ipaalam sa 'kin o kaya'y 'wag muna kayong mag-congratulate via chat, ah? Gusto kong ma-surprise."
"Sige!"
Nang makapasok na kami sa kotse ni Priam, ini-start niya ang engine at ini-roll down ang windows para lumabas ang naipong init sa loob. Napapunas ako ng pawis dahil maalinsangan sa labas kahit 'di na masyadong tirik ang araw. After a minute or two, isinara na niya ang mga bintana at hinayaan muna niyang mapuno ng malamig na hangin ang loob ng sasakyan.
"Gaya ng napag-usapan natin!" I showed him my phone and held the power button hanggang sa mamatay 'yon.
"Para maalis muna sa isip natin ang eleksiyon." He also did the same to his device bago niya ibinulsa.
"Ang unang magte-turn on ng phone, may penalty, ah?"
"Anong klaseng parusa?"
"Hmmm... Ang mananalo ang magde-decide!"
Once we fastened our seatbelts, nag-drive na siya paalis ng car park at palabas ng campus. It was already five in the afternoon kaya may traffic buildup na sa mga kalsada. We reached the mall at five-thirty. Nag-park muna si Priam sa paid parking area sa katabing building, at mula ro'n ay nilakad namin hanggang sa mall. Pagbukas ng sliding doors, bumungad sa 'min ang malamig na bugso ng hangin at ang paulit-ulit na jingle galing sa speakers.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko. Ikinawit ko ang aking braso sa braso niya. "Nabawasan na ba ang kaba at stress mo?"
Nagkibit-balikat siya habang deretso ang tingin. "Even while I was driving, all I could think about was the election. Sobrang preoccupied ko na talaga—"
I quickly grabbed his hand and gently squeezed it. Nabaling ang mga mata niya sa 'kin, tila nangungusap ang mga 'yon. "You've done your best, Yam. Just forget about it for a while, okay? Ako ang kasama mo ngayon. Gusto kong sa 'kin muna ang atensiyon mo."
May kurbang umukit sa mga labi niya. "You're right. Let's leave it to fate."
Nagawi ang tingin ko sa nilalakaran namin habang nag-iisip nang malalim. 'Tapos biglang nagliwanag ang mukha ko at napaangat ang aking mga mata. "Aha! Alam ko na ang gagawin para makalimutan mo muna 'yon!"
Binilisan ko ang aking lakad habang magka-lock ang mga braso namin at magka-holding hands kami. Parang dina-drag ko na nga siya. Mabuti't nakasabay siya sa 'kin. He didn't have to quicken his footsteps dahil malalaki na ang kaniyang mga hakbang. Sa tangkad ba naman niya!
We could've watched a movie with a two-hour runtime, pero parang masyadong relaxed 'yon. Baka ma-bore siya sa panonoorin namin at magkaroon siya ng pagkakataong mag-worry tungkol sa election results. We needed to do something kung saan 'di siya magkakaroon ng oras na isipin 'yon. And I had the perfect idea.
"Remember this game?" tanong ko sabay hila sa kaniya patungo sa isang arcade machine matapos naming bumili ng tokens. May clown dolls na nakahilera do'n. Kumuha ako ng isang bola na halos kasinlaki ng kamao ko. "Nilaro natin 'to no'ng first time nating pumunta rito."
"Of course, I do." Kumuha siya ng bola at pinaglaruan sa kamay niya. "I was the one who introduced this game to you. You want to play it again?"
Dalawang beses akong tumango. "But this time, there's a twist!"
"Twist?"
"Dati, sabay nating nilaro 'to. Ngayon, magpapataasan tayo ng score. Game?"
Bigla siyang tumawa na parang nag-joke ako. Wala namang nakatatawa ro'n, ah? But it's good to see him laugh sa gitna ng sitwasyon. "Are you sure you want to play this game, Yen?"
Kumunot ang noo ko sabay hawak sa baywang. "Minamaliit mo yata ako, Yam? 'Di porke't mas matangkad ka sa 'kin, may advantage ka na at matatalo mo ako rito."
Lalong lumawak ang nakapintang ngiti sa mga labi niya. Porke't mas maliit ako sa kaniya, minamaliit na niya ako, ha? "Fine, if you that's what you want. Ladies first?"
"Jak-en-poy!" suhestiyon ko. Ayaw kong mauna dahil baka ma-pressure ako at 'di ako makatira nang maayos.
Nagkaharap kaming dalawa at nagkatapat ang mga kamao namin. We stared straight into each other's eyes. Walang gustong kumalas ng titig, parang ikapapahamak namin kapag may umiwas ng tingin.
"Jak-en-poy!" sabay naming bigkas. Sabay ring bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin. I played scissors while he played rock.
"You go first, Yen."
Napapalatak ako at napailing. Kahit pala 'di kami nag-jak-en-poy, ako pa rin ang mauuna. Kapag minamalas ka nga naman. I cracked my knuckles and rotated my right shoulder bilang warm-up. Ilang beses na niyang nalaro 'to habang ako'y isang beses pa lang. He clearly had the advantage here, pero 'di ako basta-basta magpapatalo. My mom didn't raise a loser.
I inserted a token into the slot and waited for the countdown to start. Kumuha ako ng isang bola at inipit 'yon sa mga kamay ko. I prayed to the god of down-the-clown to give me perfect aim. Kahit boyfriend ko si Priam, ayaw kong magpatalo sa kaniya. Nakatayo siya sa tabi ng machine, nakakrus ang mga braso at pinagmamasdan ako. Ewan kung sinusubukan niya akong i-distract gamit ang kaniyang titig.
Nang bumangon na ang clowns, nagbato na ako ng bola. I aimed for the biggest target first para mas malaki ang points na makuha ko, kaso nagmintis ang aking unang tira. Kainis! Sinubukan kong bumato ulit, pero mintis pa rin! Oh, my goodness! Nakaka-frustrate! Five seconds na ang lumipas, pero wala pa akong napatutumba.
Natawa tuloy si Priam habang umiiling.
"Hey, 'wag mo nga akong i-distract!" sabi ko bago muling bumato ng bola. This time, tumama na 'yon sa malaking clown sa pinakataas na row. Sunod kong inasinta ang mga nasa gitna. Sa limang tira ko, dalawa ang napatumba ko.
'Di ko namalayan na patapos na pala ang one minute. Before the timer hit zero, may napatumba akong maliit na clown sa ilalim. At the end of my turn, I got 240 points.
"I didn't know you're such a good shot, Yen." Tumayo na si Priam sa tapat ng machine nang nakakrus ang mga braso at pangisi-ngisi pa.
"Aba! Marunong ka nang mang-trashtalk ngayon, ha?" Nanggigigil ko siyang siniko sa tagiliran. Napa-aray tuloy siya. Kung 'di niya ako dinistract kanina, baka mas mataas pa ang nakuha kong score. 'Yong titig niya kasi, eh!
He inserted a token and waited for the game to start. Nang umangat na ang clowns, agad niyang inasinta ang malaking target. Unlike my first shot, napatumba niya ang nasa taas. He hurled another ball again, at napatumba niya ang katabi nito. Out of his ten shots, eight of them hit their targets. Umiwas ako ng tingin habang patuloy pa rin siya sa pagbabato. Umabot agad sa 240 points and score niya within thirty seconds.
Nang matapos ang kaniyang turn, nakakuha siya ng 360 points.
"It looks like I win," pagyayabang niya habang nakangisi pa rin sa 'kin. "Partida, hindi ko pa masyadong ginalingan n'on."
"Ang daya!" himutok ko sabay pisil sa braso niya. "Ang haba kasi ng braso mo kaya madali para sa 'yo na umasinta ng target! Kung ganyan din kahaba ang braso ko, baka mas mataas ang score na nakuha ko."
"You better accept your defeat and not make any excuses. Dapat may reward ang nanalo o penalty ang natalo."
"Fine!" Umirap ako, kunwari'y naiinis. "Ibibili kita ng sundae cone do'n sa labas. Satisfied?"
"Willing akong tanggapin kahit ano, basta mula sa 'yo."
Nag-init ang mga tainga ko at feeling ko'y namula ang aking pisngi. "Ay, sus! Marunong ka nang gumanyan, ha? Natuto ka sigurong mambola gaya ng pambobola mo sa mga botante." Siyempre, that's just a joke! I knew he was sincere no'ng nangangampanya siya."
"I may exaggerate sometimes, but when it comes to you?" Sumulyap siya sa 'kin at nagtagpo ang aming tingin. "Definitely not."
Lalo pa yatang namula ang pisngi ko. Baka mukha na akong kamatis nito! Napahampas ako sa braso niya. "Ang mabuti pa'y try ulit natin 'to, pero this time, magkakampi na tayo."
Muli kaming nag-insert ng token sa machine at kumuha ng tig-iisang bola. Pagbangon ng clowns, agad na kaming nagpakawala ng mga tira. Nilakasan ko ang bawat bato para siguradong tutumba ang tatamaan. May ilang clowns kasi na ayaw magpatinag.
I looked up to Priam on my right. 'Di siya nagmamadaling bumato. Nanatili siyang kalmado habang umaasinta. I hoped this little game got his mind off the elections. Ang kailangan niya ngayon ay mag-relax. Kapag nanalo na siya, do'n na kami magse-celebrate.
Guess what? We got 500 points in the game and hit the jackpot! Sobrang dami ng tickets na iniluwa ng machine. Kinailangan pa naming manghiram ng bucket para madala ang mga 'yon. Bago kami pumunta sa ice cream shop, dumaan muna kami sa counter para mag-redeem ng prize.
"Ano po'ng gusto n'yo, mamsir?" tanong ng babaeng staff.
Lumingon si Priam sa 'kin. "What do you want, Yen?"
Napahaplos ako sa chin habang inililibot ang aking tingin sa available prizes. Ang daming puwedeng pagpilian! Nang may nakakuha sa 'king atensiyon, agad na nanlaki ang mga mata ko at napaturo do'n. "I want that one!"
"Miss, can we have that thing?"
Paglabas namin ng arcade, may yakap-yakap na akong orange cat doll. Naalala ko si Kahel dahil kakulay niya 'to kaya ito ang pinili ko. Sa sobrang lambot, pinanggigilan ko talagang i-hug. Kung nakapagsasalita ang manyika, malamang ay nagsumamo na siya sa 'kin na tigilan ko na ang mahigpit na pagyakap sa kaniya dahil 'di na siya makahinga.
As promised, binilhan ko ng sundae cone si Priam. Vanilla ang flavor ng kaniya habang strawberry ang flavor ng akin. Tumambay muna kami sa mga upuan sa tapat ng store. Itinabi ko muna ang napanalunan naming doll, baka matuluan. Higit one minute din kaming natahimik habang dinidilaan ang kaniya-kaniyang sundae namin.
Maybe I should keep our discussion going para 'di siya magka-time na isipin ang eleksiyon.
"Yam," tawag ko matapos punasan ang aking labi, "naguguluhan ka rin ba gaya ko?"
Napahinto siya sa pagdila, halos magdikit ang mga kilay niya. "Naguguluhan saan?"
"Kung kailan ang anniversary natin?" Ibinaba ko muna ang aking strawberry sundae. "Dapat ba sa official date na naging tayo, which is January 1? O dapat no'ng una tayong nag-meet in person at nag-date kuno?"
Nabaling siya sa ibang direksiyon, mukhang napaisip din. That's good. Basta malipat sa ibang topic ang atensiyon niya, mas mabuti.
"January 1 is the day we became official, so that date holds much more significance in our relationship," sagot niya. "July 14 is also important because that's the day we first met, but it's not as significant as January 1."
"'Yon nga ang dilemma ko—wait, natandaan mong July 14 ang first date natin?"
"Yes. I noted it in my journal."
Halos mapanganga ako. 'Di ko na nga tanda ang exact date. Basta alam kong bandang July kami unang nagkakilala.
"If you want, we can celebrate both," dagdag niya matapos ipagtuloy ang pagkain sa kaniyang vanilla sundae. "Wala namang issue sa akin."
"Oo nga, 'no? Bakit 'di ko agad naisip 'yon? That easily settles the issue." January 1 man o July 14, wala ring issue sa 'kin kung isa o pareho ang ise-celebrate namin. Basta ang importante'y naging kami na at magkasama na kami ngayon habang ine-enjoy ang relationship namin.
Tinapos na namin ang aming sundae bago kami naglibot sa mall. Dumaan muna kami sa isang clothing store para magpalipas ng oras. I tried some clothes on—puff sleeves dress, off-the-shoulder tops, at square neck blouse—and asked him kung bagay ko ba. Laging tango at oo ang sagot niya.
"Ano ba 'yan?" kunwari'y naiirita kong reklamo. "Lahat ng damit dito, sinasabi mong bagay sa 'kin."
"Kahit ano ang suotin mo, babagay sa 'yo," sabi niya habang yakap-yakap si Orenji—Yup! Pinangalan ko na ang manyika. "Walang halong biro, walang halong bola. You know me, Yen."
Malamang kasimpula ng kamatis ang aking cheeks. Pangalawa na 'to, ah! "Oo na! Alam ko namang honest ka, Yam."
Sa dami ng mga isinuot ko, wala akong binili ni isa sa mga 'yon. Nakakokonsiyensiya, pero wala pa akong budget, eh. Lumabas kami ng clothing store na walang dala kundi si Orenji.
Seven-thirty na nang makabalik kami sa kotse. Kanina pa nangangati ang mga kamay kong ilabas ang aking phone at i-turn on ulit para makasagap na ako ng balita tungkol sa eleksiyon. Ako pa ang lumabas na mas anxious sa results kaysa sa mismong kandidato.
Na-stuck kami sa traffic on our way back sa campus kaya bandang eight o'clock na kami nakabalik. Ang kanina'y masigla, makulay, at maingay na paligid, ngayo'y dumilim at tumahimik na. Nilakad namin mula car park papuntang campaign headquarters sa AS building. They didn't know what time we were coming back, so we might surprise them.
"Good evening!" bati ko pagpasok namin ni Priam sa HQ. Sobrang lawak pa ng ngiti ko sa kanila, pero matatamlay at namumugtong mga mata ang sumalubong sa 'min. Bakit parang namatayan kami rito? Sobrang depressing ng atmosphere. Parang black and white ang kulay ng paligid. The smile plastered on my face instantly vanished.
"Priam!" Agad na tumayo si Castiel at paika-ikang lumapit sa boyfriend ko. Nakabuntot sa kaniya si Priscilla na mukhang malungkot din. "Thank goodness, you're here."
Iginala ko ang aking tingin. Nandito rin ang ibang USC officers, pero mukhang problemado sila. Paikot-ikot sa swivel chair si Tabitha na parang iritang-irita. Nakapikit si Lavinia habang nakatingala sa kisame. Nakatulala sa pader si Sabrina habang nagre-reflect sa lens ng salamin niya ang bukas na laptop. Napasabunot ng buhok si Rowan habang umiiling. Nandito rin pala si Valeria, pero 'di ko siya agad mapapansin kung 'di dahil sa ponytail niya.
What's going on here?
"How was it?" mahinahong tanong ni Priam. Alam kong ramdam din niya ang kakaibang aura dito. Inilibot niya ang kaniyang tingin, pero parang iniiwasan siya ng karamihan. "Did we win? Or lose?"
Malalim ang pinaghugutan ng buntong-hininga ni Castiel. Napahawak siya sa balikat ng kausap. "I'm sorry, Priam. We fell short. Alaric won by 124 votes. It was a close race, maybe the tighest in the history of ElyU."
"Since it's pretty damn close, we're planning to request a recount," dugtong ni Priscilla. "If we're lucky, we might find more votes than the other candidate."
Instantly nawala ang kinang sa mga mata ni Priam. Nawala rin ang kislap sa mga mata ko. Kung ano ang saya namin kanina sa mall, kabaligtaran ang bumungad sa 'min dito.
What happened? Where did we go wrong? I thought we had it!
"Is that so?" Napayuko si Priam, napabuntong-hininga at natahimik. Maging ako'y naging speechless. Makalipas ang ilang sandali, muling umangat ang ulo niya. "Cheer up, everyone. We did our best—"
"Well, that's what I would have said if we had lost," putol ni Castiel.
Pop! Pop! Pop!
Biglang umulan ng confetti sa kuwarto, may ilang dumapo sa ulo ko at sa ulo ni Priam. In a snap, bumalik ang kulay at sigla sa campaign headquarters. Napawi ang lungkot at nabura ang simangot sa mga mukha ng officers at volunteers. Meron ding nag-play na music na may lyrics na "Celebrate good times, come on" sa background.
"Congratulations, Mr. President," bati ni Castiel sabay alok ng kamay. "You have secured a second term!"
Natulala sa kaniya si Priam, walang tigil ang pagkurap at napaawang pa ang bibig. "Wait! What really happened here?"
"We won! That's it! Gagamit ba kami ng party poppers kung natalo tayo?"
"You and Tabitha won by a ten-percent margin!" nakangiting dagdag ni Priscilla. "You overperformed the surveys in the actual election!"
Napasuklay ang mga daliri ng boyfriend sa buhok niya. Sandali siyang natulala sa sahig bago umangat ulit ang tingin kay Castiel. Ang flat niyang lips, dahan-dahang kumurba.
"Come on, Priam! Nangangalay na ang kamay ko," sabi nito.
Priam finally shook his hands, pulled him close to embrace him, and patted him on the back. Sunod niyang kinamayan at pinasalamatan si Priscilla. Pumila ang USC officers sa kaniya at isa-isa siyang cinongratulate.
"Congratulations, Mr. President," bati ni Tabitha bago nakipagkamay. "I'm not as excited about this new gig, but I know you are."
"Thank you, future Madam Vice President. I look forward to working with you."
"Yeah, whatever. Good luck to you 'coz you're doing most of the work."
Once everyone had taken their turns, sa 'kin huling lumapit si Priam. Nagkatitigan muna kami bago mas nagkalapit pa. His eyes sparkled just as they had when we kissed under the fireworks on New Year's Eve. His lips became so tempting na parang gusto kong kagatin at sipsipin. Ipinatong ko ang aking kamay sa dibdib niya, pinakiramdaman ang tibok ng kaniyang puso. He tucked a few strands of my hair behind my left ear.
"Congratulations, Yam," bati ko. Malamang ay kumikislap din ang aking mga mata habang nakatitig ako sa kaniya. "I'm so proud of you! You deserve this victory."
"Thank you, Yen," sagot niya. Lumawak ang ngiting umukit sa kaniyang mga labi. Lalo siyang gumuguwapo sa paningin ko tuwing ngumingiti siya. "I could not have won without everyone's support here... and most importantly, yours."
Patuloy pa rin ang pag-ulan ng confetti at hiyawan ng mga tao. I lifted my head and leaned in closer to his face, pressing my lips against his. Napapikit ako habang dinarama ang halik namin sa isa't isa. His lips tasted like vanilla while mine, I imagined, tasted like strawberries. The sweetness sent me into ecstasy. My head felt light and my body felt weightless, as if I were floating. Just like our first kiss on New Year's Eve.
Aware akong may mga kasama kami. Pero 'di ko na alintana kung may nakatingin o nanonood sa 'min nang nagtagpo ang mga labi namin. It felt like we were the only ones in the room. Nang magkahiwalay na ang aming mga labi, nagkatitigan muna kami bago muling ngumiti sa isa't isa.
I'm proud to be his girlfriend. I'm proud to be Priam Torres' First Lady.
♕
AUTHOR'S NOTE: This is Fabienne's last POV chapter! I know that some of you want more YenYam/FabRiam scenes, but their storyline ends here.
I hope that you've enjoyed their journey of playing a fake couple into becoming a real one. I also hope that I've managed to give justice to her storyline and wrapped it up with a nice bow. If you think that I didn't, please let me know!
To those who might ask, I will write a Priam's POV chapter, but this is going to be exclusive in the published version of PTK.
NEXT UPDATE: The ending.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top