CHAPTER LXXII: Final Stretch (Fabienne)
FABIENNE
"VOTE FOR Torres-Rustan in the upcoming elections! Please vote for Torres-Rustan! Thank you!"
This was the first time na naging involved ako sa isang political campaign. If you'd ask my 2021 self kung magiging active ako para i-promote ang preferred candidate ko, baka tawanan ka niya. Noon, ayaw ko maging masyadong makialam sa politics. Nakikinig ako tuwing meeting de avance at inaalam ang opinion ng mga kakilala ko. 'Tapos pupunta na ako sa voting booth at ika-cast na ang aking boto. And that's it!
But this year was different! Dahil nabawasan ng isang subject ang course namin ngayong semester at dahil mamayang hapon pa ang rehearsal namin sa theater, nag-volunteer ako na mangampanya para sa boyfriend ko. I wanted him to win so badly kaya nag-dedicate talaga ako ng time. Endorsing him on SchoolBuzz and sharing my photos with him wasn't enough. Kailangang on the ground din ako para makausap ang mga botante. Kung may nag-aalinlangan pa, nandito ako para paliwanagan sila. Kung may nagdududa, nandito ako para i-convince sila.
"Huwag kalilimutan sa darating na halalan!" sigaw ni Belle sa mga dumaraan habang namimigay ng flyers. Sa quadrangle kami nakaistasyon kung saan maraming estudyante ang papunta sa iba't ibang building. "Iboto ang tambalang Torres-Rustan!"
Kagaya ko, naisipan din ni Belle na mag-volunteer para sa campaign. It had been weeks mula nang mabunyag ang Oplan First Lady. Nagkatampuhan kami no'n dahil sa paglilihim ko sa kaniya. But I followed Colin's advice. Hinayaan kong i-process niya ang kaniyang disappointment sa 'kin bilang kaibigan. Hinayaan ko ring lumamig muna ang pagtatampo niya. No'ng natantiya ko na okay na siyang kausapin, do'n na ulit ako humingi ng tawad.
"Kahit gustuhin ko mang magtampo nang matagal sa 'yo, hindi ko magagawa, Fab," sabi niya no'ng muli kaming nagkausap. "Hindi rin kita kayang i-FO. Nasaktan ako, pero dapat mas inintindi kita. Wala kasi ako sa posisyon mo kaya madali sa 'kin ang magsalita. If I were in your shoes, maybe I would have done the same."
Natapos ang tampuhan namin sa isang yakapan. I was so sorry about what happened and I was glad she understood my situation. Aminado ako na may pagkukulang ako bilang kaibigan. No'ng panahong 'yon, talagang mas nangibabaw ang pangangailangan ko.
"Please vote for Torres-Rustan!" nakangiting sabi ko sa dumaang estudyante sabay bigay ng flyer. "'Di kayo magsisisi kapag sila ang ibinoto n'yo!"
"Fab," tawag ni Belle nang makalapit siya sa 'kin. "Kailangan ba talaga nating mag-effort nang sobra? Number one na si Priam sa survey, 'di ba? Puwede na tayong mag-chill!"
"'Di tayo puwedeng magpakakampante," tugon ko bago nag-abot ng flyer sa isa pang estudyante na dumaan. "Sa first two surveys, number one din si Alaric. Tingnan mo, bigla siyang nag-drop sa number two."
"Meron siyang scandal, eh! Nagtataka nga ako kung bakit ang dami pa ring sumusuporta sa kaniya. He killed someone, right?"
I shushed her dahil baka may Alaric supporter na makarinig sa kaniya.
Aminado ang campaign team ni Priam na malaki ang damage na idinulot ng Oplan First Lady expose ng Gotcha sa kaniyang candidacy. Pero kahit paano'y nakatulong ang pag-amin namin para maibalik ang tiwala ng ilang supporters niya. But it wasn't enough to stop the bleeding. Sa unang survey, number two si Priam.
Umasa kami na makatutulong ang presidential debate para umangat ang numbers niya, kaso nabahag ang buntot ni Alaric kaya dinecline ang invitation. 'Di tuloy nabigyan ng chance at platform ang boyfriend ko na ipakita kung bakit better siyang candidate. Hayun tuloy, sa pangalawang survey, number two pa rin siya at 'di nabawasan ang lamang ng kalaban.
Mukhang mahirap makapag-catch up sa frontrunner dahil sa lawak ng network at influence niya at ng kaniyang partido. Parang David versus Goliath daw ang laban. If that trajectory went on, sure win na talaga ang kabila. Pero 'di pa tapos ang karera.
Kung 'di dahil sa exposé ni Castiel tungkol kay Alaric, 'di mababaligtad ang sitwasyon. Pagkatapos ng livestream ng Gotcha, dumagsa ang posts sa SchoolBuzz na nag-call out sa ginawa niya. May mga nanawagan pa ngang mag-resign na siya bilang CSC chairperson at mag-withdraw bilang presidential candidate ng kabilang partido. Sa pangatlong survey ng Herald, umakyat si Priam sa 46 percent mula 39 habang bumaba si Alaric sa 44 mula 54. That's a ten-point drop!
Kung ano ang naranasan ni Priam no'ng in-expose ang Oplan First Lady, gano'n din ang na-experience ni Alaric sa online community namin. I'd also heard from Reynard na si Alaric daw ang may pakana sa pagnanakaw ng phone niya kaya na-access ang kaniyang private interview with Valeria.
Kung may mga nagdududa pa rin sa karma, ito na siguro ang makapagko-convince sa kanila na totoo 'yon. What goes around comes around, ika nga ng ilan.
"Sana'y wala nang pasabog ang Alaric na 'yon, 'no?" bulong ni Belle. "Baka meron pa siyang itinatagong baraha, 'tapos naghihintay siya ng tamang timing para ilabas 'yon."
Sandali akong napaisip. Meron pa bang sekreto si Priam o ang USC na puwedeng gamitin laban sa kanila? Sa pagkakaalam ko, ang Oplan First Lady talaga ang pinaka-damaging na puwedeng ibato, and Alaric had already used that card. Wala namang naikuwento sa 'kin ang boyfriend ko. Wala ring nabanggit sa 'kin ang ibang USC officers.
"Don't forget to vote for Torres-Rustan—" Bibigyan ko na sana ng flyer ang estudyanteng dumaan sa harapan ko nang natigil ako.
"You would look better as a presidential candidate than a campaign volunteer," nakasimangot na bati ni Bellatrix Yllana. Naka-pin sa kuwelyo ng blouse niya ang isang badge kung saan nakalagay ang pangalan ng tambalang Regina-Flores. "Sayang ka talaga, Lucero."
Matagal-tagal na rin kaming 'di nagkikita in person, magmula nang i-ambush niya ako sa labas ng auditorium at aluking tumakbo bilang USC president. I'd told her my answer via chat. Recently, nakita ko siya sa photos at videos mula sa announcement ng third-party candidate. Siya raw ang campaign manager ng Regina-Flores tandem, which they promoted as the first all-female ticket in the recent history of USC presidential elections. Base sa latest survey, nasa third place at 10 percent ang kaniyang mga kandidato.
"You must be upset with me dahil tinanggihan ko ang offer mo," may buntong-hininga kong tugon. "But I sincerely believe in Yam and what he can do for the student body. If you want, I can educate you about his platform—"
"It's such a shame you chose to be a prop of the patriarchy." Pumalatak siya habang umiiling. "We could have changed this university with a united female voice. But you chose to break ranks and join the dark side."
"No offense, Trixie, but you'd only use me a prop for your party," mahinahon kong sagot. Umagang-umaga, ayaw kong masira agad ang araw ko. "Aminin mo man o hindi, you approached me with that offer because you wanna count on my popularity. Naisip mo sigurong may chance kayong manalo kung ako ang gagawin mong manok."
"I don't want to use you as a prop, hindi gaya ng ginagawa ni Priam kapag dina-drag ka niya sa stage tuwing may campaign rally siya. I want you to be part of history—no, scratch that!—I want you to make history with us. Kaso sinayang mo ang pagkakataon. Now we're stuck with two men fighting for the throne. You could have swooped in and taken it for yourself."
"I don't think it's sayang lalo na kung 'di ako nanghihinayang." Nginitian ko siya para asarin. "Don't worry, Trixie. If Yam wins a second term, ipaaabot ko sa kaniya ang suggestions mo para maa-address ang nakikita mong problems."
"How can he address them if he's part of the problem?"
Pinilit kong 'wag siyang irapan. Calm down, Fab. Huminga muna ako nang malalim. "Well then, I wish you and your candidates the best. Good luck on your campaign!"
Kinuha niya ang flyer na balak kong ibigay sa kaniya at nilamukos 'yon sa harapan ko. She and her candidates weren't the enemy kaya hinayaan ko na. Tama nga ang desisyon ko na 'wag tanggapin ang alok niyang tumakbo. Not that I wanted to anyway.
Lumapit na sa 'kin si Belle. "Narinig ko ang pinag-usapan n'yo, Fab. Napaisip din ako what if tumakbo ka bilang USC president."
"What?!" Kumunot ang aking noo. "Uy! Seryoso ang trabaho ng student council! I know it very well kasi boyfriend ko mismo ang USC president. Mas mabuting ipaubaya na natin 'yon sa mga mas experienced. Mas mabuti ring mag-focus ako sa acting."
"Kung tumakbo ka, 'tapos tumatakbo rin si Priam, sa 'yo ang boto ko. Solid Lucero voter ito."
"Uhm... Thanks?"
"I would have voted for you as well, had you decided to run."
Sabay kaming nalingon ni Belle. Bumati sa 'min ang nakangiting mukha ni Colin. Naka-sling ang strap ng crossbody bag niya sa kaniyang katawan. Nagliwanag ang mukha ko nang makita siya.
"'Wag n'yo akong bolahin!" Tinangka kong sikuhin ang braso niya, pero mabilis ang kaniyang reflexes at agad siyang nakaiwas. "Baka magsisi ako na tinurndown ko ang offer ni Trixie."
"But to be perfectly honest, you belong in theater, not in politics," seryosong sabi niya habang nakatitig sa 'kin. "You know how dirty they can get. Hindi mo deserve na marumihan."
Wala namang nagbago sa 'min ni Colin mula no'ng nag-confess siyang gusto niya ako. Siguro, no'ng una'y nailang at nahiya ako lalo na't mainit-init pa no'n ang Oplan First Lady issue. Pero mabilis ding bumalik ang pagiging close namin. Dapat lang! We're the stars of Orosman at Zafira. 'Di kami makapagpe-perform nang maayos kung 'di kami comfortable sa isa't isa.
"May I?" tanong niya sabay palad sa 'min.
Kumunot ang noo ko. "Nanlilimos ka ba?"
"Pasensiya na, wala po kaming barya," asar ni Belle.
"Let me help with the flyers."
Napaawang ang bibig ko habang napatampal naman sa labi ang aking kaibigan.
"Totoo ba 'to, Colin?" Halos lumuwa ang mga mata ng katabi ko. "Gusto mong ikampanya ang tambalang Torres-Rustan?"
"So you've finally made up your mind?" dagdag ko. "You're finally supporting my Yam? And Tabby, too?"
Colin had been undecided on who to support mula nang magsimula ang campaign season. Kahit kaibigan niya ako, 'di niya basta-basta sinuportahan ang boyfriend ko. Gusto raw muna niyang pag-isipang maigi kung sino sa tatlong kandidato ang pinaka-karapat-dapat. It took him weeks to decide.
"Considering the revelations, as well as the incumbent's platforms and debate performance, I have concluded that he's the most deserving among the three," paliwanag ni Colin habang nanatiling nakapalad pa rin sa 'min. "The student body will be better off with him—"
"Oo na, si Priam na ang the best," putol ni Belle sabay patong ng flyers sa palad ng classmate namin. Napaturo siya sa steel benches sa 'di-kalayuan. "Baka puwedeng doon ka pumuwesto? Marami pa tayong hindi nabibigyan ng flyers sa kanila."
"Can't I stay here with you two?"
"The more ground we cover, the better. At saka halos babae ang mga nandoon. Gamitin mo ang charms mo para Torres-Rustan ang iboto nila."
"Okay." Walang nagawa si Colin kundi sumunod sa utos. Mag-isa siyang naglakad papunta sa direksiyong itinuro ni Belle.
"Also, don't forget to promote our play!" pahabol ko.
'Di pa man siya nakalalayo sa 'min, may humarang na mga babaeng estudyante sa kaniya at nagtanong kung puwedeng magpa-picture. They must have recognized him from the photos of Orosman at Zafira cast reveal. Walang arteng pinaunlakan ni Colin ang request nila. Nang matapos na ang pictorial, doon na niya kinausap para i-promote ang Torres-Rustan tandem sabay abot ng flyer.
Siyempre, 'di kami nagpahuli ni Belle. Nagpatuloy kami sa pamimigay ng flyers. Gaya kay Colin, may ilang nagpa-picture sa 'kin. May ilan ding nagpa-autograph ng playbills at napkin. Do'n ko na rin isiningit ang pag-promote sa tandem ko.
"Vote for Torres-Rustan!" paalala ko bago umalis ang dalawang babae sa harapan namin.
"Is it okay for the First Lady to be handing out flyers? This job doesn't fit you."
Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Isa na namang familiar na mukha ang bumati sa 'kin. Halos nalaglag ang panga ko nang makita ang Torres-Rustan badge sa kuwelyo ng blouse niya. Nagawi ang tingin ko sa lalaking katabi niya bago muling ibinalik 'yon sa kaniya. Ilang buwan ko na ring 'di nakikita ang pagmumukhang 'yon.
"P-Priscilla?!" bulalas ko. Kinusot ko ang aking mga mata para makasigurong 'di ako nagkakamali. The hairdo. The eyes. The facial structure. That's definitely her! "What are you doing here?"
"Fab," si Castiel ang sumagot, napamuwestra sa kasama. "Meet our deputy campaign manager, Priscilla Mercado."
"D-deputy campaign manager?" Lalo pang nalaglag ang panga ko. Seryoso ba 'to? Talagang winelcome siya ni Castiel sa campaign team?
"I know you have some doubts about me." Mabuti't alam ni Priscilla. "Let me summarize it in two sentences: I used to be Team Alaric. Now, I'm Team Priam. Enough na ba 'yon?"
Binalingan ko si Castiel. Wala akong kapangyarihan na makipag-communicate sa kaniya telepathically, pero sana'y maipabatid ko sa kaniya ang gusto kong sabihin gamit ang tingin.
"Don't worry," sabi niya. "She's not here to spy or anything. I had her vetted already."
Kay Castiel na mismo galing 'yon, kaya malamang ay wala ngang risk na kasama namin siya. Could anyone blame me kung may trust issues ako sa kaniya? Ilang beses niya rin akong sinubukang pigilan sa gusto kong gawin no'ng siya ang publicity manager ng Romeo and Juliet production. Naging sakit sa ulo ko siya no'n. But if she's truly on our side now, magiging asset siya sa campaign.
"Welcome to Team Priam, I guess?" Inalok ko ang aking free hand sa kaniya. Smiling, she shook hands with me. "Let's make sure he wins a second term, okay?"
"I'm on your team so that's almost a guarantee." Nakapamaywang siya habang inililibot ang tingin sa paligid. "My main objective is to convince more of my fellow tigers not to vote for Alaric. It will be a challenge, especially since he wields considerable influence in our college. Pero kailan ko pa ba inurungan ang isang pagsubok?"
"My exposé isn't enough to fully destabilize the CBA's support for that Prick," dagdag ni Castiel at saka bumuntong-hininga. "Marami pa rin siyang loyalists na willing bumoto sa kaniya kahit ano pang dumi ang ungkatin natin."
Speaking of exposé, nakapagtataka na walang ginawang legal action ang pamilya ni Alaric magmula nang ibulgar ni Castiel ang katotohanan sa kaniyang binti at sa pumanaw niyang kapatid na si Cassidy. Akala nami'y magkakaroon ng kasuhan. 'Di lang si Alaric ang nadamay, maging ang lolo niyang chancellor ay na-name-drop sa pa-tsaa ni Castiel. But for some reason, 'di 'yon dumating. Bakit kaya?
Sakali mang meron, naikuwento ni Priam sa isa sa lunch dates namin na ready si Tito Billy—yes, Tito Billy na ang tawag ko sa kaniya, 'di na Tito William—na i-represent si Castiel pro bono. Mukhang may nahanap siyang butas para malusutan nito ang paglabag sa non-disclosure agreement.
"We have no chance of converting his solid voters," pailing-iling na sabi ni Priscilla. "So we're gonna focus more on the soft voters. All they need is just a nudge to lure them away from Alaric's side."
"Meron pa ba kayong pasabog laban sa kaniya?" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. I might be Priam's First Lady, pero 'di ako masyadong nakikialam sa desisyon at nakikisali sa discussion ng campaign team. That wasn't my world to begin with.
"We have one more trump card against him." Nagbato ng tingin si Priscilla sa 'kin. "Reynard's exposé. Tabitha and I are now pressuring The Herald's managing editor to publish the article. She's an Alaric supporter so it may take time. Hopefully, she changes her mind before election day."
"Once that article comes out and more students get to read it, we will be able to peel that prick's soft voters away from him," dugtong ni Castiel. Napahawak ang parehong kamay niya sa ulo ng kaniyang walking cane. "Just imagine their reaction when they learn that prick is the reason Candice Delavin was disqualified and humiliated, why Priam was stabbed multiple times, and why your ex-boyfriend lied about you."
"Me, Brandon, and Mitch have corroborated the claims against Alaric." Napapalatak si Priscilla sabay iling. "It's gonna be over for him soon."
"Mukhang sure win na talaga, ah?" hirit ng kabigan ko na lumapit sa 'min matapos mamigay ng flyer sa 'di-kalayuan. "By the way, I'm Belle! Best friend ako ni Fab."
"Thank you for volunteering, Belle," nakangiting tugon ni Castiel. "The campaign team appreciates your support and efforts."
Mukhang nag-a-align na ang mga bituin at pumapabor ang sitwasyon kay Priam. 'Di pa nagsisimula ang botohan at wala pang boto na nabibilang kaya ayaw ko munang mag-celebrate nang maaga. But if this would go on, mukhang panalo na siya. Sana nga.
"Yen?"
Only one person could call me by that nickname. Once I heard it, alam ko na kung sino.
"Yes, Yam?" Humarap ako sa kaniya para batiin siya ng matamis kong ngiti. Kasama niya si Tabitha na nakapayong at nakasuot ng sunglasses. Gano'n ba katirik ang araw ngayon? Parang. Pero 'di namin napansin ni Belle kanina dahil sobrang focused namin sa pamimigay ng flyers.
"I appreciate what you're doing for the campaign, but you don't have to overexert yourself." Nilapitan niya ako at nakipagbeso. Inalis muna niya ang takip ng isang bote ng tubig bago inalok sa 'kin. "Drink some water first. Stay hydrated lalo't umiinit na ngayon."
"Thank you!" tugon ko pagkatanggap sa bote. Halos nakalahati ko ang laman nito sa isang deretsong inom. Parang may kakaiba sa tubig. 'Di ko alam kung dahil uhaw ba ako o talagang masarap ang lasa nito. O baka dahil galing sa boyfriend ko kaya gano'n? Pagkatapos uminom, napansin kong may nakatutok na phone sa 'kin. "Hey! Vinivideohan mo ba ako?"
Bahagyang ibinaba ni Priscilla ang hawak niyang device kaya bumungad sa 'kin ang kaniyang ngiti. "I'm here to take candid photos and videos of you. Parang behind the scenes ng campaign. Students might be interested in seeing what their candidates do outside of official campaign events."
"Do you need to film us doing random stuff?" may pag-aalangang tanong ni Priam, maging siya'y 'di comfortable. Ganito rin ang ginawa sa 'min ni Colin dati. "Shouldn't we focus more on our vision for the student body? I think that's what matters more to them."
"We've already got that covered through your campaign pubmats and speeches." Tuluyan nang ibinaba ni Priscilla ang kaniyang phone. "Ngayon, ipakikita natin na mga tao rin kayo gaya ng mga boboto sa inyo. The more they relate to you, the more likely they are to vote for you."
"Plus, elections are circuses." Tinulak ni Castiel ang kaniyang salamin pataas sa bridge ng ilong niya. "We have to put on the best and most entertaining show in town if we want to win. The more audience we draw in, the higher our ticket sales will be, the more likely we are to win this thing."
"Our campaign has both the substance and the entertainment—a perfect combination for victory."
"Meanwhile, the other camp only has drama and controversies. Definitely not a winning formula."
"Right."
Sabi ko na nga ba, magkakasundo ang dalawang 'to pagdating sa strategies.
Ilang araw na lang bago ang eleksiyon. Na-excite na akong malaman kung magbubunga ba ang mga pinaggagawa namin. Kahit nangunguna na sa survey ang boyfriend ko at mukhang mataas ang chance na manalo siya, posible pa ring bumaligtad ang sitwasyon. Ang importante'y ginawa at gagawin namin ang aming makakaya para manalo.
Win or lose, I'd always be here for Priam, just as he'd always been there for me.
♕
NEXT UPDATE: THREE CHAPTERS LEFT! Election day is here!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top